DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 36: The Real Reason

☆

5/12/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Four months ago…

Valerie

BUMITIW si Shane sa pagkakayap sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat at tumitig siya sa mga mata ko. 

“I am sorry for leaving you. Sorry for pretending that I didn’t even know you. Masakit para sa akin ang lahat ng ginawa ko sa `yong pagpapahirap. Pinagsisisihan ko talaga ang lahat.

“Val, naaalala mo ba si Mr. Valdez, `yong manager na kumuha sa akin sa bar?”

Tumango ako habang nakatingin lang sa kanya at handang makinig.

“Ikinuwento sa akin ni Miss CJ ang lahat ng tungkol sa lalaking iyon at kung ano’ng pakay niya,” sabi ni Shane. “He’s a damn pervert! Noong nag-uusap sila ni Miss CJ sa bar, he was trying to take you as his talent, then soon as his sex slave. Sobrang lakas ng tama niya sa `yo n’on. And he even told us that he will do everything to get you. That guy is too powerful. He has resources, funds, people. Police and lawyers are on his payroll. And he even have eyes everywhere. I didn’t have a choice back then, but to tell him and convince him that your were sick.”

Nagulat ako sa sinabi niya at napahawak na lang ako sa aking bibig. All this time, he was…

“Ang sabi ko noon sa kanya, may malubha kang karamdaman at hindi mo kaya ang mabigat na trabaho, that you were weak and nearly dying. Wala na akong maisip na dahilan noon dahil sobrang nagpa-panic na ako baka kung ano’ng gawin niya sa `yo. Nagulat na lang ako nang bigla siyang maniwala sa sinabi ko. It seems that despite this man’s power, he’s a damn idiot!” paliwanag pa ni Shane.

Saglit siyang tumingin sa wristwatch niya.  “I still have some time to explain everything. So back then, I thought I was able to just push him away from the bar, away from us! Pero may reputation pala itong tao na ito na hindi raw puwedeng wala siyang makuhang talent kapag pumupunta siya sa mga gano’ng event. That time, naghihinala na siya sa sinabi kong kasinungalingan tungkol sa `yo. Wala akong nagawa kundi ang ialok ang sarili ko bilang bagong talent niya.”

Napayuko si Shane at parang nahiya sa akin. “He made me watch his wrongdoings. I saw with my own eyes how this man treated his girls and it was really unpleasant. What he did to me is something unbearable and displeasing to the eye. He’s crazy and a psycho. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka sa kanya.”

Hinawakan niya ang mga kamay ko. “Val, I’m so sorry. Sorry kung ngayon ko lang sinabi sa `yo ito. Patawarin mo sana ako sa nagawa kong kunwaring paglimot sa `yo. Ginawa ko lang `yon dahil alam ko na susubukan mo akong iligtas sa kanya or sasabihin mo ang katotohanan sa kanya para iligtas ako. I can’t afford that...” Hinawakan niya ako sa pisngi at tinitigan. “I can’t afford to put you in danger.”

Wala akong nasabi. As in wala. How could I be so blind not to see that he sacrificed himself for me? Just to protect me.

“Val, we don’t have much time. Nakita ka na niya sa TV for sure. Siguradong maghihinala na `yon sa sinabi ko dati. He may be on his way here now,” nangangambang sabi ni Shane. “You have to leave now!”

Binitawan niya ang mga kamay ko pero pinigilan ko siya. “Eh, teka lang, Shane. Paano ka naman? Come with me please. We can fight this, together!”

“I can’t, Val. I have to destroy him from the inside. Mas mapoprotektahan kita kapag nandoon ako sa poder niya, para alam ko ang mga balak niya,” giit ni Shane. Kinuha niya ang mga gamit ko at ibinigay sa akin. “Leave now, Val! Before it’s too late.”

Binuksan ni Shane ang pinto, pero pagbukas niya…

“Shane, my friend.” 

Tumambad sa amin ang isang lalaki na may mga kasamang bodyguard. Kinutuban na ako na si Mr. Valdez iyon. Agad akong nagtago sa likod ng pinto. `Buti na lang at nauna si Shane na magbukas ng pinto at `buti na lang din, matangkad siya kaya agad niya akong naitago.

“Mr. Valdez? Ano po ang ginagawa n’yo dito?” gulat na tanong ni Shane.

Sabi ko na nga, siya `yon.

“Gusto ko lang sanang kumustahin ang Four Maidens. Balita ko, magaganda raw ang mga `yon. Nakita ko sa TV, mukhang masasarap!” sagot ni Mr. Valdez.

Kadiri siya! Napakabastos! Kapag ako hindi nakatiis, makakatikim sa akin ng dragon kick ito!

“Nakaalis na po silang lahat, Mr. Valdez,” sabi ni Shane.

“Tsk! Sayang naman! Ano, magaganda ba?” tanong ni Mr. Valdez.

“Ah... Eh... Parang hindi po. Parang nakuha lang po sa makeup,” sagot ni Shane.

Kung hindi ko alam na nagkukunwari lang si Shane, baka nakatikim din sa akin ng dragon punch ito. Magaganda kaya kami nina Ate Candice!

“Talaga ba? Tsk! Sayang naman... Hmm... siguro dapat ko silang makita nang personal.”

“Naku, Mr. Valdez, huwag na! Mag-aaksaya ka lang po ng panahon. Tara na po. May shooting pa po ako,” katwiran ni Shane at inaya nang umalis si Mr. Valdez.

Isinara niya ang pinto at naiwan akong mag-isa. Whew! Nakahinga ako nang maluwag. Kinabahan ako doon, ah!

Ilang saglit pa, saktong nag-text na si Papa na nasa labas na siya ng studio at hinihintay ako. Nakauwi naman kami nang ligtas.

Pinili kong hindi sabihin kay Papa ang sinabi ni Shane na maaari kong ikapahamak. Ayaw kong madamay siya, lalo na ngayon na mukhang masaya siya sa bago niyang girlfriend na si Aling Evang.

Sa loob ng isang linggo, palagi akong kinukumusta ni Shane through text and calls. Iba-iba ang number na ginagamit niya. Siguro nangangamba siya na baka may way ang kalaban na ma-trace siya. Mukhang hindi pa naman daw ako napapansin ni Mr. Valdez. Hindi rin ako lumalabas ng bahay, sa takot na baka may biglang dumukot sa akin.





MULI kaming nagkita-kita ng mga kagrupo ko at ni Miss Ange. May live performance na naman kasi kami sa TV.

Gusto ko sanang sabihin kay Miss Ange ang tungkol kay Mr. Valdez, kaya lang hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko siya. Hindi ko alam kung gaano kalakas ang impluwensiya ng pervert na iyon and I didn’t really want to know.

“Oh, girls! Kumusta ang bakasyon?” tanong ni Miss Ange sa amin.

Kanya-kanya namang nagkuwento ang mga kagrupo ko kung paano nila nilubos ang isang linggong bakasyon bago ang sunod-sunod na performances namin.

Napansin ni Miss Ange na mukhang malalim ang iniisip ko dahil hindi ako sumagot sa tanong niya. “How about you, Valerie? Mukhang may iniisip ka. May problema ka ba?” 

“W-wala naman po. Pero puwede ko po ba kayong makausap?”

“Sure, dear!” sagot ni Miss Ange. Lumayo muna kami kina Ate Candice. “Girls, mag-uusap lang muna kami ni Valerie. Maiwan muna namin kayo.”

Pumasok kami ni Miss Ange sa office niya at nag-usap.

“Miss Ange, gusto ko na po sanang mag-quit sa grupo.”

“Huh? Bakit naman? May naging issue ka ba sa mga kagrupo mo? Ano’ng problema, hija? Sabihin mo dahil baka kaya kitang tulungan.” Nag-alala si Miss Ange. I wished I could tell her the truth.

“Wala naman pong issue sa mga kagrupo ko. Ang babait nga po nila, eh. May personal lang po akong problema.”

“Hmm... Valerie, we can’t lose you in our group. Isa ka sa mga asset namin. Saka magkakaproblema tayo sa mga producers. They can file a case against you if you run away. May pinirmahan kang contract, remember?” 

Tama si Miss Ange nakalimutan ko ang tungkol doon sa takot na makita ako ni Mr. Valdez.

Niyakap niya ako at hinaplos sa likod. “You can trust me, hija. Why don’t you tell me what’s wrong?”

Malapit ko na sanang sabihin kay Miss Ange ang lahat pero biglang nag-ring ang phone niya kaya agad niya iyong sinagot.

“Hello? Angelica Giron speaking. Oh! Ikaw pala Mr. Valdez! Napatawag po kayo?... Sure! My girls will be delighted to see you! See you at the backstage after the show! Bye!”

Naloko na! Mukhang si Mr. Valdez pa yata iyong kausap ni Miss Ange at parang gusto pa yata niya kaming makita mamaya.

Hinawakan ni Miss Ange ang mga kamay ko at muli akong kinausap. “Oh, Valerie! That was Mr. Valdez, the highest grossing talent manager. Please don’t leave us, lalo na ngayon na mayroon tayong possible na maging concert producer.”

“Ah... Eh...” Naloko na talaga. Natatakot na ako sa puwedeng mangyari. “Ang sabi po kasi nila bastos daw po `yang si Mr. Valdez.”

“Valerie! Don’t say that! Mr. Valdez is wealthy but a very kind man. Rumors about him are not true!” Nagalit pa yata si Miss Ange sa akin.

“Sige po. Sorry po, Miss Ange.” Mukhang walang alam si Miss Ange tungkol kay Mr. Valdez.

Wala akong nagawa kundi ang magpatuloy pa rin sa pagpe-perform kasama ang mga kagrupo ko.

Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko? Bakit ba hindi ako nakinig kay Shane? Ang tanga-tanga mo, Valerie!

Agad akong nag-text kay Shane para humingi ng tulong.

Me: Shane! Help me! Pupunta raw sa backstage si Mr. Valdez mamaya after ng performance namin.

Shane: Narinig ko nga rin ang usapan nila ng manager mo. I was about to text you.

Me: Natatakot ako. Bakit parang hindi alam ni Miss Ange ang tunay na pagkatao ni Mr. Valdez?

Shane: Kami lang na mga talent niya ang may alam and we can’t tell anyone or else he can have us killed. Nagkaroon na rin ng rumors about him but he just paid the media to cover it up.

Me: Ano’ng gagawin ko? Natatakot talaga ako.

Shane: I’ll be with him later. Gagawa ako ng paraan.


Kahit may takot na nararamdaman, nagawa kong mag-perform kasama ang mga kagrupo ko. Inisip ko na lang na kaya akong protektahan ni Shane.

Pagkatapos ng aming performance, agad kaming nagpunta sa assigned room namin sa backstage. Sinubukan kong magdahilan para hindi ako makita ni Mr. Valdez.

“Miss Ange, medyo nagugutom na po ako. Puwede po bang kayo na lang ang makipagkita kay Mr. Valdez sa backstage?”

Hindi ako pinansin ni Miss Ange. Abala siya sa pagtulong sa pag-aayos kina Ate Candice. Sumagot naman ang baklang nagre-retouch ng makeup ko.

“Ay, girl! Hold mo muna `yan. Basta busy si Mader Rasya, hindi ka mapapansin niyan.”

So ganoon nga ang nangyari, hindi ako nakatakas.

Mayamaya, pumasok na sa room namin si Mr. Valdez kasama si Shane at ang mga bodyguard nila.

Nginitian ko si Shane pero umiling siya. Gusto siguro niyang sabihin na magkunwari kaming hindi magkakilala.

Sinalubong ni Miss Ange si Mr. Valdez at nagbeso-beso sila.

“Hi, Mr. Valdez! `Buti nakapunta ka, and thanks for bringing Shane with you.”

“It’s my pleasure to meet your girls,” sagot ni Mr. Valdez.

“Girls! Come here please,” tawag ni Miss Ange sa amin.

Lumapit naman kami. 

“Mr. Valdez, may I please introduce to you the Four Maidens.”

“This is Candice, Keila, Angel, and...”

Hindi pa ako naipapakilala ni Miss Ange pero agad nang lumapit sa akin si Mr. Valdez.

“Valerie! How can I forget a rare beauty? My name is Sebastian Valdez.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.

Nanginginig ako sa kanyang presensiya. Nakakatakot siya. Kung titingnan mo ang ngiti niya, ngiting-manyakis talaga. Malapad ang noo niya at manipis na ang buhok. Kita ko na ang anit niyang panot. Magkahawig pa sila ni Chowking.

Nakita ko si Shane na parang gusto nang suntukin si Mr. Valdez pero nagtitimpi lang.

“Wow! I am surprised that you know our Valerie?” singit ni Miss Ange.

Kahit si Miss Ange ang nagtanong, sa akin pa rin nakatingin ang unggoy na Valdez na ito.

“Paano ko naman makakalimutan ang may pinaka-unique na mukhang nakita ko?” Isa-isa rin niyang tiningnan ang mga kagrupo ko. “Hmmm. Magaling ka talagang pumili, Angelica. Ang gaganda nila. Nice to meet you, girls.”

“Nice meeting you din po, Mr. Valdez!” sabay-sabay na sabi nina Ate Candice.

“Galingan n’yo sa mga susunod na show n’yo, girls, I’m looking forward to watching all of you perform again. Just stay humble and… honest,” sabi ni Mr. Valdez at tumingin kay Shane. “Isn’t that right, Shane?”

Deretso lang ang tingin ni Shane. “Yes po, Mr. Valdez.”

“So... catch you, girls, later! I have to be in the front seat of this show now dahil magsisimula na ang performance ni Shane,” nakangising sabi ni Mr. Valdez. “Will you join me, Miss Angelica? So we can talk about producing their first concert.”

“Of course, Mr. Valdez!”

“See you soon, Valerie,” sabi uli ni Mr. Valdez sa akin. Lumabas na sila ng kuwarto.

Naiwan lang kaming apat nina Ate Candice kasama ang mga make-up artists.

Nag-aalala ako para kay Shane. Parang nahalata ni Valdez na nagsinungaling lang si Shane sa kanya noon.

Agad akong nag-text kay Shane.

Me: Shane, will you be okay? I’m worried.

Shane: Don’t worry, I’ll be fine. Gagawa na lang ako ng paraan. I am more worried about you. We need to fight this man.

Me: How?

Shane: We need a good lawyer.


Me: May kilala ako na mapagkakatiwalaan talaga natin. Si Kier.

Shane: Sige, we’ll meet him after a couple of months. Kailangan ko munang magpabango kay Mr. Valdez and I have to convince his girls to testify against him.

Shane: For now. You need to hide. Don’t worry about your contract sa Four Maidens, we’ll deal with that after Mr. Valdez.

Me: Okay, parang alam ko na kung saan ako puwedeng magtago. Will you be okay?

Shane: Yep. Don’t worry.


This time, sinunod ko na ang mga payo ni Shane para sa kaligtasan ko.

Kinabukasan, pinuntahan ko si Mingay at ikinuwento ang lahat. Dinala niya ako sa kanilang probinsiya na malayo sa kabihasnan. Sa isang parte ng Batangas. Doon ako nagtago hanggang sa muli akong kontakin ni Shane para makipag-meet kay Kier.






Present

Kier


“SO THAT’S it! Here I am,” sabi ni Valerie.

“Huwag kang mag-alala, Valeng. Lalabanan natin `yang si Mr. Valdez. I will keep you safe, too,” seryosong sabi ko.

“Salamat, Kier. Ikaw lang talaga ang alam kong makakatulong sa amin. Tomorrow we will meet Shane para mas mapag-usapan pa ang mga plano niyang pagpapakulong kay Mr. Valdez.”

“Sige... For now, let’s grab something to eat. May food park diyan na malapit. Na-miss ko nang kumain ng mga gano’n,” sabi ko.

“Asus! Weh? Na-miss mo lang ako, eh,” nakangiting sabi ni Valerie at tiningnan ako na parang inaasar.

“Huh? Gutom lang `yan,” katwiran ko. Ngumiti ako at niyaya na siya. “Halika na nga!”

“Sige na nga!” sagot niya at kumapit sa braso ko. “Let’s walk for a change. Para mas marami pa tayong mapagkuwentuhan.”

Lumabas kami ng bahay. Kahit medyo may-kalayuan ang food park, naglakad pa rin kami. Kakaiba kasi talaga ang trip ng dragon na ito, eh. Pero muli siyang nag-shade at nag-cap para hindi makilala sa labas.

Habang naglalakad, nag-asaran lang kami nang nag-asaran na parang katulad ng dati. Hanggang sa biglang seryoso na ang usapan namin.

“Ikaw naman ang magkuwento. Ano’ng ginawa mo sa loob ng dalawang taon? Naka-get over ka na ba kay Jana?” tanong ni Valerie.

Magkukuwento na sana ako nang biglang tumunog ang phone niya. “Wait lang, Kier.”

Inilabas niya ang kanyang phone at tiningnan iyon. Napahinto siya sa paglalakad at parang nangangamba ang mukha. Ilang saglit pa, napahawak siya sa kanyang bibig. “Oh, my God, Kier. Shane is in danger.”
NEXT CHAPTER
Back to Chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly