DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 8: The New Taxi Driver

☆

5/11/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Present

Kier


“CONGRATULATIONS, anak! Ang galing-galing talaga ng anak ko,” bati ni Mama, sabay yakap sa akin nang mahigpit.

“Sabi ko na, magiging abogado talaga `tong anak kong `to. Manang-mana ka sa akin,” sabi naman ni Papa, sabay yakap din sa akin.

“Salamat po, `Ma at `Pa. Utang ko itong lahat sa inyo. Makakaasa po kayong susuklian ko ang suporta na ibinigay n’yo sa akin. Hindi ako makakapag-aral at makakapasa kung hindi kayo ang mga magulang ko,” sagot ko at bahagya pang naiyak.

“Huwag mo na kaming intindihin, anak. Matagal ko nang napaghandaan ang retirement namin ng mama mo at hindi mo kami responsibilidad. Mag-focus ka sa pagiging abogado mo. Mahalin mo ang trabaho mo at gawin mo ang tama. Masaya na kaming napatapos ka namin ng pag-aaral,” sabi ni Papa.

“`Ma, `Pa!” sabi ko, sabay yakap uli sa kanila. “Ang suwerte ko po at kayo ang mga magulang ko.”

Finally, pasado ako sa Bar exam, at isa na akong lawyer.

Attorney Kier de Leon. Ang sarap pakinggan. Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga ang lahat ng pagsisikap ko. Salamat sa mga magulang ko na laging nandiyan at kay Jana na naging inspirasyon ko sa pag-aaral.

“Tara na po, naghanda po sina Jana para sa araw na ito,” aya ko kina Mama at Papa.

“Mabuti pa nga, anak. Matagal ko nang gustong makilala si Jana,” sabi ni Mama.

Sumakay kami sa kotse ni Papa at dumeretso kina Jana. Ang tahimik ng bahay nila. Akala ko sabi niya, pupunta lahat ng mga kaibigan namin. Pumasok kami sa gate ng bahay at pagbukas ko ng pinto...

“SURPRISE!”

“CONGRATULATIONS, KIER!”

Nagulat ako sa mga sumalubong sa akin. Kaya pala ang tahimik ng bahay dahil nasa loob sila at isu-surprise nila ako.

Abot-tainga ang ngiti ko dahil sa ginawa nila, “Hey, guys! This is so sweet. Salamat sa inyong lahat.”

Kompleto kaming lahat. Nandito si Pogi, Si Aling Evang, `yong mga classmates and bandmates ko noong high school, si Sir Charlie, si Kuya Gilbert, at ibang mga kaibigan at kamag-anak namin ni Jana.

Pero hindi kompleto kapag wala ang aking one and only love. Ang aking diyosa. Ang pinakamagandang mukha na nakita ko. Ang babaeng matalino pero sintunado. Ang pinaka-grand prize ko sa araw na ito.

Si Jana.

“My love! Congratulations! Attorney Kier de Leon ka na. Ang galing-galing naman talaga, o,” bati ni Jana sa akin. Niyakap niya ako at binigyan ng kiss.

“Inspired ako sa `yo, eh,” sagot ko naman.

Nandito rin siyempre si Tita Jizelle. “Kier hijo, congratulations!”

“Salamat po, Tita.”

Kinuha ko ang pagkakataon para ipakilala ang parents ko kina Jana at Tita Jizelle.

“Jana, my love, these are my parents Mr. Joe and Mrs. Tina de Leon,” sabi ko.

“Finally, hija. Nagkita rin tayo. Kier has told me so much about you.  Salamat sa pagmamahal sa aming anak, ah?” sabi ni Mama at nakipagbeso pa kay Jana.

Nakipagkamay naman sa kanya si Papa. “`Glad to finally meet you.”

“Salamat po sa pagpunta. Nice to meet you po,” sagot ni Jana habang nakangiti. Ipinakilala rin ni Jana sa kanila si Tita Jizelle. “Siya nga po pala. This is my mom Jizelle.”

“Hello, mare,” sabi ni Tita Jizelle at nagbeso-beso sila ni Mama.

Nakipagkamay naman si Papa sa kanya. “Is it just Jizelle? Like Madonna? Rihanna? Sia?” biro niya.

Natawa naman si Tita Jizelle, “Oh, we don’t want to use our last name, just for papers though.”

Nagtawanan silang tatlo. Si Papa talaga palabiro.

“You guys catch up with your friends, just leave us adults here,” sabi ni Tita Jizelle sa amin ni Jana.

Nagpatuloy ang kuwentuhan at tawanan nina Mama, Papa, at Tita Jizelle. Habang kami ni Jana, pumunta sa mga kaibigan namin.

Nakita namin sina Aling Evang at Kuya Gilbert na nag-uusap habang umiinom ng wine.

“Aba naman si Aling Evang, saka si Kuya Gilbert, o. Pa-wine-wine na lang,” natatawa kong bati sa kanila.

“Uy, Sir Kier! Congratulations po,” bati ni Kuya Gilbert at kinamayan ako.” Maraming salamat po sa pag-imbita sa akin.”

“Hi, Jana! Hi, Kier! Congratulations!” sabi naman ni Aling Evang at nakipagbeso sa akin.

“Salamat po sa inyo.”

“Hmm.. It seems that you guys are getting along,” pang-aasar ko sa dalawa.

“Pareho po kaming walang kakilala dito, Sir Kier, kaya kami na lang ang nag-uusap,” paliwanag ni Kuya Gilbert habang nakangiti.

“Huwag kang magulo, Kier. Malay mo, madiligan na ako ngayon,” biro ni Aling Evang, sabay kindat kay Kuya Gilbert.
Nginitian naman siya ni Kuya Gilbert.

Ano ba `tong mga matatandang `to? Naglandian pa. 

“`Lika na, Kier, maiistorbo lang natin ang mga lovebirds dito,” sabi ni Jana. Nagpaalam na kami kina Aling Evang at Kuya Gilbert.

“Aling Evang, hinay-hinay lang, ah? Matagal nang hindi nagagamit `yan,” biro ko, sabay tawa.

Kinurot naman ako ni Jana sa tagiliran.

“Aray! I mean `yong puso ni Aling Evang matagal nang `di nagagamit,” paliwanag ko.

“Ikaw talaga, my love. Tara puntahan na natin ang mga kabanda mo dati,” sabi niya.

Pumunta kami sa may garden kung saan nag-uusap-usap ang mga kabanda ko dati. Sinalubong nila ako ng pagbati.

“`Ayun, o! Attorney Kier de Leon! Congrats, bro!” bati ni Rex.

“Insan, congrats!” bati ni Karlo.

“Hey, guys! Salamat. Salamat,” sabi ko at nakipag-highfive sa kanilang apat.

“Guys! Si Jana nga pala, girlfriend ko.”

Ngumiti si Jana at binati sila. “Hello po.”

“Jana, this is my former band, SZ Diary. This is Rex, drummer nila, at si Karlo, pinsan ko and second guitarist ng banda.” Hindi ko kilala iyong dalawa na bago nilang member kaya hindi ko naipakilala kay Jana.

Sabay-sabay nilang binati si Jana. “Hi, Jana!”

“Pare, wala na bang kapatid `yang si Jana?” pabirong tanong ni Rex.

Tumawa ako. “Wala na, pare. Nag-iisa lang `to at sa `kin na `to,” sabi ko, saka inakbayan si Jana.

Nagkuwentuhan kami tungkol sa gig ng banda at kung ano pang mga kalokohan na na-miss ko kasama sila.

Mayamaya pa, malambing akong binulungan ni Jana. “Kier, my love. May regalo nga pala ako sa `yo. Nasa kuwarto. `Lika kunin mo na.”

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok. “O-okay, L-let’s go.”

Hinawakan ni Jana ang kamay ko at hinila papasok sa bahay nila. Habang busy ang mga bisita, umakyat kami Jana sa kuwarto niya. Una siyang pumasok at sumunod ako. Pagpasok ko, nagulat ako nang bigla niyang ini-lock ang pinto.

I cleared my throat. “Ah, Jana, my love, baka magalit si Tita Jizelle, nag-lock tayo ng pinto.”

“Hindi `yan. Busy siya sa `baba. Saka...” She slowly undid my necktie and whispered to my ear.  “I’ve been waiting for this day.” She teasingly bit her lip then pushed me on the bed. “Wait here. Don’t move a muscle.”

Napalunok ako at nautal. “Y-yes, Ma’am!”

Pumasok si Jana sa banyo. Kinakabahan ako na nasasabik. Ano kaya ang surprise sa akin ni Jana?
Ilang saglit pa...

“Kier, my love, are you ready?”  sabi ni Jana sa likuran ng pinto ng banyo, may halong panunukso ang tono.

“R-ready na po, my love,” nauutal na sagot ko. Hindi na ko mapakali. Mukhang makakakuha ako ng magandang regalo. Yes!
She came out of the bathroom door, wearing a black, silky, and laced lingerie. “Hi, Kier, want to open your present?”

Oh, my… she’s so goddamn hot!

I rapidly nodded because of excitement.

“Well, you can’t have your present if you’re still wearing something,” mapanukso niyang sabi.

I immediately tried to take off my clothes but for some reason they won’t go off.

“What’s the problem, love?” she asked then she came closer to me. “Here, let me help you.”

Surprisingly, she was able to undo the buttons of my shirt. Then completely got me topless.

“Oh, Kier!”

I suddenly became under her spell. She pushed me to lie down on her bed, and then she started kissing me slowly from my neck to my lips.

“Oh, Jana!”

“Jana…”

“Jana, why are you using your tongue?”

“Jana...”

“My love...”

“Jana, bakit parang...”

“… parang amoy-aso ka?”

Nagulat ako nang tumahol si... Jana?

At bigla akong nagising dahil dinidilaan ni Pogi ang mukha ko. Basang-basa na ako ng laway niya. Yuck!

Panaginip lang pala ang lahat. `Kainis! Akala ko, totoo na.

“Pogi, naman, eh. Nandoon na ko, baby. Bakit mo ginising si Daddy?” nanghihinayang na tanong ko.

Tumahol si Pogi at kinagat ang kainan niya. Palatandaan iyon na gutom na siya. Agad akong bumangon at pinakain ang aso. 
Naupo ako, pagkatapos at saglit na natulala.

What a crazy dream. Aling Evang and Kuya Gilbert? No way! My eyes! I can’t unsee!

Graduate na ako? And Jana was about to give me that present? Damn! Sayang panaginip lang pala.

It had been a month since Jana started to work abroad. Sobrang busy na niya sa Saudi at madalang na kaming mag-usap. She still greeted me good morning and good night through chat and still sent me pictures every day but we didn’t talk very much like we used to. Kaya sobrang nangungulila na ako sa kanya. Kaya maging sa panaginip, sabik na sabik ako.

Holy, cow! Kaya pala gutom na gutom na si Pogi, late na akong nagising! Patay. Siguradong late na rin ako nito.

Nagmadali ako at naghanda sa pagpasok sa school. Couldn’t have my record broken. Perfect attendance kaya ako. `Buti na lang, may taxi driver akong maaasahan.

Agad kong tinawagan si Kuya Gilbert.

“Hello, Kuya Gilbert, pasundo naman po uli ako. Na-late po ako ng gising at kailangan ko pong magmadali.”

“Sige, Sir. Papunta na po ako diyan,” sagot ni Kuya Gilbert sa kabilang linya.

“Sige. Salamat po.”

Pagkatapos ng ilang minuto, ready na ako sa pagpasok. Hinihintay ko na lang si Kuya Gilbert… nang bigla siyang tumawag.

“Hello, Sir Kier, hindi po ako puwede ngayon. May sakit po ako at ayaw po akong paalisin ng anak ko, eh. Pero siya po muna ang pumalit sa akin, kung ayos lang po. Malapit na po siya diyan.”

“Sige po, Kuya. Hintayin ko na lang po `yong anak n’yo. Pagaling po kayo,” sagot ko.

Ilang saglit pa, may bumusina sa labas ng apartment. Paglabas ko ng pinto, natanaw kong nasa labas na ng taxi iyong anak ni Kuya Gilbert. Nakatalikod siya at nagse-cell phone.

Babae pala ang anak ni Kuya Gilbert.

Nilapitan ko siya. “Hi! Ikaw ba `yong anak ni Kuya Gilbert? Ako `yong susunduin mo. Puwede bang umalis na tayo kasi male-late na ako sa klase?” mahinahon kong tanong.

Nakatalikod pa rin siya nang sumagot. “Sige, sandali lang. Ang tagal mo kasing lumabas, eh,” sagot niya habang nagpipipindot pa rin sa phone.

Male-late na talaga ako. “Miss, sorry, baka puwedeng mamaya na `yan. Late na kasi ako, eh,” pakiusap ko.

Hindi umiimik ang babae at patuloy pa rin sa pagse-cell phone.

“Miss?” tawag ko at hinawakan siya sa braso.

“Ano ba? Sinabi nang—” naiinis niyang sabi at humarap sa akin.

Nang makita namin ang isa’t isa, sabay kaming nagsalita.
​
“IKAW?”
NEXT CHAPTER
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly