DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 27: Jana's Journal Part 3

☆

5/11/2025

0 Comments

 

Until I'm Over you

Three months later…

Jana

“MOM!”

“Mom! Please!”

“Mama!”

Sumisigaw ako pero bakit parang ang hina sa pandinig ko? Lumalabo na rin ang paningin ko. Naiiyak na ako. Ano ang nangyayari sa akin? Sumabay pa ang sakit ng ulo ko. Wala akong nagawa kundi ang umiyak.

Ilang saglit pa, pumasok si Mama sa kuwarto ko. May sinasabi siya pero hindi ko marinig. Parang tinatanong niya sa akin kung ano ang nangyayari.

Isinigaw ko kung ano ang nararamdaman ko. “Mom, I can’t hear! Ang labo ng paningin ko! Sobrang sakit ng ulo ko!”

Umiyak ako nang umiyak. Hindi na ako mapakali sa mga nangyayari. Oh, God what was going on?

Niyakap ako ni Mama. Tinakpan niya ang mga mata ko para ipikit ang mga iyon. Hinilot-hilot din niya ang ulo ko. 

Noong una, hindi ako mapakali, pero unti-unti rin akong huminahon. Ilang saglit pa, nakatulog na ako.

Paggising ko, okay na ang paningin ko. Limang oras pala akong nakatulog. Nakabantay lang si Mama sa akin at mukhang hindi siya umalis sa tabi ko.

“Jana, anak, kumusta na? Nakakarinig ka na ba? Nakikita mo na ba ako nang maayos? Masakit pa ba ang ulo mo?” 

Alalang-alala sa akin si Mama.

“Medyo nahihilo pa ako, Mama. Pero naririnig at nakikita na kita,” sagot ko habang sinasapo ang ulo ko.

“Diyos ko, anak! Ano ba’ng nangyayari sa `yo?” 

Hindi ko nasagot ang tanong ni Mama dahil hindi ko rin alam ang nangyayari. Natatakot ako. Paano kung sintomas pala ang nangyari kanina ng isang… malalang sakit?

Hindi na napigilan ni Mama na maiyak. “Mabuti pa, magpa-check up ka. Tatawagan ko si Kier para masamahan tayo.”

Kukunin na sana ni Mama ang phone niya nang bigla  ko siyang pigilan. “`Ma, huwag na si Kier!”

“Huh? Bakit naman? Kailangan niyang malaman ito, anak. Nag-aalala na ako sa `yo.” Magkahalong pagtataka at pag-aalala ang naging sagot ni Mama.

Gusto ko talagang makasama si Kier, lalo na ngayong natataranta ako pero ayaw ko namang makagulo sa pag-aaral niya. “`Ma, please! Ayokong malaman ito ni Kier. Maaapektuhan po `yong pag-aaral niya.”

Napabuntong-hininga si Mama at hinaplos ang likod ko. “Since when have you been experiencing that, anak?”

“Matagal na po na madalas sumasakit ang ulo ko. Mag-iisang taon na. Hindi ko lang po sinasabi kasi nawawala naman. May mga oras din po na mahina ang pandinig ko at lumalabo ang paningin ko. Pero saglit lang kaya hindi ko po pinapansin. Kanina lang po na sobrang grabe `yong naramdaman ko.”

“Anak, naman! Bakit hindi mo sinabi agad? Paano kung seryoso na pala `yan?”

Hindi ako nakasagot. Kung noong una ipinagpapasawalang-bahala ko, ngayon, nangangamba na ako.

“Si Uncle na lang po ang tawagan mo para samahan niya tayo sa ospital,” sabi ko.

Tinawagan ni Mama si Uncle Harvey para samahan kami sa ospital. Dumating naman si Uncle Harvey matapos ang ilang minuto at ipinag-drive niya kami papunta sa malapit na ospital.

Tinanong ako ng doktor kung ano ang mga nararamdaman ko. Ipinaliwanag ko ang madalas na pagsakit ng ulo ko, paglabo ng paningin, at paghina ng pandinig. Sinabi ko rin na naging makakalimutin ako at minsan, nawawalan ako ng balance. 

Sinuri akong maigi kung ano ang posibleng dahilan ng mga nararamdaman ko. Dumaan ako sa maraming tests para matukoy iyon. Nagsagawa rin sila ng CT scan.

Kinakabahan ako sa magiging resulta. Nakikita ko si Mama na sobrang nag-aalala na sa akin. Out of the blue, I checked my phone and browsed on my gallery. Tiningnan ko ang mga picture namin ni Kier. Then I decided that I would fight for him no matter what. Kahit ano pa ang nangyayari sa akin, lalaban ako para sa kanya.

Sa loob ng isang linggo, naging madalas ang pagsama ng pakiramdam ko. Naging busy si Kier sa pag-aaral kaya hindi pa rin niya alam ang mga nangyayari sa akin. Alam ko kasing isasakripisyo niya ang pag-aaral niya para sa akin. Ayokong mangyari iyon. Kaya ko ito. Kakayanin ko… para sa kanya.

If you’re reading this, my love, I’m sorry. I know you think I fought this alone, but I didn’t. You are always with me. Inside my heart and mind.

Bumalik kami sa ospital para malaman ang resulta.

“Mrs. Harper, we were able to analyze the result of your daughter’s CT scan. And it turns out that this is a very serious case and we have to act on it as soon as possible,” sabi ng doktor.

“So what’s happening to her, Doc?” nag-aalalang tanong ni Mama.

“We have detected a tumor in her brain. And it’s cancerous. The cancer cells have already spread throughout her body.” Bumuntong-hininga ang doktor. “I am sorry to tell you, Mrs. Harper, nasa stage three na ang cancer ng anak n’yo at papunta na ito sa stage four.. This is the first time we saw this kind of fast-spreading cancer. I am sorry but this is something we can’t treat here in our country.”

Nagulat si Mama. “C-cancer?! Doc, baka nagkakamali lang kayo?! We are willing to do the test again and again. Hindi naman one hundred percent accurate ang mga test, `di ba?”

Natulala ako at hindi nakapagsalita. Kinakabahan ako. Ano na’ng mangyayari sa akin? Cancer? Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang tumanda kasama si Kier. Oh, God, please no!

“I’m sorry, Mrs. Harper, we are definitely sure about the condition of your daughter.  It’s hard for me to tell you this but she doesn’t have much time left. The fast growth of her cancer cells is really rare. I say maybe within a year if this is not treated,” seryosong paliwanag ng doktor. “I recommend going abroad to treat her condition. There are facilities in other countries like America that may treat her or prolong her life,” dagdag pa niya.

Bumaling na siya sa akin, pagkatapos. “Lakasan mo ang loob mo, hija. Lumaban ka para sa sarili mo at para sa mga mahal mo sa buhay.”

“Oh, no, my baby!” Humagulhol si Mama at niyakap niya nang mahigpit. “Jana, anak, hindi ka mamamatay, okay! Lalaban tayo! Hindi mo iiwan si Mama, `di ba? Si Kier at si Pogi they need you. Please, anak, kakayanin natin ito. Gagawin ko ang lahat para sa `yo!”

“`Ma, ayoko pong mamatay. Ayoko pong mawala kay Kier. Please po,” bulong ko dahil parang wala na akong lakas na tanggapin ang lahat. Agad na tumulo ang mga luha ko habang pasan ang bigat ng aking damdamin.

“Hindi, anak. Please don’t say that. We’ll get through this. Kung kailangan kong kausapin ang papa mo para makapunta tayo sa Amerika, gagawin ko! Gagaling ka, Jana!” Hindi tumigil sa pagtulo ang mga luha ni Mama.

Sinabi ko sa kanya na ayokong malaman ni Kier ang lahat. Not until he was finished with the Bar exams. I came up with a plan on how to keep it as a secret. Naintindihan naman ni Mama kung bakit.





KINABUKASAN, pinapunta ko si Kier sa bahay namin. Nasa kuwarto lang kami nang araw na iyon. Nakahiga kami at nakayakap ako sa kanya.

“Gusto mo bang manood ng movie, my love? We can watch Star Wars or any chick flick na gusto mo,” yaya ni Kier.

“Ayoko. I just want to do nothing. I just want to be with you. I just want us like this for a longer time. The longer it takes.”

Ngumiti siya at niyakap ako nang mahigpit. “Naglalambing na naman ang pabebe kong girlfriend.”

Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita ang promise ring na ibinigay niya. “Sapat na sa akin ito, my love. Kahit hindi na tayo ma-engage or ikasal, pakiramdam ko we’ve already tied the knot. And this ring is the symbol of our love. I can die peacefully.”

“Jana, naman, ano ba’ng sinasabi mo? Sunod na diyan ang engagement ring, `tapos wedding ring. Walang iwanan, `di ba? Makasama pa tayong tatanda.” Mahigpit niya akong niyakap at ganoon din ako.

Pakiramdam ko, ito na ang huling beses na magkakasama kami ni Kier nang matagal. Pero tuwing tinititigan ko ang maamo niyang mukha, lumalakas ang loob ko. Ayokong isipin na ito na nga ang huli. Lalaban ako para sa kanya.

 Cancer lang `yan, Jana Alvarez Harper, future wife ni Kier de Leon.

Naisip ko na sabihin na ang totoo para kasama ko siya sa pakikipaglaban. “Kier, may gusto akong sabihin.”

“Ano `yon, my love?”

“Kasi... S-sana pumayag ka.” Tumitig ako sa mga mata niya.

“Pumayag saan?” tanong niya habang nakangiti sa akin.

Nang makita ko ang ngiti ni Kier, naisip ko na ayokong makita siyang malungkot, ayokong makita siyang nasasaktan, ayokong makita siyang nahihirapan. 

Nagbago ang isip ko at itinuloy ang alibi namin ni Mama. “Natanggap kasi ako as head architect sa Saudi para sa isang skycraper project. Next week na ang alis ko. It’s a big break for me kaya sana payagan mo ako.”

Biglang sumaya ang ekspresyon ng mukha ni Kier. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “Talaga? Oo naman, my love. That’s one of your wildest dreams, `di ba? Susuportahan kita diyan! Gaano ba katagal ang kontrata mo?”

Masakit sa akin na magsinungaling sa kanya. Walang project at hindi Saudi ang pupuntahan ko. Sinabi ko lang iyon dahil hindi puwede ang video call sa Saudi ngayon. Ayokong makita niya ang tunay na kalagayan ko sa pamamagitan ng video call.

“A year or two, Kier.”

“D-dalawang taon?” gulat niyang tanong. Bakas sa mukha niya ang lungkot.
I nodded at him and gently touched his face.

Napabuntong-hininga siya at hinawi ang buhok sa noo ko. “Kakayanin kong magtiis para sa `yo. Basta pagkatapos niyan, dito ka na lang sa tabi ko, ah? We’ll always chat and do video calls, right?”

“Chat lang, my love. Bawal ang video call doon, eh. But we will send pictures to each other from time to time.”

“Gano’n ba? O, sige. Okay na `yon, at least, makakausap pa rin kita. Mag-iingat ka palagi do’n.” Muli niya akong niyakap nang mahigpit. “Maghihintay ako sa `yo. Kahit gaano katagal pa `yan.”

“Mahal na mahal kita, Kier. Always remember that.”

“I know, my love. I love you. too.”

Nakausap ni Mama si Papa. Dahil sa sakit ko, nagkasundo sila. Pumayag si Papa na pumunta kami sa Amerika. Gagawin daw niya ang lahat para gumaling lang ako.




DUMATING ang araw na pinakamasakit sa akin. Nagkahiwalay na kami ng lalaking mahal ko. Ang masakit pa, ni hindi niya alam kung ano ang totoong nangyayari sa akin.

I’m so sorry, Kier… sana mapatawad mo ako.

Umalis kami ni Mama papunta sa Saudi. Nagtagal kami nang tatlong araw doon para kumuha ng mga litrato na gagamitin ko kapag nanghingi si Kier.

Oo, alam ko. Alam kong niloloko ko siya. But I wanted him to reach his dreams kahit wala na ako sa tabi niya.

Muli kong nakasama ang mama at papa ko rito sa Amerika. Dito ko ipinagpatuloy ang laban. Para kay Kier lahat, kakayanin ko.

Naging madalas ang pagiging makakalimutin ko at madalas na pagsakit ng ulo. Kahit hirap na ako, pinilit kong magsulat sa journal.

Gusto kong maalala ang lahat ng tungkol sa amin ni Kier. Kung hindi ko man maipaliwanag sa kanya nang personal, sa pamamagitan nito ay masasabi ko sa kanya ang lahat.






Present

Kier


HINDI ko nagawang tapusin ang journal ni Jana. “Tita, nasaan po si Jana? Please sabihin n’yo po! Kailangan ko siyang puntahan!” 

Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Gusto kong makita si Jana! Alam kong may oras pa! Dapat… nandoon ako sa tabi niya habang pinagdadaanan niya ang lahat.

“I’m sorry, Kier...” Humagulhol si Tita Jizelle. 

Hinintay ko ang sasabihin niya. Nang muli siyang magsalita… doon na gumuho ang mundo ko.

“W-wala na si Jana.”

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi puwede. Hindi dapat ganoon. Hindi iyon totoo. She was out there and I could feel it.

“Tita, hindi po `yan totoo, `di ba? You mean wala siya? As in nawawala lang siya? Hahanapin ko si Jana. Buhay pa po siya, `di ba?” Umiiyak na ako at nanginginig na ang mga labi ko.

Hindi nakasagot si Tita Jizelle, umiyak lang siya nang umiyak. Umiling siya mayamaya… at doon ko na-realize na ang ibig niyang sabihin ay… patay na si Jana.

“Hindi... Please... Hindi puwede…. Please no...” Napaluhod ako at nabitawan ang notebook. “Jana...”

Mayamaya, nagdilim na ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.
Next Chapter
Back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly