DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 46: In Someone else's Arms

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier

KINAKABAHAN ako. Sana okay lang si Mia.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko papunta sa kinaroroonan ni Mia. Apparently, she was trapped somewhere. Naka-undercover daw pala siya ngayon at hindi makalabas sa isang casino.

Pagkatapos ng ilang minutong biyahe, narating ko ang casino kung nasaan si Mia. Agad akong pumasok sa loob at hinanap siya.

Nakita ko siyang pinalilibutan ng mga lalaking Indiano. Ano man ang nangyayari, kailangan niya ako.

Nakita ako ni Mia na papalapit sa kanya kaya kinawayan niya ako. “Honey! I’m here!”  sabi niya. 

Sumingit ako sa gitna ng mga Indianong amoy-curry powder. Paglapit ko sa harap ni Mia. Nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa batok at halikan sa mga labi.

Napahawak din ako sa batok niya at tumugon ng halik. Napakalambot ng mga labi niya at ang galing niyang humalik. 

Pagkatapos ng limang segundo naming halikan, inilayo niya ang kanyang mga labi sa akin. “Sorry, boys. My husband is here now.”

Taas-noo ko naman inangasan ang mga Indianong nakapalibot sa amin. “We gotta go, honey,” sabi ko kay Mia.

Nagmadali kaming lumabas ng casino at sumakay sa kotse ko.

“That was close. `Buti na lang, dumating ka. Salamat, Kier. Sorry sa biglaang kiss.”

“I-it’s okay. Nagulat lang ako. Ano ba’ng nangyari?”

“I was undercover and spying on some drug lord. `Tapos bigla akong pinalibutan ng mga lalaking `yon. Ayaw nilang maniwala na may asawa na ako. Mga manyakis talaga,” sagot ni Mia. “`Buti nga, na-gets mo agad, eh.”

“Oo naman. Pero loko `yong mga `yon, ah. Sinaktan ka ba nila or hinawakan ka ba?” nag-aalala kong tanong.

“Hindi naman. Don’t worry. Kasama talaga `to sa trabaho ko.”

Nag-inat si Mia. Ngayon ko lang napansin ang suot niyang damit. It was a long red dress na kita ang kaliwang legs niya, sleeveless iyon, at medyo kita na ang cleavage.

“You look beautiful tonight. Bagay sa `yo ang suot mo,” sabi ko.

“Thank you.” Ngumiti siya. “Hindi ko nga dapat susuotin ito, eh. Kung `di lang kailangan.”

“Eh, bakit nga ba ganyan suot mo? Nabastos ka tuloy.”

“I have to get the target’s attention. Para makakuha ako ng impormasyon sa kaso na hinahawakan ko.” Muli siyang nag-inat. “I guess nakakuha na ako ng sapat na info. I wanna call it a night. Puwede mo ba akong ihatid, Kier?”

“Ahm…. s-sure. Saan ba?”

Itinuro ni Mia kung saan siya nakatira.

Matapos ang biyahe namin, nakarating kami sa bahay niya. Simple lang ang bahay ni Mia. Kulay-yellow at white at maraming tanim na halaman. Dalawang palapag iyon at may malaking gate na kulay-dilaw. Mukhang paborito niyang kulay ang yellow.

“Nice house. Paborito mo ba ang yellow?” tanong ko.

“Yep. Yellow and white. Pasok ka muna sa loob.”

Pumasok kami sa loob ng kanyang bahay. Malinis ang bahay niya na parang hindi nagagalaw ang mga gamit. May mga picture siya ng family niya at may mga painting din sa dingding.

Pinagmasdan ko ang isa sa mga painting. “Ikaw ba ang gumawa nitong mga painting? Ang ganda, ah.” Ang nasa litrato ay isang anghel na bumaba sa lupa mula sa langit. Napakaamo ng mukha niyon at malinis ang pagkakagawa.

“Oo. One of my hobbies kasi ang mag-drawing at mag-paint.”

Natulala ako sa kanya. Para talaga siyang si Jana. Pareho silang magaling mag-drawing.

“Ang ganda mo.”

“Huh? Kier?”

“I mean `yong mga gawa mong painting. Pero totoo namang maganda ka talaga.”

Ngumisi si Mia. “Ikaw talaga. You want some tea or wine?”

“Sure. Kahit ano.”

“Let’s have some wine na lang. I’m too tired to make tea, eh. Hope it’s okay.”

“Sige.”

Pumunta siya sa kusina at kumuha ng wine. Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga personal na bagay kaya lalo kaming napalapit sa isa’t isa. Lumalim ang kuwentuhan at marami na rin kaming nainom na wine. Hindi namin namalayan na ten PM na pala.

“I better go, Mia. Malalim na pala masyado ang gabi.”

Hinawakan niya ang kuwelyo ng shirt ko at nagsalita malapit sa bibig ko. “How about you stay the night?”

Tumingin si Mia sa mga mata ko at sa mga labi ko. Parang gusto niya na halikan ko siya. I was hypnotized by her eyes. She gently closed them, then I closed mine. I kissed her sweet lips passionately and she did the same. I gently touched her back and caressed it with my hands. We didn’t stop kissing until we found ourselves falling to each other’s spell. It felt like the old times. It felt like… It felt like I was with Jana.

Suddenly, she stopped kissing me and touched my cheeks. “Tulog na tayo. Maybe we can continue this someday. But not tonight.”

Tumango ako at tinitigan siya. “Dito na lang ako sa sofa mo.”

“Sige. I’ll go get you some pillows and blankets. Good night, Kier. Thanks for saving me tonight. I’m liking you even more.”

Napangiti naman ako sa sinabi niya. “Good night, Mia.”

Umalis si Mia at pumunta sa kuwarto niya. Dinalhan niya ako ng kumot at mga unan. Natulog ako sa sofa niya. Siya naman ay sa kanyang kuwarto.

Kinabukasan, nagising ako sa haplos ng mga kamay sa mukha ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Jana…. Pero luminaw ang paningin ko at… si Mia pala ang nasa harap ko.

“Good morning!” she said then gave me a quick kiss.

Ngumisi naman ako. “Good morning!”

“Kumusta ang tulog mo?” tanong ni Mia.

“Ayos lang. Pero mas maganda `yong tulog ko last week. Katabi kasi kita, eh,” sabi ko.

“Ikaw talaga. Breakfast is ready. Kain ka na lang, ah? I have to go. Paki-lock na lang `yong mga pinto.”

“May pasok ka pala. Pupunta rin ako ng office mamaya, eh. Ingat ka.”

“Ikaw din. Let’s meet at your place later?” tanong ni Mia.

Nagulat ako sa tanong niya. Parang masyadong naging mabilis ang lahat. We were actually kissing each other at pumupunta na kami sa bahay ng isa’t isa. Were we officially dating?

“Oh, sure, sure!” I said with excitement.

Paalis na sana siya nang biglang may pumasok sa isip ko na itanong sa kanya. “Ahm… Mia… I just, ah… I just want to know if we are officially dating.”

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko. “Do you want us to wait until we are ready? We’re both adults.”

“I ah… I know… But, ahm... Don’t you think we’re going too fast?”

“Kier…”

“If we are going to wait until we are ready, then we will be waiting forever.”

Ang lalim ng sinabi ni Mia pero tama siya. Gusto ko na rin naman siya pero there was something inside me na parang kakaiba. Hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon.

Ngumisi ako at hinawakan ang mga kamay niya. “I guess you’re right, Mia.”

Muli niya akong binigyan ng kiss sa lips. “Catch ya later!”

“See ya!”

Nang makaalis si Mia, naglibot-libot ako sa bahay niya para makita ang iba pang mga hilig niya. Ang dami niyang paintings at ang gaganda pa. Napansin ko rin na mahilig siya sa Star Wars at Hollywood films. Kaya pala parang American ang culture niya pagdating sa pakikipag-date. Kumbaga wala nang patumpik-tumpik. `Pag gusto, go!

Then one of her paintings caught my attention. It was a painting of a dragon. Bigla akong natawa. Naalala ko si Valerie. Baka nagtatampo na sa akin iyon. Mamaya siguro kakausapin ko siya. For now, I had to go to my office.

Nag-almusal ako. Pagkatapos ay umalis na ako at dumaan sa isang clothing shop para bumili ng damit. No time to go home para magbihis, eh.

Pagdating ko sa opisina. Napansin kong nasa entrance ng office si Shane na parang naghihintay yata sa akin.

“Shane?”

Naka-sunglasses siya at nakasuot ng cap para hindi makilala ng mga fans niya.

“Kier...” Mabilis niya akong nilapitan at biglang sinuntok sa pisngi. 

Napatumba naman ako sa sahig sa lakas ng suntok. Pinagtinginan din kami ng mga tao. Nakita ko pa sina Alleiea na lumabas ng office para makita kung ano ang nangyayari.

Napahawak ako sa pisngi ko sa sobrang sakit. Ano ba ang problema nito?

“That’s for making Valerie cry!”

“The hell are you talking about?!” sagot ko.

Bigla naman dumating si Valerie. “Kier!”

Lumuhod si Valerie at inalalayan ako. “Shane, please stop! I’m sorry, Kier.”

“That’s fine,” sabi ko. “What’s going on here?”

Hindi nakasagot si Valerie at napayuko lang.

“What’s wrong with you, Shane?” tanong ko kay Shane.

“Dude! Nagpaubaya ako dahil ikaw ang pinili ni Valerie… Pero malalaman ko lang na pinaiyak mo siya! Anong klase kang lalaki?” sabi ni Shane.

Dumating ang mga guard ng office at inawat si Shane.

“Valeng, ano ba’ng sinasabi niya?” Tumayo ako at pinagpagan ang damit ko.

“Val, let’s go. Huwag mo nang aksayahin ang oras mo sa lalaking `yan,” aya ni Shane kay Valerie.

“Kier, may itatanong ako sa `yo,” sabi ni Valerie. Kitang-kita ko sa mukha niya na seryoso siya. “Ano ba ako sa `yo? Mahal mo din ba ako?! Kasi ako mahal kita! Mahal na mahal!”

Nagulat ako sa sinabi ni Valerie. Hindi ko alam ang dapat na sabihin. Kakaiba ang nararamdaman ko. Tumayo ang mga balahibo ko. Natulala lang ako at hindi makapagsalita.

Napaiwas ako ng tingin kay Valerie. Nahihiya ako sa kanya. Hindi ako sigurado kung ano ang nararamdaman ko sa kanya.

“Kier... Kier, sumagot ka naman! Dahil ba kay Jana? Kier, handa akong maghintay hanggang sa maka-move on ka sa kanya. Naiintindihan ko ang sakit ng pagkawala niya. Pero nandito ako para sa `yo. Huwag mong sarilihin ang mga pagsubok at paghihirap mo, kasama mo ako. Nakakahiya man na ipinipilit ko ang sarili ko, pero hindi ko na kayang itago ang damdamin ko para sa `yo.”

Muli akong natulala sa sinabi niya. Tama siya, si Jana pa rin ang laman ng puso’t isip ko pero hindi ko makakaila na may kakaiba rin akong nararamdaman sa kanya. Pero…

Umiwas ako sa tanong niya at naglakad na lang papasok ng opisina. Bago ako makapasok, muli akong tinawag ni Valerie.

“Kier!”

Nilingon ko siya pero hindi ako makatingin sa mukha niya. Iba na ang nagpapasaya sa akin ngayon kaya kailangan niyang malaman iyon.

“I’m sorry, Valerie... But I’m in love with someone else.”


NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly