DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 49: Dragons VS PuPpies Part 1

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Valerie

SIGURO aalis na lang talaga ako. Ano ba ang laban ko sa kamukha ni Jana?

Next week na. Aalis na kami ni Shane papuntang South Korea. Kaya ko ba? Kaya ko kayang mawalay kay Kier?

Ano ba, Valeng, Kier pa din ba? May Mia na nga `yon, eh. Bakit ba kasi bigla na lang si Kier ang mahal ko? Si Shane `yon dati, eh. Pero ngayon kahit na ano ang gawin ko, hindi ko maibalik `yong dati kong pagkagusto kay Shane.

Today was the day. Despedida vacation daw sabi ni Papa. Nalulungkot si Papa sa mangyayaring pag-alis ko next week pero `buti na lang at may Tita Evang na sa buhay niya.

“Valeng anak, ready ka na ba? Nandito na mga kaibigan mo! Ikaw na lang hinihintay at aalis na tayo!” tawag sa akin ni Papa.

“Pababa na po, `Pa!”

Isang oras na akong pumipili pero hindi pa rin ako makapag-decide kung anong swimsuit ang susuotin ko. Kailangan ay hindi ako matalbugan ng Mia na iyon. Ito bang blue na two-piece or itong puti na polka dots bikini? Or puwede rin itong red na micro bikini para sapaw talaga si Mia? Kaso masyadong malaswa… Or itong yellow na one-piece?

Ang hirap! Mag-T-shirt na lang kaya ako?

Anyway, naisip ko lang bigla. Sino kaya ang mas macho kina Kier at Shane? Kinikilig ako!

Sa sobrang tagal ko, kinatok na ako ni Papa sa kuwarto. “Valeng anak, ano ba? Naghihintay sila sa `baba!”

Dadalhin ko na nga lang lahat at mamaya na ako mamimili. Titingnan ko muna kung ano ang suot ni Mia. `Tapos, tatapatan ko na lang.

Lumabas ako ng kuwarto at bumaba. Nandito na nga silang lahat. Sina Shane, Papa, Tita Evang, Mingay, Karlo, Rex, Cheska, si Mia, at si Kier.

“O, ano? Sino-sino ang magkakagrupo?” tanong ni Tita Evang.

“Bale ako, si Shane, si Papa, si Mingay, at si Rex. Team Dragons kami,” sagot ko.

“Ayaw mo akong ka-team, Valeng?” tanong ni Tita Evang.

“Hiwalay muna kayo ni Papa para may thrill,” sagot ko.

“Asus! Por que hiwalay lang kayo ni Kier, eh, paghihiwalayin mo na kami ni Gilbert,” biro ni Aling Evang.

Napakunot-noo si Mia na nakatingin sa amin.

Nginitian ko siya at nagpaliwanag. “Huwag mong pansinin `tong si Tita Evang, malakas lang talaga siyang mantrip.”

Ngumisi si Mia. “Okay lang.”

Mukhang mabait naman pala `tong si Mia.

“Well, I guess sa akin na sina Aling Evang, Mia, Karlo, at Cheska,” sabi ni Kier.

“Yes! Buti magkagrupo tayo. Ano’ng pangalan ng team natin?” tanong ni Mia kay Kier.

“Team Puppies.”

“Naks! Bagay, ah. Mukha pa namang puppy ang leader n’yo,” hirit ko.

“Weh? Bakit kayo dragons? Ibig sabihin, tanggap mong mukha kang dragon,” banat naman ni Kier.

“Tse!”

“Tama na ang asaran at ako’y ligong-ligo na sa dagat. Halika na at baka ma-traffic pa tayo,” aya ni Papa sa aming lahat.

Dalawang sasakyan ang inarkila namin para sa trip na ito. Hiwalay ang Team Puppies at Team Dragons. Siyempre para makapagplano ang bawat team. Dapat kami ang manalo rito.

Habang nasa biyahe, nagtanong si Mingay sa akin. “Ano baga ang premyo nito, bes, `pag nanalo tayo?”

“Ay, malupet ang premyo nito, bes,” nakangising sagot ko.

“Ano nga?”

“Epic bragging rights!”  sigaw ko. “Masusulat sa history na no match ang Team Puppies.”

“Iyon lang? Walang kiss kay Shane o kay Papa Kier? Para po! Bababa na po ako!” biro ni Mingay.

“Joke lang. Siyempre meron. Pero dapat manalo tayo, ah,” sabi ko.

“Hindi kita bibiguin. Kapag ba nanalo tayo dito, sasagutin mo na ako?” tanong ni Shane, nakangiti.

“Luh, luh, luh! Bumabanat si Papa Shane, o,” pang-aasar ni Mingay. “Papa Shane, don’t worry `pag nasa Korea na kayo sasagutin ka rin nito.”

Nakangiti lang ako at hindi sumagot sa sinabi ni Mingay.

“Basta, bes, kapag nandoon ka na, pakipadala na lang sa akin sina RapMon at si Taehyung, ah? Asawa ko ang mga `yon, eh,” biro uli ni Mingay.

“Sige basta sa akin si Jungkook!”
Matapos ang mahigit apat na oras na biyahe, narating din namin ang Camayan Beach Resort. Ang ganda ng sikat ng araw nang dumating kami doon. Malinis ang tubig sa beach at pino ang buhangin. Sa bandang likod ng beach ay may mga puno. May napansin pa nga akong mga unggoy. May mga kuwarto rin at cottages. Mababaw rin ang tubig kaya kahit hindi marunong lumangoy puwedeng puwede rito.

Sinalubong kami ng event organizer na inarkila namin para sa palaro na gaganapin mamaya nang may magandang ngiti sa kanyang mukha. “Hello, everyone! Is this Miss Valerie’s team?”

“Yes po,” sagot ko.

“Oh, my gosh! I’m such a huge fan of you and Shane. We are so honored to serve you today! By the way, my name is Cyrene and I’ll be your team building host and referee.” Ngumisi siya sa amin. “Let me please show you to your designated rooms first.”

Pumunta kami sa mga room namin na magkakatabi at nagpalit ng damit pang-swimming. Pero ako, hindi pa ako nagpapalit. Kailangang makita ko muna kung ano ang suot ni Mia.

Unang lumabas sina Karlo at Rex na naka-topless at shorts. Natawa ako dahil para silang mga bangkero at mandaragat. Sunod ay sina Cheska at Mingay na naka-rashguard. Si Papa naman ay naka-topless din at shorts, ang laki ng tiyan, ang takaw kasi. At ito ang malupit at mukhang kakabog sa lahat. Si Tita Evang na naka-micro bikini. Kahit medyo may kulubot na at may stretch marks, nagawa niyang mag-flaunt. Wala na, may nanalo na, ginalingan, eh!

“Ano ba `yang suot mo, sweetheart? Labas na pati ang kaluluwa ni Satanas!” biro ni Papa kay Tita Evang.

“Hoy! Excuse me! Talbog si Pia Wurtzbach dito. If I know, naglalaway ka na deep inside, Gilberto,” sagot ni Tita Evang.

Nagtawanan kaming lahat. “Sige, Aling Evang, spell mo nga `yong last name ni Pia,” hirit ni Mingay.

“Pia Magalona na lang pala.” Tumawa si Tita Evang. Nagtawanan din kaming lahat.

Ilang saglit pa, sabay na lumabas sina Shane at Kier mula sa sarili nilang kuwarto. Pareho silang naka-topless at naka-beach shorts. Parehong may six-pack abs. Maputi nga lang si Kier at medyo moreno naman si Shane. Pareho silang may magandang muscles, mas matangkad nga lang si Shane kay Kier. Mukhang nag-workout pa yata ang dalawa para sa araw na ito, ah. Pero grabe! 

As in grabe! Nakakatameme sila.

“Papa Kier and Papa Shane!” sigaw ni Mingay.

Hindi naman ako nakapagsalita at bahagyang napanganga.

“Hala, wala na si Valerie. Basa na!” biro ni Aling Evang.

“Tita!” nahihiyang saway ko. “Papa, si Tita Evang, o, SPG!”

“Basa! I mean basa na ang kilikili! Ang green mo, ah,” sabi ni Tita Evang, sabay tawa.

Lumabas din si Mia mula sa kuwarto niya. Naka-one piece bikini siya na kulay-red. Ang sexy niya at ang puti-puti pa.

Napatingin sa kanya sina Shane at Kier.

“Ngayon lang kita nakitang nag-swimsuit, Mia. Bagay pala sa `yo,” sabi ni Shane kay Mia.

“Mia, you look stunning,” sabi naman ni Kier.

Aba! Ginalingan mo, ah! Wait mo lang ako.

“Wala ka na, bes, pati si Shane naagaw na sa `yo. Papatalo ka ba? Kung ako `yan, Band-Aid lang ang pantakip ko para talbog,” pabirong bulong sa akin ni Mingay.

“Sira ka talaga, bes. Wait lang magbibihis na ako,” sagot ko.

“Anak, ano pa’ng ginagawa mo diyan at hindi ka pa nagbibihis?” tanong ni Papa sa akin.

“Baka raw puro kaliskis ng dragon kaya ayaw ipakita,” sabad ni Kier na natatawa pa.

“Ah, gano’n, ah! Wait mo lang ako diyan.”

Pumasok ako sa kuwarto at muling namili ng swimsuit.  I decided to go with the two-piece blue bikini. Pero parang nakakahiya. Bahala na.

Paglabas ko ng kuwarto, hiyang-hiya pa akong nagpakita sa kanila. Naka-sunglasses sina Shane at Kier… pero nang makita nila ako, dahan-dahan nilang inalis iyon.

Shane mouthed “wow” while looking at me. Pabiro naman silang nagsikuhan ni Kier habang nakatingin sa akin. Ewan ko kung ano ang ibig sabihin niyon. Pero mukhang na-appreciate naman nila ako.

“Ano, Kier at Shane? Nganga kayo, `no?” sabi ni Tita Evang. 

“Bagay sa `yo, Valerie. Nicely done!” sabi ni Mia habang nakangiti.

Mabait naman pala talaga si Mia. Siguro kung hindi kami pareho ng minamahal, baka naging magkaibigan kami.

Kumain muna kami bago ang games. Pagkatapos ay tinawag na kami ni Miss Cyrene para masimulan na ang palaro.

“Ready na ba ang Team Dragons?!”

“Ready na! Nag-Milo na kami!” sagot ko.

“Eh, ang Team Puppies?” tanong ni Miss Cyrene.

“Arf! Arf!” pabirong sagot ni Kier.

Natawa si Mia at pabiro siyang pinalo sa braso. “Ikaw talaga.”

Ang corny nitong dalawang `to.

“Okay! Good! Meron tayong five games, guys! Ang mananalo ay may surprise prizes mula sa amin at sa management ng resort. But remember, this is not intended for you guys to become enemies. This is for you to build strong bond and have fun!” paliwanag ni Miss Cyrene nang may ngiti sa mga labi.

Na-excite ako. Dapat manalo talaga kami rito.

“Game!”

“First game is called ‘Mine Field.’ Simple lang ang mechanics. Una, lalagyan ng blindfold ang team leaders. `Tapos meron na kaming nakahanda na mga hinukay na butas dito. Simple lang ang game, kailangan lang makatawid ng team leader n’yo from point A to point B without stepping sa mga hukay. Mga ten meters ang layo ng point A and B. Kapag naapakan ni team leader ang hukay, babalik siya sa simula ng point A. So to guide them, kailangan n’yo lang isigaw kay team leader kung saan ang direksiyon. Ang catch dito, magsasama lahat ng members ng dragons at puppies sa point B, pero dahil magkaiba kayo ng isisigaw. Malilito ang mga team leaders.”

Dahil kaming dalawa ni Kier ang leaders ng magkabilang group, kami ang nasa point A. Nilagyan kami ng blindfold ng mga game organizer na sa sobrang higpit, mapapapikit ka na lang.

“Team Dragons and Team Puppies! Are you, guys, ready?”

“Valeng... Pustahan tayo?” biglang sabi ni Kier.

“Huh? Anong pusta?”

“Kapag nanalo kami, huwag ka nang umalis. Pero kapag nanalo kayo, you can do whatever you want. Ano, deal?” sagot niya.

Huh? Bakit biglang ayaw akong paalisin nito? Ano naman kayang topak nitong puppy na `to?

Nakakainis! `Ayan na naman siya, eh. Gusto kong maka-move on sa kanya pero kung ganyan siya, paano makakawala ang puso ko?

“How about kapag kami ang nanalo, you will let me go at hindi na muling magpaparamdam sa akin?” sabi ko. Gusto ko na siyang makalimutan.

“O—kay... Deal... I won’t lose!” sagot ni Kier na parang ganadong-ganado.

Sumenyas si Miss Cyrene. “Ready! Go!”

Naglakad lang ako kahit race ang labanan. Mas maganda na ang slowly but surely. Para sigurado na hindi ako malalaglag sa mga butas.

“Kaliwa! Kanan! Deretso! Lipad! Tumbling! Roll over! Kanan! Left! Right!”

Dahil sa nakakalitong instructions ng magkabilang group, naaapakan ko ang butas.

Damn it! Balik point A tuloy.

“Guys! Ibahin n’yo ang strategy n’yo nalilito ako!” sigaw ko. 

Nagtawanan naman silang lahat.

Maingay pa rin sila or siguro ang grupo nina Kier. Mukhang naapakan din niya ang butas at umulit siya. Nakalimang beses na ulit ako dahil natatapakan ko ang mga butas. May instance pa na malapit na ako, sabay naapakan ko pa.

Then finally, nakaisip si Shane ng paraan. “Val! Ako lang ang magsasalita so just focus on my voice, okay?”

Tumango ako. Sinimulan niyang isigaw ang mga tamang direksiyon. Dahan-dahan ko uling nilakad ang papuntang point B. 

Ginaya naman ng Team Puppies ang strategy namin. Si Mia lang ang nagsasalita sa kanila.

Gaya-gaya, ang daya!

“Val, kaunti na lang! Go right! Step, step, step, then go a bit left!” sigaw ni Shane.

Pero ilang saglit pa, nag-cheer ang mga Team Puppies dahil nasa finish line na pala si Kier at nauna na sa akin.

Pumito si Miss Cyrene. “Team Puppies won the first match!”

Tinanggal ko ang blindfold at pumunta sa kanila. “Ang daya!” sabi ko.

“Anong daya? Mabilis lang talaga ako,” sabi ni Kier habang nakangisi. “Paano ba `yan, panalo kami?”

“Huwag excited, first match pa lang,” sabi ko.

Bahagyang tumawa si Kier. “Basta, hindi ako papatalo.”

“Are you, guys, ready for the next match?” tanong ni Miss Cyrene.

“Yeah!”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly