DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Epilogue

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier

NAGMADALI ako sa pagbukas ng pinto para makita ang aso ko. Tahol na nang tahol si Pogi na parang excited nang makita ako. Binuksan ko ang gate ng bahay at tumambad sa akin si Alleiea kasama si Pogi.

“H-hello, Sir Kier! Aso n’yo po ito, `di ba?”

“Oh, my God! Buddy!” Iniabot ni Alleiea sa akin ang aso ko at agad ko naman iyong kinarga. “I missed you, buddy. Please don’t run away from me again.” Bumaling ako sa secretary ko. “Alleiea, maraming salamat. Saan mo siya nakita?”

“Doon po malapit sa bahay. Galing ka po ba ng sementeryo kahapon, Sir Kier? Malapit kasi ang bahay namin doon kaya nakita ko siyang pagala-gala sa kalye namin.”

Speechless ako. I was worried sick about my dog. Mabuti na lang, si Alleiea ang nakakita. Dahil sa saya niyakap ko siya. “Thank you, Alleiea.”





Seven months later…

Naging sobrang busy ako sa trabaho. Miss na miss ko na si Valerie. Hanggang ngayon nagsisisi pa rin akong pinalampas ko ang pagkakataon na mapasaakin siya. Kumusta na kaya siya sa Korea? Sila na kaya ni Shane?

Ako ang huling lumabas ng opisina at nauna na ang dalawa naming kasama. Si Alleiea naman ay naka-maternity leave na. Paglabas ko ng building, nakatanggap ako ng tawag mula sa isang unregistered number. Sinagot ko naman iyon.

“Hello?”

“Kier... Si Shane ito. Magkita tayo ngayon sa airport. There is something you have to do.”

Hindi ko na nagawang magtanong kung bakit dahil bigla niyang ibinaba ang tawag. Pero boses nga iyon ni Shane. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Damn! Baka tungkol iyon kay Valerie.

Nagmadali akong sumakay sa kotse at mabilis na nagmaneho papunta sa airport. Pagdating ko roon, pumunta ako sa waiting area ng arrival. Ilang saglit pa, natanaw ko si Shane na naka-sunglasses at black cap. Kinawayan ko siya nang makita ako ay nilapitan niya ako agad.

“Shane, bakit ka nandito? Ano `yong sinasabi mong kailangan kong gawin?”
Lumingon si Shane sa likuran at nakita ko si Valerie na nakatayo sa di-kalayuan.

“I tried to make her happy. But it seems that the only one who can make her happier is you. I am letting her go and I don’t want you to mess it up this time, okay?” sabi ni Shane.

Parang huminto ang mundo ko. Hindi ako makapaniwala na nandito si Valerie. Na bumalik siya. Para sa akin ba? Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanya habang tinititigan siya. Ano ang sasabihin ko? Bakit parang naduduwag ako.

Biglang tumunog ang phone ko kaya nasira ang moment na dapat ay paglapit ko kay Valerie. Hindi ko dapat iyon papansinin pero ring nang ring kaya sinagot ko na.

“H-hello, sino ito?”

“Sir Kier, si Alleiea po. Please help me manganganak na po ako!”

It was a matter of emergency kaya nag-alala agad ako. “Alleiea, nasaan ka? Can you hold on?”

Tumalikod ako kay Valerie at akma na sanang aalis pero pinigilan ako ni Shane.

“Kakasabi ko pa lang na don’t mess it up. Where do you think you’re going?”

“It’s an emergency, Shane. A friend of mine is about to deliver her baby,” sagot ko.

“Give me that!” Kinuha ni Shane ang phone ko. “Ako na ang tutulong sa kaibigan mo. Go get her.”

Pagtingin ko kay Valerie, nakatalikod na siya at naglalakad na uli papasok sa arrival area.

“Shane, ikaw na ang bahala. This time, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon.” Tumakbo ako para habulin si Valerie at nang malapit na ako, tinawag ko siya.

“Valeng, wait! Please... Listen to me first. Valeng, I am really sorry. Patawarin mo sana ako sa lahat ng hirap na dinanas mo nang dahil sa akin. Sa lahat ng sakit na naidulot ko sa `yo. Huwag kang umalis please. You were always there for me. Hindi mo ako iniwan, through my sorrows and sadness you were there. Ikaw ang tumulong sa aking sumaya uli. Ikaw ang dahilan kung bakit may dahilan pa rin ang buhay ko. `Di ko na kakayanin kung mawawala ka nang tuluyan. Ikaw ang nag-iisang dahilan ng kasiyahan ko. Hindi ako kompleto kapag wala ka. I love you, Valerie, and this time, I really know that I do. I’ll cherish every moment with you. I, uhm... I can’t live without you.”

Hinintay ko ang isasagot niya. Tahimik lang siya na nakatalikod sa akin. Ilang saglit pa, humarap siya at niyakap ako.

“Akala ko magiging masaya ako sa pag-alis ko. `Yon pala, maiiwan lang ang puso ko. Ngayon bumabalik ako para sa `yo. Lalo na ngayong alam ko nang mahal mo rin ako,” sagot ni Valerie.

“Mahal na mahal,” dagdag ko.

Tinitigan ko siya sa mga mata at ganoon din siya sa akin.

“Am I dreaming?” tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko.

“Shut up,” sabi niya at bigla akong hinalikan. Nagtagpo ang aming mga labi na parang ang mga iyon ay para talaga sa isa’t isa.

We kissed like there was no tomorrow. We kissed like we didn’t want to lose each other again. We kissed as we felt the love from each other. We kissed like we owned the world. We kissed like this was the start of a new beginning.








Alleiea

LALABAS na ang baby ko at ang masama pa... bakit kasi ang layo ng ospital dito sa amin? `Tapos ang ambulance, sobrang tagal pa. Wala pa sina Mama at Papa. Hindi dumating si Sir Kier nang makiusap ako sa kanya. Pero dumating naman ang pogi niyang friend, si Sir Shane. Nakasakay ako sa kotse niya at nagmamadali siyang nagmaneho para madala ako sa ospital.

Ang suwerte ko. Sikat na artista pa ang magdadala sa akin sa ospital. Kahit masakit ang puson ko, kinikilig ako nang very, very light. 

“Hold on. Malapit na tayo,” sabi ni Shane. Ang pogi niya kahit mukha nang nag-aalala.

Nakarating kami ng ospital at agad siyang bumaba ng sasakyan. Binuksan niya ang pinto sa upuan ko at kinarga ako palabas. Oh, my God talaga nang very, very hard! 

Baby, huwag ka munang lalabas, karga pa si Mommy ng Prince Charming niya. 

Inihiga ako ni Shane sa isang stretcher sa tulong ng mga nurse. Madali nila akong dinala sa delivery room. 

“Oh, my God! Please hurry lalabas na siya!” sigaw ko. Dahil may kung anong tubig na naramdaman kong parang pumutok sa ibaba ko.

“Relax ka lang. We’ll be in the room soon.” 

Sinamahan ako ni Shane at hawak-hawak niya ang kamay ko habang dinadala ako sa delivery room. Nang makarating doon, naiwan siya sa labas at nagsimula na akong manganak.

Matapos ang isang oras, nailabas ko rin si baby. Grabe, sobrang hirap at nakakapanghina pero napawi ang lahat ng iyon nang makita ko ang mukha ng anak ko. Kamukhang-kamukha ko siya.

“It’s a baby boy. Ano’ng ipapangalan mo sa kanya?” tanong ng doktor at ipinakarga sa akin ang baby ko.

Marami na akong naisip na pangalan pero para bang nawala lahat sa isip ko ang lahat ng iyon after ko manganak. Ang nasa isip ko lang, masaya ako dahil malusog ang baby ko.

“Hindi makasagot si Misis. Mabuti pa, tawagin n’yo `yong daddy sa labas,” sabi ni Doc. 

Hala mukhang napagkamalan pa nila na si Shane ang daddy ng baby ko.

Pagpasok ni Shane, nakita niya ang baby ko at napangiti siya. Siguro mahilig lang talaga siya sa mga baby. 

“Kumusta kayo? Okay ba kayo?” tanong niya habang nakangiti pa rin.

“Sir Shane... Uhm, puwede ko bang ipangalan sa inyo ang anak ko?”

Lalong lumuwang ang ngiti sa mga labi ni Shane at tumango siya. “Oo naman.”

“Salamat, Sir Shane.” Tumingin ako kay baby ko at kinausap siya. “Mula ngayon, baby, ikaw na si Shane Bier. Dapat maging kasingguwapo ka ng pinagkuhaan natin ng pangalan, ah?” Muli akong bumaling kay Shane. “Maraming salamat, Sir Shane. You saved us both.”






Valerie

DALAWANG taon na ang nakakalipas simula nang gawin ko ang pinakatamang desisyon sa buhay ko. Kasama ko araw-araw ang taong mahal ko—ang taong dati ay kinaiinisan ko lang at gustong-gusto ko lang pagtripan. Pero ngayon, ang taong iyon ay nagbibigay sa akin ng dahilan para mabuhay.

Nasa airport kami ngayon para sunduin daw ang client niya para sa isang kaso.

“Naaalala mo pa ba ang lugar na ito, baby?” tanong ko.

“Huh? What do you mean?” balik na tanong ni Kier sa akin.

“Nakakainis `to! Dito tayo nagkakilala!”

“Ay, dito ba `yon? Sorry hindi ko naalala, eh,” sabi niya habang kumakamot pa sa ulo.

Nakakainis! Hindi ba dapat memorable ang lugar na ito para sa amin? Bahala siya. Hindi ko siya kakausapin.

Ilang saglit pa, napansin niyang hindi ko siya kinakausap.

“Baby? Bakit tahimik ka yata?” tanong ni Kier.

“Wala!”

“Baby, naman. Ano’ng problema? Gutom ka na ba? Naiinip ka na ba? Don’t worry parating na `yon,” nakangiting sabi niya.

Aba! Nakangiti ka pa, ah. Naiinis na talaga ako!

“Okay,” sabi ko at binigyan siya ng fake smile.

Tinawanan ako ni Kier habang nakatitig sa akin na hindi ko alam kung bakit.

“Ano’ng problema mo?” Sinungitan ko siya.

“Ang cute mong magalit, eh. Saka ang ganda mo talaga.”

“Eh, di wow! Hindi ako maganda!”

“Galit ka na?” tanong ni Kier. 

Nakakaasar iyong tanong niya sabay nakangiti. `Kainis! Iiwan ko talaga `to dito, eh.

Hindi ko na lang siya pinansin at hindi na tiningnan. Pero nakatitig pa rin siya sa akin habang nakangiti. Pang-asar talaga!

“Tsk!” Tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ni Kier dahil medyo natitinag na ang inis ko sa kanya sa titig niyang nakakakilig. “Ano ba’ng problema mo? Bakit mo ba ako tinitingnan nang ganyan?” tanong ko.

“Wala, masaya lang ako sa naging desisyon ko na mahalin ka habang-buhay,” sagot niya.

“So parang nag-decide ka lang na mahal mo ako hindi `yong bigla mo lang naramdaman?” tanong ko.

“Of course not. Baby, love is not just a feeling, it’s a decision. Ang feelings nawawala. Paano kapag one day wala ka nang feelings sa akin, ano ang gagawin mo?” tanong ni Kier.

“Hindi mangyayari `yon!” giit ko.

“What if?”

“Eh, di ibabalik ko agad. Lagi kong ibabalik dahil...” Naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinawakan sa pisngi.

“Because you decided to love me for life, isn’t that right?”

Tumango ako sa sinabi ni Kier. Seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. Hindi namin alintana ang mga tao sa paligid. Kapag kasama ko siya, nawawala lahat at kami na lang ang natitira.

“See... Love is a decision, not just a feeling. Now I’ve decided...” sabi niya at biglang lumuhod sa harap ko. 

Napahawak ako sa aking bibig para pigilan ang kilig na nararamdaman.

“Maria Valerie Magtalas, mahal kita kahit dragon ka. Mahal kita kahit hindi ka masarap magluto or kahit hindi ka marunong maglinis ng bahay. I need a wife not a maid. Mahal kita maging ano or sino ka pa. Mahal kita kahit K-pop fan ka. I love your flaws and everything about you. I can’t live without you anymore...”

Lalo akong kinilig na parang gusto ko nang tumili at tumalon sa saya nang bigla niyang ilabas ang isang diamond ring.

“Valeng dragon ng buhay ko, will you marry me?”

Tumulo ang luha sa mga mata ko. Naiiyak ako sa tuwa. Sobra akong na-touch. “Yes! Yes! I will marry you, Kier puppy ng buhay ko!” sagot ko dahil hindi na dapat palampasin ang pagkakataon.

Isinuot niya sa daliri ko ang singsing, saka tumayo at hinalikan ako. Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid at binati kami.

Niyakap niya ako nang mahigpit at muling hinalikan. “Wala talaga tayong hinihintay rito. Gusto ko lang mag-propose kung saan tayo unang nagkita. Dito sa lugar na `to may nawala sa buhay ko, pero dito rin pala sa lugar na ito darating ang magbibigay-kahulugan sa buhay ko,” sabi niya.

Kinikilig talaga ako. Akala ko nakalimutan talaga niya ang lugar na ito. Excited na akong maging Mrs. de Leon.

“Kailan tayo magpapakasal?” tanong ko. Excited na talaga, eh.

“Now!”

“Huh? What do you mean?”

Hinawakan ni Kier ang kamay ko nang mahigpit at lumabas kami ng airport. Paglabas namin, may isang puting kotse na may mga bulaklak sa harap na naghihintay sa amin.

Bumukas ang bintana at nakita ko si Papa na nasa driver seat. “Hello, anak! Ready ka na bang ikasal ngayon?

Tumingin sa akin si Kier na parang naghihintay ng sagot.

“I’m not ready but I don’t care. Let’s get married, baby!” sabi ko kay Kier.

Sumakay kami ng kotse at hinatid kami ni Papa sa isang park.

“Dito tayo ikakasal?” tanong ko.

“Yup!” 

Bumaba kami ni Kier ng kotse at sinalubong ng mga kaibigan namin.

Nandito si Mingay, si Mama Evang na kakakasal lang kay Papa, a year and a half ago, si Karlo na mukhang single pa rin, sina Rex at Cheska na magka-holding hands, mukhang sila na. Nandito rin ang mga dati kong kagrupo, sina Ate Candice, Angel, Keila, pati ang manager namin na si Miss Ange. Nandito rin ang staff and crew ni Ma’am CJ, mukhang sila ang maghahanda para sa reception. Nandito rin ang mga malapit na kamag-anak namin ni Kier.

Nagulat talaga ako. Wala akong kaalam-alam na may isinet up na ganito si Kier.

Sinalubong din ako ng parents ni Kier na hindi puwedeng mawala sa araw na ito. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari.

“Bes!” tumitiling sigaw ni Mingay “Kasal mo na!”

Abot-tainga ang ngiti ko sa lahat ng nakikita ko ngayon. “Oo nga, eh. Grabe wala akong kaalam-alam na ngayon na ako ikakasal. Kita mo naman ang suot ko, bes, T-Shirt at jeans lang,” sabi ko.

“Huwag kang mag-alala, bes. Naayos na baga ni Kier ang lahat. May portable room kami dito para makapagpalit ka. May gown ka na rin sa loob.”

Tama nga si Mingay. May portable rooms nga sa paligid. Nakabihis na ang lahat para sa kasal namin. Ako na lang at si Kier ang hindi pa.

“Baby, excited na akong maging asawa mo kaya pupunta muna ako sa room ko para magbihis, ah? Bihis ka na rin. See ya later, my soon-to-be-wife,” sabi ni Kier, nginitian niya ako at kinindatan. Pumunta siya sa room niya para magbihis.

Hinila din ako ni Mama Evang at ni Mingay papasok sa room ko para makapagbihis. Sila ang nag-ayos sa akin. Pagkatapos, tumugtog na ang theme song namin ni Kier. “Ikaw” by Yeng Constantino.   

Mukhang ako na lang ang hinihintay para makapagsimula. Lumabas ako ng kuwarto. Lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Ginawa nilang parang isang simbahan ang park. May mga mahahabang upuan para sa lahat at punong-puno iyon ng mga bulalak. Sa gitna ay may pulang carpet kung saan kami maglalakad at sa may dulo ay isang altar para sa amin ni Kier na napapalibutan din ng mga bulaklak. Mukhang naubos pa ang tinda ni Mama Evang dito, ah.

Suot ang aking simpleng wedding gown, dahan-dahan akong naglakad papunta kay Kier na naghihintay sa akin sa altar. Kasama ko si Papa at si Mama Evang papunta roon.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero naiyak ako habang naglalakad papunta kay Kier. Sa haba ng pinagdaanan namin at sa mga problema na aming hinarap, hindi ko lubos akalain na sa bandang huli, kami pa rin.

Habang papalapit ako kay Kier, nakita ko na tumulo ang kanyang luha. Niyakap siya ni Papa at ni Mama Evang. Niyakap din ako ni Papa Joe at ni Mama Tina na sobrang ganda. Naiiyak pa si Mama Tina.

“Ikaw na bahala sa baby boy namin, ah? Masaya kami na ikaw ang nakatuluyan niya.” sabi ni Mama Tina.

“Huwag po kayong mag-alala, Mama, mamahalin ko po siya habang-buhay,” sagot ko.

Nang magkaharap na kami ni Kier, inalok niya ang braso niya sa akin. Kumapit ako roon at dahan-dahan kaming humarap sa pari.

“Baby, why are you crying?” tanong ko kay Kier.

“I just can’t believe na magagawa ko ang lahat ng ito. I just can’t believe na matutupad na ang pangarap ko. Ang pangarap ko na makasama ka habang-buhay.”

Nginitian ko siya at pinunasan ang luha niya. “I love you, baby. Nasorpresa mo ako nang sobra. Hindi ko alam na mangyayari ito.”

“I love you, too. Ako ang nasopresa mo nang dumating ka sa buhay ko.”

At siyempre, nag-umpisa na ang wedding ceremony namin. Mahaba pero nakakatuwa. We exchanged our vows and put our wedding rings.

“You may now kiss the bride,” sabi ng pari.

“Paano ba `yan kiss daw,” sabi ni Kier habang nakangiti at nakatitig sa akin.

Ngumiti ako at sobrang kinikilig sa loob-loob ko. Ang guwapo-guwapo ng asawa ko. Hinalikan namin ang isa’t isa. Halik na tanda na kami ay iisa na.

“Congratulations, Mr. Kier and Mrs. Valerie de Leon!”

Nagdiwang ang mga tao. Kanya-kanya ng bati sa amin ni Kier. Sobrang saya ko. Hindi lang ngayon kundi magpahabang-buhay dahil asawa ko na ang poging puppy na si Kier de Leon.

Unexpected. Pero `ika nga ng paborito kong author sa Wattpad; “Good things happen when you least expect it.”




Kier

I STILL couldn’t believe we ended up together after all the struggles and drama. With Valerie by my side, wala na akong mahihiling pa.

Natanggap naman ni Shane ang nangyari at ipinagpatuloy niya ang mga pangarap niya sa dito sa Pilipinas. Apparently, nagkamabutihan sila ni Alleiea. As time goes by, siya na ang tumayong daddy ni Baby Shane. Ang sabi niya, mas importante kung saan magiging masaya si Valerie. Ngayon ang minahal niya ay may dagdag na mamahalin din niya. So sabi niya, mas panalo raw siya. He was actually now my best friend, too.


Eight years later…


BUMISITA kami sa puntod ni Jana. Kasama ang pamilya ko at ang mga aso namin.

“Hi, Jana. Happy birthday. Sana masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. Siguro ikaw ang nag-guide kay Pogi para maging kupido ko, eh. 

Maraming-maraming salamat. You will never be forgotten,” sabi ko.

Biglang yumakap sa likuran ko si Valerie. “Daddy, gutom na raw sila. Grabe ang likot ng mga anak natin napagod ako.”

“Sige mag-pray lang tayo saglit then we will eat. Tawagin mo na ang kambal natin, Mommy,” sagot ko.

“Janno! Janna! Babies, come here. Magpi-pray na tayo for Tita Jana then we will eat!”

“Yes, Mom! Coming!”

Napakasarap sa pakiramdam. Alam mo iyong akala mo tapos na ang kuwento ng buhay mo nang mamatayan ka ng isang taong sobrang importante sa `yo pero hindi pa pala dahil sabi nga nila, kapag may umalis, may dumarating. Minsan sobra-sobra pa ang darating sa `yo.

Ako si Kier de Leon at dito nagtatapos ang kuwento ng puppy at ng dragon. 



WAKAS



Last part of Jana’s letter

Remember me, my love, I will always be in your heart.

P.S.

I know this good-bye is the hardest thing that you can accept. But I know for sure that someday you will move on. I want you to love again. Once you meet her don’t ever let her go. Actually, I think you have already met her and I am happy for you. I know for a fact that she can love you like I did or even better. I know you will be happy with her. Good-bye and may God always guide your way.

—Jana




Author's Message:

Congratulations on finishing this story! I hope I was able to give you an experience you won't forget. Don't forget to leave a comment and let me know about it. Feel free to read this story again anytime. Thank you so much for reading this piece. It means a lot.

- Joe
Back to Chapters
more stories
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly