DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 28: Us Apart

☆

5/11/2025

0 Comments

 

until i'm over you


Kier


​
“KIER...”

“Kier...”

“Kier, gising na!”

Pagmulat ko… “Sino `yan? Jana? Jana, my love! Ikaw ba `yan?! Nasaan ka? Pupuntahan kita!” Hindi ko maaninag kung si Jana nga ba ang nakikita ko dahil masyadong maliwanag.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Napakaganda at napakalinis ng buong paligid. Maayos ang pagkakalatag ng mga damo dahilan para maging luntian ang paligid. Nakatayo ako sa isang malawak na lupa. Isang babae na nakasuot ng puting dress ang natatanaw ko sa malayo. Para siyang modelo, mahaba ang alon-alon niyang buhok. 

“Jana? Alam kong ikaw `yan! Please diyan ka lang, pupuntahan kita!” 

Nararamdaman ko na si Jana ang babaeng iyon. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. 

Bigla ring nawala ang babae.

“Jana? Jana my love. Nasaan ka? Please! Please...”

Biglang may yumakap sa akin sa likuran. Mabango na parang bulaklak ng Jasmine. At kakaiba rin ang pakiramdam ko. Para akong nasa langit.

Alam kong si Jana ito. Si Jana! 

Gusto ko sanang humarap para yakapin din siya pero… hindi ko magawa. Ayaw sumunod ng katawan ko.

“Jana? I-ikaw ba `yan?” tanong ko uli.

“Hindi mo na ako kailangang hanapin.” 

Ang maamo niyang boses na kabisadong-kabisado ko na parang isang kantang malumanay ang patunay na siya nga si Jana.

Dahan-dahan niyang ipinatong ang kanyang kamay sa dibdib ko habang nasa likuran ko pa rin siya. “I will always be here. I will always be with you. Someone will love you better than I do. Someone will always be with you… I am so sorry, Kier… Good-bye, my love...”

Biglang nang nawala. Kung kailan wala na siya, saka naman ako nakagalaw. Nilingon ko siya at hinanap sa buong paligid, pero hindi ko na siya nakita.

Kahit sa huling pagkakataon hindi ko siya nakita.

Pagdilat ko, tumambad sa akin ang maamo at magandang mukha ni Mama. Hawak-hawak niya ang kamay ko at parang hinihintay akong magising.

Isang panaginip…

Panaginip lang pala…

Sa panaginip na lang ba kita makikita?

“Kier, anak! Thank God!” nag-aalalang sabi ni Mama at niyakap ako nang mahigpit. “Mahal, gising na ang anak natin!” tawag niya kay Papa.

Nagmadali namang pumasok sa kuwarto si Papa. “Kier!” Niyakap din niya ako. “Kumusta ang pakiramdam mo?”

Sinapo ko ang ulo ko. “Ano po ang nangyayari? Bakit po kayo nandito?”
Nagkatinginan silang dalawa at seryoso ang kanilang mga mukha.

“Anak...” Hinawakan ni Mama ang mga kamay ko. “Nawalan ka ng malay. Mahigit anim na oras na.” 

“Tinawagan kami ni Jizelle kaya agad kaming pumunta dito,” sabi naman ni Papa.

Nang marinig ang pangalan ni Tita Jizelle, naalala ko agad si Jana. “Jana!” 

Agad kong inalis ang kumot at umupo. Magmamadali na sana akong umalis para puntahan si Jana nang bigla kong maalala ang balitang dala ni Tita Jizelle. Napayuko ako at muling bumigat ang pakiramdam ko. 

“Totoo po ba? P-patay na po ba talaga si Jana?” tanong ko, pagkatapos.

“Kier anak...” Niyakap ako ni Mama at hinaplos naman ni Papa ang likod ko. “Anak, wala na si Jana... K-kasama na siya ni God,” marahang sagot ni Mama na may kasamang paghikbi.

Tumulo ang luha ko. Tulala lang ako habang inaalala ang mukha ni Jana, inaalala ko ang boses niya, inaalala ko ang bawat ngiti niya, at inaalala ko ang bawat kilos niya. 

“K-kailan pa raw siya nawala, Papa? S-sinabi po ba ni Tita Jizelle sa inyo?” Nanginginig ang mga labi ko. Parang namamanhid din ang buo kong katawan.

“Bago daw ang last examination mo, anak. Mabuti pang saka mo na lang alamin ang mga pinagdaanan niya,” sagot ni Papa. “Lakasan mo ang loob mo para sa kanya.”

Pumasok si Pogi sa kuwarto at umakyat sa kama ko. Ipinatong niya ang ulo sa hita ko. Parang alam din niya ang nangyayari. Naririnig ko ang pag-iyak ng aso at nakita ang matamlay niyang kilos.

Niyakap ko si Pogi at ipinatong ang mukha ko sa ulo niya. “Pogi... W-wala na si Mommy. I’m so sorry!” Umiyak ako. Kasabay niyon ay ang parang mahina ring pagkahol ni Pogi na parang… umiiyak din siya. 

Nakahawak lang sa likod ko sina Mama at Papa. “Anak, lakasan mo ang loob mo. Hindi siya mawawala hanggang nandiyan pa siya sa puso at isipin mo. She’ll forever live in our memories,” sabi ni Mama.

“Nandito lang kami, anak, para sa `yo,” sabi naman ni Papa. “Nasabihan na ni Jizelle ang mga kamag-anak nila at mga kaibigan ninyo ni Jana. Nakaburol na rin si Jana sa chapel malapit sa park. Kapag ready ka na, pupunta na tayo.”

Tumango lang ako. Tulala pa rin. Sinusubukang tanggapin na ang babaeng pinapangarap ko at ang dahilan ng bawat ginagawa ko ay wala na pala.

“Anak, sa sala lang kami ng papa mo, ha? Tawagin mo lang kami `pag may kailangan ka.” Hinalikan ako ni Mama sa noo. Iniwan muna nila ako ni Papa para mapag-isa at makapag-isip-isip.

Naaalala ko ang lahat ng mga pinagsamahan namin ni Jana. Ang una naming pagkikita, ang bawat yakap, at halik namin sa isa’t isa.

Jana... Bakit mo ako iniwan? Bakit bigla kang nawala? If I’m still dreaming... Please, somebody... Somebody, wake me up...This is not real... This is not…

Humagulhol ako habang tinitingnan ang mga litrato namin ni Jana sa phone ko. 

Naalalang kong hindi ko pa pala natatapos basahin ang journal ni Jana at ang huling letter niya. 

Hindi ko pa kaya. Ang hirap... Sobrang hirap…

Laman din ng kahon ang promise ring na ibinigay ko sa kanya. Itinago ko na lang iyon agad dahil sobrang hirap at sobrang bigat sa pakiramdam ang makita iyon.

Wala akong ginawa kundi ang umiyak at alalahanin si Jana. Halos maubos na ang luha ko.

Mayamaya, muling pumasok sina Mama at Papa sa kuwarto ko para i-check ang kalagayan ko. Tinulungan nila akong magbihis at mag-ayos. Pagkatapos ay umalis na kami kasama si Pogi para puntahan si… Jana. 

Malayo pa lang, nakita na kami ng mga tao sa loob ng chapel. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Habang papasok, nakita ko si Aling Evang kasama si Kuya Gilbert. Ang mga kamag-anak ni Jana ay nandito na rin, maging ang mga kaibigan namin, pati si Sir Charlie, ang presidente ng homeowners association.

Sinalubong ako nina Karlo at Rex at niyakap. Mahahalata sa mukha nila na nakikiramay sila sa pagdadalamhati ko. “Bro, nakikiramay kami.”

Hinawakan naman ako ni Cheska sa balikat. “Our deepest condolences.”

Kasama rin nila si Valerie… na agad akong niyakap. “Kier! I’m sorry. Nandito lang kaming mga kaibigan mo para sa `yo.”

Hindi ko sila magawang imikin. Deretso lang ang tingin ko sa kabaong ni Jana. 

Bago pa man ako makalapit kay Jana, sinalubong na ako ng yakap ni Tita Jizelle. Humahagulhol siya. “Patawarin mo kami, Kier! Patawarin mo kami!”

Nagsimulang mag-iyakan ang mga tao. Maging si Mama, naiyak na. Hinaplos naman nina Papa at Mama ang likod ni Tita Jizelle. 

“Our deepest condolences for your loss, Jizelle. She’s now in better place,” malungkot na sabi ni Papa.

Bumitaw si Tita Jizelle sa akin. Ipinakilala niya sa amin ang isang lalaki na mukhang Amerikano. Si Mister George Harper, ang tatay ni Jana. Hindi ko rin magawang imikin ang matandang lalaki. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Jana.

Unti-unti kong nilapitan ang nakahimlay na katawan ng mahal ko. Parang natutulog lang si Jana at ang amo ng mukha niya. Parang tinamaan ng baril ang puso ko. Ang sakit-sakit na makitang wala na siya. Tumulo na naman ang mga luha ko. Humagulhol ako nang humagulhol. 

Nanghina ako at napaluhod. Totoo ang lahat. Totoong wala na si Jana. Wala man lang akong nagawa. Wala man lang ako sa tabi niya nang mga oras na naghihirap siya. Hindi ko man lang siya nakita.

Itinayo ako ni Papa at iniupo sa malapit na upuan. Pinainom nila ako ng tubig at sinubukang pakalmahin. 

Lumapit sa akin sina Karlo, Rex, at Valerie.

“Pinsan, tahan na. Tapos na paghihirap ni Jana. Nasaan man siya ngayon, for sure maayos siya,” sabi ni Karlo.






BUONG araw kong tiningnan si Jana. Nag-aalisan na rin ang ibang dumalaw. Babalik na lang daw sila kinabukasan sa libing. Pero ako, binantayan ko si Jana. Hindi ako umalis sa tabi niya.

Kasama ko sa chapel sina Tita Jizelle at si Mister Harper. Matiyaga rin akong sinamahan nina Mama at Papa. 

Ang pinakahuling umalis sa chapel ay si Valerie, mga bandang alas-diyes na ng gabi.

“Kier, uuwi muna ako para makapagpalit ng damit. Babalik ako agad bukas. Lakasan mo ang loob mo, ha?” malungkot na sabi ni Valerie at hinawakan ako sa likod.

“S-salamat,” sagot ko. Hindi ko siya nagawang tingnan dahil ayokong maalis ang tingin ko sa maamong mukha ni Jana.

Ilang minuto pa, napansin kong wala si Pogi sa paligid kaya agad ko siyang hinanap kay Papa. “Papa? Nasaan po si Pogi?”

“Nag-offer `yong kaibigan mo na pakakainin at paliliguan muna si Pogi. `Yong cute na blonde ang buhok,” sagot ni Papa.

“Si Valerie po `yon.”






LIBING na ni Jana. Hindi na pinatagal nina Tita Jizelle ang burol dahil kailangan na nilang bumalik ni Mister Harper sa Amerika soon.

Nakaputi ang lahat at ang karamihan at nag-iiyakan na. Natapos ang ceremony ng libing sa pangunguna ng pari. Sinimulan na ring ibaba sa hukay ang kabaong ni Jana. Pagkatapos ay inumpisahan nang tabunan iyon ng maraming lupa. 

Sumabay roon ang mga hagulhol ko. “Jana!!!”

Niyakap ako ni Mama dahil hindi ko matigil ang pagsigaw sa pangalan ng mahal ko. Sinasabihan din ako ni Papa na huminahon. Pero parang bingi ako at nawawala na rin sa sarili. 

Matapos tabunan ng lupa ang kabaong ni Jana, unti-unti nang nagsisialisan ang mga tao. 

“Kier...” 

Napatingin ako sa nagsalita. Si Sir Charlie.

Inakbayan niya ako. “Palalagyan ko ng isang memorabilia ang park para kay Jana. Dahil sa kanya, gumanda ang park kaya nararapat lang na mailagay ang alaala niya do’n.”

“Salamat po, Sir Charlie.”

Nang halos wala nang tao, hindi ko na napigilang mapaluhod at umiyak sa harap ng puntod ni Jana. Parang binagsakan ako ng langit at lupa. Ang bigat-bigat ng mundo ko ngayon.

Wala ring tigil sa pag-iyak si Tita Jizelle. “Anak, patawarin mo si Mama. I’m so sorry... Mama wasn’t able to save you.” Niyakap siya nang mahigpit ni Mister Harper na kahit hindi humahagulhol, makikita naman sa mga mata at mukha ang sakit at kalungkutan.

Matapos ang ilang minuto, nagpaalam na sa amin sina Tita Jizelle at Mister Harper. Medyo kumalma na rin ako at huminto na rin sa pag-iyak si Tita Jizelle.

“Kier, hijo, magpakatatag tayo. Kung gusto mong magbakasyon sa Amerika, kontakin mo lang ako. Gusto ko ring ipakita sa `yo ang mga naging alaala ni Jana do’n.” 

“Salamat po, Tita. Hanggang sa muli po nating pagkikita. Maraming, maraming salamat po.”

Yumakap si Tita Jizelle sa akin, “Maraming salamat sa pagmamahal kay Jana. Hanggang sa huli niyang oras, ikaw ang bukambibig niya. Salamat sa pagpaparanas ng pagmamahal sa kanya.”

Napapikit ako habang kagat-kagat ko ang aking mga labi. Pinipigilan kong muling umiyak para kay Tita Jizelle.

Umalis na sina Tita Jizelle at Mister Harper sakay ng kotse. Naiwan kami nina Mama, Papa, Pogi, at… Valerie.

Humawak sa balikat ko si Papa. “Anak, hihintayin ka na lang namin ng mama mo sa kotse.” 

Tumango ako at umalis na sila. Nakatingin lang ako sa lupa kung saan nakalibing si Jana. Biglang lumapit sa akin si Pogi at humiga siya sa lupa. Bakas sa aso ang lungkot at parang gusto niyang hukayin ang lupa.

Napaluhod ako at inawat si Pogi sa paghuhukay at pagtahol. “Bye, Mommy. Mami-miss ka namin ni Baby Pogi.” Muli akong napaiyak.

Biglang may humawak sa balikat ko. Si… Valerie pala… at inabutan niya ako ng isang panyo.

Nagulat ako nang makita ang panyong iniabot niya. “P-panyo ni Jana `to, ah? Ibig sabihin siya pala `yong nakausap mo noon sa park?”

“Oh, my God!” Nagulat na sabi ni Valerie at napahawak pa siya sa kanyang bibig. “It was her all this time.” Napaluhod rin siya sa tabi ko, pagkatapos at naiyak na rin. “Jana... Maraming salamat.”

Tinitigan ko ang panyo at naalala ko ang mga araw na gamit iyon ni Jana.
Ilang saglit pa, pinakiusapan ko si Valerie na iwan muna akong mag-isa. Umalis naman siya kasama si Pogi.

Muli akong naiwang mag-isa. Inilabas ko ang sulat ni Jana na hindi ko pa nababasa.




MY LOVE,

By the time you are reading this I might already be in a faraway place. I know this is going to be difficult for you to accept, but I have decided to do this because you are more important to me than anything else. I am being unfair not to even see you, listen to you, or even touch you before leaving, but I did this for you. I want you to know how much I love you, that I would sacrifice everything for your own good. My love, the ship has already sailed, the plane has taken off, and the car has left. If I could turn back the time now, all I wish is to be prepared for this. I could have fought it with you, and I could have spent the rest of the time with you. You are the very best thing that ever happened to me. If there’s one thing I don’t regret in my life, it was meeting you by chance. I know you thought we could be forever but just as you always said, sometimes everything doesn’t go according to plan but that you just have to move on, take another road, but still aim for the same goal. I am sorry for changing my destination, and not even consulting you if what I’ve done is right. But know that all I want is the best for you. I wish that you will be successful, and please continue with your journey... that’s all I want for you.

Remember me my love, I will always be in your heart. 

P.S…



Hindi na natigil ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko matapos-tapos basahin ang lahat ng mga gustong sabihin ni Jana sa akin. Natatakot kasi ako na pagkatapos nito, wala na talaga siya.

Jana, bakit umalis ka? Ano na’ng gagawin ko ngayong wala ka na?
Wala na yata akong rason para magpatuloy pa...
NEXT CHAPTER
Back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly