DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 34: Return Of A Friend

☆

5/11/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier

ISANG buwan na ang lumipas simula nang magtayo ako ng sarili kong law office. Sa tulong ng magaling kong secretary na si Alleiea, ang dami naming kasong naipanalo.

Kakagaling ko lang sa labas. Nakipagkita ako kay Karlo. Sinabi niya sa akin ang tungkol kay Valerie. Dahil sa sobrang busy ko, hindi ko alam na sikat na member na pala si Valerie ng isang female pop group sa bansa. Akalain mo iyon! 

Kumusta na kaya siya? Galit pa rin kaya siya sa akin? Maybe one day I need to visit her para mag-sorry.

I was just day dreaming nang biglang lumapit sa akin si Alleiea.

“Sir Kier, may nagpapabigay po nitong sulat sa inyo. Basahin n’yo daw po ngayon,” sabi ni Alleiea at iniabot sa akin ang isang sulat.

Agad ko iyong binuksan at binasa.

Kier,

We need your help. Meet us at the rooftop of this building.

—Dragon


Dragon? Teka si Valerie `to, ah!

Nagmadali akong lumabas ng opisina at sumakay sa elevator papunta sa rooftop ng building.

Pagdating ko doon, nakita ko si Valerie na nakaitim na damit, naka-shades, at nakasumbrerong itim. Alam kong siya iyon. Ganoon din ang kasama niyang lalaki.

Nang makita ako ni Valerie, agad niyang tinanggal ang shades niya at sinalubong ako ng yakap. “Kier!”

Niyakap ko rin naman siya, “Valeng?! Hey, kumusta?”

“Kier, `buti at pumunta ka. Siyanga pala…” Tinanggal ng lalaki ang suot niyang shades at cap. “Si Shane! Kilala mo na siya, `di ba?”

Nagulat ako. Bakit magkasama na yata sina Valerie at Shane ngayon?

“Sorry sa mga nangyari noon, pare,” sabi ni Shane at nakipagkamay sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin. Ano ang nangyayari?

“W-what’s going on here?” tanong ko.

Sumagot si Valerie. “Kier... We need your help.”

Napakunot-noo lang ako. “Ano’ng ibig n’yong sabihin na kailangan n’yo ang tulong ko?”

“It’s about Mr. Valdez, my manager,” singit ni Shane. “Nasa panganib si Valerie… at ikaw lang ang sa tingin niya na makakatulong sa amin.”

“Kier, please help us. Ikaw lang ang alam kong lawyer na hindi mabibili ng pera. Sa `yo lang ako may tiwala. I will explain later. For now we have to go somewhere safe,” sabi ni Valerie.

“O-okay... I’ll do what I can. Just tell me what exactly is going on.” Clueless talaga ako sa nangyayari. Pero dapat ko silang tulungan.

“I’ll tell you everything once we are on a safe place,” sagot naman ni Valerie.

“Hindi ako puwedeng magtagal. Kailangan ko nang umalis. I can’t be seen with you. He has eyes everywhere,” sabi naman ni Shane na bakas sa mukha ang takot. “Kier, puwede ba kitang makausap nang saglit?”

Pumayag ako. Lumayo kami ni Shane kay Valerie.

“I don’t want to drag her into this show business issue. I’ve been protecting her since then. But for now I have to entrust her to you. She’ll explain to you everything. Sana matulungan mo kami,” paliwanag ni Shane.

“We’re talking about a friend of mine. Of course, I’ll do everything to protect her,” sabi ko at tumingin kay Valerie na nasa di-kalayuan.

“Salamat, pare. Importante siya sa akin. Please take care of her.” Seryoso si Shane. Whatever they were dealing now, mukhang hindi iyon basta-basta.

Akmang tatalikod na si Shane nang tawagin ko siya.

“Shane!” 

Lumingon siya.

“Huwag kang mag-alala, importante rin siya sa `kin!”

Muli niyang isinuot ang shades at cap at nagmadaling umalis. Naiwan kami ni Valerie sa rooftop.

“Kier, we have to go.”

“Sige. I just need to grab my stuff from my office. My house is the safest place I can think of,” sagot ko.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa office at nagbilin kay Alleiea na i-cancel muna ang mga appointments ko. She was puzzled about it but I promised I’d explain everything to her.

Sumakay kami ni Valerie sa kotse ko. Habang bumibiyahe, naisip kong kausapin na siya. Alam kong hindi naging maganda ang huli naming pagkikita noon at nahihiya pa rin ako sa kanya.

I pushed her away but she was still here as my friend. Nakakahiya talaga sa kanya. Kaya bago ang issue nila ni Shane, ito na ang pagkakataon ko para mag-sorry sa kanya.

I cleared my throat. “Uhm... Valeng... Ah... Kumusta ka na nga pala? Sikat ka na, ah.”

“Seryoso ka? `Yan ang una mong gustong sabihin pagkatapos ng dalawang taon?” Tinaasan niya ako ng kilay.

Mali! I should have apologized right away. Pero… teka! Siya kaya ang bigla na lang sumulpot. Kasama pa `yong si mestiso!

“Teka! Ikaw kaya `yong bigla na lang sumulpot. I was planning to take a leave from work para bisitahin ka.”

“Bisitahin? So, ngayon mo lang pala ako bibisitahin? Ang tagal, ah!” 

Ang sungit niya. Kaasar. She was acting like a kid again. She was pouting and she looked like someone who wanted a candy or a chocolate.

Kainis! Bakit parang ang cute na yata ng dragon na ito ngayon?

“Eh, sorry na. Naging busy lang,” masuyong paliwanag ko.

“Okaaaay...” sagot niya na parang nang-aasar or naiinis. Ewan!

“Valeng...” Sakto stoplight, I could talk to her while we were waiting. “Sorry nga pala sa mga nasabi ko noon. Sana maintindihan mo. Hindi ko sinasadya and I didn’t mean what I said. Ang totoo niyan...”

She looked at me like she was waiting for what I was about to say. I looked at her and smiled.

“Masaya ako na nakita uli kita.”

Ngumiti si Valerie at pabiro akong sinuntok sa braso nang limang beses.

“`Ayan! `Ayan! `Ayan! Yah! Para `yan sa pagpapaiyak mo sa akin!”

“Teka lang! Teka lang! Sorry na talaga,” sabi ko. Lalong lumuwang ang pagkakangiti ko.

Nakangiti pa rin si Valerie at parang namumula na ang mukha. “Okay na `yon. Tapos na `yon. May kasalanan din naman ako.”

Naging seryoso bigla ang mukha niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Yumuko siya at sinabing, “Hindi dapat kita hinalikan noon. Sorry talaga. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa `yon.”

Hindi ako nakasagot. Maging siya ay nanahimik din. Ano ba ang isasagot ko? Ito naman kasing si Valerie dere-deretso kung magsalita.

Ilang saglit pa…

“Ang awkward na,” sabi ko at natawa.

“Kainis naman `to, eh!” sagot ni Valerie at pabiro akong pinalo sa braso. Muling naging seryoso ang mukha niya. “Simula noon, araw-araw akong dumadalaw sa puntod ni Jana at nagso-sorry.” Naging masigla na uli siya. “If she were alive, siguro best friends kami!”

“That’s for sure!” sabi ko at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Nakarating kami sa bahay ko. Pagbukas ko ng pinto, agad na sumalubong sa amin si Pogi. Akala ko sa akin siya dederetso pero kay Valerie agad siya pumunta.

“Pogi!” Tuwang-tuwa rin si Valerie na makita ang aso.

Kinarga niya ang aso. Dinila-dilaan naman siya nito sa mukha. “Na-miss ba `ko ng baby pogi na `yan? Ako na-miss kita,” she said while pouting.

Ngumisi ako. Ang sarap nilang pagmasdan. “Hindi na `yan baby. Big boy na kaya `yan. Minsan nga parang naghahanap na `yan ng asawa, eh.”

“Ay! Hindi! Bad doggie! Huwag muna! Bata pa ang baby,” sabi ni Valerie na kunwaring pinapagalitan si Pogi.

“I’ll ask Alleiea to fetch you some clothes. She’ll be here later. If I need to ensure your safety you have to stay here for a while.”

Tumango si Valerie. “Okay, Your Honor. Thanks for helping us.”

Hindi pa rin siya nagbabago. Naupo kami sa sala at ipinagpatuloy ang pag-uusap.

“So, Valeng... Who are we dealing with? Sino ba itong si Mr. Valdez? At bakit kayo nanganganib ni Shane?”

“Siya `yong ikinuwento ko sa `yo dati na kumuha kay Shane as talent. Bale manager siya ni Shane. Maimpluwensiya, mayaman, at mapanganib na tao si Mr. Valdez. Hayaan mong ikuwento ko ang lahat. Marami kang na-miss sa pagiging busy mo, eh,” paliwanag ni Valerie.

“Sige, handa akong makinig. And how did you and Shane get to know each other again?”

“Kaya nga ito na nga, eh. Ikukuwento na! Huwag kang eepal, ha? Makinig ka lang!” 

Same old dragon. Ang bossy pero nakakatuwa. 

“It happened six months ago...”




Six months ago…

Valerie


“HOY, VALENG! May contest sa Channel 21, ah? Search for the next Pop Idol daw parang K-pop-K-pop. One of the judges si Shane. Baka gusto mong sumali?” sabi ni Mingay, co-singer ko sa banda ko.

Nagulat ako. “Weh?! Hindi nga? Saan mag-o-audition? Shemay! Sali tayo, bessy!”

“Hay naku, girl! Ayaw ko ng mga K-pop-K-pop na `yan. `Buti kong Batangas Pop `yan. Patusin ko `yan,” sagot niya.

“Anong Batangas pop? Wala namang gano’n, eh.”

“Meron kaya. Ganito, o... Ala, eh, saranghae!” biro ni Mingay with matching hawak sa magkabilang pisngi at nagpa-cute.

Nagtawanan kami. `Buti nakatagpo ako ng bagong best friend sa katauhan ni Mingay. Batangueña siya, mabait, palaban, at palabiro. In other words, masaya siyang kasama. Morena siya, kulot ang buhok, at may pagkakahawig kay Jaya. Pero grabehan ang boses, pang-contest talaga!

Hindi na kasi ako pinapansin ng masungit na pangit na si Kier. Akala mo kung sinong pogi, mukha namang puppy.

“Havey! Mingay, `lupit mo talaga. Ala, eh... Annyeonghaseyo!” Ginaya ko siya. Naiiyak na ako sa kakatawa.

“Samahan na lang kita, girl! Para may Batangueña kang cheerer,” sabi niya.

“Sige, sige. Gosh! Excited na ako. Saan daw ang audition?”

“Eh, sa Korea baga!” Pagkasabi niya niyon, sumimangot ako kaya tinawanan niya ako.

“Bessy, naman, eh. Seryoso ba `yon? Saan nga?” pagpipilit ko pa.

“Kakasabi ko lang na sa Channel 21, `di ba? Naku, girl, sino ba’ng iniisip mo si Shane o si Kier?”

“Puwedeng si Shane! Bakit ko naman iisipin `yong pangit na Kier na `yon?” sagot ko. “Samahan mo `ko, ah? Kailan daw?”

“Sa five...” sagot niya.

“Anong five?” tanong ko.

“five... four... three... two... one... Eeng! Tapos na. Sorry, girl, `di ka nakaabot.”

“Bessy, naman, eh!” Kainis `tong si Mingay, pinagtitripan ako.

“Ay, malay ko kasi, girl. Hindi naman kasi ako interesado diyan, naalala lang kita. I-Google mo na lang,” sagot niya.

Ang gara talaga nitong si Mingay. Hindi kompleto ang info kung magbigay. Nagkamot na lang siya ng ulo. “Sige na nga. Basta samahan mo `ko, ah?”

“Ay, siya sige. Eh... Basta `di baga ako magutom, oks na oks.”

Dumating ang araw ng audition sa may building ng Channel 21, sa isa sa mga studio nila. Pasok ako sa Top Twenty na ipapalabas sa TV kinabukasan kung saan si Shane ang isa sa mga judge.






DUMATING ang araw ng live audition sa TV. Sobrang kinakabahan ako. First time kong lumabas sa TV at nandito pa si Shane.

Pagkatapos mag-perform ng mga ibang contestant... It was my turn to shine!

Kinanta ko ang kanta ni Arianna Grande na “Problem.” Sing and dance at todong biritan ang ginawa ko.

I have to give my all!

Sumayaw at kumanta ako nang bongang-bonga. Praktisadong-praktisado ko na kasi kaya wala nang problema.

Pagkatapos…

Boombayah! Ang galing ko talaga!

Nagpalakpakan ang mga tao. Maging ang ibang mga judge ay namangha, maliban lang kay Shane. Parang hindi siya natuwa sa ginawa ko.

Nagbulungan sina Shane at ang mga judge. Pagkatapos, nagsalita ang isa sa kanila.

“That was awesome, Miss...”

“Valerie po. Valerie Magtalas,” dugtong ko.

“Yes, Valerie! That was really brilliant! I have to say, kung ako lang ang judge dito, malamang ikaw na ang winner. Pero itong mga kasama ko, they need a different type of pop singers. We think you are overqualified. But hopefully we can see you again in another contest,” sabi ng judge.

Nakakainis! Bakit parang feeling ko, si Shane ang may kasalanan kung bakit hindi ako napili? Haays... Pero baka nag-o-overthink lang ako.

Pagkatapos kong mag-perform at makabalik sa backstage, nag-take ng break ang show. Pinuntahan ko agad si Mingay. Inis na inis din siya.

“Girl! Ano ba `yan? Parang naluto ang laro, ah? Ang galing-galing mo kaya! Anong klaseng pop star ba gusto nila `yong nagbo-bold?! Susugurin ko ang mga `yan, eh!”

Galit si Mingay kaya inawat ko siya. “Hayaan mo na, bessy. May iba pa namang pagkakataon.” Nalungkot ako at dissapointed sa nangyari. Pero ganoon talaga, eh.

Ilang saglit pa habang naglalakad kami palabas ng backstage, biglang napadaan si Shane at parang papunta yata sa dressing room. Hindi pala namin namalayan na nakapasok pala kami sa restricted area.

Nang makita ko siya, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin pero... agad ko siyang tinawag.

“Shane, sandali!”

Lumingon si Shane at tiningnan ako. Luminga siya sa paligid na parang tinitingnan kung may ibang nakakakita. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

Shemay! Siomai! Kalamay! Bumibilis ang tibok ng puso ko. Papalapit talaga siya sa akin.

Nang makalapit si Shane, tinitigan ko siya. Mukhang nag-aalala talaga siya at seryosong-seryoso. 

“Val, makinig kang mabuti. Umalis ka na dito agad, please. Huwag mong hahayaang sumikat ka o lumabas sa TV or anything na magiging daan para makilala ka. I’ve been trying to protect you all this time. Please umalis ka na!”

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero nabigla ako dahil... “Nakikilala mo pa ako?”

“Never kitang nakalimutan. I did what I did to protect you! Now, Val... please go!” utos ni Shane.

Natulala ako. Ano ang sasabihin ko?

“Hoy, guwapo! Why don’t you kiss me? I mean, anong just go?! Ano baga akala mo, ganyan-ganyan na lang? Aba! Kailangan yata ng explanation ng bessy ko! Saka dapat yakapin mo ako!” singit sa amin ni Mingay.

Pinalo ko siya at binulungan. “Ano ba, girl? Sa akin `yan. Huwag ka nga.”

Bumulong din siya. “Share mo naman, bessy. Ang pogi, eh. Ishini-share ko nga ang mga FB post mo, eh. Pero joke lang `yon.”

“Sorry, Val. Someday I’ll explain everything. For now, you have to go,” sabi ni Shane at nagmadali nang umalis.

“Shane, sandali lang!” tinawag ko siya pero hindi na siya huminto at lumingon.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin sa mga sinabi niya? Bakit kailangan kong umalis at bakit hindi ako puwedeng sumikat?
Next chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly