DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 29: Losing Hope

☆

5/11/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier

​
IT’S BEEN six months since you were gone.
I don’t even have a reason now to continue.
My love, I’m sorry but I don’t want to move on.
I don’t wanna go another day without you.
Tell me, what must I do?
Tell me how am I supposed to live without you?
Napakasakit isipin at tanggapin na wala ka na.
Mas masakit dahil hindi ko natanggap na wala ako sa tabi mo noong naghihirap ka.
Magkasama sana nating nilabanan ang lahat.
Siguro, ngayon buhay ka pa.
Naiinis ako.
Galit ako.
Galit ako sa sarili ko.
How could I be so blind not to see or feel that you were suffering?
I am sorry, my love.
I couldn’t save you.


Nag-offer sina Mama at Papa na samahan ako sa apartment hanggang sa maka-move on sa pagkawala ni Jana pero tumanggi ako.

Alam kong sa mga oras na ito ay kailangan ko sila pero mas gusto kong mapag-isa. Mas gusto kong alalahanin lang ang lahat ng pinagsamahan namin ni Jana. Ayokong dumating ang araw na makalimutan siya.

Madalas akong tine-text or tsina-chat ng mga kaibigan ko, lalo na si Valerie. Nagre-reply naman ako na ayos lang ako pero kapag nag-aalok na silang makipagkita, tumatanggi ako.

Alam kong mali… at alam kong magagalit si Jana sa ginagawa ko. Pero ano ang magagawa ko kung sa pagkawala niya ay parang nawalan na rin ng saysay ang buhay ko?

Araw-araw, dumadaan ako sa flower shop ni Aling Evang para bumili ng puting rosas.

“Good morning, Kier! Pero alam kong mas maganda pa `ko sa umaga! Habol mo ba ang bulaklak kong mabango at sariwa?” madalas na bati ni Aling Evang na parang sinusubukan akong hawaan ng kanyang positive aura.

Hindi ako makangiti. Sorry, Aling Evang pero sobra akong nangungulila.

“I’ll have the usual,” madalas din na sagot ko.

Pagkatapos, pumupunta ako sa lugar kung saan una kong nakita si Jana. Sa may garden ng park ng aming village. Araw-araw, gusto kong maalala si Jana.

Naalala ko pa ang unang beses ko siyang nakita. Ang paglingon niya sa akin noon at ang unang beses kong marinig ang malaanghel niyang boses.

Iniiwan ko ang isang piraso ng puting rosas sa bench kung saan kami laging nagkikita at madalas na nakatambay.

Pag-uwi ko, pinapanood ko ang mga movies na magkasama naming pinanood noon ni Jana. Mayroon din siyang malaking litrato sa study desk ko. Iniiwan ko roon ang isa pang piraso ng puting rosas na binili ko.

Pagsapit ng gabi, umaakyat ako sa rooftop ng apartment. Doon kami unang nag-date ni Jana. Doon ko rin iniiwan ang pangatlong rosas.

Laging napakaganda ng kalangitan tuwing umaakyat ako tulad ngayon, nagniningning ang mga bituin sa langit. Kagaya ng gabi na pinagsaluhan namin sa lugar na ito.

Hindi ko napigilang umiyak at mapaluhod.

Sana ako na lang. Sana ako na lang nagkasakit at hindi siya. Sana ako na lang ang nahirapan.

As I cried the tears of my misery, I found myself slowly standing and taking steps. Then when I looked around, I was now at the edge of the rooftop platform. Just one more step and I can already end this pain, and just one more step and I can be with her.

“Jana...” I cried and blankly looked straight ahead. “How am I supposed to live without you?”

Sa taas ng building na ito, which was ten floors, I could definitely end this misery.

I am sorry... But I’m taking this leap. Desidido na ako... Hindi ko na kaya…

Wala na ako sa katinuan. Ang tanging gusto ko lang, muling makasama si Jana. Ito nga ba ang sagot?

Huminto ako sa paghakbang nang biglang marinig kong tumahol si Pogi sa likuran ko. Bigla akong natauhan, umatras, at nilingon ang alaga. Napaluhod ako at mabilis siyang pumunta sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit habang dinila-dilaan niya ang mukha ko at inamoy-amoy.

It was like he was telling me not to do it. It was like he was telling me not to leave him, too.

Pinunasan ko ang luha sa mga pisngi ko at hinaplos si pogi. “Hey I’m sorry, bud! Daddy’s not gonna leave you, okay?”

Hindi ko alam kung paano, but I was pretty sure that my apartment door was closed. Walang paraan para makalabas ang aso, unless someone let him out.

I think it’s a sign not to give up.

MAAGA pa lang, may kumakatok na sa pinto ng apartment ko. Pagbukas ko ng pinto, si Valerie pala. “Bakit, Valeng?”

“Congratulations, Kier!” masayang bati ni Valerie. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inalog-alog.

Agad kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. “I don’t have time for your nonsense.”

Naging seryoso ang mukha ni Valerie pero ngumiti rin uli, pagkatapos. Parang sinusubukan niya akong hawaan ng positivity. “Ano ka ba? Hindi mo pa siguro nakikita!” Kinuha niya ang phone niya, may pinindot saglit, at ipinakita niya iyon sa akin. “`Ayan, o!”

Ang website ng Supreme Court at ang… result ng Bar exam.

“Nakapasa ka sa Bar exam! Congratulations! Ikaw na! Ang Valeng-Valeng mo! Mana ka sa akin!” masayang bati ni Valerie.

Kung wala akong nararamdamang sakit at bigat, malamang ay natuwa ako. Pero aanhin ko pa ang pagpasa kung wala na ang rason ko? Ang rason kung bakit nagpapatuloy ako.

“Wala na akong pakialam kung pumasa ako o hindi.”

“Ito naman! Pinaghirapan mo `yan! Kaya dapat kahit papa’no, maging masaya ka,” nakangiting sabi ni Valerie na may kasama pang tapik sa braso ko.

“Bakit ka ba nandito? Hindi ba sabi ko gusto kong mapag-isa?! May kailangan ka na naman ba? Kay Shane na naman ba, ha?! Sorry, Valeng, but I really don’t have time for your nonsense!” Sinigawan ko siya.

Naging seryoso ang mukha ni Valerie at parang maiiyak na siya.

Ilang saglit pa, sinigawan na rin niya ako. “Pumunta ako dito para sana kahit papaano, mapasaya ka! Para ibalita sa `yo na nagbunga ang lahat ng paghihirap mo! Para sabihin sa `yo na nandito lang ako na handang damayan ka!”

Hindi ko tiningnan si Valerie kahit alam kong nakatingin siya sa akin. Seryoso at parang maluluha na talaga siya. Hanggang sa tiningnan ko na siya at nakitang agad niyang pinunasan ang luha sa mga mata niya.

“Alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo at naiintindihan kita! Dahil dalawang tao na ang nang-iwan sa akin! Alam ko na mas mahirap ang pinagdaraanan mo, pero sana naman, Kier, bigyan mo ako ng chance para tulungan ka. Kaming mga kaibigan mo! Nandito kami para sa `yo!”

I was sad enough to decline what she was telling me. Nairita ako. Dahil ang gusto ko lang ay maghapong isipin si Jana. Tumingin ako sa kanya. “Bakit ba? Eh, ano naman sa `yo kung nalulungkot ako? Kung nagdadalamhati ako?!”

“Kier, may pakialam ako sa `yo dahil mahalaga ka sa akin! I can’t… afford to lose you, too!”

Hindi ko alam kung bakit pero lalo akong nagalit. Inilabas ko na ang matagal ko nang kinikimkim. “Alam mo ba ang nangyayari, ha? Valeng! I lost Jana! Wala na siya! Hindi na babalik pa kasi wala na! Alam mo ba kung ano pa’ng masakit do’n?! She was already dead when we… we accidentally kissed! Alam mo `yong feeling na parang nagtaksil ka, `tapos patay na pala `yong girlfriend mo?! Alam mo ba `yon?!”

Nagsimulang pumatak ang mga luha sa mga mata ni Valerie at napahawak siya sa kanyang bibig. “I’m so sorry... H-hindi ko talaga sinasadya...” dagdag pa niya.

“Umalis ka na lang, please! Worry about Shane or your mom! I will worry about myself. I don’t need you or anyone!” sigaw ko.

Nag-walk out si Valerie paalis habang umiiyak. Bahagya rin akong naiyak sa mga nasabi ko. I thought I just lost a friend and the pain added up to my current misery.

Wrong! I shouldn’t have said that.

Parang nadoble tuloy ang sakit na nararamdaman ko. Walang kasalanan si Valerie. Kung meron mang dapat sisihin dito, ako iyon! She was drunk and I could have prevented her from kissing me but I didn’t.

I’m sorry, Jana... I am so sorry…

Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak na lang.





ISANG buwan na ang lumipas. Hindi na nagparamdam sa akin si Valerie pagkatapos ng nangyari. Nagpatuloy rin ako sa pagbisita sa mga lugar kung saan kami nagkasama ni Jana. 

Pero isang araw pag uwi ko…

“Pogi?”

Naabutan ko si Pogi na nasa isang sulok at parang nahihirapang huminga.

“Hey, bud! Sshh! Daddy’s here... Sshh...” Sinubukan kong hawakan si Pogi at painumin ng tubig pero walang nangyari.

Agad kong kinuha ang phone ko. Una kong nakita ang number ni Kuya Gilbert kaya siya na lang ang tinawagan ko.

“Hello, Kuya Gilbert! Tulungan n’yo po ako! Kailangan ko pong dalhin agad ang aso ko sa clinic. Kaya n’yo po bang makapunta dito agad?!” tanong ko kay Kuya Gilbert sa phone. Natataranta na ako.

“Kier! Huminahon ka. Huwag kang mag-alala pupunta ako agad diyan,” sagot niya.

“Sige po hihintayin ko kayo. Salamat po.”

Inihiga ko si Pogi sa may sofa para malawak ang space at makahinga siya nang maayos. Binuksan ko rin ang mga bintana para pumasok ang sariwang hangin.

Matapos ang ilang minuto, narinig kong may bumubusina na sa labas. Agad ko namang kinarga si Pogi. Dinala ko rin ang carrier niya. 

Paglabas ko, nagulat ako nang makita kung sino ang nagmamaneho ng taxi.

“Valeng?!”

“Sakay! Bilis!” utos niya.

Agad akong sumakay ng taxi at mabilis naman niya iyong pinatakbo.

Na kay Pogi ang buong atensiyon ko habang bumibiyahe kaya hindi ko na nagawang kausapin si Valerie. Nahihiya rin ako sa kanya dahil sa mga nasabi ko noong huli kaming magkita.

Mabilis kaming nakarating sa malapit na veterinary clinic. Agad na inasikaso si Pogi ng veterinarian. Ipinasok na ang aso sa loob ng emergency room.

“Pogi, please! Huwag naman sanang pati ikaw. Hindi ko na talaga kakayanin,” nag-aalala kong sabi.

Hinawakan ako ni Valerie sa balikat. “Huwag kang mag-alala. Magiging maayos si Pogi. Jana is looking after him.”

Umupo kami ni Valerie sa silyang inuupuan ng mga naghihintay. Yumuko lang ako at sinapo ang ulo ko. Si Pogi lang ang nasa isip ko ngayon. At hindi ko sinasadyang kalimutan na katabi ko pala si Valerie.

Ilang minuto ang lumipas at lumabas na ang veterinarian.

“Mister De Leon? Nasa mabuti na pong kalagayan ang aso n’yo.”

Natuwa ako sa narinig na balita. Gumaan ang pakiramdam ko at nakahinga ako nang maluwag. “Oh, thank God! Maraming salamat po, Doc!” 

“Thank you, Doc. Pero ano po ba’ng nangyari sa aso namin?” tanong ni Valerie sa doktor.

“Ang diagnostic po namin ay nagkaroon siya ng severe blockage of breathing which is a usual sickness po sa isang pug dahil na rin po sa structure ng face niya. Naging severe kasi po tumataba si doggie. Lack of exercise and air po...” Nagpatuloy ang doktor sa pagpapaliwanag sa nangyari kay Pogi at kung ano ang mga dapat gawin para hindi maulit ang nangyari.

Mukhang dahil sa pagdadalamhati ko, napabayaan ko na si Pogi. Hindi ko na siya naipapasyal nang madalas.

I’m sorry, Jana, hindi na ito mauulit sa baby natin.

Nang ma-discharge na si Pogi ay umuwi na rin kami. Inihatid kami ni Valerie hanggang sa apartment. Inihiga ko ang aso sa higaan niya, pagkatapos ay lumabas ako para kausapin si Valerie.

“Valeng...” Hindi ako makatingin sa kanya. Sa kabila ng pagtataboy ko sa kanya noon, she came here rushing to help me out. Nahihiya ako. “S-salamat nga pala.”

Ngumiti naman siya. “Wala iyon. Huwag mo na siyang pababayaan. Please lang.”

Tiningnan ko si Valerie pero agad siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

“I have to go...” sabi niya at agad nang tumalikod.

“Ah... S-sige... S-salamat uli,” nahiya kong sagot.

Nagsimula siyang maglakad papunta sa taxi. 

“Valeng...”

Huminto naman si Valerie pero hindi humarap.

“Ingat ka...”

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, napansin kong parang nagpunas siya ng luha. Hindi na siya nagsalita at agad na sumakay sa taxi. Umalis na siya at bumalik na rin ako sa loob ng apartment.

Pakiramdam ko, nawalan ako ng isang kaibigan. Masakit sa akin pero gusto kong sarilihin ang pagdadalamhati. Ayaw ko nang mandamay ng iba.

Bago matulog, muli kong binuksan ang journal ni Jana. Napahawak ako sa bibig ko habang binabasa ang kabuuan ng journal. Pagkatapos niyon ay agad kong tinawagan ang mga magulang ko.

“Hello, `Ma? `Pa?”

“O, anak, napatawag ka?” Si Mama ang sumagot ng tawag.

“Puwede n’yo po bang sunduin ni Papa si Pogi at diyan muna siya sa inyo tumira?” pakiusap ko.

“Ah, sige. Bakit, anak, may problema ba?” tanong ni Mama.

“Pupunta po ako ng Amerika.”
Next chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly