DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 50: Dragons VS Puppies Part 2

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier

I DIDN’T know what had gotten into me. Or why I made that deal with Valerie. I was not even sure why I didn’t want her to go. I guessed I’d find out in this vacation.

“Wooh! Puppies for the win!” sigaw ko.

“Nanggaya lang naman kayo ng strategy, eh,” sabad ni Valerie.

“Winning is winning, Valeng. I told you, I won’t lose,”  sagot ko na may halong yabang.

“`Sus! Huwag excited, first match pa lang.”

Ilang saglit pa, pumito uli si Miss Cyrene para sa next game.

“All right! Team Puppies, one point! Dapat makabawi ang Team Dragons.”

“Bring it on! Next game na!” ganadong sigaw ni Shane.

“Okay sige! So next match is called ‘Wring The Towel Relay Race’! Mayroon uli tayong point A at point B.  Sa point A, mayroong isang timba. Ang point B ay ang dagat. Ang umpisa, pipila ang bawat team ng straight line, `tapos, maglalayo ang bawat isa ng mga tatlong metro sa isa’t isa. Ang gagawin lang ay pupunuin ang bucket ng tubig mula sa dagat gamit ang towel na ito,” paliwanag ni Miss Cyrene.

Binigyan kami ng tig-isang towel ng mga game organizer. Isa sa amin at isa kina Valerie.

“First step is to choose someone who will run to the sea and soak the towel into the water. `Tapos kapag basa na ang towel, ipapasa ni runner sa nearest group member. The catch is, si runner lang ang puwedeng umalis sa puwesto papunta sa dagat. `Tapos pagkapasa ni runner sa nearest member, ibabato niya kay next member ang towel then, gano’n din ang gagawin hanggang sa makarating ang towel sa point A. Then kapag na sa point A na ang towel, pipigain iyon ng member na malapit sa bucket, then he or she needs to pass the towel back to the members hanggang sa makarating uli kay runner. Repeat lang hanggang sa mapuno ang bucket ng tubig. Paunahan mapuno ang timba!”

Ginawa namin ang instructions ni Miss Cyrene. Sa Team Puppies, ako ang nasa point A at ang runner namin ay ang nagprisintang si Aling Evang. Kasindali lang daw kasi nang paghahabol ng lalaki iyon kaya pinagbigyan namin. Sa Team Dragons naman ay si Valerie ang nasa point A at si Mingay ang kanilang runner. Parang kitang-kita ko na matatalo kami.

“Ready na ba, Team Dragons and Team Puppies?”

“Yes!”

“All right! Ready… Get set… Go!”

Pumito si Miss Cyrene at nagsimula ang race. Mabilis na tumakbo si Aling Evang at si Mingay habang hawak ang kani-kanilang towels papuntang dagat. Mabilis si Aling Evang parang amazona, pero ganoon din si Mingay na Batangueñang-Batangueña. Nakakagana rin kasi ang background music. “Boombayah” by BLACKPINK.

“Go, Mingay!”

“Go, Aling Evang!”

Kanya-kanyang cheer ang team namin at team nina Valerie.

Okay na sana si Aling Evang, naunahan na si Mingay papunta ng dagat para basain nang maigi ang towel kaya lang…

Biglang napunta sa chorus ang background music, kaya hayun… biglang sumayaw ang matanda.

“Boombayah! Wooh! Ah, yah, yah, boombayah!” kanta ni Aling Evang habang sumasayaw. Unti-unti namang tumitilamsik ang tubig na nasa towel.

Wala na, napa-facepalm na lang ako. Naunahan na siya ni Mingay.

Nang makita ni Aling Evang na ipinapasa na ng Team Dragons ang towel nila, tumigil siya sa pagsayaw at ipinasa na rin ang towel sa amin. Kaya lang dahil lamang na ang dragons, pagkatapos ng maraming ulit na pasahan…

“Dragons won the second match!!” sigaw ni Miss Cyrene.

Tuwang-tuwa naman sina Valerie. May group hug pa sila.

“Si Aling Evang kasi, eh,” sabi ni Karlo.

“Sorry na,” nakangiting sagot ni Aling Evang.

“Sabi ko sa `yo, hindi pa tapos ang laban, eh,” sabi sa akin ni Valerie.

“Kami pa rin ang mananalo, Valeng,” sagot ko.

“We’ll see.”

Muling pumito si Miss Cyrene para sa third game. “All right! Tabla na ang ating score. Mukhang nagiging exciting ang laban, ah. Next game na tayo, Team Puppies? Team Dragons?”

“Yeah, game! Babawi kami!” sigaw ko.

“Okay! This time, out muna ang mga runner kanina kasi for sure napagod sila. This game is called ‘Run To The Beach To Complete Me.’ So siyempre, race pa rin tayo. Point A and point B pa din. Sa point A, may table then ang point B natin ay ang dagat kung saan may hinanda kaming floating basket na inaalalayan ngayon ng mga kasamahan ko. Ang laman ng basket ay mga puzzle pieces. So sa point A may dalawang maghihintay sa table kung saan sila ang bubuo ng puzzle. To get the puzzle pieces, may dalawang pupunta sa dagat para kunin isa-isa ang mga puzzle pieces. Pero… heto ang exciting dito, ipapasan ni member ang partner niya papunta sa dagat. Kapag nasa dagat na, ang nakapasan na member ay lalangoy papunta sa floating basket. `Tapos babalik sa shore, `tapos ipapasan uli siya papunta sa table kung saan naghihintay ang dalawa pa nilang kagrupo na bubuo ng puzzle.” 

“Ah, parang sa Survivor Series,” sabi ni Mia.

“Yup! I will give you five minutes para makapagplano,” sagot ni Miss Cyrene.

Sa Team Puppies, si Cheska at si Karlo ang bubuo ng puzzle namin at ako ang papasan kay Mia papunta sa beach. Si Mia naman ang lalangoy para kunin ang puzzle piece. Sa Team Dragons, sina Kuya Gilbert at Rex ang bubuo ng puzzle piece. Samantalang si Shane naman ang papasan kay Valerie, at si Valerie ang lalangoy.

“Val, sure ka ba na ikaw ang lalangoy? Kasi si Mia ang lalangoy sa kanila, eh. Top swimmer sa school dati si Mia baka matalo tayo,” tanong ni Shane kay Valerie.

“Hindi `yan, ako ang tatalo diyan,” pagyayabang naman ni Valerie.

Tiningnan ko si Mia na naghahanda na para sa game. Mukhang may secret weapon pala ako.

Pagkatapos ng limang minuto, pumito na uli si Miss Cyrene para simulan ang third match.

“Ready na ba ang Team Dragons at ang Team Puppies?”

Sabay-sabay naman kaming sumagot. “Game na!”

“Okay, set na! And… Go!”

Ipinasan ko si Mia sa likod at nagmadaling tumakbo papunta sa dagat. Mabigat sa paa ang mga buhangin kaya ang hirap talagang makapunta sa dagat. Halos sabay lang kami nina Shane na nakapunta sa dagat.

Ibinaba ko si Mia at sabay silang lumangoy ni Valerie. Grabe! Ang galing ni Mia kahit hindi ko na siya i-cheer ay kayang-kaya niya. Ang bilis niyang lumangoy at parang sanay na sanay talaga siya. Parang pang-Olympic siya lumangoy.

Todo naman ang cheer ni Shane kay Valerie nang mga oras na iyon. “Go, Val! Kaya mo `yan!”

Mabilis nakarating si Mia sa floating basket at kinuha ang isang puzzle piece. Lumangoy siya pabalik sa akin. Bigla akong natawa pagtingin ko kay Valerie. Hindi pa siya nakakarating sa floating basket nang dahil sa istilo niya ng paglangoy. 

Langoy-aso.

Nakakatawa talaga. Siguradong inis na inis na ang mga kagrupo niya.

“Kier!” tawag sa akin ni Mia. “What are you doing? Heto na `yong puzzle piece.”

Ipinasan ko uli si Mia para madala ang puzzle piece sa point A. Pagkatapos ay pumunta kami sa dagat. Lalangoy na uli si Mia pero si Valerie pabalik pa lang. Nakakatawa talaga.

Pag-ahon ni Valerie, bigla akong natulala sa kanya. Parang nag-slow motion ang buong paligid. Basa siya ng tubig at may mga buhangin ang paa niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, para siyang isang model sa beach. Sobrang ganda. Sobrang sexy. Sobrang…

“Kier! I’m here!” sabi ni Mia.

Grabe ang bilis ni Mia. Naka-ilang ulit kami na pabalik-balik sa dagat. Dahil sa bilis ni Mia na makuha ang mga puzzle pieces, agad namin iyong nabuo at siyempre…

Pumito si Miss Cyrene. “Team Puppies won the third match!”

Nag-group hug kami at binati ang isa’t isa.

“`Galing mo, Mia!” bati ni Karlo.

“Oo nga, `day, para kang si Dyesebel kanina,” sabi ni Aling Evang.

“Thank you,” nakangiting sagot ni Mia. Pinuntahan ko naman si Valerie at inasar. “Valeng! May dragon palang puppy lumangoy?”

“Ikaw!” 

Akma akong papaluin ni Valerie pero tinakbuhan ko siya at hinabol niya ako. Para kaming mga bata na naghahabulan sa beach.

Huminto siya at itinuro ako. “Humanda ka sa next match!”

“Mananalo ka basta hindi swimming ang laban!” pang-aasar ko kay Valerie.
Muling pumito si Miss Cyrene at tinawag kami. “Okay! Lamang na ang Team Puppies. Alam namin na gutom na kayo, so ang ating fourth match ay... boodle fight!”

“Gusto ko `yan! Kainan!” sigaw ni Kuya Gilbert at nagtawanan naman kami.

Natawa rin si Miss Cyrene kaya bago siya muling makapagsalita ay medyo natatawa-tawa pa siya. “So simple lang ang game, guys. Paunahan lang na makaubos ng pagkain. Nandoon sa nippa hut cottage n’yo ang mga food.”

Agad kaming pumunta doon at tumambad sa amin ang dalawang mahabang table na punong-puno ng iba’t ibang klaseng Pinoy food na nakahain sa dahon ng saging. Siyempre, may kanin. Dahil sa pagod at gutom, nagsimula agad ang boodle fight. Kanya-kanya rin kami ng pagkuha ng litrato para maging memorable ang araw na ito. Sobrang saya naming lahat. Hinding-hindi ko ito makakalimutan.

Pero mukhang may mananalo na. Dahil pagtingin ko kina Valerie at Kuya Gilbert…

Grabe! Akala ko dalawang dragon ang nakita kong kumakain. Pareho silang malakas kumain. Hindi alintana ni Valerie kung may poise pa siya o wala basta kain lang siya nang kain. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Sa kabila ng kasikatan na natamo niya, siya pa rin ang Valerie na simple, masiyahin, makulit, kalog, at aking mina--

“Hoy, Kier! Bakit ka nakatitig kay Valerie?” biglang tanong ni Aling Evang.

“Huh?! Hindi, ah. Napansin ko lang na malakas silang kumain ni Kuya Gilbert,” palusot ko. Pero natuwa talaga akong titigan si Valerie.

Nagpatuloy kaming kumain. Hindi naubos ng Team Puppies ang food. Pero ang mga dragons, grabe parang wala nang bukas. Ubos, tumba, simot. Grabe si Valerie.

“Team Dragons for the win!!” sigaw ni Rex habang minamasahe pa ang parang kampeon nilang sina Kuya Gilbert at Valerie. Lugi, eh, dalawang dragon ang kalaban namin.

Nagkuwentuhan kaming lahat habang nagpapahinga. Tinawanan namin ang mga hindi malilimutang karanasan sa mga palaro kanina. May asaran, kulitan, at tawanan.

Matapos ang isang oras, pinuntahan kami ni Miss Cyrene para sa last game.

“Hello, everyone! Nabusog ba kayo?”

Kanya-kanya naman kaming sagot.

“Yes!”

“Busog grabe!”

“Ayos `yan! For our last game, it’s called ‘Treasure Hunt.’ Find the heart of the island. Simple lang ang game. Paunahan lang makahanap sa hidden treasure ng beach. Isa itong seashell na hugis-puso. It’s hidden somewhere here sa beach. So bahala na kayo kung paano n’yo hahanapin. Kung sama-sama ba or hiwa-hiwalay. Basta hugis-heart siya na kasinlaki ng kamay,” paliwanag ni Miss Cyrene.

Naghiwa-hiwalay kaming lahat para hanapin ang hidden treasure to win the game. Kahit ang Team Dragons, ganoon ang naging strategy.

Kung saan-saan na ako nakarating pero hindi ko pa rin makita. Saan kaya iyon itinago?

Nagpunta ako sa bandang dulo ng beach kung saan medyo marami na ang puno. Dulo na ito ng beach dahil kapag dumeretso pa ako, puro madudulas na bato na ang maaapakan ko. Sa malayo mukhang walang taong naghahanap dito pero paglapit ko…

Nakita ko si Valerie. Mag-isa lang siya at naghahanap din.

“Nakita mo na?” tanong ko sa kanya.

“Obvious ba? Hindi pa,” masungit niyang sagot.

“Sungit naman nito. Nagtatanong lang, eh.” Nagpatuloy rin ako sa paghahanap pero sa same place kung nasaan si Valerie.

Naglalakad-lakad ako nang bigla akong may matapakan sa buhangin. Hinukay ko ito at… voila! I got the hidden treasure.

Mabilis ko iyong itinago sa likod ko at humarap kay Valerie. “Val, tuloy na tuloy ka na ba sa pag-alis mo?” tanong ko sa kanya habang nakangiti.

“Eh, bakit parang nakangiti ka diyan?” tanong din niya.

“Aalis ka pa ba ngayon kung kami na ang mananalo?” Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong heart-shaped na seashell.

“That’s mine!” Sinubukang agawin ni Valerie ang seashell pero agad ko iyong inilagay sa likod ko kaya bigla siyang napayakap sa akin.

“B-bakit ba ayaw mo akong paalisin?” marahang tanong ni Valerie.

“Hindi ko alam. Basta ayaw ko na mapalayo ka sa akin,” sagot ko.

Tinitigan niya ako sa mga mata at pumikit. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa paglapit ng kanyang mukha sa akin. Pumikit ako at pinakiramdaman ang unti-unti niyang paglapit.

“Kier...”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly