DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 43: In Love

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

​Valerie

NAIINIS ako!

Nakakainis talaga!

Kapag nakita ko talaga ang puppy na ito, yari talaga siya sa akin!

Sino ba kasi iyong Mia na iyon? Pretty daw? Tse! Mas cute pa rin ako. Cute dragon!

It had been a long time since the day we got kidnapped by that maniac Valdez and that psycho Andrew. Doon nagsimula ang lahat. Simula noon, iba na ang pakiramdam ko kay Kier. Gusto ko na siya. Sa tingin ko, hindi lang basta gusto.

I believed I was in love with him.

The way he sacrificed himself for me, the way he threw himself in a dangerous situation just for me, the way we laughed at each other, and every way he did for me... I…

I…

I loved it…

Alam kong ginawa rin ni Shane ang lahat para sa akin pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. This feeling I felt every time I was with Kier was something I hadn’t felt before. Masaya ako kapag kasama siya. Walang dull moment sa mga asaran namin.

Lalo na nang matagal siyang hindi nagpakita sa akin dahil kailangan niyang mag-move on kay Jana. Sobrang na-miss ko siya.

Mahirap man aminin pero mahal ko na si Kier. Oo gusto ko si Shane noon pero unti-unting nawala iyon nang nakilala ko si Kier. First time in my life na bigla na lang akong na-in love. Not because of his looks but because of everything about him.

In love ako sa ugali niya, in love ako sa kilos niya, in love ako kahit amoy-aso siya minsan. Nakakainis, `di ba? Pero nakakakilig. Lalo na kapag inaasar niya ako.

I missed him. Nasanay akong nandoon sa bahay niya at inaalagaan siya. Iyong tipong araw-araw ay kasama ko siya.

Gusto kong sabihin sa kanya… pero paano kung hindi kami pareho ng nararamdaman? Paano kung hanggang ngayon hindi pa rin siya nakaka-move on kay Jana? Handa naman akong maghintay hanggang sa maka-move on siya, eh. Kahit gaano katagal. Basta kasama ko siya.

Rest day ko sa pagiging member ng Four Maidens kaya nandito lang ako sa kuwarto ko. Pagulong-gulong sa kama. Iniisip si Kier. Gusto ko siyang puntahan kaya lang, nagpapahinga siya. Baka sabihin niya ang clingy ako, saka hindi pa naman kami. Baka lalong lumaki ang ulo ng puppy na iyon.

Pero nakakainis iyong wala kang magawa at nasa kuwarto ka lang, nag-iisip. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Lalo na iyong pagkikita niyong Mia at ni Kier. Hindi kaya nagandahan si Kier sa kanya? Or baka kaya siya pagod kagabi ay dahil... dahil…

Biglang kumatok si Papa sa kuwarto ko.

“Valeng anak! May naghahanap sa `yo sa labas!”

OMG! Baka si Kier!

“Sandali lang po, `Pa!”

Nag-ayos ako ng aking sarili. Inayos ko ang buhok kong magulo nang dahil sa kakagulong sa kama. Nakaka-excite talaga! Sabi ko na, hindi ako matitiis ng puppy na iyon.

Lumabas ako ng kuwarto at bumaba sa sala. Dumeretso ako sa labas at binuksan ang gate ng bahay. Bumungad sa akin si…

“Surprise!”

“Shane? A-ano’ng ginagawa mo dito?”

Biglang bumisita si Shane sa bahay. May dala-dalang malaking teddy bear na halos kalahati ng katawan ko ang size, bouquet ng red roses, at mga chocolate.

“Binibisita ka. Miss na kita, eh. Sorry kung ngayon lang ako nakadalaw,” sabi ni Shane.

Kinuha ko ang iba niyang dala dahil mukhang hirap na hirap na siyang magbitbit. “Ang dami mo namang binili. Para saan naman ito?” tanong ko.

“Para sa nag-iisang importanteng tao sa buhay ko.”

Nginitian ko si Shane at pinapasok sa bahay. “Halika pasok ka.”

“`Pa! May bisita tayo!” tawag ko kay Papa na abalang nag-aayos ng kanyang taxi.

Lumapit si Papa sa amin.

“`Pa, si Shane nga po pala,” pakilala ko.

“Good afternoon po,” bati ni Shane kay Papa.

“Good afternoon. Pasok ka sa loob,” sagot ni Papa.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Pinaupo ko si Shane sa sala at inilagay sa mesa ang mga dala niya.

“Kumain ka na, Shane?” tanong ko.

“Tapos na. Pero gusto sana kitang yayain lumabas kung okay lang?”

“Hindi puwede. Hindi pa naliligo `yong si Valeng!” biglang singit ni Papa sa amin.

“Papa, naman! Mag-ayos ka na nga ng taxi do’n!” Si Papa talaga nakinig pa sa amin.

Ngumiti si Papa at lumabas uli ng bahay. “Maiwan ko muna kayo, ah.”

“Palabiro pala si Papa, `no?” tanong ni Shane.

Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. “Huh? Papa ka diyan. Ikaw talaga. Saan ba tayo pupunta?”

“It’s a surprise. Magugustuhan mo do’n, promise.”

“Uhm... Magtatagal ba tayo?” tanong ko.

Hindi ko alam pero parang tinatamad akong umalis kasama si Shane. Para kasing na-disappoint ako dahil hindi si Kier ang pumunta.

“Bakit? May gagawin ka ba ngayon? Nakaistorbo ba ako?” Napalitan ng seryoso at parang may tampo ang mukha ni Shane.

“Ah... Eh... Hindi naman, Shane. Wala naman akong gagawin. Pero baka bukas meron kaya kailangan kong umuwi nang maaga mamaya,” sabi ko.

“Gano’n ba...” 

Biglang nanahimik si Shane. Kaya parang napilitan na ako sa alok niya. “But I’ll come with you. Wait mo lang ako dito. Maliligo lang ako. Amoy-dragon na ko, eh.”

Napakunot-noo siya. “Dragon?”

“Wala! Basta wait lang.”

Ngumisi si Shane. “Sige baka makipagkuwentuhan muna ako kay Papa este kay Tito Gilbert.”

Bumalik ako sa kuwarto para maghanda sa pagligo. Napabuntong-hininga ako. Feeling ko, may mali sa ginagawa ko.

“Bakit ganito? Dati excited ako kay Shane. Ngayon parang tinatamad ako.”

Naligo na lang ako at nagbihis ng pang-alis. Fitted blue T-shirt, ripped jeans, and white sneakers. 

Ilang saglit pa, umalis kami ni Shane sakay ng kotse niya.

Nagpatugtog siya ng K-pop songs habang bumibiyahe kami kaya naging masaya ang aming joy ride. Nakakatuwa talaga kapag pareho kayong fan ng K-pop.

Nag-check ako ng phone ko. Walang message ang puppy. Pagselosin ko nga.

“Shane, selfie tayo.”

Nag-pose kami ni Shane para mag-take ng selfie picture. Sinend ko agad iyon kay Kier sa Messenger. Naghintay ako sa message niya pero kahit seen wala man lang. Kainis talaga!

“Nakakainis!”

Biglang hininto ni Shane ang kotse. “Bakit, Val? Bakit ka naiinis? May nagawa ba ako?”

Ay, shocks. Nasabi ko pala nang malakas. 

“Ah, wala, may nakalimutan lang ako sa bahay pero hindi naman importante.”

“Sige... Don’t worry malapit na tayo. Baka nabo-bore ka na dito sa loob ng kotse.”

Nagpatuloy magmaneho si Shane. Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating kami sa patutunguhan namin.

“Wow! Nasaan tayo? Ang ganda naman dito!” Namangha ako sa paligid. Dinala niya ako sa isang lake na may pavilion sa gitna.

May mga floating lanterns ang lawa at ang pavilion ay may mesa at dalawang upuan sa gitna. May candles sa gitna ng mesa. Napapalibutan ng fairy lights ang mga haligi ng pavilion.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Shane.

Tumango ako at ngumiti.  “Ano’ng meron, Shane?”

“Special kasi ang araw na ito dahil kasama ko ang special na tao sa buhay ko.”

“Shane... uhm... I think this is too much.”

“Val...” Hinawakan ni Shane ang magkabila kong balikat at tinitigan niya ako sa mga mata. “You deserve to be treated as special. Hayaan mo sana akong bumawi sa lahat ng mga pagkukulang ko sa `yo.”

“Shane... Hindi mo naman kailangan bumawi, eh,” sagot ko.

“Please let me do this.” Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa mesa ng pavilion.

Inalalayan akong umupo ni Shane at umupo rin siya sa upuan sa tapat ko. Tinawag niya ang waiter at ipinahanda na ang pagkain namin. Bigla naman tumugtog sa paligid ang kantang “Till I Found You” by Freestyle.

 “Val... Naaalala mo pa ba noong unang beses kitang i-date nang ganito?”

Naalala ko nga kaso... Oo na, friendzoned mo nga ako no’n, eh, sabi ko sa isip.

“Amm... Yes?”

“I was afraid to tell you what I really felt about you back then. But now that everything is all right at naabot ko na ang mga pangarap ko... Isa na lang ang kulang sa buhay ko.” Hinawakan ni Shane ang kamay ko at tumitig siya sa mga mata ko. “Ikaw na lang ang kulang, Val.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ang sasabihin niya ay ang mag-artista. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko talaga alam ang sasabihin.

“Val, alam kong matagal kang naghintay para sa akin kaya hindi ko na papatagalin pa. Val, I love you... I want to become the only love of your life. Maria Valerie Magtalas... Will you be mine?”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Shane. Hindi ako makapagsalita. Magkahalong emosyon ang aking nararamdaman. Hindi ko alam. Nalilito ako. Nasa harap ko na iyong lalaking pinapangarap ko noon at bukas-loob niyang inaalok ang kanyang sarili sa akin. Pero hindi na kami pareho ng nararamdaman. Paano ko sasabihin na may iba na akong minamahal?

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Mahirap man pero kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo kong nararamdaman. 

“Amm... Ah... Shane? I ah... I...”

He looked at me like I was some kind of a treasure that he really wanted. Which was really the greatest look I had ever seen. But I just couldn’t feel the same way... anymore.

“Shane... I uhm.. I just think na parang masyadong mabilis yata...”

Muli niyang hinawakan ang kamay ko, “Val, bakit? Is it because of our job? Okay lang sa akin na i-reveal sa lahat na tayo. Kung magiging busy tayo, wala sa akin `yon. Basta at the end of the day ikaw ang kasama ko.”

“Shane, it’s not that. It’s... uhh... It’s... It’s about what I feel.” God! Parang hindi ko yata kaya `to.

“Val, what do you feel then?”

“Shane...”

Nakatitig siya sa akin na naghihintay ng sagot. 

Bumuntong-hininga ako at ilang saglit pa... “I’m in love with someone else.”

Yumuko ako at naluha. Feeling ko nagpaasa ako ng tao. Ano ba ang gagawin ko kung meron na talagang iba na hinahanap-hanap ng puso ko?

“I’m sorry, Shane,” marahan kong sabi.

Tumulo ang luha ni Shane pero agad niya iyong napunasan, “Gano’n ba? It’s not okay, pero...” Binitawan niya ang kamay ko at agad ko naman iyong inilagay sa lap ko.

“Ano’ng magagawa ko kung pag-aari na ng iba ang puso mo? Mahal kita at gusto ko na akin ka. Pero mas importante sa akin ang makita kang masaya.”

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Ayokong makapagsalita pa ng masakit sa kanya.

Napalunok ako at tiningnan siya nang deretso. “Shane... Patawarin mo `ko. Alam kong marami ka nang nagawa para sa akin at sobrang thankful ako do’n. Kung hindi dahil sa `yo baka napahamak ako. Kaso ayaw kong paasahin ka sa wala. Sorry talaga. But I will always still be here for you.”

Bumuntong-hininga si Shane. Kita ko sa mga mata niya ang parang naiipong luha na malapit nang bumagsak. Pero nagawa niya akong ngitian ako kahit alam kong sa loob niya na nasasaktan siya.

“Masakit pero kailangan kong tanggapin. Kung siya ang mahal mo, irerespeto ko. Pero kung sakaling bale-wala ka sa kanya, nandito lang ako para tanggapin ka. Handa pa rin akong maghintay basta makasama ka.” 

Naiyak na lang ako sa sinabi ni Shane. Alam kong nasasaktan siya pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa harap ko.

Hiyang-hiya ako sa kanya. Hindi ako makatingin nang diretso. “Shane... Amm... Puwede mo ba akong ihatid pauwi?”

Isolated ang area, eh. Nakakahiya man pero siya lang ang way ko para makauwi.

Tahimik akong hinatid ni Shane sa bahay namin. Buong biyahe, tahimik lang kami.

“Good night, Val. Tandaan mo. I will always be here for you.”

“Good night, Shane.”

Dumeretso ako sa kuwarto ko. Hindi ko tiningnan ang phone ko at nanahimik lang ako sa isang sulok. Feeling ko ang sama ko.

Kinabukasan, minabuti kong hindi muna makipagkita kay Kier. Siguro sa susunod na linggo na lang.

I spent the rest of the week working as a performer para sa Four Maidens para maging busy ang diwa ko.

Then finally, rest day na uli. Magkikita na kami ni Kier. Sa wakas!

Oras na para pag-usapan ang tungkol naman sa amin. Alam kong mali na ako ang unang aamin sa amin na mahal ko siya, pero wala, eh. Inlababo ang dragon!
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly