DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 30: To A New Start

☆

5/11/2025

0 Comments

 

Until I'm over you

Kier
​


“HUH?! BAKIT ka pupunta ng Amerika?” Parang nagulat si Mama sa kabilang linya.

“Gusto ko pong puntahan ang mga alaala ni Jana,” sagot ko.

Mukhang gumaan naman ang loob ni Mama sa isinagot ko. “Ah, sige. Kung `yan ang paraan para maka-move on ka, kami na ang bahala kay Pogi.”

“Salamat po, `Ma. Doon po ako titira kina Tita Jizelle. Kakausapin ko na lang po siya.”

“Sige. Mag-iingat ka palagi. Tawag ka lang `pag may iba pa kaming maitutulong sa `yo,” sabi ni Mama.

“Opo, `Ma. Maraming salamat po.”

I needed to know how Jana suffered there. I needed to see and feel how she fought for everything without me.

Ibababa ko na sana ang phone nang biglang magsalita uli si Mama. “Siyanga pala, anak. Nakita namin na nakapasa ka sa Bar exam. Congratulations! Gusto sana naming mag-celebrate tayo nina Papa mo pero alam namin na hindi ito ang tamang oras. Sana maging maayos ka na uli.”

“Thank you po, `Ma. `Wag po kayong mag-alala, babawi po ako sa inyo,” sagot ko.

Kinabukasan, sinundo agad si Pogi nina Mama at Papa. Sa mga sumunod na araw, naging busy na ako sa pag-aasikaso ng visa papunta sa Amerika. 
Nakausap ko na rin si Tita Jizelle at pumayag naman siya sa pakiusap ko. 

Bago ang pag-alis ko, naisip ko rin na asikasuhin muna ang mga bagay-bagay tungkol sa pagkakapasa ko sa Bar exam. Ibig sabihin kasi niyon, ay isa na akong abogado. Sa totoo lang, ayoko nang maging abogado dahil wala na ang rason ko para maging successful. Pero alam kong hindi iyon ang gusto ni Jana. Kaya kapag handa na ako, magiging isa akong mabuting abogado para sa kanya.

Sana nandito ka. Sana nakita mo na nakapasa ako. Magkasama sana nating isini-celebrate ang lahat.

Lumipas ang mga buwan, linggo, at araw. Dumating na ang oras ng pag-alis ko papunta sa Amerika.



NANDITO ako ngayon sa lugar kung saan ko huling nakita si Jana. Kung saan ko siya huling nayakap. Kung saan ko huling naramdaman ang halik niya. Kung saan ko huling nakita ang maganda niyang ngiti.

Naaalala ko pa... Naaalala ko pa ang lahat…

Sana hindi na lang ako pumayag na umalis ka. Sana sumama ako sa `yo noon. Sana nagsakripisyo rin ako para sa `yo.

AGAD kong nakita sina Tita Jizelle at Mister Harper. Nandito na ako sa Amerika. 

“Welcome to New York, Kier!” Sinalubong ako ng yakap ni Tita Jizelle.

“Thank you, Tita!”

Kinamayan naman ako ni Mister Harper. “How’s it going, son?”

Nakipagkamay ako sa kanya at ngumiti. “I’m fine, Mister Harper. Thank you!”

Sumakay kami sa kotse ni Mister Harper. Habang bumibiyahe, napadaan kami sa Central Park at naikuwento ni Mister Harper si Jana. “Jana used to play there when she was a kid. She used to say that when she’ll grew up, she’ll change how that park looks like. Like improve it!”

Nai-imagine ko si Jana na isang bata. Masayang naglalaro. Ang cute-cute. Nakangiti at tumatawa kasama ang kanyang mama at papa. Nakakagaan ng pakiramdam ang isipin na masaya siya.

“Mister Harper, you should have seen our park back in our village. Jana made a huge improvement there. Many people visit our park nowadays, and some are from faraway places,” sabi ko nang may ngiti sa mga labi. Feeling proud!

Ngumiti ang matandang lalaki. “Sounds like you’re so proud of our baby girl! Please... call me George.”

Sumingit naman si Tita Jizelle sa amin. “Well, I’m the one who’s more than proud here. We’re talking about my baby!”

Bahagya kaming nagtawanan.

“Yeah... She was really great,” sabi ni Tito George.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot at muling naging seryoso ang ekspresyon ko. Napabulong na lang ako para hindi tuluyang bumigay. “She was...”

Nakarating na rin kami sa kanilang bahay matapos ang medyo may kahabaang biyahe. Sabay kaming tatlo na kumain. Napansin kong sweet si Tito George kay Tita Jizelle. Siguradong masaya si Jana na nakita niya na at least ay nagkaayos na at nagmamahalan na uli ang kanyang mga magulang.

Pagkatapos, binigyan ako ni Tita Jizelle ng tour sa malaki nilang bahay.

“Kier, ito nga pala ang kuwarto ni Jana.” Ipinakita niya sa akin ang kuwarto. May mga litrato pa namin doon at ibang mga gamit. “Kung gusto mo puwede mo itong gamitin. Nailigpit ko naman na ang ibang mga gamit ni Jana.”

“Sige po, Tita. Gusto ko nga po talaga na dito ako. Gusto kong maalala si Jana,” sabi ko.

Humawak saglit sa braso ko si Tita Jizelle. “Sige, maiwan muna kita rito para makapag-ayos ka. Puwede kang bumaba mamaya para uminom ng mainit na chocolate. Kapag handa ka na, pag-usapan na rin natin ang tungkol kay Jana.”

“Salamat po.” Umalis si Tita Jizelle at naiwan akong mag-isa.

Nilibot ko ang kuwarto ni Jana. Nandito pa rin ang amoy niya. Nakakatuwa ring pagmasdan ang mga litrato niya at litrato namin. Mayroon akong isang malaking litrato rito, mga twelve inches ang laki.

Ngumiti ako at napabuntong-hininga. “Siguro `pag nahihirapan ka, tinitingnan mo lang `tong pogi kong picture? Miss na kita, my love.”

Nakita ko rin ang picture ko na naka-basketball uniform. Naalala ko pa iyon. Kahit two minutes lang akong ipinasok sa game, todo suporta pa rin siya. Hindi naman kasi talaga ako marunong mag-basketball. Isinali lang nila ako noon para gawing mascot si Pogi at muse si Jana.

I could still hear her cheer for me in my mind.

“Go, Team Puppies! Go, Kier! I-shoot mo, my love!”

Napangiti ako. Ang sarap talagang balik-balikan ang mga masasaya naming alaala.

Nahiga ako sa kama. Napapikit ako. Pakiramdam ko, kasama ko si Jana dito. Sa kabila niyon, nakaramdam pa rin ako ng pagsisisi. I should have been here.
Ilang saglit pa, nagpalit na ako ng damit at bumaba. Sinamahan ko sina Tito George at Tita Jizelle na uminom ng mainit na tsokolate.

Pagkatapos uminom, lumabas si Tito George at nagpahangin. Naiwan kami ni Tita Jizelle sa sala.

“Kumusta ka na, Kier? Sana hindi ka galit sa akin. Lalo na kay Jana.”

Napabuntong-hininga ako. “Masakit sa akin, Tita, pero hindi po ako galit sa inyo. Galit po ako sa sarili ko. Sorry po pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap na wala na si Jana. Gabi-gabi ko po siyang napapanaginipan. Walang araw na hindi ko siya iniisip.”

Biglang tumulo ang luha ko. Kasabay ng pagbabalik sa isipan ko ng mga alaala noong kasama ko si Jana.

Humigop si Tita Jizelle sa tasang hawak niya at napabuntong-hininga. “Patawarin mo ako, Kier. Gusto kong sabihin sa `yo noon pa pero `yon ang huling hiling ni Jana sa akin. Gusto niyang matapos mo ang pinaghirapan mo. Tutol ako sa kunwaring pagpunta namin sa Saudi at ang magsinungaling sa iyo at ang totoo ay pupunta pala kami sa Amerika para magpagamot siya. Pero kung mayroon mang nagsisisi sa naging desisyon niya, `yon ay walang iba kundi… si Jana.

“Walang araw na hindi ka niya hinanap. Palagi ka niyang bukambibig, lalo na `pag nahihirapan siya sa mga treatment na pinagdaanan niya. Pero lahat ng `yon, kinaya niya. Kier, huwag mo sanang sisihin ang sarili mo. Lahat tayo ay walang magagawa sa nangyari kay Jana. Nasaan man siya ngayon, tiyak kong nasa maayos na siya at panatag na,” dagdag pa ni Tita Jizelle.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Tahimik lang ako at tulala.

Madaling sabihin na wala ka na. Pero ang tanggapin na hindi na kita makikita, ang pinakamahirap. 

“Natapos ko na pong basahin ang journal ni Jana. Nabasa ko po do’n kung bakit hindi niya ako mai-chat or magawang kausapin sa phone. Dahil kadalasan sa mga oras na iyon ay wala siyang malay or nag-a-undergo siya ng treatment. Samantalang ako...” sabi ko at muling tumulo ang mga luha ko, “... samantalang ako, nagawa ko pa pong magalit sa kanya, nagawa ko pa pong magtampo. Naghihirap na pala siya pero parang lalo ko pa pala siyang pinahirapan.”

Tinabihan ako ni Tita Jizelle at hinaplos ang likod ko. “Kier, hijo, huminahon ka. Hindi mo gusto ang nangyari. Naiintindihan ni Jana ang mga consequences sa pagsisinungaling niya sa `yo pero sana patawarin mo siya, ang sarili mo, at sana magpatuloy ka sa buhay mo. Palagi pa rin siyang nasa puso nating lahat. Hindi siya mawawala. Magiging masaya si Jana kung makikita niya na successful ka na.”

Nagpunas ako ng luha. “Sorry po, Tita. Sobrang nami-miss ko na po siya. Salamat po sa pagpapagaan ng loob ko.”

“Maraming salamat sa `yo, Kier. Kahit maikli lang ang naging buhay ni Jana, nang dahil sa `yo ay nabigyan naman `yon ng kulay. Sana ipakita mo sa kanya na hindi nawalan ng saysay ang sakripisyo niya.”

Tumango ako tanda ng pagsang-ayon at pag-intindi sa mga sinabi ni Tita Jizelle.
Nagtagal ako ng isang buwan sa Amerika. Pinuntahan ko rin ang ospital kung saan nagpagamot si Jana. Nagpunta rin ako ng Central Park kung saan naglalaro noon si Jana. Madalas kong isipin kung ano kaya ang mga improvement na gagawin ni Jana kung siya ang magde-design ng park.




UMUWI ako sa Pilipinas matapos ang isang buwan. Naging busy ako sa pag-aasikaso ng mga papeles ako. Dahil mataas ang nakuha kong grade noong Bar exam, kaliwa’t kanang law firm ang kumukuha sa akin. 

Then I finally decided to be with the highest-ranking or the strongest law firm in the country. Tiyak na magiging masaya si Jana sa ginagawa ko.

Lumipas ang isa at kalahating taon. Naging busy ako sa trabaho na halos hindi ko na nakukumusta ang mga kaibigan at mga magulang ko, pero mabuti na lang ay naiintindihan nila. 

In-demand na akong lawyer dahil lagi akong may naipapanalong kaso. Bumilis din ang pag-angat ko sa buhay. Nakabili ako ng sariling bahay at kotse. Malawak na ang natatakbuhan ni Pogi. Proud na proud naman ang mga magulang at mga kaibigan ko.

Mas masaya sana kung nandito ka sa tabi ko, Jana. Alay ko sa `yo lahat ng tagumpay na `to.

Naisip ko nang magtayo ng sarili kong law firm. Umupa ako ng office sa Makati na nasa loob ng isang malaking building. Studio type na may isang kuwarto. Susubukan ko pa lang kasi na magsolo kaya doon muna pansamantala. 





UNANG araw ko. Magko-conduct ako ng libreng serbisyo para sa mga nangangailangan ng tulong na may kinalaman sa pag-a-acquire ng justice. Maaga akong dumating sa sarili kong opisina. Ang akala ko, maraming pipila sa labas, pero mukhang walang nakakaalam. Siguro dahil hindi ako nag-advertise at ang signage lang sa labas ng opisina ang palatandaan na magbibigay nga ako ng free service ngayong araw.

Akala ko magiging boring ang araw. Hanggang sa pagsapit ng alas-otso, may biglang kumatok sa pinto ng opisina.

“Pasok po kayo!”

Pumasok ang isang matandang babae. Simple lang siya at mukha namang mabait. “Magandang umaga po, Attorney.”

Tumayo ako at nilapitan ang matanda. “Good morning po. Attorney Kier de Leon po at your service.” Nakipagkamay ako sa kanya at tinanggap naman niya iyon. “Ano pong maitutulong ko sa inyo, Ma’am?”

“May problema po kasi kami ng anak ko. Sana po, matulungan n’yo kami, Attorney.”

Mukhang mabait ang matandang babae kaya tutulungan ko talaga siya. “Huwag po kayong mag-alala, tutulungan ko po kayo. Ano po ang problema?”

Lumingon siya sa pinto at may tinawag. “Halika ka nga ritong babae ka! Tumigil sa pahiya-hiya mo diyan at pumasok ka na!!”

Akala ko mabait pero mukhang nagger pa pala ang aleng `to.

Isang babae ang narinig ko sa likuran ng pinto na sumagot. “Ito na po papasok na!”

Bumukas ang pinto at isang babae na parang nasa twenty years old ang humarap sa akin.

Sino kaya siya? Ano kaya ang gusto nilang itulong ko sa kanila?
Next Chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly