DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 48: Playful Fate

☆

5/12/2025

0 Comments

 

Until i'm over you

Kier

IT HAD been a month. Mia and I were still dating. Okay naman ang relasyon namin. Madalas ay nasa bahay lang kami at nanonood ng movie. It was actually good to have a movie buddy. Halos pareho ang lahat ng hilig namin. Kaya sa halos lahat ng bagay ay magkasundo kami. Puwera lang kay Pogi. Takot talaga siya sa aso. Kaya every time na nandito siya, ikinukulong ko si Pogi.

Ang sakit makita na ikinukulong ko ang aso ko. Never kong ginawa kay Pogi iyon. Kahit kapag namamasyal kami, kinakarga ko lang siya para dalhin. Sinubukan ko namang mawala ang takot ni Mia kay Pogi, kaso wala talaga.

Kagigising ko lang. Ang ganda ng sikat ng araw sa labas na tumatagos sa mga bintana ng bahay ko. Ako lang at si Pogi sa bahay ngayon kaya malaya siyang nakakatakbo. Naka-boxer shorts lang ako at gumagawa ng breakfast nang biglang may kumatok sa pinto.

Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin si Mia na nakasando, nakamaong shorts, at naka-sunglasses. Astig na version talaga siya ni Jana.

“Good morning, sweetie!”

Ngumisi ako at binati rin siya. “Hey... Ahm... Good morning!”

“Oh... `Ganda ng suot mo, ah.” Tiningnan ni Mia ang hitsura ko mula ulo hanggang paa.

Nakalimutan kong naka-boxer shorts lang pala ako at walang damit pang-itaas. Agad kong tinakpan ang nasa ibaba ko. “Oops! Sorry.”

Ipinatong ni Mia ang kanyang mga kamay at braso sa balikat ko at inilapit ang kanyang mukha sa akin. “Bakit ka naman mahihiya sa akin?” tanong niya sa mapang-akit na boses.

Napalunok ako. Akma na sana niya akong hahalikan nang biglang dinilaan ni Pogi ang paa niya. Dahilan naman para mapatili siya nang malakas sa gulat.

“Pogi, no!” saway ko sa aso. “Sorry, Mia! Akala ko kasi mamaya ka pa pupunta.” Kinarga ko si Pogi at dinala sa kulungan niya. “Sorry, buddy, dito ka muna sa cage mo, ah?” Binalikan ko si Mia na nasa sala na.  “Sorry, Mia. Mamaya pa kasi `yong lakad natin, `di ba? Kaya akala ko mamaya ka pa.”

“Okay lang. Sorry if I screamed. Saan nga pala tayo pupunta mamaya?”

“I was invited as a guest of honor sa isang evening party. Dapat si Papa ito kasi foundation niya ang sponsor ng event pero dahil wala siya, ako na lang, and you are my plus one.”

“Ano ba `yan, Kier? Bakit hindi mo sinabi na magarbong party pala pupuntahan natin mamaya? Tingnan mo tuloy, ito lang suot ko,” reklamo niya.

“Okay lang `yan. We’ll just buy on our way there.”

Umakyat ako sa kuwarto para magbihis. Then we watched some movies dahil masyadong maaga nang dumating si Mia.

Matapos iyon, naghanda na kami sa pagpunta sa event. Dumaan kami sa isang shopping mall para bumili ng susuotin. I wore a black tuxedo, while Mia really looked stunning in her long red dress.

Ginanap ang event sa event hall ng isang five-star hotel. Ang daming mga mayayamang tao at mga artista ang nandito. Sa dulo ng event hall, sa gitna ay may stage. Pagdating namin, sinalubong agad kami ng isang tsinitang babae na mukhang extra sa mga Chinese movie.

“Good evening! Are you Mr. Kier de Leon?”

“Indeed I am,” sagot ko.

“Hi, Mr. de Leon, my name is Kim Nicole, the secretary of the host of this event, Miss Michiko Watanabe. May I please show you and your partner to your table?”

“Sure, thank you.”

Sinamahan kami ni Kim sa aming table at bago kami makaupo dumating si Miss Michiko at binati kami.

“Hi, Kier! My name is Michiko, ako ang host ng party. We are so glad that you can make it tonight.”

Nakipagkamay ako kay Miss Michiko. “It’s a pleasure to meet you, Miss Michiko.”

“Ang guwapo mo pala, lalo sa personal,” sabi ni Miss Michiko, sabay kindat.

Ngumisi ako at ipinakilala si Mia. “Thank you. This is my date Mia Rivera.”

Ngumisi si Mia at nakipagkamay kay Miss Michiko. “Nice to meet you, Miss Michiko.”

“Siyanga pala, we invited your friends, Shane and Valerie. Is it okay if they will share the table with you?” tanong ni Miss Michiko.

“Huh? Ah... Eh...” Naloko na. Ang awkward nito mamaya. Pupunta rin pala sina Valerie dito.

“What’s wrong, Kier?” tanong ni Mia.

“Sure! It’s okay!” sabi ko.

Umupo kami ni Mia. Iniwan na kami ni Miss Michiko para asikasuhin ang iba niyang mga bisita.

Ilang saglit pa, nagpuntahan ang mga photographer sa entrance ng event hall dahil mukhang dumating na pala sina Valerie at Shane.

Naging sentro sila ng atensiyon ng lahat. Nakita ko si Valerie na naglalakad papunta sa table namin. Napakaganda niya. Her hair was still blonde at nakapusod iyon. She was wearing a white dress that fitted her body. Natulala ako sa kanya. Nakangiti siya habang binabati ang mga tao. Grabe, bakit parang nami-miss ko ang napakaganda niyang mga ngiti?

Sinamahan sila ni Kim na secretary ni Miss Michiko sa table namin at heto na… magkaharap na kaming apat.

“Kier,” tawag sa akin ni Shane.

“Shane,” tinawag ko rin siya at nagkatitigan kami. Tumingin naman ako kay Valerie. 

“Ahm... Hi, Valerie.”

Seryoso ang mukha ni Valerie na nakatingin sa akin. “Kier...”

“Ahm… Si Mia nga pala,” nahihiya kong pagpapakilala kay Mia. Hindi dahil ikinahihiya ko siya kundi dahil nahihiya ako kay Valerie.

“Mia? I didn’t know you and Kier are dating?” tanong ni Shane.

“Hi, Shane,” sagot ni Mia.

Natulala si Valerie kay Mia na parang nakakita ng multo. “Kilala mo siya, Shane?”

“She is my ex-girlfriend,” sagot ni Shane.

“Uhm…. Hi! I’m Mia.” Inabot ni Mia ang kamay kay Valerie para makipagkamay.

Natauhan naman agad si Valerie. “Hi, I’m Valerie.”

“So kasama pala namin kayo sa table?” tanong ni Shane.

“Ah, oo... G-guest of honor daw tayo dito, eh,” sagot ko.

Grabe, para akong pinagpapawisan nang malamig. Nakakakaba. Nasa harap ko si Mia at si Valerie.

Umupo kaming apat. Magkatapat kami sa pagitan ng isang round table. Magkatabi si Shane at si Valerie at kami naman ni Mia. Nagsimula ang event. At siyempre sa umpisa, may mahabang talk ang mga event producer at mga host.

Ang awkward talaga. Nagkakatinginan lang kaming apat at walang nagsasalita. Biglang humikab si Valerie at isinandal ang ulo sa balikat ni Shane.

Aba! Nang-aasar pa yata `tong dragon na `to, ah. Akala mo naman magpapatalo ako sa `yo.

Inakbayan ko si Mia at ngumiti siya sa akin. Bumawi naman si Valerie at kinuha ang braso ni Shane at iniakbay sa sarili niya.

Self-inflict. Patawa.

Ilang saglit pa, dinalhan kami ng waiter ng pagkain at maiinom.

“Perfect! I’m actually starving,” sabi ni Valerie na nakangiting nakatingin sa pagkain.

Ang takaw pa rin ng dragon na `to. Walang pagbabago.

“Leche flan, Val, o. Here, tikman mo.” Sinubuan ni Shane si Valerie ng leche flan. Tumingin sa akin si Valerie na parang nang-aasar.

“Mia, gusto mo ba ng leche flan? Susubuan kita,” alok ko naman kay Mia.

Ngumisi si Mia at tumango kaya kinutsara ko ang leche flan at akma ko na sanang isusubo sa kanya. Malapit na iyon sa bibig niya nang may sumipa sa binti ko sa ilalim ng lamesa. Nahulog ang leche flan sa mesa kaya hindi ko iyon naisubo kay Mia.

Epal talaga `tong dragon na `to.

“Ay! Sorry, Mia. Kukuha na lang ako uli.”

Ngumisi si Mia at kinuha ang kutsara. “Huwag na, Kier. Ikaw talaga. Ako na lang.”

 “Shane, gusto ko pa ng leche flan. Pahingi uli,” malambing na sabi ni Valerie kay Shane.

Susubuan na sana ni Shane si Valerie pero sinipa ko rin ang binti ni Valerie.

“Aray!” Natabig ni Valerie ang leche flan at natapon iyon sa mesa.

“O, bakit, Val? What’s wrong?” tanong ni Shane kay Valerie.
“Wala, nakagat lang ako ng lamok sa binti,” sagot ni Valerie at tiningnan ako nang masama.

Napakunot-noo si Shane. “May lamok dito?”

“Ah, oo nakagat nga ako kanina, eh,” sabi ko. “Ikaw, Mia, nakagat ka rin ba ng lamok?”

“Hindi naman. By the way...” Itinuro ni Mia si Shane at si Valerie. “Are you guys dating?”

Sasagot na sana si Shane nang biglang magsalita ang MC sa stage. “Ladies and gentlemen, may I please present to you Atty. Kier de Leon, the sponsor of this event!”

Nagpalakpakan ang mga tao at nakatingin ang lahat sa akin. Tumayo ako at nag-ayos ng sarili.

Tumayo rin si Mia at binigyan ako ng kiss sa cheeks, “Good luck, sweetie.”

Nakita ko namang nag-roll ng eyes si Valerie sa ginawa ni Mia. Selos! Nakakatuwa.

Pumunta ako sa stage at nakipagkamay sa mga naroon. Nagbigay ako ng maikling speech tungkol sa foundation ni Papa at nagpasalamat sa mga taong dumalo.

Matapos iyon ay dumeretso ako sa banyo. Paglabas ko, nakita ko si Valerie na naghihintay sa labas ng CR ng mga babae.

“Hey.”

 “Hi.”

Bumati rin siya. Akala ko, hindi niya ako papansinin.

“Kumusta ka na?” tanong ko.

“I’m okay,” sagot ni Valerie. “Kaya pala si Mia ang pinili mo, dahil kamukha siya ni Jana. Tama ba?”

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Biglaan ang pagsasalita niya. Akala ko, mahihiya siya. Pero... siguro nga, tama siya.

“Kumusta ka na? Masaya ka na ba sa kanya?” tanong ni Valerie.

“Ayos lang,” sagot ko. “Kayo na ba ni Shane?”

“Hindi pero nanliligaw siya sa akin,” sagot niya. “I’m going to South Korea with Shane.”

“When?”

“The week after next week.” Seryoso lang ang mukha ni Valerie.

“I see... Kailan ka babalik? Sigurado ka na ba?” Ewan ko kung bakit pero ayaw ko siyang umalis. Parang nalungkot ako sa ibinalita niya. Just the thought that she would be away was driving me crazy inside.

“I don’t know kung kailan ako babalik at kung babalik pa ako. Pero sigurado na ang pag-alis ko.”

“Valeng... I uhm... Uhm... Gusto ko sanang pigilan ka. Pero kung diyan ka magiging masaya... I guess I will let you go.” Tumalikod ako kay Valerie para umalis na. Hindi ko alam kung bakit pero ang sakit.

“Gusto mo akong pigilan, Kier? Para saan pa? Hindi ba pinili mo na siya? Naging masaya ka na? I told you you were my happiness! Do you think I’ll be happy without you?” 

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa biglaan niyang pagbitiw ng mga salita. Dinig ko sa boses niya ang pag-iyak.

“You know I can’t, Kier! No, I can’t... not... until I’m over you.”

Nagulat ako sa sinabi ni Valerie. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Minabuti kong bumalik sa upuan namin at iniwan ko siya.

Pagdating ko sa table namin, nagmamadaling umalis si Shane pagkatapos niyang i-check ang kanyang phone.

“Nagmamadali si Shane, ah. May nangyari ba kay Valerie?” tanong ni Mia.

“Nothing... Baka nag-aya na si Valerie na umuwi.” Hinawi ko ang buhok ko. 

Pakiramdam ko, stressed na stressed ako. Basta, ang bigat ng pakiramdam ko. “Let’s also go home, Mia.”

“Why? May problema ba, Kier?”

“Wala. Masama lang ang pakiramdam ko.”

“O, sige. Let me have your keys. I’ll drive.”

Ibinigay ko kay Mia ang susi ng kotse at ipinag-drive niya ako pauwi sa bahay.

Habang nasa biyahe, biglang nagtanong si Mia.

“Ano’ng meron sa inyo ni Valerie?”

Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka sa mukha.

“Why? You thought I didn’t notice what you guys were doing earlier?” Seryoso ang mukha ni Mia sa tanong na iyon.

Nanahimik ako saglit. “Sorry. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon. Bukas na lang natin `yan pag-usapan.”

“Okay.” 

Parang inis siya sa sagot ko pero mas iniintindi ko ngayon ang mga sinabi ni Valerie.

Natulog kami ni Mia sa bahay. Ako sa sarili kong kuwarto at siya naman sa guest room.


​
Kinabukasan nakatanggap ako ng tawag mula kay Kuya Gilbert.

“Hello, Kier?”

“Hello, Kuya Gilbert? Kumusta po?” nakangiting sagot ko.

“Nabalitaan mo na siguro na aalis na ang anak ko papuntang Korea. Gusto sana naming magbakasyon bago ang alis niya. Sasama ka?” tanong ni Kuya Gilbert sa tonong excited nang magbakasyon.

“Sige po. Kailan po ba?”

“Sa darating na Sabado, Kier. Kasama ang mga kaibigan n’yo ni Valerie. May activities din, kaya tiyak na mag-e-enjoy ang lahat,” paliwanag ni Kuya Gilbert. Sa ilang segundo, para siyang nag-alok ng produkto sa akin.

“Ah, talaga po? Saan naman po?”

“Sa may Subic beach tayo. Magkakaroon daw ng parang team para sa activities. Isip ka na ng name ng team mo, ah? Ikaw raw ang leader sa kabilang team. Basta sa amin si Valerie daw ang leader. Team Dragons daw kami.”

“Ah, sige po. Mukhang may naisip na ako. Magiging masaya nga po `yan.”

“Sige, aasahan ko pag ang pagdating mo. Salamat, Kier.”

“Salamat din po, Kuya Gilbert.”

Exciting ito! Isusuot ko nga ang basketball uniform ko na Team Puppies para sa bakasyon na iyon.
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly