DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 4: The Past Part 3

☆

5/10/2025

Comments

 

until i'm over you

☆
Present time

Kier


ANG HABA ng daydream ko. Nawala sa isip ko na ka-chat ko nga pala si Jana.

Jana: Kier?
       My love?
       Kier?
       Aba! sini-seen mo lang ang messages ko, ah!
       Kiiieeerrrr!!!


Me: My loves, sorry. Natulala lang bigla.

Jana: K.


Me: My love, naman. Sorry na, o. Naalala ko lang kasi `yong una tayong nagkita, saka `yong first date natin.

Jana: Okay lang po. Nag-worry lang. Talaga? Sarap alalahanin, `no? Tatawag ako sa `yo.

Me: Sige. Sakto gusto ko talagang marinig `yong cute mong boses.

Tumawag sa akin si Jana at napagkuwentuhan namin ang tungkol sa nakaraan na sobrang sarap talagang balik-balikan.

Flashback continuation…


NAGISING ako nang maaga dahil kailangan kong planuhin kung ano ang gagawin ko sa first date namin ni Jana. Ganito pala ang pakiramdam kapag iyong babaeng idi-date mo, eh, iyong babaeng sa una pa lang ay ayaw mo nang magkamali ka. Iyong tipong dapat ma-impress agad siya. At mabigat-bigat ang karibal kong si Mr. Price Tag, kaya dapat matindi talaga itong first date namin.

Naghanap ako sa Internet ng malapit na fine-dining restaurant at nagpa-reserve. I believed that would be the best way to impress her kahit hindi ko ugali ang manlibre sa ganoong kamahal na lugar. 

Four PM ang date namin ni Jana at sa park muna kami magkikita. Excited na ako. Kaya two PM pa lang, nakaligo na ko. Nagbihis na rin ako at nag-ayos ng sarili. I wore a blazer on top of my white T-shirt, jeans, and a pair of white sneakers. 
Kinakabahan talaga ako. Nag-rehearse ako sa harap ng salamin kung paano ko babatiin si Jana mamaya. Kahit alam kong ang vain ng ginagawa ko, eh, sa kabado ako.

Hinawi ko ang buhok ko habang nakaharap sa salamin at nag-practice. “Hi, Jana. Ang ganda mo ngayon, ah?... Mali baka sabihin niya, ngayon lang siya maganda,” sabi ko.

Si Pogi, nanonood lang sa akin. Kung nagsasalita lang talaga siya malamang tawa na siya nang tawa sa ginagawa ko. `Buti na lang, hindi.

Nag-practice uli ako. Yumuko ako bago dahan-dahang  tumingin uli sa salamin. “Hi, Jana. Kasingganda pala ng mga bituin ang mga mata mo… Teka, ang baduy. Ano ba’ng ginagawa ko?” tanong ko sa sarili ko.

Tumahol si Pogi.

“Oo na! Vain na kung vain. Ang hirap, eh. Ang ganda kasi ni Jana,” sabi ko, saka napabuntong-hininga. “Bahala na si Batman!”
I had spent the rest of the time before the date planning for it. Inisip ko rin kung ano ang mga topic na dapat kong i-open para hindi ma-bore sa akin si Jana. Sobrang kinakabahan talaga ako.

Three forty-five PM nang mag-decide akong pumunta na sa park para hintayin siya. Nang makarating sa park, nagulat ako. Nandoon na si Jana at tahimik lang na nakatingin sa phone niya. Mukhang excited din yata siya? Pero wrong move, dapat ako ang nauna. Mali!

Nilapitan ko si Jana. “Hi, Jana! Sorry late ako. Kanina ka pa ba?”

Nagulat siya. “Oh! Hi, Kier! Sorry... Uhm... no, you’re not late.” Parang bigla siyang nahiya sa akin. “Wala lang akong magawa sa bahay kaya maaga ako dito. It’s not that I’m excited or what, ah?” paliwanag.

“Ah, I see. Basta ako, excited sa date natin,” sabi ko.

“Ikaw talaga,” sagot niya. Namula na naman ang mga pisngi niya.

Inalok ko na kumapit siya sa braso ko. “`Lika na. Medyo malayo `yong pupuntahan natin, eh.” 

Kumapit naman si Jana sa braso ko. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya at ganito kami na sobrang dikit. Pakiramdam ko, ang guwapo-guwapo ko.

Sumakay kami ng taxi. Tinatanong niya kung saan ba kami pupunta. But I kept on changing the topic and just telling her that it would be a surprise.

After thirty minutes, nakarating din kami sa isang napakaeleganteng restaurant. Iyong tipong ang mga kumakain sa loob, mga mayayaman. May tumutugtog pa ng piano at violin sa loob. 

Pagpasok namin, sinalubong kami agad ng usher. “Good afternoon, Sir and Ma’am!” 

“Hi, reservation for Kier de Leon. A table for two, please,” sagot ko sa usher.  

Nag-check siya sa reservation list at nakita naman niya ang pangalan ko. “Welcome to Italia Ilaya, Mr. Kier de Leon,” sabi niya at inasikaso na kami papunta sa table namin.

Napansin kong tahimik lang si Jana. Parang hindi yata siya na-impress sa pinagdalhan ko sa kanya.  Inisip ko na lang na baka nahihiya siya. Tumingin siya sa menu. 

I cleared my throat. “So… What would you want to eat?”

“Can we go home?” bigla niyang tanong nang hindi nakatingin sa akin.

Nagulat naman ako. “Uhmm… we just got here, why?” Hindi umiimik si Jana kaya nagtanong uli ako. “Hindi mo ba nagustuhan dito? We can go somewhere else nicer than this.”

Biglang tumayo si Jana. “Sorry, Kier.” At nag-walk out.

“Jana, wait!” Hahabulin ko sana siya kaya lang ay pinigilan ako ng usher.

“Going out already, Sir?”

“Sorry, please cancel my reservation,” sagot ko.

Nasa labas na si Jana at naghihintay ng taxi nang mahabol ko siya. “Jana, wait! Ano’ng problema? Ayaw mo ba ng pagkain doon?” tanong ko.

Humarap siya sa akin. Mukha siyang disappointed. “Kier, what are you doing?”

“I am trying to impress you,” sagot ko. “I just thought that this is how I’ll make you feel you are special,” dagdag ko pa.

“Why do you have to try so hard to the point where it seems that it isn’t you?” tanong niya. “Why don’t you just be yourself?”  tanong uli niya. “This is why I don’t like Andrew. I don’t need any luxuries. I thought you are someone different. Nagkamali pala ako, Kier. Thanks for bringing me here anyway.”

Dumating ang isang taxi at agad siyang sumakay roon. Natigilan ako kaya hindi ko na siya nagawang pigilan pa. Hindi ko maintindihan kung ano ang mali. Mahirap talagang intindihin ang mga babae, parang panahon, parang global warming.
Minabuti kong umuwi na lang sa apartment. Tuwang-tuwa si Pogi pagdating ko. Siguro akala niya, maganda ang kinalabasan ng date namin ni Jana.

“Hey, buddy! Sorry I failed,” sabi ko sa aso at pinakain ko na lang siya ng dog food.

Humiga ako agad sa kama at hindi ko na nagawang kumain dahil hindi rin ako gutom. Tulala lang ako sa kisame, iniisip ko kung saan ako nagkamali. Hindi maalis sa isip ko si Jana. Tiningnan ko ang mga picture sa Facebook habang iniisip kung may chance pa ba kami. Sayang talaga. Natulala na lang ako uli sa kisame nang makita ko na ang lahat ng pictures sa account niya.

Sa hindi malamang dahilan, biglang tumahol si Pogi. Bigla akong nagising sa pagkakatulala. Tiningnan ko si Pogi. Napatingin din ako sa laptop ko at sa malalaki kong speakers. Ilang saglit pa, may bigla akong naisip.

Hinawakan ko ang mukha ni Pogi at hinaplos siya sa ulo. “Ang galing mo talaga, Pogi! Tama ka!”

Inilagay ko ang dalawang speakers sa backpack at kinuha ko ang tali ni Pogi. Tiningnan ko sa FB kung saan nakatira si Jana. Nang makita kung saan, nagmadali kaming lumabas ni Pogi kahit gabi na para puntahan si Jana.
I won’t give up! Si Jana ang pagkakataon na hindi ko palalampasin.

On our way to Jana’s house, naisip kong bumili ng flowers. Nakita kong magsasara na ang flower shop ni Aling Evang kaya tumakbo kami ni Pogi papunta doon.

“Aling Evang!” sigaw ko habang nagmamadali papunta sa kanya.

“O, Kier, gabi na, ah? Ano’ng problema?” tanong ni Aling Evang.

Hinahabol ko pa ang hininga ko nang makalapit ako sa kanya. “Aling Evang, baka meron ka pang kahit na anong bulaklak diyan? Emergency lang,” tanong ko.

“Meron pa kong nakalabas na sampaguita dito. Ano ba’ng emergency mo? Multo ba?”

“Aling Evang, naman, eh. Para sa babaeng gustong-gusto ko `to,”  sabi ko. “Saka bakit sampaguita para sa multo?”

“Ewan ko. Ikaw, alam mo?”

Napakamot-ulo na lang ako sa sagot ni Aling Evang. Muli ko siyang kinulit para pagbentahan ako ng bulaklak. “Dali na, Aling Evang. Kailangan kong mag-sorry doon sa nililigawan ko, eh.”

“Hindi mo naman sinabi agad, eh. Heto, o, sunflower,” sagot niya at iniabot sa akin ang tatlong malalaking sunflower.
“Gabi na, Aling Evang, bakit sunflower ang ibibigay ko? Wala na bang iba?” tanong ko.

“Wala na, eh,”  sagot niya.

“Sige na nga puwede na ito.” No choice, kinuha ko na lang ang bulaklak.  “I’ll just improvise. Magkano po?”
“Libre na para sa inyo ni Pogi. Good luck sa `yo,” sagot ni Aling Evang.

Pinasalamatan ko siya at nagmadali na kaming pumunta ni Pogi kina Jana.

Nang makarating sa street kung saan ang bahay nina Jana, tiningnan ko sa phone ko ang mga picture ni Jana para makakuha ng hint kung nasaan ang bahay nila. 

Then I stumbled upon an elegant house.

“Buddy, I think this is the place,” sabi ko kay Pogi. “Hold on to this, bud.” Ipinahawak ko sa aso iyong bulaklak sa pamamagitan ng bibig niya. Para paglabas ni Jana, si Pogi ang una niyang makikita.

Inilabas ko ang speakers mula sa backpack at isinaksak ang phone ko doon gamit ang chord. Good thing, naimbento na ang mga speaker na may battery at puwedeng i-charge. Puwede ka nang magpatugtog kahit saan.

Nag-text muna ako kay Jana para sure na gising pa siya.

Me: Jana. Still awake? Please see me. I’m outside your house.
Jana: What?!


I grabbed the opportunity to surprise her. Pinatugtog ko ang kanta ng Brownman Revival na “Sorry  Na, Puwede Ba” habang nakaharap sa bahay nila. Intro pa lang ng kanta, nagpasikat na ako. Hawak ko iyong dalawang speakers at itinaas ko ang mga iyon.

Mukhang hindi man lang ako sinisilip ni Jana sa bintana niya. Mukhang nag-text uli si Jana kaya binitawan ko muna iyong isang speaker.

Jana: You’re facing the wrong house. Turn around.

Oops! Epic fail!

Tumalikod kami ni Pogi at humarap sa isang simple pero magandang two-storey house. Nakadungaw si Jana sa may bintana at pinapanood kami.

Chorus na ng kanta kaya minabuti ko nang sabayan iyon. “Buhay ko’y na sa `yo. Matitiis mo ba ako, o, baby! Huwag sanang magtampo! Sorry, puwede ba? Oh, yeah! Sorry na, puwede ba?”

Feel na feel ko iyong kanta kahit parang sintunado pa yata ako at pilit na inaabot ang matataas na tono. Kitang-kita ko na natatawa na si Jana sa ginawa ko.

“Hoy! Ang ingay mo! Natutulog na kami!” sigaw ng kapitbahay nina Jana. 

Pinatay ko na ang music. “Sorry po,” sagot ko, saka binalingan si Jana. “Jana, please mag-usap tayo! I’m so sorry!” sigaw ko.
​
Nawala si Jana sa bintana at parang bumaba na yata. Bumukas ang ilaw sa bakuran nila pati na ang pinto. Nag-ready naman ako agad.

“Pogi, huwag mo munang bibitawan `yong flowers, ah? Parating na siya.”

Sa kabilang banda, nakalimutan ko na strict nga pala ang mama niya. Baka iyon pa ang lalabas sa pinto. Patay!
next chapter
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly