DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 35: Debut

☆

5/11/2025

0 Comments

 

Until I'm over you

Valerie

NATULALA ako sa nangyari. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong kinakabahan na ewan.

“Bessy, sa tingin ko dapat na nga tayong umalis dito. Kinakabahan ako, eh. Parang may gustong sabihin si Shane na hindi niya masabi at parang takot siya sa puwedeng mangyari,” sabi ko kay Mingay.

“Oo nga, girl! Mukhang may itinatago baga itong si Papa Shane. Pero dapat magpaliwanag na siya this time! Apat na taon na nakakalipas, ngayon lang niya sasabihin na pinoprotektahan ka niya? Ay, huwag ako, bessy! Dapat isang libro baga ang paliwanag niya!” galit na sagot ni Mingay.

“Easy lang, bessy! Ikaw yata ang dragon sa atin, eh,” sabi ko at nagtawanan kami saglit.

Umalis na kami ng studio. Pero nang nasa labas na kami ng building, biglang may pumaradang itim na kotse sa harap namin. Bumakas ang pinto at lumabas ang isang babae.

“Miss Valerie? Valerie Magtalas, right?” tanong sa akin ng babae.

“Ah, yes? S-sino po sila?”

“Hi! I’m Angelica Giron. I am a talent manager. Just call me Miss Ange,” nakangiting sabi ng babae at nakipagkamay sa akin.

“Hello po. Siya naman po si Mingay, kaibigan ko,” pagpapakilala ko kay Mingay.

Nginitian niya si Mingay at muli akong kinausap. “I saw your performance earlier and I would like to offer you a job. Can we talk at a nearby coffee shop?”

Mukha namang mabait si Miss Ange kaya sumama kami agad sa kanya ni Mingay, saka sayang ang libreng coffee.

Pagdating namin sa coffee shop at pagkatapos naming mag-order, muli kaming kinausap ni Miss Ange.

“I’m actually forming a group of extraordinary singers para makabuo ng isang all-female pop group, and—”

Biglang sumingit si Mingay sa usapan. “Ay, alam ko baga `yan, Ma’am! Kumbaga lahat ng magagaling, magsasama-sama. Avengers `yan!”

Napakunot-noo si Miss Ange. Siniko ko si Mingay para tumahimik muna. Binulungan ko rin siya. “Bessy, quiet ka muna baka magalit itong si Miss Ange. Sayang, baka ito na ang big break ko.”

“Sorry, girl. Baka kasi ito `yong sinasabi ni Shane na panganib, eh. Naniniguro lang,” pabulong na sagot din ni Mingay.

“Ako na ang bahala, bessy.”

Muli kong kinausap si Miss Ange. “Pasensiya na po kayo sa best friend ko, Miss Ange. Palabiro lang po talaga ito. So ano po `yong tungkol sa female pop group?”

“Oh, yes! So I saw your performance earlier. I was really amazed at how you sang and danced. Then I came up with the idea to invite you to work with me as the last member of the all-female pop group na binubuo ko. I promise you, this will be a big one. You’ll get to perform in your own concerts, launch your own album, and many more. Sana mapaunlakan mo ang paanyaya ko,” sagot ni Miss Ange, bago sumimsim ng kape.

Napaisip ako. Gusto ko pa naman iyon. Parang magiging K-pop idol ako. Parang iyong idol ko na K-pop group, iyong BLACKPINK.

Kaso iniisip ko rin iyong sinabi ni Shane. Sabi niya, hindi ako puwedeng sumikat or mapunta sa show business. Pero bakit? Kainis! Hindi pa kasi in-explain kanina, eh.

“Nakakahiya naman po, Miss Ange. I mean hindi pa naman po ako gano’n kagaling.”

“Well, you’ll receive the greatest training of your life kapag sumali ka,” puno ng kumpiyansang sagot ni Miss Ange.

“Ah... eh... Miss Ange, puwede po bang mag-usap lang muna kami ni Mingay bago po ako sumagot sa offer n’yo?” tanong ko.

Ngumiti si Miss Ange. “Sure, hija. Go ahead.” 

Lumayo muna kami ni Mingay at nag-usap.

“Ano, bessy? Kukunin ko ba itong offer?”

“Kunin mo na, girl, sayang `yan! Huwag kang maniwala do’n sa Shane na `yon. Takot lang sa `yo `yon kasi mas magaling ka sa kanya,” sagot ni Mingay.

Kalahati ng utak ko, gustong maniwala kay Shane. At ang kalahati gustong kunin ang chance na maging isang pop singer. Ang hirap at hindi talaga ako makapagdesisyon.

Bumalik kami sa table kung saan nandoon si Miss Ange.

“Uhm... Miss Ange?”

“Yes, dear?”

“Puwede po ba na pag-isipan ko muna ang alok n’yo? Gusto ko pong sumali, kaya lang may personal po akong problema ngayon na kailangan ko munang ayusin.” Hindi ako makatingin. Nakakahiya kasi.

“That’s fine, hija. Whatever it is, sana maayos mo agad,” sagot ni Miss Ange. Iniabot niya sa akin ang isang calling card. “Here’s my number. If ever you have decided to work with me, tawagan mo lang ako.”

Pag-uwi ko sa bahay, pinag-isipan kong maigi kung ano ang aking pipiliin.

Maniniwala ba ako kay Shane? O gagawin ko ang gusto ko?

Tiningnan ko ang phone ko at ang picture ni Shane doon.

“Kung pinoprotektahan mo ako, bakit hindi mo man lang ipinaliwanag ang lahat sa akin? Bakit kailangan mong magkunwari na hindi mo ako kilala? Bakit hindi mo man lang ako tinext, tinawagan, or kahit sulat man lang?” sabi ko habang tinitingnan ang napakaguwapo niyang litrato. 

Bigla namang may kumatok sa pinto. Si papa, for sure.

“Valeng anak! Matulog ka na. Dalang-dala ka naman diyan sa Wattpad na `yan, ah!”

“Oo na, `Pa! Matutulog na po!”

Makatulog na nga lang. Bukas na lang ako magdedesisyon.





KINABUKASAN... Desidido na ako. 

Bahala ka sa buhay mo, Shane. Basta ako, big break na sa akin ito!

Tinawagan ko si Miss Ange at tinanggap ang offer niya na mapabilang sa kanyang all female pop group. Nagpaalam na rin ako sa mga katrabaho ko sa bar ni Miss CJ.

Wala si Miss CJ nang araw na iyon dahil inaasikaso niya ang bago nilang branch ng café bar. Kaya sa kakambal na lang niya na si Elaine ako nagpaalam. Sinabi kong magre-resign na ako dahil nakatanggap ako ng offer para maging isang pop singer. 

Iyak naman nang iyak ang best friend kong si Mingay.

“Ano ba `yan, girl? Akala ko naman magkakasama pa rin tayo kahit magiging pop idol ka na. `Yon pala, kailangan mo nang umalis dito.”

“Bessy, naman! Magkikita pa rin tayo. Promise `yan!” Niyakap ko siya nang mahigpit.

“Kapag inaway ka ng Shane na `yon, sabihin mo sa akin, ah? Or kahit sinong umaway sa `yo, ako ang reresbak!”

Bahagya rin akong naiyak pero agad din namang natawa sa mga biro ng best friend kong maingay. “Ikaw talaga. Don’t worry ihahanap kita ng boylet do’n.”

“Ay, gusto ko `yan, girl! Don’t worry, ako ang magiging admin ng fans club mo. Galingan mo baga doon, ha? Lagi kitang panonoorin sa TV.”

“At lagi ka namang may libreng ticket sa concerts namin!”

Muli kaming nagyakapan ni Mingay at nagpaalam sa isa’t isa.

Pagkatapos ay agad akong pumunta sa five-star hotel kung saan naka-check in si Miss Ange at ang mga magiging kagrupo ko raw.

Mainit naman nila akong tinanggap. Naging kaibigan ko rin agad silang lahat. Sumailalim kami sa training sa loob ng dalawang buwan bago ang aming debut performance.





Two months later…

IPAPALABAS ngayon nang live sa isang evening show ng Channel 21 ang debut performance namin. 

“Ladies and gentlemen, coming up live for their debut performance! Let’s give it up for... Candice! Keila! Angel! And Valerie! The Four Maidens!”

Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao sa excitement pagkatapos i-announce ng host ang aming mga pangalan.

Ready na `ko! sabi ko sa isip ko. Para sa `yo `tong kakantahin namin, Shane. Humanda ka!

Una ay si Candice, ang leader ng grupo. “This is a shout out to my ex. Heard he’s in love with some other chick. Yeah, yeah, that hurt me, I’ll admit. Forget that boy, I’m over it.”

Si Angel. “I hope she’s gettin’ better sex. Hope she ain’t fakin’ it like I did, babe. Took four long years to call it quits. Forget that boy, I’m over it!”

Next ay ang turn ko na. “Guess I should say thank you for the ‘hate yous’ and the tattoos. Oh, baby, I’m cool by the way. Ain’t sure I loved you anyway. Go ahead, babe, I’mma live my life, my life, yeah.”

And si Keila. “Shout out to my ex, you’re really quite the man. You made my heart break and that made me who I am. Here’s to my ex, hey, look at me now, well, I... I’m all the way up, I swear you’ll never bring me down.”

Lahat kami. “Shout out to my ex, you’re really quite the man. You made my heart break and that made me who I am. Here’s to my ex, hey, look at me now, well, I... I’m all the way up, I swear you’ll never, you’ll never bring me down.”

Binigyan kami ng mga tao ng masigabong palakpakan at hiyawan. Nakita ko si Shane na parang gulat na gulat sa gilid kasama ng mga co-artist niya.

Belat! Akala mo, ah! Nandito na `ko ngayon, Shane! Wala ka nang magagawa.

Shout out to you, Shane! You’ll never bring me down!

Pagkatapos ng aming debut performance, agad kaming dumeretso sa backstage kung saan nandoon ang naka-assign sa aming room. Nag-celebrate kaming apat.

“Congratulations, girls! Pila-pila na ang mga producers na nag-o-offer ng concerts sa atin. Ang gagaling n’yo!” bati sa amin ni Miss Ange.

“Thank you po, Miss Ange!” sabi ni Ate Candice.

Niyakap namin siyang lahat. “Salamat po, Miss Ange!”

“Oh, girls! I will let you go home sa kanya-kanya n’yong pamilya. Kasi next week, magiging busy na tayo,” bilin ni Miss Ange. “Mag-iingat din kayo sa paglabas-labas n’yo. For sure magkakaroon na kayo ng mga stalkers. Mabuti pa, ihatid ko na kayo sa mga bahay n’yo.”

“Ako po, Miss Ange, nagpasundo kay Papa kaya mauna na po kayo,” sabi ko.

“Sige, Valerie. Mag-iingat ka. Let’s go na girls.” Umalis na si Miss Ange kasama ang tatlo.

Naiwan akong mag-isa sa room. Bigla kong naisip... Kumusta na kaya si Kier at si Pogi? Matutuwa kaya sila sa ibabalita ko na mukhang sisikat na ako?

Hindi man lang kasi nagte-text ang pangit na iyon. Ano ang hinihintay niya, ako ang unang mag-text sa kanya? Akala niya diyan. Siya nga itong nagpaiyak sa akin, eh.

Ang tagal naman ni Papa. Kinikilabutan na ako.

Nagtali ako ng buhok sa harap ng salamin habang naghihintay sa text ni Papa kung nasa labas na siya, nang biglang…

“Kiyaaaah!” Napatili ako sa gulat nang biglang mamatay ang mga ilaw. Agad kong kinuha ang cell phone ko at ginamit ang flashlight niyon para magkaroon ng liwanag.

Nagmadali akong pumunta sa pinto pero bago ko iyon buksan…

May lalaking nagbukas ng pinto at tinakpan ang bibig ko.

Napaatras ako sa lakas ng kanyang puwersa. Hawak niya ako sa baywang at hawak naman ng isa niyang kamay ang bibig ko para hindi ako makasigaw.

Sumara uli ang pinto at sinubukan kong magpumiglas.

“Ssshhh! Val, be quiet please. Ako `to si Shane.”

Binitawan niya ako. Ilang saglit pa, muli nang nagkailaw.

“Shane? Ano’ng ginagawa mo dito?” Gulat na gulat ako. Nakahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba na aking nararamdaman. Hindi dahil sa nandiyan si Shane kundi dahil sa takot at kaba nang biglang mamatay ang ilaw at may lalaki na biglang pumasok na hindi ko alam kung sino.

“Val, let’s talk please. You’re in danger. I will explain everything to you now,” sabi ni Shane. 

Napalunok ako. Pero hindi... Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan. Tinaasan ko siya ng kilay. “Okay, simulan mo na dahil mahigit tatlong taon ang hinintay ko para dito. Sana lang worth it.”

“Okay, sige, heto na. Una sa lahat, Val...” Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Shane nang mahigpit. “Miss na miss na kita.”

Hindi ako nakagalaw, natulala, at walang nasabi.

“Patawarin mo sana ako sa nagawa ko. Pinagsisihan ko ang mga desisyon ko. Sana pakinggan mo ang lahat ng sasabihin ko, Val...”

Oh, my God! Ano’ng ibig niya sabihin? 
Next chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly