DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 38: Revenge

☆

5/12/2025

0 Comments

 

Until I'm Over You

Kier


MADILIM ang paligid... At amoy-kalawang…

Hindi ako makagalaw. Ramdam ko na nakatali ako sa isang upuan at nakapiring. Maging ang mga kamay at binti ko, nakatali rin. Sinubukan kong kumawala sa pagkakatali pero sobrang higpit niyon.

“Bossing, gising na itong isa,” narinig kong sabi ng isang lalaki.

“Sino kayo? Ano’ng kailangan ninyo sa amin? Nasaan ang mga kasama ko? Nasaan sina Valerie at Shane?!” natataranta kong tanong. Pinilit kong magpumiglas sa pagkakatali para makawala nang bigla akong makaramdam ng suntok sa aking mukha.

“Shut the fuck up!” narinig kong sabi ng lalaking naunang nagsalita.

“Gisingin n’yo na `yong dalawa.” 

Familiar sa akin ang nagsalita. Naloko na…

“Yes, boss!”

Biglang sumigaw si Valerie at narinig kong nagtawanan ang mga lalaki.

“Bitiwan n’yo siya!” Pinilit ko pa ring makawala kahit nagkakasugat-sugat na ang mga kamay ko. “Valeng!”

“Bitawan n’yo ako!” sigaw ni Valerie. Narinig kong parang pinipilit niyang magpumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng mga lalaki.

“Val? Val, ikaw ba `yan?” narinig kong tanong ni Shane.

“Kier! Shane! Tulungan n’yo `ko!” Halata ang takot  sa boses ni Valerie. Umiiyak na rin siya habang mabilis ang kanyang paghinga.

“Don’t you dare lay your hands on her!” sigaw ni Shane at parang sinusubukan din niyang magpumiglas.

“Bitawan n’yo siya!” sigaw ko naman at kahit masakit na sa braso at kamay, sinusubukan ko pa ring kumawala.

Nabalot ang buong paligid ng tawanan ng mga lalaki at pag-iyak ni Valerie. Kasama na rin ang tunog ng mga silya habang sinusubukan ko at ni Shane na kumawala.

“Remove their blindfolds. Gusto kong makita nila ang gagawin ko.” 

Hindi nga ako nagkakamali sa boses na iyon.

Tinanggal ang blindfold ko. Sa una, malabo pa ang paningin ko. Pero ilang saglit pa, nang luminaw ay nakita ko na parang nasa isang warehouse kami. Nang tingnan ko kung sino ang mga tao sa paligid tumambad sa amin si…

“Mr. Valdez?” takot na takot na sabi ni Valerie.

“Hello, Valerie,” nakangising sagot ni Mr. Valdez at dinilaan ang ibaba niyang labi.

“Demonyo ka talaga, Sebastian! Huwag na huwag mong hahawakan si Val kundi papatayin kita!” banta ni Shane habang patuloy na nagpupumiglas.

Tinawanan lang siya ni Mr. Valdez. “Don’t worry, Shane. I know she’s special to you. Kaya I’ll be gentle sa una but I’m gonna fuck her until her brain is out.”

“Nakakadiri ka! Hayup! Lumayo ka sa akin!” sigaw ni Valerie na sinusubukan ding kumawala sa pagkakatali.

“Tarantado ka! I’m gonna kill you, I swear to God!” sigaw naman ni Shane.

“Hoy, Valdez! Pakawalan mo ako dito at ako ang kalabanin mo!” sigaw ko. Gagalitin ko siya para hindi niya pagdiskitahan si Valerie.

Lumapit sa akin si Mr. Valdez at tinapik-tapik ang kanang pisngi ko. “Mr. Kier de Leon. Or should I say… Attorney?” Tumawa siya saglit. “Akala mo hindi kita kilala? I have eyes everywhere and I’ve been watching you ever since Shane went to your office.”

Totoo nga ang sinasabi ni Shane. Makapangyarihan nga ang taong ito.

“Akala mo naisahan n’yo ako kanina? I am Sebastian Valdez and a child trick won’t deceive me!”

Tiningnan ko siya nang masama. Galit na galit ako at gusto ko siyang suntukin sa mukha hanggang sa manahimik siya.

Muli siyang humarap kay Valerie at ngumisi. “I’ve been waiting for this for a long time. Masasarapan talaga ako sa `yo.” Naghubad siya ng tuxedo at unti-unting tinangal ang butones ng kanyang white shirt.

Iniwas naman ni Valerie ang tingin niya kay Mr. Valdez at humagulhol ng iyak.

Wala kaming nagawa ni Shane kundi ang sigawan at bantaan si Mr. Valdez habang naghuhubad siya sa harap ni Valerie. Nakapikit naman si Valerie at hiyaw nang hiyaw.

Tawa naman nang tawa ang limang lalaki na kasama ni Mr. Valdez habang nakangisi naman ang hayup na manyakis.

“I’m ready, baby,” sabi ni Mr. Valdez at sinenyasan ang dalawa sa tauhan niya na hawakan si Valerie.

Pero bago pa man makalapit ang mga tauhan niya, nakarinig kami ng putok ng baril. Agad kong hinanap kung saan iyon galing dahil ang isa sa mga tauhan ni Mr. Valdez ay tumumba na sa sahig. Tatlong armadong lalaki ang mabilis na pumasok sa loob ng warehouse. Naka-bulletproof vest sila at nakamaskara ng pang-clown. Armado sila ng M16 rifle na may suppressor. Isa-isa nilang binaril ang mga tauhan ni Mr. Valdez. Sa bilis ng mga dumating, hindi na nagawang makabunot ng baril ang mga tauhan ni Mr. Valdez at nakahandusay na sila sa sahig.

Takot na takot naman si Mr. Valdez at napaupo sa sahig. “S-sino kayo? Mga pulis ba kayo?”

“Do we look like the police, stupid?” sagot ng isa sa mga armadong lalaki na ang suot na maskara na clown ay mahaba ang ilong.

“Ako ba ang pakay n’yo? Babayaran ko kayo! H-hayaan n’yo lang akong makaalis dito.” Ang kaninang manyakis na si Mr. Valdez ngayon ay takot na takot mamatay.

“Too bad, hindi ikaw ang kailangan ko,” sagot ng lalaki. Binaril niya si Mr. Valdez sa ulo at agad itong namatay.

Sumigaw nang napakalakas si Valerie. Bakas sa mukha niya ang takot. Maging ako ay natatakot. Pero sino ba ang mga taong ito? Mga kalaban ba sila ni Mr. Valdez?

“Sir, pakawalan n’yo kami. Mga kalaban din kami ni Mr. Valdez,” pakiusap ni Shane.

Tumingin ang lalaking may maskarang clown na mahaba ang ilong sa isa pang lalaki na naka-mask na clown na wala namang ilong at sinenyasan niya ito. “Shut him up.”

Pumunta sa likod ni Shane ang nakamaskarang clown na walang ilong. Pagkatapos ay inihampas niya sa batok ni Shane ang kabilang dulo ng kanyang baril. Agad namang nawalan ng malay si Shane.

“Shane!” sigaw ni Valerie.

“Wala akong pakialam diyan sa Mr. Valdez na `yan. Pero walang ibang papatay sa inyo kundi ako.” Humalakhak ang lalaking may maskara na mahaba ang ilong.

Umiyak naman nang umiyak si Valerie na may kasamang pagsigaw. Natataranta siya kaya naisip ko siyang pakalmahin.

“Valeng! Just calm down, okay? Makakawala tayo dito. I promise you that! Everything will be okay! Trust me! I’m here...”

“Oh! Everything will be okay, huh? Ganyan din ba ang sinabi mo sa kanya noong naghihirap siya sa sakit niya?” galit na sabi ng lalaki sa harap ko.

Sino siya? Did he mean Jana? “Ano’ng ibig mong sabihin? Sino ka?”

Tinanggal niya ang kanyang maskara at bigla akong sinuntok sa mukha.

Napapikit ako kahit hindi naman gaanong masakit ang suntok. Ilang saglit pa, dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.

Bigla akong sinampal ng lalaki na nasa harap ko. Halos matanggal na ang leeg ko sa lakas. “Remember me? Asshole!”

Unti-unting kong nakita kung sino siya at nagulat ako nang makilala ang mukha niya. “Andrew?!”

Sinuntok niya akong muli sa mukha. “That’s right, shitface!”

“Tama na! Huwag n’yo siyang sasaktan, please! Lubayan n’yo si Kier!!” pagmamakaawa ni Valerie. “Ako ang kailangan n’yo, `di ba?”

“I don’t have any quarrel with you, Miss Beautiful.” Nilapitan ni Andrew si Valerie at pinisil sa magkabilang pisngi. “But you will be the best part of my revenge!”

Nakita kong akma nang sasampalin ni Andrew si Valerie kaya agad ko siyang tinawag. “Andrew!!” Lumingon siya sa akin. “I swear! If you just lay one finger on her again, I’m gonna fucking kill you!”

“Oh, really? What are you gonna do then? Kill me with your words, Mr. Lawyer? Patawa ka pala, eh,” sagot ni Andrew. Inabutan siya ng isang baseball bat ng isa sa mga tauhan niya at bigla niya akong pinalo sa sikmura gamit ang dulo niyon.

Nasuka ako sa ginawa niya. Napasigaw naman si Valerie. “Kier! Tama na please!!” Wala siyang nagawa kundi ang umiyak.

Pinilit kong magsalita kahit sobrang sakit na ng katawan ko sa pambubugbog ni Andrew. “A-ano ba’ng kailangan mo, Andrew? B-bakit mo ginagawa sa amin ito?”

“You really wanna know why, huh?!” Tinadyakan ako ni Andrew sa may dibdib. 

Natumba ako at ang silyang inuupuan ko. Napaubo ako sa sakit, humina na rin ang boses ko. “Please, Andrew... Kahit ano pa ang kailangan mo, just leave Valerie alone... Huwag mo siyang idamay rito.”

“Itayo n’yo siya!” utos ni Andrew. 

Inalalayan ako ng mga tauhan niya. Itinayo nila ako pero nanatili akong nakatali sa kinauupuan ko.

“Importante ba sa `yo ang babaeng ito?” tanong ni Andrew sa akin.

“Oo... Kaya please, Andrew... Pakawalan mo na lang siya. Kung ano man ang galit mo sa akin, huwag mo na sana siyang idamay. Ako na lang!”

“Alam mo ba kung sino naman ang importante sa akin?” Ibinigay niya ang baseball bat sa tauhan niya at muli akong sinuntok sa mukha. “Si Jana!”

Sinuntok uli niya ako sa mukha, sa ulo, at sa katawan. Nagkaroon ako ng sugat sa noo dahilan para mapuno ng dugo ang ulo ko.

“Si Jana ang importante sa akin! But you took her from me!!”

Halos wala na akong makita sa sobrang pamamaga ng aking mga mata.

Muli niyang hinawakan ang baseball bat at ipinalo niya iyon sa braso ko. “You stole her from me!”  sigaw niya.

Napasigaw naman ako sa sobrang sakit.

“Tama na!  Tama na please!” narinig kong pagmamakaawa ni Valerie.

“Shut the fuck up, lady!!”  sabi ni Andrew, saka inutusan ang mga tauhan niya. “Patahimikin n’yo nga `yan!”

Binusalan nila ng panyo ang bibig ni Valerie para hindi siya makapagsalita. Umiyak na lang siya nang umiyak.

Pinisil ni Andrew ang pisngi ko at pilit na idinidilat ang mga mata ko. “Hey, shitface! We’re not done yet. Look at me!”

He tried to slap my face three times to wake me up.

“Look at me!” he said while imitating a demonic voice. Tumawa siya nang tumawa. Ilang saglit pa ay bigla siyang naiyak. “Alam mo ba kung ano’ng ginawa mo? Nang dahil sa `yo wala na si Jana! Wala na si Jana ko... Kung hindi ka lang kasi umepal noon, naalagaan ko sana siya! Samantalang ikaw?”

Pinalo ako nang pinalo ni Andrew ng baseball bat sa hita at sa ibang parte ng aking katawan. Tumatawa siya at mayamaya ay naiiyak, galit na galit, at parang wala na sa katinuan. “Wala kang ginawa! You let her suffer alone! Ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay! Ikaw! Ikaw! Ikaw!”

Hindi na ako makapagsalita sa sobrang sakit. Nagdidilim na rin ang aking paningin.

“Hindi pa tayo tapos. Tomorrow you’ll watch this girl suffer. She’ll suffer the same way as Jana did!” sabi ni Andrew at bigla akong sinuntok sa mukha dahilan para tuluyan na akong mawalan ng malay.




NAGISING ako sa buhos ng tubig sa aking mukha.

“Wake up, shitface! Wakey, wakey!”

Sobrang sakit ng katawan ko. Nakatali pa rin ako at walang magawa. Sinubukan kong dumilat at gumalaw kahit mahirap.

“Oh! You’re still alive? Good job!” sabi ni Andrew, saka tinapik-tapik ang mukha ko. “Don’t worry, bro. You’ll die eventually... After you have suffered!”

“Valerie? Shane?” Napansin kong wala si Valerie sa paligid maging si Shane. “N-nasaan si Valerie? Andrew! Nasaan si Valerie?!”

Tumawa siya nang tumawa. Mukhang nasiraan na siya ng bait sa pagkawala ni Jana. “Kalma... Kalma... She ain’t dead yet. At least, not yet… As for you other friend, inutusan ko ang isa sa tauhan ko na patayin siya at itapon sa bangin.”

Kahit masakit ang aking katawan, kahit hindi ko gaanong maidilat ang aking mga mata, at kahit nahihirapan akong magsalita, sinubukan kong magpumiglas sa pagkakatali. “Andrew! I told you! Leave her alone!”

“Easy! Ikaw naman itinago ko lang siya saglit, na-miss mo na agad,” sabi ni Andrew. Lumingon siya sa likuran at may tinawag. “Hoy! Ilabas mo na `yan dito!”

Buhat-buhat ng tauhan ni Andrew si Valerie na walang malay.

Parang huminto ang paligid sa nakita ko at parang nagdilim ang paningin ko. “Valerie? Valerie? Valerie, gumising ka please!!”

Tumawa nang tumawa si Andrew na parang masaya siyang nakikita akong nasasaktan.

“Relax, dude! She’s just asleep. Pinatulog lang namin siya. Gusto ko lang makita ang reaksiyon mo kapag nakita mo siyang walang malay!”

“If you want to kill me just do it now! Pero nagmamakaawa ako... Please... Huwag mong idamay si Valerie. Kahit ilang araw mo akong pahirapan basta pakawalan mo na siya. Please Andrew...” pakiusap ko at naiyak na lang.

“Sshh... Sshh... Tahan na... Mamamatay ka ring hinayupak ka!” Bigla niya akong sinuntok sa mukha. “Epal ka kasing gago ka, eh! Kung hindi ka umeksena sa amin ni Jana, eh, di sana napagamot ko siya sa pinakamagaling na doktor! Ikaw? Ano ba’ng ginawa mo? Wala, `di ba? Did you even suffer from her loss? I don’t think so. But now... You will suffer!”

Sinuntok ako ni Andrew sa magkabilang pisngi hanggang sa napadura na ako ng dugo.

“Wake her up. Let’s give them a last chitchat before he says good-bye,” utos ni Andrew sa tauhan niya. 

Ginising na ng lalaki si Valerie. Iniwan na nila kaming dalawa.

“Kier? Kier! Oh, my God!! No!” umiiyak na sabi ni Valerie nang makita ang hitsura kong puro pasa at may dugo sa ulo.

“I-I’m okay, Valeng... Don’t worry... Everything’s gonna be fine...”

Sinubukan ni Valerie na kumawala sa pagkakatali. “Just hang on, Kier! Makakawala ako dito!”

Nginitian ko si Valerie kahit nanginginig na ang buo kong katawan. Wala na si Shane at walang nakakaalam kung nasaan kami. Iyon na yata ang huli kong pagkakataon. 

“Valeng... sorry sa nagawa ko sa `yong pagpapaiyak no’n. Hindi ko `yon sinasadya at nadala lang ako sa pagkawala ni Jana. Salamat dahil lagi kang nandiyan para sa akin. Kahit itinaboy kita no’n, you’re still there for me and you still consider me as your friend. Gusto kong malaman mo na isa ka sa mga pinakaimportanteng tao para sa akin. Masaya ako na nakilala kita. Masaya ako na muli kitang nakita. Mukhang ito na ang huli nating pagkakataon kaya gusto ko sanang malaman mo na mahalaga ka sa buhay ko.”

Natigilan si Valerie sa mga sinabi ko at tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Kier... Please huwag kang sumuko may pag-asa pa! Malalampasan natin ito!”

“Alam mo bang dati ayaw ni Jana na magkagalit tayo? She said na huwag kong hayaang mawala ka,” nakangiting sabi ko.

“Okay! That’s enough! No one can talk about my Jana. Ako lang!” biglang singit ni Andrew sa amin. May hawak siyang bakal na nagbabaga ang dulo. Nilapitan niya si Valerie. “Hey, pretty girl. I want to hear you scream. Scream at the top of your lungs.”

“Andrew! Huwag please! Ako na lang please! Ako may kasalanan sa `yo, `di ba?! Sa akin mo gawin `yan! Huwag kay Valerie! Please!” pagmamakaawa ko.

“Importante siya sa `yo, `di ba? Alam mo ba kung gaano naghirap si Jana? Ipapakita ko sa `yo!” tanong ni Andrew. 

Unti-unti niyang inilalapit sa braso ni Valerie ang nagbabagang dulo ng bakal. Sumigaw at humiyaw naman si Valerie sa takot kahit hindi pa dumadampi sa kanya ang bakal.

“Andrew! Ikaw ba, alam mo?” tanong ko. Susubukan ko siyang galitin para mabaling ang galit niya sa akin at hindi kay Valerie.

Lumingon si Andrew at inilayo ang bakal kay Valerie. “Ano’ng sabi mo?”

“Alam mo ba kung paano naghirap si Jana? Wala ka ring alam, Andrew! Pareho tayong walang alam!” sabi ko.

“Manahimik ka!” 

Tinadyakan ako ni Andrew pero hindi ko siya tinigilan. “Alam mo bang ni hindi ka niya nabanggit sa journal at letter niya? Hindi ka importante sa kanya,” dagdag ko pa.

“Tumigil ka!” sigaw ni Andrew. Bumunot siya ng baril at pinaputok iyon nang tatlong beses sa itaas para takutin ako. “Manahimik ka! Gago ka!” Itinutok niya sa akin ang baril. Nanginginig siya habang hawak iyon at tumutulo ang kanyang mga luha.

“Sorry, Andrew... Sa bandang huli, ako pa rin ang pinili ni Jana.”

“Shut up!” Biglang ipinutok ni Andrew ang baril at tinamaan ako sa may braso. Napasigaw ako sa sobrang sakit.

“Kier! No!” sigaw ni Valerie.

Dahil sa nakatali ako, hindi ko mahawakan ang sugat ko para pigilan ang pagdudugo niyon. Duguan ang buong braso ko at hindi tumitigil ang paglabas ng dugo sa sugat ko.

“Maganda `yan. Unti-unti kang mawawalan ng dugo habang pinapanood mo akong pasuin ang babaeng ito,” nakangising sabi ni Andrew.

Unti-unti niya uling inilapit ang nagbabagang bakal kay Valerie. Walang nagawa si Valerie kundi ang sumigaw. Malapit na sana kay Valerie ang bakal nang biglang…

“NBI! Drop your weapons!” sabi ng isang babae na may kasamang dalawa pang pulis.

Nagtaas naman ng kamay ang isang tauhan ni Andrew. Pero bumunot ng baril si Andrew kaya agad siyang pinaputukan ng babae. 

Tatlong putok ng baril ang tumapos kay Andrew. Agad namang hinuli ng dalawang pulis ang tauhan ni Andrew.

Pumasok naman si Shane at agad na pinuntahan si Valerie at kinalagan.

“Kier!” sigaw ni Valerie.

Lumalabo na ang paningin ko. I believed I had lost too much blood. Nilapitan ako ng babae at kinalagan din. 

“I need the medical unit here now!” utos ng babae sa mga kasamahan niya. “You’re safe now...” sabi niya sa akin. 

Teka nagha-hallucinate na yata ako? Sino ang babaeng ito? Kaunti na lang at mawawalan na ako ng malay. 

Bakit nakikita ko si... 

“J-Jana?”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly