DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 45: Wrong Expectations

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier

I DROVE my car to get to our meeting place. Ano kaya ang trip nito ni Valeng? Ang layo pa naman ng MOA seaside. Matapos ang ilang minuto o oras yata ng pagmamaneho, nakarating ako sa meeting place namin.

Nauna ako dahil mukhang wala pa siya rito. Agad akong nag-message sa kanya para sabihin na nandito na ako.

Me: Valeng, saan ka na? Dito na `ko.

Valerie: Bilis mo, ah. Teka maliligo na `ko.

Me: What?! Maliligo ka pa lang?! Akala ko ba three PM tayo magkikita.

Valerie: Hahahaha. Sorry na.

Me: Pinagtitripan mo lang ba ako?

Valerie: LOL.

Me: Hanep ka talagang dragon ka. Yari ka sa `kin sa susunod. Uuwi na ako.

Velerie: Sige uwi ka na. Hahaha

Lokong dragon `to! `Lakas talaga ng trip. May araw rin sa akin `yon. Agad akong bumalik sa kotse ko at nagmaneho pauwi. Habang bumibiyahe, naisipan kong tawagan si Mia. Baka may free time na siya. 

I used my bluetooth earpiece to call her while driving. “Hi, Mia! Will you be free tonight or later in a bit?”

“Hello, Kier. I’m sorry nasa field ako ngayon. Baka bukas pa ako or next week maging free. But I’ll call you later,” sagot ni Mia.

“Its fine, Mia. I just checked kung ayos ka lang. Mag-iingat ka diyan.”

“Sweet! Don’t worry. Take good care. See you again soon. Bye.”

“Bye.”

Napabuntong-hininga na lang ako. Ang malas naman ng araw na ito. Pinagtripan na nga ng dragon, wala pa si Mia. Makauwi na nga lang.

Matapos ang mahabang biyahe, pakiramdam ko napagod ako. Ipinasok ko sa garahe ang kotse ko, bumaba na ako, at pumasok ng bahay.

Pero pagpasok ko…

“SURPRISE!”

Bigla akong sinalubong ng yakap ni Valerie sa leeg.

“Valerie? Ano’ng ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok dito sa bahay?”

“Wala, napadaan lang ako. Inutusan lang akong bumili ng suka ni Papa,” sagot ni Valerie.

Nagtaka naman ako sa sinagot niya. “Huh?”

“Joke lang! Puwede! Nandito para makita ka. Ikaw lang, wala nang iba,” sabi uli niya.

Napangiti naman ako. Bumitaw siya sa pagyakap. “Teka sandali. Pupunta ka rin pala dito, bakit mo pa ako pinapunta sa MOA?” tanong ko.

“Nasa plano na talaga `yon. Kasi magluluto pa ako, saka para masopresa talaga kita. `Tapos matagal ko nang ipina-duplicate `yong susi mo para `pag gusto kitang sorpresahin katulad nito, hindi mo malalaman,” paliwanag ni Valerie.

Nasorpresa naman talaga ako. Iba ang dragon na ito, ah. I didn’t see that coming. Pero teka saglit. Sabi niya luto niya? Patay na... RIP to me.

“Y-you mean, nagluto ka?”

“Oo. Heto, o.” Dinala ako ni Valerie sa dining room at tumambad sa akin ang maraming pagkain katulad ng dragon carbonara, dragon roasted chicken, chocolate dragon cake, lumpiang dragon, at kung ano-ano pang dragon recipe. Parang pang-fiesta pa yata ang hinanda niya. Ang dami!

Napalunok ako. “A-ang dami naman. May mga bisita ba tayo mamaya?”

“Nope. It’s just you and me. Gusto mo nang kumain?”

“Ah... Eh... Mamaya na lang siguro. May okasyon ba?” Hinawakan ko ang noo niya. “May sakit ka ba?”

“Wala, `no! Gusto ko lang talagang ipaghanda ka.” Kumapit siya sa braso ko at ipinatong ang ulo sa balikat ko. “Na-miss kita.”

“Miss ka diyan. Magagalit `yong boyfriend mo,” sabi ko.

Natawa siya sa sinabi ko. “Sino ba’ng boyfriend ko? Wala naman akong boyfriend.”

“Isusumbong kita kay Shane,” sabi ko.

Tinawanan lang uli niya ako.

Napakamot-ulo na lang ako. “Ano kaya’ng nakakatawa? Baliw ka na, dragon?”

“Ikaw ang nakakatawa, mukha kang puppy, eh.”

“Ah, gano’n?” Kinunutan ko siya ng noo.

“Cute na puppy. O, `ayan cute na, ah,” bawi niya. 

Napangiti naman ako. “Good girl!”

Tumawa siyang muli. Nagtataka na ako. “Ano ba’ng nakakatawa? Hindi ka yata uminom ng gamot mo, eh.”

“`Lika na upo na tayo. Tikman mo na itong mga niluto ko.” Umupo kami at ikinuha niya ako ng mga pagkaing niluto niya.

“Ano nga pala `yong sasabihin mo, Valeng?” tanong ko para ma-delay nang kaunti ang sentensiya ko na tikman ang luto ng dragon.

“Naaalala mo pa ba `yong unang beses mo akong sinabihang good girl?” tanong ni Valerie.

“Oo. Pinagtripan mo rin ako nang araw na `yon, `di ba?” sagot ko.

Ngiting-ngiti naman si Valerie sa sagot ko. Nagtataka na ako dito sa dragon na ito. May kailangan siguro sa akin ito.

“Yes naman! Naaalala pa niya. Ako, naaalala ko pa simula no’ng araw na makilala kita.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Bakit kaya ang sweet-sweet ng dragon?

Kumuha siya ng carbonara at inilagay sa plato ko. “Tikman mo `tong gawa ko. Specialty ko `to.” Isinubo niya sa akin ang gawa niyang carbonara. At dahil nandiyan na at wala akong choice, kinain ko na lang.


Nginuya ko iyon nang dahan-dahan.

Oh, my God!

Hindi ako makapaniwala.

Ang tabang!

Ngumisi si Valerie pagkasubo ko ng carbonara. “Ano masarap ba?”

May laman ang bibig ko kaya hindi ako nakapagsalita. Pero tumango ako para sabihin na masarap kahit hindi. Nilunok ko ang aking kinakain, pagkatapos. Effort, ah. Ano kaya’ng meron?

Kumuha siya ng iba pa niyang mga niluto at inilagay ang mga iyon sa plato ko. “Kain ka pa. Marami akong iniluto para sa `yo.”

“P-pansin ko nga, eh. Sa sobrang dami parang bibitayin na ako bukas.”

Pabiro naman niya akong pinalo sa braso dahil sa joke ko.

Kahit hindi maintindihan ang lasa ng luto ni Valerie, pinilit kong ubusin ang mga pagkain na inilagay niya sa plato ko. Nabusog naman ako kahit parang washing machine na iyong sikmura ko.




Valerie

ANG SARAP sa pakiramdam na ipinagluto mo iyong taong mahal mo. Iyong tipong hindi mo alam na kaya mo palang gawin ang mga ganoong bagay na hindi mo akalain na kaya mo, kapag inspired ka.

Naubos pa ni Kier ang lahat ng food sa plato niya. Ang galing ko talaga! Sa susunod, aalamin ko ang mga paborito niyang pagkain para iyon naman ang next kong lulutuin.

Pagkatapos naming kumain, inalok ko siyang manood ng movie. Umupo kami sa sala at humarap sa malaki niyang TV na akala mo pansinehan na. Mga one hundred ten inches yata iyon.

“Nood tayo ng action or fantasy na movie. Ito, Deadpool or Iron Man,” mungkahi niya.

“Eh! Ayaw ko niyan. Ito na lang, o.” Inilipat ko sa romance section ang movie selection na nasa TV. “A Walk To Remember or `di kaya ito, Me Before You.”

Siyempre dapat, romantic ang panoorin namin.

“Ang hopeless romantic naman nito. Ano kaya kung comedy na lang?” mungkahi ni Kier.

“Ayaw. How about Twilight?” I suggested.

Napakamot siya ng ulo niya. “Harry Potter na lang. Mas maganda ang wizards kaysa vampire.”

“Sige na nga.”

Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon. Wala, mahal ko, eh.

“Gusto mo ng maiinom habang nanonood?” alok ko.

“Aba! Ang bait mo ngayon, ah? Sige, check mo sa ref, mayroon do’n.”

Pumunta ako sa kusina at naglabas ng malamig na cucumber juice. Mukhang gustong-gusto ito ni Kier, mayroon siyang dalawang pitcher, eh.

Dinala ko iyon sa sala at umupo ako sa tabi niya. Sinimulan na rin niya ang movie.

Habang nanonood, unti-unti akong lumapit kay Kier. Umisod ako nang umisod hanggang sa magkadikit kami. Ang bango-bango niya. Bakit ba ngayon ko lang napansin ito sa kanya? Dati, inis na inis ako sa kanya, ngayon parang lahat sa kanya ay gusto ko na.

Tahimik kaming nanonood at naisipan kong ipatong ang ulo ko sa balikat niya. Ang saya sa pakiramdam ng ganito. Sana lagi na lang kaming ganito.

Babad kami sa panonood nang biglang may tumawag kay Kier.

“Hello?” sabi ni Kier sa nasa kabilang linya. “Mia?! Bakit ano’ng nangyari?! Don’t worry. Just stay there, pupuntahan kita agad!”

Tumayo si Kier at mabilis na kinuha ang susi ng kotse niya sa mesa.

“Kier, saan ka pupunta?” tanong ko.

“Sorry, Valeng. Kailangan kong puntahan si Mia,” sagot niya.

Biglang uminit ang dugo ko nang marinig ang pangalan ng babaeng iyon.

“Mia?! Ano ba’ng problema niya? Bakit ikaw pa hinihingian niya ng tulong?!”

Umakyat si Kier sa kuwarto niya para magbihis. Sumunod naman ako dahil ayaw ko siyang umalis.

 Isinara niya ang pinto ng kuwarto dahil nagbibihis siya. Naiwan naman ako sa labas, sa may pinto. “Kier, huwag ka na lang umalis, o! Nanonood tayo. Sayang naman `yong movie.”

Ilang saglit pa, lumabas siya ng kuwarto.

“You don’t understand. She needs me.” Nagmamadali siya na akala mo naman nasa panganib ang babaeng iyon.

Bumaba siya ng hagdan kaya sumunod naman ako. “Paano naman ako? Kailangan din kita!”

Tumingin si Kier sa akin at parang nagtataka. Tumingin siya sa phone niya, pagkatapos. Parang magka-text sila ng Mia na iyon. Hindi ko alam pero selos na selos talaga ako kaya bigla kong inagaw ang phone niya.

Nagalit naman siya sa ginawa ko. “Ano ba?!”

“Sino ba kasi `yang tini-text mo? Mas importante ba `yang Mia na `yan kaysa sa akin?”

“Ano ba’ng problema mo, Valeng?!” Inagaw niya sa akin ang phone. “She needs my help and I need to go. You’re acting like a kid. Bakit ka ba nagkakaganyan?”

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Lumabas siya ng pinto. Narinig kong sumakay na siya ng kotse niya.

Naiwan akong mag-isa. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. “Nagkakaganito ako dahil mahal kita. Dahil gusto ko na sa akin ka. Dahil gusto kong maramdaman na mas importante ako sa `yo kaysa sa iba.”

Pero…

Mukhang umasa pala ako sa wala…

Iniligpit ko ang mga niluto kong pagkain at lumabas ng bahay ni Kier. Tumawag ako ng taxi para magpasundo pauwi. Ilang saglit pa, dumating ang taxi at sumakay ako. Habang nasa biyahe, naalala ko iyong mga araw na nasa taxi kami ni Kier at nag-aasaran.

“Sino ba kasi `yong Mia na `yon? Okay na kami, eh.” Humagulhol ako. Hindi ko na nagawang mahiya sa taxi driver. Ang sakit-sakit na kasi talaga, eh.

Tumunog ang phone ko. Sinagot ko agad iyon kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag.

“Hello?” sabi ko habang nagpupunas pa ng luha. Sana si Kier.

“Val, umiiyak ka ba? Si Shane `to.”

Si Shane pala.

“Shane? Hindi... Ahm... Ah... May sipon lang ako,” sagot ko.

“Val, pinaiyak ka ba niya? Nasaan ka? Magkita tayo.”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly