DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

chapter 44: Drown from the past

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

​One week ago (The same day when Shane confessed to Valerie)


Kier


ANG SARAP talaga minsan na may ganitong araw na wala akong gagawin kundi ang mag-marathon ng mga paborito kong TV series at movies.

I spent the whole day not even looking at my phone and just watching and eating snacks with my dog, Pogi. Pero kahit pa sobrang longing ako sa ganitong araw, hindi pa rin maiiwasan na ma-bore ako at maghanap ng ibang gagawin.

Nag-check ako ng phone at nakitang may ipinadalang picture si Valerie.

Picture nila ni Shane.

“Okay, so they are dating... Okay lang. Who cares?”

Inihagis ko ang phone sa malambot na upuan at nagpatuloy sa panonood. Pero nairita ako bigla. Hindi ako mapakali at naiinis ako.

Sabi ko okay lang kung nagde-date sila ngayon, pero iba ang sabi ng damdamin at utak ko.

Madali kong kinuha ang phone ko para mag-message kay Valerie at itanong kung nasaan sila. Nang biglang magsalita si Darth Vader sa movie na Star Wars sa TV.

Luke, I am your father!

Bigla kong naalala si Jana. She used to imitate that line and she’d say: Pogi, I am your mother!

Natatawa pa ako noon kasi ang cute-cute niya habang ginagawa iyon. Iyong tipong ang ganda-gandang babae pero may pagka-geek din minsan.

I suddenly skipped sending a message to Valerie, then I called Mia. She answered right away like she was waiting for it.

“Hello, Mia Rivera speaking!” 

“Hi, Mia! Si Kier `to.”

“Oh! Hi, Kier! Napatawag ka?”

“Ah... Nothing... Just checking you out. How’s it going?”

“I’m actually at work. Just finishing some files.”

“Sorry, Mia. Naistorbo pala kita. Maybe I’ll just call you later?”

“No, It’s okay. I really need a break from these files. I’m actually glad you called. Ano’ng ginagawa mo?”

“Nanonood lang ng movie, rest day ko, eh.”

“Oh, really? `Buti ka pa. `Kainggit. What movie?”

“Star Wars! Mina-marathon ko lang lahat ng part.”

“Oh, my! Gusto ko rin `yan! Alam mo ba, when I was thirteen, my friends already wanted to have boyfriends, Prince Charmings, bad boys, and puppy love, those other girly stuff but when they asked me what I wanted...”

She laughed from the other line with her sweet voice.

“Ang sabi ko, gusto ko maging Jedi or pilot ng X-Swing Fighter! Tapos `yon, iba na ang naging friends ko. Karamihan geek boys na.”

Napangiti ako. Pareho pa sila ng hilig ni Jana. “Talaga? Pareho pala tayo! Ako naman, gusto ko noon maging Sith Lord.”

She chuckled. ”Magkalaban pala tayo, eh.” Napabuntong-hininga si Mia. ”Nami-miss ko nang manood niyan.”

“Well, I am watching it right now but I can pause it for you if you want to join me.” sabi ko.

“Hmmm... Kainis ka!” Natawa siya. ”Ang hirap tanggihan ng offer mo! Sige, I’ll be there in a few minutes. Pause mo muna, ah?”

“Sige, I’ll text you my address. Ipaghahanda kita ng nachos.”

“Love that! See you in a bit!”

Oh, yeah! Pupunta dito si Mia at manonood kami ng Star Wars!

Agad kong nilinis ang bahay at gumawa ako ng nachos.

“Hey, buddy, may ipapakilala ako sa `yo mamaya siguradong matutuwa ka sa kanya,” sabi ko kay Pogi.

Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Siyempre, dapat pogi tayo.

Pagkatapos ng isang oras, dumating si Mia.

“Nice! Ang laki ng bahay mo, ah. Ikaw lang nakatira dito?” tanong ni Mia.

Ang simple niya. Naka-blouse lang siya na orange at naka-white pants pero ang ganda talaga niya. Para siyang another version ni…

“Nope! May kasama ako.” Kinarga ko si Pogi at ipinakita sa kanya. “Meet my best bud Pogi.”

“Hala, ang cute niya! Baka nangangagat siya, ah? Takot ako sa aso, eh.”

Seryoso? NBI agent pero takot sa aso?

“Mabait `to. Trust me.” Kinuha ko ang kamay ni Mia at ipinatong sa ulo ni pogi.

“Hello, Pogi. Don’t bite me please...” Hinaplos niya ang aso at dinilaan naman ni Pogi ang kamay niya.

“Mukhang gusto ka niya, ah?” sabi ko.

“Ang cute naman niya. Bakit pogi ang name niya?”

“It was just a sarcastic joke. Kulubot kasi mukha niya at laging nakasimangot. In other words, pangit talaga siya. Just to compensate lang talaga kaya Pogi name niya.”

Bahagyang natawa si Mia. “Ang cool talaga ng sense of humor mo.”

Iba itong si Mia, ah. Gusto niya sense of humor ko hindi gaya ni Valeng, The Dragon. Bahala siyang makipag-date kay Shane basta ako, may movie date ngayon.

Ibinaba ko si Pogi na dumeretso naman papunta sa bakuran. Dudumi yata.

“Tara nood na tayo,” aya ko kay Mia.

Umupo kami sa sala at muling sinimulan ang movie. Tahimik kaming nanonood pero hindi ko maiwasang tumingin sa mukha niya. Kamukha talaga siya ni Jana.

“Ahm... Mia? May mga kamag-anak ka ba na Alvarez ang last name or Harper?” tanong ko.

“Wala naman. Bakit?”

“Wala lang may kamukha ka kasi na gano’n ang apelyido,” sabi ko.

Kumuha siya ng nachos at kumain. “May gano’n talaga. Si Kathryn Bernardo nga, saka si Nadine Lustre hindi magkaano-ano pero magkahawig, eh.”

“`Sabagay.”

Natuon ang atensiyon namin sa movie na kahit ilang beses ko nang napanood, nadadala pa rin ako. Mukhang ganoon din siya.

Habang nanonood, nag-inat ako ng mga braso. Dahan-dahan kong iniakbay kay Mia ang kanang braso ko. Seryoso siya sa panonood at parang hindi napansin ang pag-akbay ko.

Nang matapos ang maaksiyong eksena at naging mga usapan na lang ang scenes, ipinatong niya ang ulo sa balikat ko. Pinanood namin ang lahat ng part ng movie hanggang episode seven. Hindi namin namalayan ang oras. Inabot na siya ng gabi sa bahay.

Grabe mas matindi pa pala manood sa akin ng movie si Mia. Kung ako, baka lumabas na ako at namasyal kaysa manood.

Sa haba ng buong movie, hindi namin namalayan na nakatulog na kami sa sofa.





KINABUKASAN, nagising ako nang nakayakap kay Mia. Nakatagilid kami at nasa likuran niya ako.

Oh! Nakatulog kami nang magkatabi! Ang sakit ng balikat ko. Magdamag yatang naipit sa puwesto namin habang natutulog.

Dahan-dahan kong inalis ang braso ko sa pagkakayakap kay Mia. Dahan-dahan din akong tumayo sa pagkakahiga para hindi siya magising.

Pinagmasdan ko ang mukha niya habang natutulog siya. Malaanghel talaga ang mukha niya. Seeing her really brought back memories. Ang sarap sa pakiramdam.

Pumunta ako sa kusina para ipaghanda siya ng almusal. To enlighten my mood, nagpatugtog pa ako sa phone ko na naka-connect sa bluetooth speaker.

Ilang saglit pa, nagising si Mia at pumunta sa kusina kung nasaan ako.

Nginitian at binati ko siya. “Good morning!”

Nginitian din niya ako at binati. “Good morning! Sorry nakatulog ako dito sa bahay mo.”

“Wala `yon. Basta feel at home ka lang dito. I’m preparing omelettes. Maluluto na ito, so upo ka na diyan,” sabi ko. Masayang-masaya pa ako habang nagluluto.

“Nice song. Gusto ko rin ng mga ganyang genre, eh. That’s dance rock, right?” tanong ni Mia.

“Yep! Magkakasundo talaga tayo nito. Pareho tayo ng hilig sa movies at music,” sagot ko.

Ngumiti siya pero biglang napasigaw.

“O, bakit?! Ano’ng nangyari?” 

“Nagulat ako kay Pogi. Dinilaan niya `yong paa ko,” sabi ni Mia na may halong takot.

Paano kaya siya naging NBI agent? Ang liit-liit ng aso ko, eh. “Don’t be scared. Hindi naman siya nangangagat.”

“Sorry takot lang kasi ako sa aso. Nakagat na kasi ako dati no’ng bata pa ako.” Itinaas niya ang mga paa niya sa upuan, mukhang takot talaga siya.

“Come here, bud!” tawag ko kay Pogi. Lumapit naman sa akin ang aso. Kinarga ko siya papunta sa kainan niya. “Pakakainin ko lang si Pogi, ah.”

“Sige. Ako na lang ang magtutuloy ng niluluto mo.”

Habang pinapakain ko si Pogi, nag-check ako ng phone. Nag-message pala si Valerie na hindi muna kami matutuloy magkita ngayon. Wala na rin siyang message pagkatapos niyon. Baka sila na ni Shane. Natulala ako bigla habang pinapanood si Pogi sa pagkain. Parang nalungkot ako. O nasaktan. Ewan. Bahala sila.

Matapos ang ilang minuto, tinawag na ako ni Mia.

“Kier! Food’s ready!”

Pagbalik ko sa kusina, ang dami na niyang naihandang pagkain. Natapos niya ang omelette na ginagawa ko at mukhang mas pinasarap pa niya iyon. Gumawa rin siya ng pancakes, bacon, toasts, at juice.

“Wow! Mukhang masasarap ito, ah. Marunong ka palang magluto?”

“Puwede, ako lang ang mag-isang nakatira sa bahay, eh. Dapat lang na independent ako,” sagot niya.

Bumibilib ako lalo sa kanya. Maganda na, magaling pang magluto.

“Let’s eat!” sabi ko.

“Wait! Let’s bless the food first.”

Napangiti ako. Para talaga siyang si Jana. Magkasimbait pa sila.

So we prayed then we ate. Ang sarap ng luto ni Mia. Panalo talaga. Tingin ko, parang ito na ang second chance namin ni Jana, sa katauhan ni Mia.

Matapos naming kumain, nagpahinga kami saglit at nagpaalam na siya. Kailangan niya kasing pumunta ng opisina para tapusin ang naiwan niyang trabaho. Ako naman, papasok din mamaya sa trabaho.

Pag-alis ni Mia sakay ng kotse niya, nag-message agad siya sa akin.

Mia: Thank you for the time, Kier. Naging masaya akong kasama ka. BTW, made a quick stop to chat you.

Me: Salamat din, Mia. Sana next time uli. Ingat ka, ah.

Mia: Sure! I’ll make some time for you. Hope you’ll do the same.

Me: Oo naman. Sige ingat sa pagda-drive.


Ang saya sa pakiramdam! Ganadong-ganado akong pumasok sa opisina. Back to work pero energized. Parang naka-Milo lang!

Every after work for one week, magkausap kami sa phone ni Mia at lalo kaming nagiging close sa isa’t isa. Parang puro saya ang dulot ng bawat pag-uusap namin. Sa phone lang muna kami nagba-bonding. May hinahawakan kasi siyang kaso kaya hindi kami magkikita nang personal.






LAST day sa trabaho. Bukas, rest day ko na uli. Sana pati si Mia ay magkaroon ng oras bukas. Habang nagpapahinga sa trabaho, nagbukas ako ng TV at saktong palabas ang performance nina Valerie.

Bakit kaya hindi nagte-text ang dragon na ito? Dati naman, lagi siyang nangungulit. Baka busy na sa boyfriend niya. Parang bigla akong na-stress sa naisip ko.

Asarin ko kaya siya?

Me: Uy! Valeng! Busy ka na, ah! Busy ka na ba sa kanya? Congrats nga pala!

Valerie: Congrats saan? Kaninong busy? Sorry hindi ako nagme-message may pinagdaanan lang ako.

Me: Congrats kasi may BF ka na. Alam ko naman na busy ka dahil doon.

Valerie: Hahaha. Let’s meet tomorrow night? May sasabihin ako!

Me: Hmm, titingnan ko muna kung may gagawin ako bukas.


Mang-aasar lang ang dragon na ito bukas, eh. Mas gusto kong makipagkita kay Mia. Kapag kasama ko siya, parang kasama ko na rin si Jana.

Nag-message ako kay Mia para ayain siya bukas.

Me: Hi, Mia! Free ka na ba bukas? Pasyal tayo!

Mia: Sorry, Kier. Wala pa akong free time bukas, eh. Next time na lang. Sorry. Babawi ako sa `yo next time.

Me: Ah, hehe. Sige ayos lang. Ingat ka pa lagi, ah? Miss ya!


Nakakalungkot, busy rin pala itong si Mia. Ayaw ko namang magkulong na naman sa bahay bukas. Pagbigyan ko na nga lang ang dragon. Gusto ko ring malaman kung ano ang sasabihin niya, eh.

Me: Valeng! What time and where tomorrow?

Valerie: Sa may MOA seaside. Mga three PM.

Me: Ang layo naman. Pero sige wala naman akong gagawin, eh.

Valerie: Sige. See ya tomorrow, puppy!

Me: Okay, dragon!

Valerie: Hahaha. Hindi na ganyan ang itatawag mo sa akin bukas.

Me: Dragon ka pa rin kahit ano ang mangyari.

Valerie: Sige na. Rest ka na. We have a big day tomorrow.


Umuwi ako ng bahay pagkatapos niyon. Dumeretso ako sa kuwarto at humiga sa kama. Naaalala ko bigla si Jana dahil siguro sa pagod sa trabaho. Then I thought about Mia. I looked for her on social media and browsed her pictures.

God, if meeting Mia was Your work to give me another chance with Jana, I would gladly accept it and I thank You for it.

Kinabukasan pagdating ng three PM, naghanda ako sa pagkikita namin ni Valerie. 

Ano kaya iyong gusto niyang sabihin?
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly