DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 37: No Escape

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier


AGAD kaming umuwi ni Valerie sa bahay ko. Doon muna siya pagkatapos niyang malaman na ikinulong ni Mr. Valdez si Shane sa mansiyon ng matandang lalaki. Hindi raw pinapayagang lumabas si Shane. At parang kinukutuban na raw si Mr. Valdez sa ginawang panloloko ni Shane.

Sinabi ni Valerie ang address ng mansiyon ni Mr. Valdez. Agad akong sumakay sa kotse ko. Mabilis akong nagmaneho papunta roon. Baka kasi kung ano ang nangyari kay Shane.

Agad kong natunton ang mansiyon ni Mr. Valdez. Isa iyong malaking mansiyon na may kulay-itim at puting pintura. Tatlong palapag iyon at walang masyadong bintana. Halatang may ginagawang himala sa loob. Parang bahay ng mga kontrabida sa pelikula. Pagkatapos ay maraming goons sa loob at labas na naka-tuck in ang mga damit.

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa tapat ng gate, kung saan may dalawang guard na nakasuot ng tuxedo at nagbabantay.

Ang weird ng dalawang ito. Gabing-gabi na naka-shades pa rin.

Bago ako bumaba ng kotse, inisip ko muna kung paano makakapasok sa loob ng mansiyon.

Paano nga ba? Malamang hindi ko kaya ang dalawang ito kung bigla ko na lang susuntukin. Mukha silang mga kalaban sa Matrix, eh—si Agent Smith. Magpanggap kaya akong nagbebenta ng encyclopedia? O tagaayos ng tubo? Pero hindi puwede, nakakotse ako, eh.

Bahala na!

Bumaba ako ng kotse. Nilapitan ko ang dalawang guard at nagkunwaring producer ng isang music studio.

“Good evening, Agent Smith! Ako nga pala si Kier de Leon, from VIDA music studio. I’m here to get Shane for an emergency recording.”

“Sir, pasensiya na po. Pero wala po kaming nare-receive na may appointment si Sir Shane ngayon,” sagot ni Agent Smith One.

“Kaya nga emergency, `di ba?! Kasi unplanned! Sayang `yong tuxedo sa `yo, eh! Papasukin mo na ako!” Idinaan ko sa galit baka sakaling mas effective.

Nagtinginan sina Agent Smith One and Two. Parang hindi nila alam kung sino sa kanilang dalawa ang mas tanga… este ang magdedesisyon.

“Ano na? Hindi tayo puwedeng mag-aksaya ng oras! Double time!” naiinis kong sabi. Para mas makatotohanan. Dapat mataranta rin sila.

Sa wakas, nakapagdesisyon din sila. Kinuha ni Agent Smith One ang radio niya at may sinabing mga codes na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. “Ten, Twenty, Thirty, Fourty! Tango, Alpha, Tango, Alpha, Echo, Alpha, Kilo, Oscar!”

Grabe ang security ng lugar na ito, ang higpit!

Bumukas ang gate. Iyon pala ang niradyo niya. Mas marami pa palang Agent Smith ang nasa loob.

In-escort-an ako ni Agent Smith One papasok sa loob, habang paradyo-radyo pa rin. “November, Alpha, Tango, Alpha, Echo, Alpha, Kilo, Oscar! Fifty, Sixty!”

Pagpasok namin sa mansiyon, pinaghintay ako sa lobby ni Agent Smith One. Tatawagin lang daw niya si Shane.

Ilang saglit pa, bumaba mula sa second floor si Shane. Tumingin siya sa paligid bago ako kausapin. Gulat na gulat siya. Sakto naman na kami lang ang nasa lobby. 

“Kier? Ano’ng ginagawa mo dito?”

“Came to save you!”

“`Buti dumating ka. Malakas na ang suspetsa ni Mr. Valdez. Paano tayo tatakas dito?” pabulong na tanong ni Shane.

Bumulong din ako. “Basta sumakay ka na lang. Nagkunwari akong music producer at mayroon kang emergency recording. Okay ba?”

Ilang saglit pa, biglang dumating si Mr. Valdez. “Shane, may bisita pala tayo?” Nakangisi siya habang papalapit sa amin.

“Mr. Valdez!” Nakipagkamay ako sa kanya. “My name is Kier de Leon, one of the producers from VIDA music studio. Sorry to bother you at this hour.”

“It’s fine. How can I help you, Mr. de Leon?” tanong ni Mr. Valdez.

“I was just gonna get Shane to do a recording for a music video. Nag-back out kasi `yong star namin. Eh, first time pa naman mag-release ng kanta ni Gardo Versoza na siya ang nag-compose at siya rin ang nasa music video. Sayang `to. Kung okay lang sana si Shane ang ipapalit ko bilang kakanta?”

Napakunot-noo si Mr. Valdez. “Hmm... Haven’t heard of Gardo making a music. Ano ba ang title ng kanta niya?”

Hindi ko naisip iyon, ah... Bahala na. “Versoza on the Floor.” Napakinggan ko lang iyon kanina. Inakbayan ko si Mr. Valdez at hindi ko na binigyan ng chance na makaangal. “This is going to be a big break for Shane, Mr. Valdez. Kapag natuwa sa kanya si Gardo, baka maging artista pa si Shane. Siya na rin ang puwedeng maging star ng Machete reboot. At malay mo, baka may pantapat na tayo sa palabas na Ang Probinsyano. Ang title, ‘Ang Koreano.’ Kasi mukhang Koreano itong si Shane, eh.”

Nag-iisip si Mr. Valdez kaya palihim kong sinenyasan si Shane na makisakay.

“Mr. Valdez. Please... This is going to be a big break for me. Pumayag na po kayo please. Hindi ko po kayo ipapahiya,” pagmamakaawa ni Shane.

“Hmm... Sige pumapayag na ako. Pag-usapan natin ang kontrata bukas, Mr. de Leon,” sagot ni Mr. Valdez. “Shane, hindi na ako makakasama. I need to do something.”

“Okay lang po, Mr. Valdez, kaya ko na po ito. Tara na po, Mr. de Leon,” sabi ni Shane.

Paalis na sana kami ni Shane nang bigla kaming tawagin ni Mr. Valdez.  “Excuse me? Mr. de Leon!”

Patay, nabisto yata kami!

Humarap kami ni Shane. Ngumiti ako kay Mr. Valdez. “Yes, Mr. Valdez?”

Nilapitan niya kami at muling kinausap. “Actually, baka may tsismis ka tungkol sa isang member ng Four Maidens? Valerie ang pangalan niya. Kapag may balita ka tungkol sa kanya, ako agad ang balitaan mo, ah?” Ngumiti siya na parang may masamang balak. “Gusto ko sana siyang... tulungan.”

“W-walang problema, Mr. Valdez. Babalitaan kita agad. Makikita mo rin siya soon.” Grabe ang lakas ng tama ng lalaking ito kay Valerie.

“Sige, aasahan ko `yan.”

Nagmadali kami ni Shane na lumabas ng mansiyon. Hindi na niya kinuha ang kotse niya at sumakay na lang sa kotse ko. Mabilis ko iyong pinatakbo papunta sa bahay.

“Muntik na tayo do’n, Kier. Ang galing mo. `Buti na lang, dumating ka,” sabi ni Shane na nasa passenger seat.

“Ang dali palang utuin ng manyak na `yon, eh,” sagot ko naman habang nagmamaneho.

“Salamat, pare,” sabi uli ni Shane. “We have to act fast soon. Parang naghihinala na siya na may nangtatraydor sa kanya. I’ve been getting signed statements sa mga kapwa ko talent doon. Makakatulong sa atin `yon, `di ba?”

Tumango ako. “Nice... Mukhang alam mo ang gagawin mo, ah.”

“I’ve been planning for years kung paano siya pababagsakin, Kier. Masyado nang matagal ang paghihintay ni Val para sa akin. Kaya dapat this time... makawala na talaga kami. Dapat maipakulong siya.”

Dama ko ang galit ni Shane sa tono ng pananalita niya. Whatever Mr. Valdez has done to him... I believed sapat na para magsalita siya nang ganoon. Idagdag mo pa ang pagmamahal niya kay Valerie. Pero sa sinabi niyang iyon… parang nakaramdam ako ng selos na hindi ko maintindihan.

“I think it’s time for you to tell me the things you know about, Mr. Valdez. It will help me analyze how we can fight him,” sabi ko habang deretso lang ang tingin sa daan.

“He’s a criminal, Kier. Lingid sa kaalaman ng mga tao, mastermind itong si Mr. Valdez ng mga drug syndicates, human trafficking, assassinations, at illegal arms deals. That’s how he got his fortune. Cover up lang niya ang pagiging talent manager para hindi siya paghinalaan.”

Tumingin ako sa kanya saglit at bumalik sa pagmamaneho. “How’d you know? May solid evidence ka ba na magagamit natin?” Tumingin ako uli saglit kay Shane at nakita ko siyang umiling.

“Ilan sa mga talent niya kasama ako ay pinagsabihan niya ng mga lihim na business niyang iyon. All I am is a witness. But I’m afraid kapag nilabanan natin siya sa korte matatalo lang tayo. He can pay off or threaten any judge, lawyer, jury or whatever. Even police and government officials. Valerie said you can’t be bought. So I’m hoping you can fight for us until we corner him to the point that the judges won’t have a choice but to sentence him to life imprisonment.”

Matalino si Shane. Mukhang pinag-isipan niya ang lahat nang mabuti.

“I won’t let that monster touch Val. Magkamatayan na lang kung sakali,” dagdag pa niya. 

Ramdam ko sa bawat salita niya ang sinseridad. “Neither do I,” sagot ko. 

Parang ayokong magpatalo kay Shane. “It seems that to cripple this man. We need to cut down his resources. The fight should be on the same level. Pero magagawa lang natin `yan kapag nawalan siya ng pera.”

Nakita ko sa peripheral ko na napatingin siya sa akin, “What do you mean?”

Bumuntong-hininga ako. “I don’t want to do this but sometimes we need to fight fire using fire. I know someone who can do something about his money.”

Tumango si Shane. “Whatever your methods are. It doesn’t matter now. All that matters is to save Val from being taken by that monster.”

Nakarating kami sa bahay nang ligtas. Pagbaba namin ng kotse, agad kaming sinalubong ni Valerie nang mahigpit na yakap. Loko talaga itong si Valerie, nagdikit pa tuloy kami ni Shane. 

“Oh, thank God! You guys are safe.”

Bumitiw si Valerie sa amin at nginitian ko siya. “It wasn’t that hard to save him.”

Bahagyang natawa si Shane. “This time I’ll agree. Kier saved my ass.”

Nagtawanan kami ni Shane pero bigla akong niyakap ni Valerie. “Thank you, Kier.”

Biglang umubo si Shane kaya bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Valerie. Nagselos yata.

“Let’s get inside. Baka mamaya niyan nasundan nila tayo,” mungkahi ni Shane.

Kumapit sa braso ko at sa braso ni Shane si Valerie habang nasa gitna namin siya. Lumakad kami papunta sa gate pero biglang…

“Shane!” sigaw ni Valerie.

Biglang natumba si Shane. May lalaking naka-mask na itim sa likuran niya na may hawak na stun gun.

Susugurin ko sana ang lalaki pero bigla akong nakaramdam ng kuryente sa batok ko at nawalan ako ng malay.
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly