DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

chapter 47: Break Even

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier

ANG SAKIT…

Hindi ko alam kung bakit masakit…

Oo, masakit ang panga ko dahil sa suntok ni Shane pero bakit ang sakit din sa puso ng ginawa ko kay Valerie?

What the hell was going on? Puro si Valerie ang laman ng isip ko ngayon. Naaalala ko ang lahat. Lahat ng kulitan at asaran namin. Lalong-lalo na ang matiyaga niyang pag-aalaga sa akin noon. Kahit iyong lasa ng hindi masarap na luto niya parang nalalasahan ko sa dila ko.

Nakakabaliw!

“Alleiea, do I have an appointment for today?” tanong ko sa aking secretary.

“Wala po, Sir Kier. O-okay lang po ba kayo?”

“Aalis na muna ako. You can also go anywhere if you want. Just treat this as a paid vacation. Tell everyone about it, too,” sabi ko.

Dahil gulong-gulo ang isip ko, minabuti ko na lang na umalis ng opisina at magmaneho. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayaw ko rin munang umuwi.

I had been driving for hours and hours without a destination. Parang sa loob-loob ko, may gusto akong biglang makita habang nagmamaneho. Damn it!

Inabot na ako ng hapon sa daan, hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta. Then I found myself in this bar. Kung saan dating nagtatrabaho si Valerie.

Now, why was I here? That was something I didn’t know. Dinala lang talaga ako ng isip ko dito.

Sarado pa ang bar nang makarating ako. Pero nakita ako ni Karlo na agad naman akong binati.

“Insan! Napadalaw ka?” sabi ni Karlo.

“Insan!” Nag-fist bump kami bilang batian. “Hindi ko alam kung bakit ako nandito, insan. But I think I’ll be needing a drink, kaso sarado pa pala.”

“Mukhang may problem ka, ah? Huwag kang mag-alala, puwede tayong pumasok dito. You’re with me.” Inakbayan ako ni Karlo at pumasok kami sa loob ng bar.

Wala pang masyadong tao sa loob pero may mga crew na. Umupo kami ni Karlo sa harap ng bartender at nag-order ng beer.

“O, heto, bro.” Iniabot niya sa akin ang inumin. 

Agad ko naman iyong ininom. Nakatatlong beses akong uminom bago ako tanungin ni Karlo.

“So, bro, ano’ng problema?”

“Pag-ibig, bro.”

“Naku! Sinasabi ko na nga ba, eh. Ano’ng nangyari? Hindi ka ba nakapaghulog ng monthly contribution o may problem ka sa housing loan? Ano, bro?” tanong ni Karlo.

“Putakte ka, hindi `yon!”

“Joke lang, bro. Breaking the ice lang,” sabi ni Karlo, sabay tawa. “So ano nga’ng problema?”

“Si Valeng kasi, bro,” sagot ko. “Nalilito ako sa kanya at kay Mia.”

“Huh? What do you mean? Saka sino `tong si Mia?”

Ipinakita ko sa kanya ang picture ni Mia sa FB. Gulat na gulat naman siya at parang hindi makapaniwala. “What da shit biscuit! Kamukhang-kamukha niya si Jana. Ano ba `yan, bro? Pinsan ni Jana or kamag-anak?”

“Hindi, eh. Sadyang magkamukha lang talaga sila.”

“`Tapos nakilala mo pa, `no? Pagkakataon nga naman, o,” sabi ni Karlo. “Let me guess, may feelings ka na kay Valerie pero napo-fall ka dito kay Mia dahil kay Jana. Tama ba?”

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Karlo. Tama siya. May nararamdaman ako kay Valerie at sobrang lakas niyon. Pero may kakaiba rin akong nararamdaman kay Mia. Dahil nga ba kamukha siya ni Jana o dahil sa kanya mismo?

“Hindi ko alam, bro. Ang hirap sagutin ng tanong mo. But Mia and I are dating.”

“Mahirap talaga `yan, bro. Gayahin mo na lang ako, mag-universal third wheel ka na lang din. Makiki-monthsary at makiki-anniversary ka lang. Wala pang sakit sa ulo,” biro ni Karlo.

“Sira ka talaga.” Napabuntong-hininga na lang ako. Puro si Valerie pa rin ang nasa isip ko ngayon.

“Sorry, bro. Hindi talaga ako magaling sa mga ganyang problema. Wrong tree! But what I can do….” Inakbayan ako ni Karlo habang hawak niya ang beer. “Is to divert your thinking to something else.”

Uminom kami ni Karlo at nagkuwentuhan ng mga puro kalokohan. Kahit papaano ay natawa ako at na-divert naman ang isip ko.

“Woah!” Nahilo ako sa pagtayo ko. Mukhang tinamaan ako sa ininom namin.

“Easy lang, bro. Dahan-dahan. Lasing ka na, eh. Sino ba ang tatawagan ko para puntahan ka? Si Mia ba o si Valerie?” natatawang tanong ni Karlo.

“Wala! Kaya kong mag-isa! Pero si Jana, pare. Si Jana gusto ko siyang makita.” Lasing na ako. Kung ano-ano na ang pinagsasasabi ko.

“Ah, so doon tayo sa kamukha ni Jana. Akin na phone mo.”

Iniabot ko kay Karlo ang phone ko. “CR lang ako, bro.”

“Sige, `wag mong kakausapin `yong inidoro, ah? Pareho kong kokontakin. Tingnan natin kung sino ang mauuna,” biro ni Karlo, sabay tawa.

Ngumisi ako. “Sira ka talaga. Hindi pa ako gano’n kalasing.”

Pagkatapos kong mag-CR, nagpatuloy ang kuwentuhan namin ni Karlo. Ilang saglit pa, dumating si Mia.

“Insan, lagot ka! Nandiyan na si Mia!”

Lumapit sa akin si Mia at hinawakan ako sa likod. “O, Kier, bakit ka umiinom? May problem ba? You should have called me.”

“Hi, I’m Karlo. Ako `yong tumawag sa `yo.” Nakipagkamay si Karlo kay Mia.

“Hi, Karlo. I’m Mia. Thanks for giving me a call.”

“No worries. Sige maiwan ko muna kayo.”

Umupo si Mia sa tabi ko at hinaplos-haplos ang likod ko.







Valerie

ANG SAKIT…

Ang sakit na malaman mula kay Kier na may iba na siyang mahal. Parang binibiyak iyong puso ko at may parang humahawak doon nang napakahigpit. Tulala lang ako habang nakasakay sa kotse ni Shane. Nagpahatid ako sa kanya hanggang sa bahay dahil wala ako sa katinuan.

Bakit pa kasi ako umamin?

Nasaktan tuloy ako. Halos maubos na ang luha ko sa kaiiyak kanina nang umalis si Kier sa tabi ko. Akala ko, mahal din niya ako.

Siguro dapat sinamahan ko siyang makipagkita sa Mia na iyon noon. I shouldn’t have let my guard down. Now he was… gone.

Huminto saglit sa pagmamaneho si Shane dahil sa stoplight. Tulala pa rin ako at nakatingin lang sa bintana ng kotse.

Bigla namang hinawakan ni Shane ang kamay ko. “Val…” Inilapit niya iyon sa kanyang mga labi at hinalikan. “I am always here for you. Lagi mong tatandaan `yan.”

Tumango ako at pinilit na ngumiti. “Sorry, Shane.”

“That’s okay. I know gusto mo munang mapag-isa. Pero kung kailangan mo ako…” sabi ni Shane, sabay biglang kumanta. “I’m only one call away. I’ll be there to save the day. Superman got nothing on me.”

Napangiti ako sa ginawa niya pero ang madalas na gumagawa ng ganoon ay si Kier. Si Kier pa rin talaga ang laman ng isip ko.

“Thank you, Shane.”

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Shane hanggang sa nakarating kami sa bahay. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam.

Pagdating ko sa bahay, nakatanggap ako ng text message mula kay Kier.

Kier: Val, si Karlo `to gamit ko ang phone ni Kier. Lasing na si Kier dito sa bar. Puntahan mo baka tumawag pa ng uwak `to. LOL.

Huh? Bakit naman siya umiinom ngayon? Nakakainis talaga ang lalaking ito. Napakapasaway! Lagot siya sa akin pagdating ko doon.

Mabilis akong tumawag ng taxi papunta sa bar.

Heto ako… Na-reject na nga pero sige pa rin nang sige. Bahala na. He needed me and I should be there. Fighting!

Ilang saglit pa ay nakarating ako sa bar. Pumasok ako at agad na hinanap si Kier. Nakita ko siyang nakaupo at umiinom sa malayo. Gusto ko sana siyang lapitan pero…

May kasama na pala siyang iba.

“Val!” sabi ni Karlo na gulat na gulat nang makita ako. “Akala ko hindi ka pupunta? Easy lang, ah, baka makipag-away ka.”

Nakatingin lang ako kay Kier at sa babaeng kasama niya na hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod.

“Huwag kang mag-alala, Karlo. Uuwi na ako. Mukha kasing... mukha kasing wala na akong ipaglalaban pa.”

Umalis ako nang may sakit sa dibdib. Tumulo ang luha ko habang naglalakad nang mabilis.

Mahal kita pero parang hindi ko na kayang kumapit pa. Lalo na ngayong parang meron ka nang iba.

Gabing-gabi na nang makauwi ako sa bahay. Nilakad ko lang kasi mula sa bar hanggang sa bahay. Gusto ko kasi na mapagod ako para pagdating ko, makatulog ako at mawala na ang sakit ng puso ko.  Pagdating ko, nagpapatugtog si Papa ng radyo. Ang nakakainis doon, pang-asar pa iyong kanta. “Bakit Nga Ba Mahal Kita” by Roselle Nava.

Bakit nga ba mahal kita
Kahit `di pinapansin ang damdamin ko
`Di mo man ako mahal, heto pa rin ako
Nagmamahal nang tapat sa `yo.

“Papa!! Ilipat mo nga `yong kanta sa radyo!”

“Ano ba `yan, anak. Gabing-gabi beast mode ka? Heto na,” sagot ni Papa.
“Thanks, `Pa! Sorry po. Pagod lang.”

Inilipat ni Papa ang kanta sa radyo, pero nakakainis! Pati yata mga radio station gusto akong asarin.

Kung liligaya ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya.

Nakakainis talaga! Ako na nga ang maglilipat! Hindi ko kasi puwedeng patayin dahil relaxation time ni Papa. Inilipat ko uli ang kanta.

 “This next song is from JB.”

Salamat naman. Sana iyong pang-party. Gusto ko talagang makalimot.

 “Para sa mga pusong ipinagpalit sa iba. Sa mga pusong nagsasabi na sila ang dapat nakasama ng minamahal nila. ‘That Should Be Me’ by Justin Bieber.”

“Tama na please! Ang sakit-sakit na, eh.” Pinatay ko na lang ang radyo at umakyat sa kuwarto ko. “Papa, sira po `yong radyo. Huwag n’yo na pong ayusin, bibili po ako bukas!”





ISANG linggo akong nagkulong sa kuwarto. Lumalabas lang ako kapag kakain. `Buti na lang, wala pa kaming new songs to perform sa Four Maidens. Pero matapos ang isang linggo, busy na naman ang dragon. Mas maganda iyong ganito para makalimot kahit papa’no.

Isang buwan ang lumipas, fully booked ang Four Maidens kaya sobra akong naging busy. Paminsan-minsan ay dinadalaw ako ni Shane. Pero hindi na kami nag-usap ni Kier. Kahit text or poke sa FB, wala na.

Miss ko na siya.

Isang araw, inimbitahan kami ni Shane ni Miss Ange sa isang event kung saan nakilala namin ang isang producer.

“Valerie and Shane. Gusto ko nga palang ipakilala sa inyo si Miss Michiko isang music producer at talent manager,” sabi ni Miss Ange.

“Hello po.”

Nakipagbeso sa akin si Miss Michiko at nakipagkamay naman siya kay Shane. Si Miss Michiko ay hitsurang Haponesa at mukhang mabuting tao naman.

“Pleased to meet you, Shane and Valerie,” sabi ni Miss Michiko.

“Valerie, I know it’s a quick decision but I will be turning you over now to Miss Michiko as her talent. Sorry kung hindi ko na nakuha ang consent mo pero I think magugustuhan mo ang offer niya,” paliwanag ni Miss Ange.

“Valerie and Shane, you guys are going to South Korea to become K-pop idols,” masayang sabi ni Miss Michiko.

OMG! Tumayo ang balahibo ko sa katawan at napahawak ako sa aking bibig.

Natuwa naman si Shane sa narinig. “Talaga po? Woah, woah, woah! Hindi ako makapaniwala! Maraming salamat po, Miss Michiko!” Kinamayan niya si Miss Michiko.

“Val, this is going to be our biggest break! What do you say? You and me? South Korea? K-pop? Our dreams will come true!” sabi sa akin ni Shane.

“Oo nga, Valerie. Ito na ang big break mo,” sabi naman ni Miss Ange.

Nakatingin silang lahat sa akin na parang nag-e-expect sa pagpayag ko.

Sa tingin ko, ito na nga ang tadhana ko. Tumango-tango ako na maluha-luha pa. “Yes po! Yes! Maraming salamat po, Miss Michiko.”

“Walang anuman, Valerie and Shane. I’m the one who’s lucky to have discovered your talents,” sabi ni Miss Michiko. “I will have my assistant Kim to brief you about the contract and inform you about it later, okay?”

“Sige po, Miss Michiko,” nakangiti kong sagot.

“Oh, by the way. Tomorrow we will have a victory party. `Cause it’s time to celebrate our freedom against Mr. Valdez. Salamat naman at wala nang tao na hawak ang showbiz at mga media. I will be the host of the event kaya sana pumunta kayo, ah?” aya ni Miss Michiko.

“Makakaasa po kayong makakapunta kami ni Valerie. Right, Val?”

“Opo, Miss Michiko.”

Ngumiti si Miss Michiko. “That’s really nice to hear. I’ve also invited your friend tomorrow. Siya ang ating guest of honor sa event kasi ang foundation niya ang nag-sponsor nito.”

“S-si Kier po ba?” tanong ko.

“Yes. Si Atty. Kier de Leon.”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly