DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 51: Letting Go

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier

NAPAKASARAP marinig ang matamis niyang boses habang binibigkas ang pangalan ko.

“Kier...”

Nagkadikit ang aming mga katawan at ang kanyang kamay ay hinahaplos ang aking balikat papunta sa braso ko at papunta sa aking kamay.

“Gotcha!” sabi ni Valerie nang bigla niyang kunin mula sa akin ang heart-shaped na seashell. Humiwalay siya sa pagkakayakap. “Dragons win!” sigaw niya na tuwang-tuwa pa.

“What the—? You tricked me, I found it first! Ang daya mo!” giit ko.

“Wala na, nasa akin na, eh.”

She waved at her teammates to call their attention. Kahit wala namang tumingin sa kanya dahil na sa malayo sila. “Guys! We won!”

Ang daya pero sige na nga pagbibigyan ko na lang. “Wait, Valeng. I found it first, does that mean na panalo ako sa pustahan natin?”

Tumahimik siya saglit at naging seryoso. Tiningnan niya ako nang deretso. “You know what, Kier? Hindi naman natin kailangang magpustahan, eh. Just give me one good reason to stay.”

Hindi ako nakasagot at iniwas ko na lang ang tingin sa kanya.

“Why don’t you want me to go away? Bakit, Kier? Why do you want me to stay? Sumagot ka!”

“I, uh... I... I don’t know.”

Nanahimik si Valerie at parang naghihintay siya ng magandang sagot mula sa akin.

Ilang saglit pa, bigla siyang umiyak at pinalo ako nang pinalo sa katawan. “`Ayan ka na naman, eh! Nakakainis ka! Naiinis ako sa `yo!”

Tumigil siya sa pagpalo sa akin pero iyak pa rin siya nang iyak. “I’m trying to get over you. Pero lagi kang nagpaparamdam, pero lagi mo namang hindi alam! Anong klase kang—”

Hinawakan ko ang mga pisngi ni Valerie at bigla ko siyang hinalikan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko. I believed this was something I wanted to do. This was something I had been longing to do. My lips landed in her lips perfectly. I kissed her and she kissed me back. Our eyes were closed and it felt like the time just suddenly stopped. All I heard now was the sound of our lips kissing and the sound of the water from the sea going back and forth to the shore. Suddenly it made me feel alive. It made me feel right. It made me feel…

“Get off me!” Valerie pushed me away from her. “Nakakainis ka talaga!”

Gusto ko sanang habulin si Valerie pero biglang dumating si Mia.

“Kier!” tawag sa akin ni Mia. “Bakit tumatakbo si Valerie?”

Mukhang kadarating lang niya at hindi niya kami nakita.

“Ahmm... Aah... They got the seashell... They won...” sagot ko.

Dapat hinabol ko si Valerie pero hindi ko alam kung bakit hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan.  Dahil ba bigla kong nakita ang mukha ni Jana kay Mia?

Nakalayo si Valerie nang tuluyan sa akin at sinalubong siya nina Shane. Nakita ko sa malayo na niyakap siya ni Shane at nag-celebrate sila sa kanilang pagkapanalo.

What have I done?

Pumunta ako sa kanila at binati sila na parang walang nangyari. Ganoon din naman kasi si Valerie. Nakangiti siya na parang walang nangyari pero hindi siya tumitingin sa akin.

We spent the rest of the day swimming at the beach, eating, drinking, playing, and chatting around.

Pero si Valerie ni isang tingin at ni isang salita wala. Hindi niya ako pinansin. Galit ba siya sa akin?

Nandito lang ako nakaupo sa buhangin habang pinapanood silang mag-swimming. It seemed that Valerie was making the most out of it. Siguro desedido na siya sa pag-alis niya kaya pinapasaya niya ang lahat.

“Kier, what’s wrong?” tanong sa akin ni Mia.

Tulala pala ako at malalim ang iniisip nang mapansin ako ni Mia. “Ah... Wala... May iniisip lang. But I’m okay.”

“You don’t seem to be yourself today. Dahil ba natalo tayo? Ano ka ba? Okay lang `yon,” nakangiting sabi ni Mia.

“No, it’s not that...” Napabuntong-hininga ako. “Wala lang siguro ako sa mood.”

Niyakap ako ni Mia mula sa likuran. “How about let’s go to our room and rest? Baka pagod ka lang.”

Inalis ko ang kamay niya. “I’m sorry, Mia... But just let me be alone for a moment.”

“Okay... I’ll be in my room then,” sagot niya at iniwan na akong mag-isa.

I knew she was disappointed but I had to clear my mind. 

I never had the chance to talk to Valerie alone. Parang umiiwas siya sa akin. 
Natapos ang bakasyon nang hindi kami nakakapag-usap. Hindi ko rin iniimik si Mia. Magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang mahal ko. Iyon ang tanong sa isip ko.

Bakit nga ba ayaw kong lumayo si Valerie? Bakit ko siya hinalikan? Bakit mas masaya ako kapag nag-aasaran kami?

 Hanggang sa makauwi kami, gulong-gulo pa rin ang isip ko.

“Ano ba’ng problema? You weren’t talking to me or to everybody!” galit na sabi ni Mia.

“Mia, let’s just call it a day. Pagod ka at pagod din ako. Mabuti pa, matulog na tayo.” Iniwan ko si Mia at dumeretso ako sa kuwarto ko. Tulala lang at nag-iisip. Kinuha ko ang mga picture ni Jana sa closet at tiningnan iyon.

“Am I ready to let you go?” tanong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang maamong mukha ni Jana.






KINABUKASAN, nakipag-usap ako kay Mia.

“Are you gonna tell me now what was wrong yesterday?” tanong niya sa akin.

“I’m sorry but I think I have to tell you something...” Umakyat ako ng kuwarto at kinuha ang mga picture ni Jana. Dinala ko iyon sa ibaba at ipinakita kay Mia. “Her name was Jana Alvarez Harper. She was my ex-girlfriend.”

Napahawak sa bibig si Mia. Parang gulat na gulat siya sa nakita. “S-siya `yong namatay mong ex?”

“I’m sorry, Mia...”

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata at nag-iwas ng tingin sa akin.

Tahimik lang kami at hindi nag-uusap. Then she wiped her tears away and talked to me again.

“I am an investigator but I didn’t check your background dahil may tiwala ako sa `yo. Wala akong pakialam sa past mo. I don’t care kung kamukha ko ang ex mo. Masaya akong kasama ka at alam mong mahal kita. Pero hindi ko kayang tanggapin na mahal mo lang ako dahil sa alaala niya.”

“I am really sorry...” Yumuko ako.

Bigla akong niyakap ni Mia nang mahigpit. “Naiintindihan ko kung bakit mo ako minahal. Kahit hindi mo sabihin, iyon ay dahil lang sa kamukha ko ang ex mo. Pakiramdam mo kasama mo siya kapag kasama mo ako. Aaminin ko, Kier, nasaktan ako. Pero naiintindihan kita. Alam ko ang sakit ng mamatayan. I know someday you’ll move on. But until then... This is good-bye.”

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinalikan. “Thank you, Kier. Salamat sa lahat. I will try to wait for you. You can always come back to me when you have finally moved on. When you finally come to know who you really love. Kung si Valerie ang mahal mo tatanggapin ko.”

“Mia?” Nagulat ako sa kanyang sinabi. Ang akala ko, magagalit siya sa akin.

Ngumiti siya. “Why? You think hindi ko napansin kung paano kayo magkulitan? Kung sa kanya ka magiging masaya, tatanggapin ko. Kung may mahal siyang iba nandito ako para sa `yo. Good-bye, Kier. If I were you, I’ll confess to her.”

“Thank you.” Niyakap ko si Mia nang mahigpit. 

Tama siya mukhang alam ko na. Si Valerie nga talaga ang mahal ko.

“Okay... Now go! Bago pa siya umalis,” sabi ni Mia.

Bumitaw ako sa pagyakap sa kanya at binuksan ko ang pinto. Bago pa man ako makalabas, nilingon ko siya. She smiled at me and waved me good-bye.

Mabilis akong sumakay ng kotse para puntahan si Valerie. Malakas ang ulan pero kahit bagyo pa iyan, nothing could stop me.

Mabilis akong nakarating sa bahay nina Valerie. Wala akong dalang payong kaya kahit umuulan, lumabas ako ng kotse at kumatok sa gate nila.

“Valerie! Mag-usap tayo please!”

Walang sumasagot sa pinto kaya lumayo ako sa gate at tinanaw ang bintana ng kuwarto niya. “Valerie! Valerie! Please lumabas ka!”

Basang-basa na ako sa ulan pero wala pa ring lumalabas sa gate nila. Ilang saglit pa, lumabas si Kuya Gilbert.

“O, Kier? Ano’ng ginagawa mo dito? Basang-basa ka na.”

“Kuya Gilbert, nasaan po si Valerie? Kailangan ko po siyang makausap.”

“Kakaalis lang nila. May lakad daw sila ni Shane. Sa may Dash restaurant sa BGC.”

“Salamat po, Kuya Gilbert.”

Nagmadali akong sumakay ng kotse at nagmaneho papuntang Taguig. Malayo iyon kung nasaan ako ngayon pero kahit pa, I had to get my girl!

Matapos ang mahabang biyahe, nakarating ako sa Dash restaurant. Nakita ko si Valerie at si Shane na kumakain sa loob. Mukhang walang tao dahil ipina-reserve nila ang buong lugar.

Sinubukan kong pumasok sa loob pero agad akong hinarang ng lalaking guard.

“Please, Sir. Papasukin n’yo ako. Kilala ko sila.”

Inutusan ng guard ang isang waiter para sabihan sina Valerie sa loob. Pagpunta ng waiter sa table nina Valerie, tumingin sila sa akin na parang gulat na gulat, saka tumayo. Pinuntahan nila ako na kanina pa basang-basa sa ulan.

“Kier? Ano’ng ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ni Valerie.

“Valeng... Pinag-isipan ko ito nang maigi at hindi nga ako nagkamali. Nandito ako para malaman mo na ikaw ang mahal ko.”

Gulat na gulat si Valerie sa sinabi ko. Tinitigan ko siya sa mga mata. “Maria Valerie Magtalas, mahal kita at `yan ang totoo! Stay with me. Come with me. I need you more than anything. More than everything.”

Tiningnan ko siya na parang hinihintay ang kanyang sagot. Yumuko siya at lumapit sa akin. 

“Kier... I’m sorry... But I’m going with Shane.”

Para akong binagsakan ng langit at lupa sa aking narinig. Natigilan ako at natulala. Parang huminto saglit ang pagtibok ng puso ko. Nanginginig ang mga kamay ko.

Naiyak si Valerie, tumalikod, at muling pumasok sa loob ng restaurant.

“Valeng, wait!” Hahabulin ko sana si Valerie nang pigilan ako ni Shane. Humarang siya sa daanan ko.

“Kier... Tama na. Masyado mo na siyang nasaktan,” sabi ni Shane at sinundan si Valerie sa loob.

“Sir, mawalang-galang na po pero kailangan n’yo na pong umalis,” pakiusap ng guard sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa kotse ko.

I was too late. Always late. I was late to know that my ex-girlfriend was dying. Now I was late to get the woman that I loved.

Hindi ako sumuko pagkatapos nang araw na iyon. Sinubukan kong tawagan si Valerie pero mukhang naka-block na ako sa kanya. Pinuntahan ko siya sa kanila pero wala na siya doon at ayaw sabihin ni Kuya Gilbert kung nasaan siya.





LUMIPAS ang isang linggo. Ngayon na ang araw ng pag-alis ni Valerie papunta sa Korea. Linggo at wala akong pasok sa trabaho. Isinama ko si Pogi para bisitahin ang puntod ni Jana. I believed this was the only way para makalimutan ko na aalis na si Valerie at wala na akong magagawa pa. I thought oras na rin para tuluyan na akong maka-move on kay Jana.

Nagdala ako ng bulaklak at inilagay iyon sa kanyang puntod.

“Hi! Sorry kung ngayon lang uli ako nakadalaw. `Ayun, maraming nangyari. Siguradong napapanood mo naman sa langit ang mga nagawa ko. And for sure binatukan mo na ako sa mga maling nagawa ko. I met two people who loved me like you did but I let them go. I guess I just really can’t love someone... Until I’m over you…. Now I thought about it and decided... Jana, I’m ready to let you go.”

Napabuntong-hininga ako at inilabas ang kanyang journal at ang sulat na hindi ko pa natatapos basahin. Muli ko iyong binasa at binalikan ang mga huli niyang habilin. Sunod ay ang sulat niya sa akin. 

Binasa ko iyon. And this time, kinaya ko na. Naiyak ako pero napangiti sa mga huling salita na kanyang sinabi.

“Jana, the best ka talaga,” sabi ko habang nakangiti at bahagyang naiiyak.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa paligid. Pero may bigla akong napansin.

Nawawala si Pogi.

Agad kong hinanap ang aso sa buong sementeryo. Nagtanong-tanong ako pero parang walang nakakita.

Habang naghahanap, parang alam ko na kung nasaan si Pogi. Malapit ang sementeryo sa airport. Hindi kaya pumunta siya kay Valerie? Minsan may kakaibang nagagawa ang aso ko na hindi ko rin maipaliwanag. Pero baka tama ang kutob ko.

Ibinilin ko sa guard ang aso. Dahil baka nandito lang iyon sa sementeryo. Mabilis akong sumakay sa kotse ko at pumunta sa airport.

Pagdating doon, agad kong ipinagtanong si Pogi sa mga guard. Pumunta ako kung saan ko unang nakita si Valerie.  Pero bigo ako at wala rin sila doon. Inikot ko na ang buong airport pero wala pa rin si Pogi. Tiningnan ko ang flight papuntang South Korea… nakaalis na pala iyon.

Napaupo ako sa waiting bench at napayuko. Napakabigat sa pakiramdam na malaman na tuluyan nang nakaalis si Valerie. At ang mahirap pa dito, nawawala si Pogi.

Minabuti kong bumalik sa sementeryo para muling hanapin si Pogi. Pero wala pa rin daw. Inabot na ako ng gabi sa kakahanap pero hindi ko pa rin makita ang aso. Halos pagod na ako at gutom na gutom.

Nasaan kaya si Pogi?

“Sir, mabuti pa po ay umuwi muna kayo. Kokontakin na lang po namin kayo kapag nakita na namin ang aso n’yo,” sabi ng guard ng sementeryo na tumutulong sa aking maghanap.

Ibinigay ko ang number ko sa kanila at minabuti kong umuwi muna. Bukas ay magpapa-print ako ng litrato at ikakalat ko iyon sa social media para mahanap agad si Pogi. Sana naman, mahanap siya agad.

Kinabukasan, may nag-doorbell sa pinto kaya agad akong bumaba mula sa kuwarto para tingnan kung sino iyon.

Pababa pa lang ako nang marinig ko ang tahol ni Pogi. Tuwang-tuwa ako sa aking narinig kaya nagmadali ako sa paglabas para makita ang aso ko.

Sino kaya ang nagdala sa kanya?
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly