DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 6: The Past Part 5

☆

5/10/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Flashback continuation…

Kier


TODAY was the day that I would ask Jana to be my girlfriend. Siguro sapat na ang dalawang buwan na panliligaw ko sa kanya. Pero kung hindi pa talaga siya ready, I was willing to wait for her.

Magkikita kami ni Jana ngayon para kausapin ang president ng village na si Sir Charlie tungkol sa improvement ng park. 
​
Hindi ko kasama si Pogi nang magkita kami ni Jana. Dala-dala naman niya ang mga sample drawings niya. Naglakad lang kami papunta sa bahay ni Sir Charlie dahil malapit lang iyon. Malaki at maganda ang bahay ni Sir Charlie. Bagay talaga siyang president ng executive village namin dahil mayaman siya at mukhang siya iyong tipong hindi kurakot.  Nag-doorbell ako at nagulat kami ni Jana nang marinig ang doorbell—theme song ng Star Wars.

Si Sir Charlie ang nagbukas ng pinto dahil nasabihan ko na siya na bibisita kami ni Jana. “Kumusta, Kier? Pasok kayo,” bati niya sa amin.

“Good morning, Sir Charlie,” sagot ko naman. 

Maging si Jana ay bumati rin. “Good morning po.” 

Pumasok na kami sa loob. Inanyayahan kami ni Sir Charlie sa garden. Habang papunta doon, hindi inalis ni Jana ang tingin niya sa bahay na parang inoobserbahan ang pagkakagawa niyon.

“Sir Charlie. Siya nga po pala si Jana. Siya po `yong architect na sinasabi ko sa inyo,” sabi ko.

“Nice to meet you, Sir Charlie,” sabi ni Jana at nakipagkamay sa matandang lalaki.

“Please to meet you, hija,” sagot ni Sir Charlie.

Naupo kami sa sala set na nasa garden.

“Ito po `yong mga sketch ko for the park improvement,” sabi ni Jana at iniabot ang mga drawing niya. “As soon as you approve the project, I can begin creating a blueprint and show it to you,” dagdag pa niya.

Jana explained the entire project to Sir Charlie and how it would benefit the village. Manghang-mangha ako kay Jana. Kitang-kita mo na alam na alam talaga niya ang ginagawa niya. Bilib na bilib naman si Sir Charlie at mukhang nagustuhan ang mga gawa ni Jana.

“I must say, Kier, your girlfriend really have talent,” sabi ni Sir Charlie.

Nagkatinginan kami ni Jana at biglang nagkahiyaan. Sa tingin ko, namumula ang mukha ko at ganoon din siya. Hindi kami makasagot sa sinabi ni Sir Charlie.

“S-salamat po, Sir,” nahihiyang sagot ni Jana, mayamaya. Good thing, she was able to break the ice.

“I can actually visualize how this will change our village a lot. You can start creating the blueprint, Jana. I will have my secretary compute the budget, then, ako na ang bahalang magpa-approve nito sa may ari ng village,” sabi ni Sir Charlie.

“Thank you, Sir, you will have the blueprints within this week,” nakangiting sagot ni Jana.

Nagkamayan sila ni Sir Charlie. Nagpasalamat din sa akin si Sir Charlie. Umalis na kami ni Jana matapos magpaalam.

Paglabas namin, biglang tumili si Jana sa tuwa at napayakap sa akin. “Thank you, Kier! Excited na `ko sa first project ko!”

“Wala naman akong ginawa, eh. It’s all because of your talent, kaya nagustuhan ni Sir Charlie `yong proposal mo,” sabi ko habang nakangiti.

“Kahit na. Ikaw pa rin ang nagdala sa akin do’n. Hindi mangyayari `yon kung wala ka sa buhay ko,” giit pa niya. 

Abot-tainga naman akong napangiti. “Ikaw talaga!” At kiniliti ko siya sa tagiliran.

“Kier! Stop it!” natatawang sinabi ni Jana. 

Hindi ako tumigil. Kiniliti ko pa siya nang kiniliti kahit lumalayo na siya sa akin. Hindi na niya malaman ang gagawin. 
Mayamaya, biglang may kotseng dumaan sa gilid namin. Mabilis kong hinawakan si Jana sa braso at hinila papunta sa akin. Nakaiwas kami sa kotse pero dahil sa lakas ng paghila ko sa kanya, napayakap siya sa akin at… nagkatitigan kami.
Ilang segundo ang lumipas bago kami matauhan mula sa titigang iyon.

“I-I’m sorry,” nautal kong sabi.

Maging si Jana ay nautal din. “O-okay lang.” 

Dahan-dahan kaming bumitiw sa isa’t isa. Nagpatuloy kaming maglakad papunta sa park nang hindi umiimik pero palihim na ngumingiti.

Pagdating namin sa kanto ng street nila...

“Kier, uuwi muna ako to get my stuff, `tapos sa park ako gagawa ng blueprint. Let’s meet there,” sabi ni Jana.

“Sige, Jana, susunduin ko lang si Pogi para makapasyal din siya. See you later,” sagot ko.

Nagkatitigan kami saglit habang nakangiti. Pagkatapos, tumalikod na siya para umuwi sa kanila. Ako naman, pumunta sa flower shop ni Aling Evang para gawin ang plano ko.

“Aling Evang, kumusta po?” bati ko.

“Heto, Kier, isa pa rin akong bulaklak na kulang sa dilig,” biro ni Aling Evang.

Matandang dalaga na si Aling Evang pero masayahin siya. Walang nakakaalam kung bakit walang asawa si Aling Evang pero sana one day, mahanap na niya ang pag-ibig niya.

Natawa naman ako. “Aling Evang, bibili sana ako ng bulaklak. Magpo-propose kasi ako sa babaeng nililigawan ko,” sabi ko.
“Talaga? Don’t worry, hijo, I have the perfect arrangement for you,” sagot niya.

“Salamat, Aling Evang. Kailangan ko rin po pala ng mga balloons `yong pang-Valentine’s, mayroon po ba kayo n’on?” tanong ko.

“Meron, sa Valentine’s,” sagot ni Aling Evang at tumawa nang malakas.

Natawa rin ako kahit medyo napahiya. “Hindi nga, Aling Evang? Please kailangan ko lang talaga.”

“Biro lang, Kier. Tapusin ko lang `tong bouquet of roses mo, `tapos kukunin ko `yong mga balloons. Lahat ng hanap mo, mayroon ako dito,” nakangiting sabi niya.

“Talaga po? Hinahanap ko po `yong boyfriend n’yo, mayroon po ba kayo?” pabiro kong tanong. 

“Loko ka talagang lalaki ka! `Pag ako, nagka-boyfriend, who you ka sa akin,” sagot ni Aling Evang. Naiinis ang tono niya pero nagtatawanan kami.

Pagkatapos kong bumili ng flowers at balloons, dumeretso ako sa apartment para sunduin si Pogi.

“This is it, Pogi! Galingan natin, ah?” sabi ko kay Pogi, saka inilagay ang collar niya. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng pinto. “I hope she’ll say yes.”

Pumunta kami ni Pogi sa park dala ang bouquet ng roses at tatlong balloons na hugis-puso na may nakalagay na “I love you.” Alam kong medyo gasgas na, pero para sa akin, it would take a real man to have courage to do this for his special one.

Busy si Jana sa pagdo-drawing ng blueprint nang makarating kami ni Pogi sa Park. Hindi kami agad lumapit sa kanya. Chance na kasi iyon para sorpresahin siya. May inilagay ako sa collar ni Pogi na isang card, may nakasulat doon.

“Galingan mo, Pogi, ah? Nakasalalay sa `yo ang plano natin,” sabi ko kay Pogi at hinaplos siya sa ulo. “Go, buddy, go to Jana,” utos ko sa kanya.

Pinanood ko ang aso na papunta kay Jana. Si Jana naman ay hindi napapansin si Pogi dahil nakasuot siya ng earphones, nakikinig ng music habang nagdo-drawing.

Malapit na sana si Pogi kay Jana nang biglang may dumaang pusa.

“Are you kidding me?” sabi ko.

Agad na lumihis ng direksiyon si Pogi at hinabol ang pusa.

“Pogi, no!” sigaw ko. `Buti hindi pa kami napapansin ni Jana. Hinabol ko ang aso. Dahil maikli lang ang mga binti niya, nahabol ko naman siya agad. Nakatakbo iyong pusa pero tumahol nang tumahol si Pogi.

Lumingon si Jana sa direksiyon namin. “Kier?”

`Buti na lang at may malaking puno na malapit sa akin at nakapagtago kami ni Pogi. Agad kong natakpan ang bibig ni Pogi at napigilan ko ang pagtahol niya nang maglabas ako ng treat.  

Nakahinga ako nang maluwag. Muntik na.

Bumalik si Jana sa ginagawa niya. Parang hindi nga niya kami napansin.

“Okay, bud, don’t screw this up. Let’s do this once and for all,” sabi ko kay Pogi.

Muli kong pinapunta si Pogi papunta kay Jana. This time my buddy… did it.

Nakatago lang ako sa likod ng puno habang pinapakinggan at sinisilip sila.

“Hi, Pogi!” sabi ni Jana. Luminga siya sa paligid at parang hinahanap ako. “Kier?”

Agad uli akong nagtago sa likod ng puno. Tinatawag ako ni Jana dahil hindi niya ako makita pero nanatili lang akong nagtatago.

Nang muli ko silang silipin, nakatingin si Jana kay Pogi. Napansin na niya ang card na nakalagay sa collar ng aso.
Mukhang nabasa niya ang nakasulat sa card—Will you be my best friend’s girlfriend?

Luminga uli siya sa paligid para hanapin ako.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko dala ang bouquet of roses at ang tatlong hugis-pusong balloons.

Nagulat si Jana at napatili nang makita ako. Pulang-pula siya at tinatakpan ang bibig niya ng kanyang dalawang kamay. Paglapit ko, pabiro niya akong pinalo-palo sa braso.

“Ano `to, Kier?” nahihiya pa niyang tanong.

Iniabot ko sa kanya ang flowers at hinawakan ko ang kanang kamay niya.

Tumingin ako sa mga mata at sinabi ang bagay na matagal ko nang gustong sabihin. “Jana, for the first time in my life I can say that I have found the one I want to treasure. Kapag kasama kita, buhay na buhay ako pati ang mga cells ko. Sa hindi malamang dahilan, komportable akong kasama ka. At pakiramdam ko, matagal na tayong magkakilala. It feels like I was born for you. You’re the one who makes me awesomely happy. Jana, I love you with all my might.”

Nagulat siya at hindi nakapagsalita. Pero bakas sa mukha niya ang kilig.

“Jana... will you be my girlfriend?”

“Oh, my God!” sabi ni Jana. Pulang-pula ang mukha niya at muli siyang napahawak sa kanyang bibig.

“Yes,” sagot niya, pagkatapos ay tumango.

“Yes?” tanong ko. Mabuti na iyong sigurado.

“Oo, Kier de Leon, I will be your girlfriend!” sagot ni Jana.

Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Pagkatapos, bumitaw ako at sumigaw. “Woohoo! Girlfriend ko na si Jana! Yes!”

I jumped and ran around like a crazy guy. Shouted at the top of my lungs. Wala akong pakialam sa mga nakatingin sa amin. Inilabas ko kung gaano ako kasaya ngayon. This was the best day ever!

Dumaan iyong naka-bike na guard ng park, nilapitan ko siya. “Kuya, sinagot niya na `ko. Wohoo!” Hindi ko na inisip kung may pakialam ba siya o wala, sobrang saya ko lang talaga.

Ngumiti naman si Kuya Guard “Congrats, Sir.” At nag-high-five kami.

Tumayo ako sa isang table at itinaas ang mga kamay ko. “Woohoo! Girlfriend ko na si Jana!”

Tawa naman nang tawa si Jana sa pinaggagagawa ko. “Kier, bumaba ka na diyan,” sabi niya. 

Bumaba ako sa table at agad na lumapit sa kanya. Niyakap ko siya at binuhat. Napatili naman siya. Ibinaba ko siya at tumingin ako sa kanyang mga mata. “Jana, I promise to love you with all my heart and soul.” 

“I will do the same... my love,” seryosong sagot ni Jana.

Hinawakan ko siya sa pisngi at tumitig sa mga mata niya. Nagpahiwatig ako na gusto ko siyang halikan.
Pumikit si Jana. Dahan-dahan kong inilapat ang mga labi ko sa kanyang malalambot at mapupulang mga labi. 
Isang halik na napakatamis ang pinagsaluhan namin.

“You’ve just made me the happiest person on Earth,” sabi ko matapos siyang halikan.

“I love you, Kier.”

“I love you, Jana.”

Bigla namang tumahol si Pogi.

“Ugh, nakalimutan na natin si Baby Pogi,” sabi ni Jana at kinarga si Pogi. “Paano ba `yan, Pogi. Mommy Jana mo na ako.”

Ngumiti ako at sumingit sa kanila. “Siyempre ako ang daddy,” sabay kiss sa cheeks ni Jana.

Bigla naman kaming dinilaan ni Pogi. Pareho kaming natawa ni Jana.

Matapos ang araw nang masaya. Hinatid ko si Jana sa kanto nila. Hanggang doon lang dahil hindi pa namin alam kung paano sasabihin sa mama niya. Pero ang masaya doon, magka-holding hands na kaming naglalakad. Pagkatapos, umuwi kami ni Pogi dala-dala pa rin ang masayang mood.

Mag-aaral na sana ako nang biglang mag-text si Jana.

Jana: Kier, sinabi ko na kay mama na may boyfriend na ako.

Me: Huh? Talaga, my love? Ano’ng sabi niya? Kinakabahan ako.

Jana: Pumunta ka raw dito bukas.


Uh… Oh…
Next Chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly