DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 42: Jana's Face

☆

5/12/2025

0 Comments

 

Until I'M Over You

Kier


BALIK-OPISINA na ako. Nadagdagan na rin ang mga kasama ko rito bukod kay Alleiea. Kumuha na ako ng guard, assistant attorney, isa pang secretary para mapaghandaan ang pagli-leave na si Alleiea for maternity. Though matagal pa, kailangan ay ready na. 

Si Valerie naman, balik sa pagiging member ng Four Maidens. Madalas ko siyang panoorin sa Internet. Si Shane ay balik na rin sa pagiging pop star at artista dahil pareho sila ni Valerie na commited sa kontratang pinirmahan nila noon. 

Minsan nga, naiisip ko na baka mas madalas silang magkasama doon dahil parehas sila ng network.  Nagseselos ako kapag ganoon. Parang lumalalim na yata ang nararamdaman ko kay Valerie. 

Kakatapos ko lang ng mga gawain ko sa opisina nang biglang mag-message si Valerie sa akin.

Valerie: Hey, puppy! Kumusta na? Dito kami sa Studio 24. Live kami mamaya. Pupunta raw si Shane dito after ng show.

Me: O, ano naman?

Valerie: Wala lang. Busy ka?

Me: Busy na, nag-chat ka, eh.

Valerie: Ah, gano’n? Date daw kami ni Shane mamaya.

Me: Ok.

Valerie: Ok.


Hindi ko maipaliwanag pero parang gusto ko siyang makita ngayon. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit. Hindi ako mapakali dito sa desk ko. Nagseselos ba ako?

Bad trip! Kainis talaga `tong dragon na `to.

Tinawag ko ang secretary ko para magbilin. “Alleiea! Paki-cancel naman ang mga appointment ko ngayon, o. May pupuntahan lang ako.”

“Eh, Sir Kier importante po `yong next meeting n’yo,” sagot niya.

“Alleiea, you don’t understand. This is a priority. So, ikaw na ang bahala. Aalis na ako.”

Paalis na sana ako nang biglang may maalala. “Oo nga pala, Alleiea, can you set an appointment with NBI Agent Mia? Not sure about her last name but I know you can search for her. Siya `yong nagligtas sa `min ni Valerie kay Andrew. Gusto ko lang siyang pasalamatan.”

“Sige po, Sir Kier. Pakipirmahan nga po pala—”

“I gotta go, Alleiea. Bukas na lang `yan.”

“Sir Kier, wait”

Hindi ko na pinansin si Alleiea at nagmadali akong lumabas ng opisina. Sumakay ako sa kotse at mabilis na nagmaneho. Naisip ko rin na dumaan sa isang flower shop para bumili ng bouquet of roses.

Wala lang, naisipan ko lang. Ewan talaga! Ang lakas talaga ng epekto ng sinabi ni Valerie na pupuntahan siya ni Shane. Parang may kung ano sa loob ko na nagsasabing dapat ako ang kasama niya.

Gusto ko na ba si Valerie? Siguro? Baka? Hindi? Oo? Ewan ko! Ang alam ko lang, dapat kasama ko siya ngayon.

Dumating ako sa Studio 24. Naabutan kong nagpe-perform sila Valerie pero patapos na. Pagkatapos ng kanilang performance, nagpaalam sila sa kanilang fans at dumeretso sa backstage.

Agad naman akong pumunta doon pero hindi ako pinapasok ng mga bouncers kaya tinext ko si Valerie.

Me: Hey, dragon! Nandito ako sa Studio 24. Ayaw akong papasukin ng bouncer n’yo sa backstage, eh.

Valerie: OMG! Sige papunta na ako diyan. Wait lang.


Habang naghihintay kay Valerie, itinago ko sa likod ko ang bouquet na dala-dala ko. Ilang saglit pa, lumabas si Valerie mula sa backstage at nilapitan ako.

Pulang-pula ang mukha niya at nakahawak siya sa kanyang bibig. Natulala naman ako sa kanya. Ang ganda niya!

“OMG, Kier!”

Pinapasok ako ng bouncer sa backstage para hindi pagkaguluhan si Valerie kung lalabas pa siya sa kinaroroonan ko. 

Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang dala kong bouquet kahit hiyang-hiya pa ako. “Uhmm... Para sa `yo nga pala.”

Mukhang kinilig naman si Valerie sa ginawa ko. Nakangiti niyang niyakap ang bouquet. “Yiie! Ano `to? Thank you, Kier!”

Tumingin ako sa paligid at kunwaring may hinahanap. “Nasaan si Shane?”

Tumawa naman si Valerie. “Joke lang `yon. May meet and greet siya sa MOA, hindi talaga siya pupunta.”

What? Naisahan ako ng dragon na `to, ah.

“Pero mukhang effective `yong joke ko,” sabi niyang muli. “Napapunta kita dito.”

“Huh? So gusto mo lang akong papuntahin dito. Bakit naman?” tanong ko.

“Na-miss kita.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Ngiting lagpas-tainga. “May gagawin ka ba pagkatapos ng show?” tanong ko kay Valerie.

“Bakit? Lalabas ba tayo?” 

“Hindi, uuwi na kasi ako, eh.” Tumawa ako at pabiro niya akong pinalo sa braso. “Joke lang! Oo sana, kung puwede ka.”

Ngiting-ngiti naman si Valerie, “Sige, magpapaalam lang ako sa loob.”

Bumalik si Valerie sa room nila pero bago iyon, lumingon muna siya sa akin. “Kier!”

“Yep?”

“Bakit ang pogi mo?”

Nginitian niya ako at pumasok na siya sa room nila. Naiwan naman akong ngiting-ngiti.

Pagbalik ni Valerie, pumunta kami sa isang Korean fine-dining restaurant. Ayaw niya rito dahil hindi naman daw kailangan na sa mamahalin pa pero no choice kami. Pagkakaguluhan siya sa public places, eh. At least dito, malaya kaming makakapag-usap.

We spent the night eating her favorite food, talking about us and our adventures, at siyempre asaran. Hindi talaga mawawala sa amin iyon.

Pagkatapos, hinatid ko siya sa kanila. Naging napakasaya ng gabing iyon para sa aming dalawa. Sana tuloy-tuloy na.






KINABUKASAN, balik-trabaho uli ako. Si Valerie naman, balik na rin sa pagpe-perform.

Matapos ang mahabang araw ng trabaho sa opisina. It was time to attend my last appointment which was dinner with Agent Mia.

Bago ako pumunta, nag-message ako kay Valerie.

Me: Dragon, may dinner nga pala ako with the NBI agent na nagligtas sa atin kay Andrew.

Valerie: Sige. Ingat ka, ah. Thank her for me. Kami na ang next na sasalang after ni Shane.

Me: Sige. Galingan mo. See you again. Soon.


Lumabas ako ng opisina at nagpunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Agent Mia. `Buti na lang napagbigyan niya ang alok ko. 

Nauna ako sa restaurant at umupo na muna ako sa ipina-reserve kong upuan para sa amin. 

Lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin siya. Napatingin na ako sa aking relo. Naiinip na talaga ako. “Late na siya. Ang tagal naman niya. Sana naman hindi ako indyanin n’on.”

Ilang saglit pa, may babae na pumasok sa restaurant. Malayo pa lang siya, natanaw ko na ang hitsura niya.

Natulala ako sa nakita ko.

Napatayo ako sa aking kinauupuan.

Tumayo ang mga balahibo ko at bahagyang nanginginig ang aking mga labi.

Parang namasa ang mga mata ko.

Was I dreaming?

This girl…

Bakit parang…

“Jana?”

Namamalik-mata lang ba ako? Jana?

Ang anyo niya sa malayo ay parang isang alaala na nagbabalik sa aking isipan.

Unti-unting lumapit sa akin ang babae at habang papalapit siya, unti-unti rin akong bumalik sa sarili.

Hindi siya si Jana pero… bakit sobrang magkahawig sila?

“Hi! Are you Kier? Kier de Leon?” bati niya sa akin.

Ang mukha niya, sobrang kamukha ng kay Jana. What on Earth am I seeing?

Nakakatuwa siyang pagmasdan. Parang nabuhay si Jana at nasa harap ko siya ngayon.

She cleared her throat and asked again. “Excuse me? Kier?”

Damn! Hindi ako makapagsalita. Kamukha talaga niya si Jana.

“Oh, hi! Yes! Yes! I am Kier de Leon!” sagot ko at inabot sa kanya ang kamay ko.

Nakipagkamay siya sa akin at nginitian ako. “I’m Mia Rivera.”

Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa mukha niya. Ngumiti ako. “Nice to meet you, Mia! Please take a seat.”

“Thank you.”

Inalalayan ko siya sa pag-upo. Pati ang pag-upo niya, pareho kay Jana, napakahinhin. NBI agent ba talaga itong kasama ko?

“Sorry kung late ako, ah. May nangyari lang sa opisina kaya na-delay ang pagpunta ko dito,” sabi niya.

“O-okay lang, I’m still glad that you were able to join me tonight,” sabi ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

Inipit niya ang buhok niya sa kanyang tainga. “Uhm. May dumi ba sa mukha ko? Medyo kanina ka pa kasi nakatitig?”

“Ow! Sorry, Mia! I just... I was just… mesmerized by your beauty.”

Tiningnan niya ako nang may paghihinala. “Hmm. Bolero ka, `no?”

“I am actually telling the truth despite what everybody is saying about lawyers.”

Natawa si Mia sa sinabi ko pero may poise pa rin naman. Hindi sila pareho ng tawa at ng boses ni Jana pero the way she smiled, the way her eyes stared, the way she moved her hair... parehong-pareho kay Jana.

Dumating ang waiter at kinuha ang order namin.

“So how are you after the incident? Balita ko, matagal ka raw naospital,” tanong niya.

“Getting better, actually. Thanks to you. Kung hindi ka dumating nang araw na iyon, baka wala na ako ngayon and I might not have the opportunity to see your pretty face,” sabi ko. Hindi ko alam kung bakit kusang lumalabas ang mga ganoong salita sa bibig ko.

Natawa si Mia. “`Sus, nilagyan pa ng bola. But you’re welcome. Just doing my job though.”

I cleared my throat. “Sabi ko nga nagsasabi talaga ako ng totoo. Pero salamat talaga. Kaya order ka lang nang order ng food, ah? Kulang pa ang date na `to para makapagpasalamat ako sa `yo.”

Ngumisi siya. “So, this is a date, huh?”

“K-kung okay lang sa `yo?” tanong ko, sabay kamot sa ulo. The F am I doing?

“Okay lang naman.”

“Sure ka? Wala naman bang magagalit?” tanong ko.

“Baka sa `yo ang may magalit. You look like someone who plays with girls. Just saying.”

Bakit parang nangyari na ang ganitong pag-uusap? Parang ganito kami nag-usap noon ni Jana.

“Wala naman. Saka wala sa lahi namin ang babaero,” giit ko.

“Wala naman talaga sa lahi `yan, eh. Desisyon mo `yan kung babaero ka o hindi. But good to know na hindi ka gano’n. Sana lang nagsasabi ka ng totoo,” sabi niya.

“Bakit parang may trust issues ka? Hope you don’t mind me asking,” tanong ko.

“Well, in my line of work, it’s hard to trust anybody. Pinaghihirapan ang tiwala.”

Wow! Para siyang matapang at seryosong version ni Jana.

“Tama ka naman diyan. So... You and Shane are friends? Nabanggit kasi niya sa akin na kakilala ka niya,” tanong ko uli.

“He’s my ex-boyfriend.”

What?! Takteng Moreno `yon, may ganito pa lang ex-girlfriend? Bakit naman kaya sila nag-break?

“Oh... I see...” 

“But it was a long time ago, way back in college pa,” paliwanag pa ni Mia.

“Ah...” Ngumiti ako. “Okay. Matagal naman na pala. Sabihin mo kapag masyado nang nagiging personal ang mga tanong ko sa `yo, ah?”

“It’s fine, mukha ka namang mabait kahit mukha kang babaero.” Ngumiti siya at nag-peace sign. “Joke lang!”

Ang cute niya, para talaga siyang si Jana. 

“Grabe ka sa `kin.” Ngumiti ako. “Bakit kayo nag-break ni Shane? Kung okay lang itanong.”

“Gusto mo akong makilala nang lubos, `no?” tanong din niya.

“Kung okay lang, gusto ko sanang makipagkaibigan.” sagot ko naman.

Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko ngang makilala nang lubos si Mia. Gusto kong maging magkaibigan kami. Siguro dahil kamukha siya ni Jana? Pero kahit na, siya pa rin ang nagligtas sa buhay ko. Gustong-gusto kong nakikita ang mukha niya. Parang bumabalik ako sa nakaraan kung saan kasama ko si Jana.

She smiled at me. “Okay lang. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa `yo.”

Napangiti ako sa sinabi niya; a big smile na lagpas pa sa tainga. “Gano’n nga rin ang pakiramdam ko sa `yo, eh, parang matagal na tayong magkakilala.”

Nagkatinginan kaming dalawa habang nakangiti sa isa’t isa. Ang mga mata namin ay parang nag-uusap.

Bigla namang dumating ang waiter at inilapag sa mesa ang mga pagkain na in-order namin.

“So... Uhm... Uh... Kain na tayo?” nahihiya kong alok kay Mia.

“Sige mamaya ko na lang sasagutin ang tanong mo,” sagot niya. “Bon Appetit!”

Habang kumakain, nagtanong siya ng mga tungkol sa akin. Mula sa birthday ko, edad, hobbies and stuff, family at kung ano-ano pa. Grabe para siyang detective. Well, detective nga pala talaga. NBI agent nga pala kausap ko.

Ganoon din ang mga tanong ko sa kanya kaya lalo kaming nagkakilala.

“Full name mo na ba `yong Mia Rivera?” tanong ko.

“It’s actually Mia Gladia Rivera. Ikaw ba? Kier de Leon lang talaga?”

“Yep, `yon lang talaga. So bakit kayo nag-break ni Shane?” tanong ko.

“Mapilit, ah.” Ngumiti siya at nagsimulang magkuwento. “Paano ko nga ba sisimulan...”

“Noong unang panahon, gano’n. Gano’n mo simulan,” biro ko, sabay tawa.

Natawa rin si Mia. “You’re funny. Actually, ang saya mong kasama. I wonder why you don’t have a girlfriend. Guwapo ka naman.”

Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. Naalala ko si Jana at ang pag-uusap namin. Naaalala ko iyong sinabi ko na ang girlfriend ko ay parang February thirty. It didn’t exist.

“I did have a girlfriend once. She... died.” Napayuko na lang ako at nalungkot na… naman.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “I’m sorry, Kier.”

“It’s fine. Sorry kung bigla akong nag-emote,” sagot ko at muli siyang nginitian. “So, going back to the story.”

“Sige. So `yon nga. Okay naman kami, though hindi namin nabigyan ng chance ang isa’t isa. We had been dating for one year but when college came up, we went on separate ways. Gusto niyang sumikat at kumanta lang nang kumanta, ako naman gusto talagang maging pulis. We were trying to make it work kahit malayo kami sa isa’t isa. Malayo kasi ang school ko at siya nag-center for music lang. Then `yon, bigla na lang hindi na kami nag-usap.”

“`Tapos? Nag-break na kayo?”

“Nang makapag-usap uli kami, we decided just to be friends na lang,” sagot ni Mia.

“Ah. Kaya pala. May feelings ka pa ba sa kanya?” tanong ko uli.

Natawa siya. “Bakit gusto mong malaman?”

Bigla akong nahiya. Bakit nga ba ganoon ang mga tanong ko?

“Ah. W-wala lang. I just want to keep the story flowing.”

She looked at me suspiciously. “Talaga lang, ah? How about you? Naka-move on ka na ba sa ex mo?”

“I don’t know. Maybe yes, maybe no.”

“That’s fine. It will really take some time,” sabi niya at uminom ng kaunting wine.

We spent the rest of the night telling stories about her cases and my cases. Hinatid ko siya sa kotse niya. We even exchanged phone numbers, then we called it a night.

“Good night, Kier. Thank you for the dinner and the talk. I had fun.”

“Good night, Mia. Sana next time uli,” sabi ko nang may ngiti sa aking mukha.

“Well, you have my number.” She smiled at me then she get into her car.

Ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko... Feeling ko nakasama kong muli si Jana.

Mia, bakit mo nga ba kamukha si Jana?

Umuwi ako ng bahay nang may ngiti sa mga labi.

“Hey, buddy, I want you to meet someone soon. Para siyang si Mommy Jana,” sabi ko kay Pogi at hinaplos-haplos ko ang aso.

Hindi ako pinansin ni Pogi at patuloy lang siya sa pagngatngat ng laruan niyang bola.

Nakatulog agad ako, siguro dahil sa pagod. It was a long day though.

PAGTINGIN ko sa phone nang magising ako kinabukasan, ang dami ko palang messages mula kay Valerie. Mukhang kagabi pa ang mga iyon.

Valerie: Nakauwi ka na ba? Or are you still with her?

Valerie: Mag-message ka naman kahit isa lang, o. Nag-aalala lang.

Valerie:  Pupunta dito si Shane `pag hindi ka nag-message.

Valerie: Kieeerr!!! Grrrr!!!

Valerie: Ah, gano’n! So busy ka na sa kanya? Magsama kayo!

Valerie: Night! Hindi tayo bati, ah. Nakakainis ka.

Ano kaya ang drama ng dragon? Bakit siya nagkakaganoon?

Nag-message ako sa kanya para naman malaman niya na safe naman ako. Baka nag-alala lang siya sa akin.

Me: Good morning, Valeng. Sorry kagabi nakatulog na ako. Okay naman ako.
Valerie: Morning. Okay.

Hindi na ako nag-reply kay Valerie. Sa halip ay pinagmasdan ko ang number ni Mia.

Tatawagan ko ba siya? Makikipagkita ba ako agad sa kanya?

Minabuti kong mag-almusal muna at pakainin ang aso ko. Ilang saglit pa, muling nag-text si Valerie.

Valerie: So, kumusta naman kagabi?

Me: Okay naman. Had a good time talking to her. Nakapagpasalamat na rin ako para sa atin.

Valerie: Ah, good time…

Valerie: Masaya ka naman ba? Ano’ng hitsura niya?

Me: Hmm. Not entirely sure what you mean about kung masaya ako.

Me: She is pretty for a cop actually.


Hindi ko sinabi sa kanya na kamukha ni Mia si Jana. Ewan ko kung bakit. I just felt like I didn’t want to.

Valerie: Ah. I see. Pretty.

Me: Lol. Kumusta ang dragon?

Valerie: Heto may nami-miss.

Me: Hindi ka nami-miss n’on. Busy na `yon si Shane.

Valerie: Sinabi ko bang si Shane?

Valerie: May gagawin ka ba mamaya?

Me: Wala naman.

Valerie: Let’s meet? May gusto sana akong sabihin sa `yo.

Me: I don’t know. Perhaps tomorrow na lang? Gusto ko sanang magpahinga ngayon, eh.

Valerie: Sige. Bukas, ah. I really want to tell you something.

Me: Ano ba `yon? Bakit hindi na lang dito?

Valerie: Basta. It’s important na sa personal ko masabi sa `yo. Pero mapahinga ka na muna today. Bukas na lang.

Ano kaya ang gustong sabihin ng dragon? Saka bakit parang iba ang ikinikilos niya?

Si Mia kaya kumusta? Hindi ko talaga siya maalis sa isip ko.
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly