DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 26: Jana's Journal Part 2

☆

5/11/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Jana


“JANA...”

“Jana my love...”

“Pabebeng sintunado, gising na!”

Nagising ako nang maramdamang pinunasan ni Kier ang bibig ko. “Nasaan na tayo, my love? Nakatulog pala ako?”

“Malapit na tayo. Oo, ang sarap nga ng tulog mo, eh, naglalaway ka pa,” sagot niya at bahagya akong tinawanan.

“Hala, hindi, ah! My love, naman, eh!”

Lalo siyang natawa. “Okay lang `yan. Maganda ka pa rin. Okay ka na ba?”

Kumikirot pa nang kaunti ang ulo ko but I had to pretend that I was okay. I knew Kier, hindi niya itutuloy ang lakad na ito kung hindi ako okay.

I smiled at him and pretended to look all right. “Yup! Excited na ako! Saan na tayo?” tanong ko at tumingin sa bintana ng kotse. Nakita ko ang… dagat. “Manila Bay? Ano’ng gagawin natin dito?”

“Magsu-swimming!”

“My love, naman, eh,” pabebe kong sabi, sabay pout.

He laughed. “You’ll see, my love.”

Ilang saglit pa, naglabas siya ng panyo at itinupi iyon ng pahaba.

“What are you doing, Kier?”
“Just trust me.”

Nilagyan niya ako ng blindfold. Mayamaya pa, huminto na ang sasakyan.

“My love, ano `to? Kinakabahan na `ko.”

Tumawa si Kier. “Jana, naman. Easy lang. Gusto lang kitang sorpresahin.”

Kinakabahan ako pero siya naman ang kasama ko kaya okay lang. Inalalayan niya akong bumaba ng kotse hanggang sa paglalakad.

Naririnig ko ang paligid—tunog ng mga plato, kutsara, tinidor, at mga waiter na kumukuha ng order. Mukhang nasa restaurant kami. Naririnig ko rin ang mahinang alon ng dagat.

Ilang saglit pa, tinanggal na ni Kier ang blindfold. Isang white round table na may white roses sa gitna ang tumambad sa akin. Pagtingin ko sa paligid, nakasakay kami sa isang yacht. Alam ko kung nasaan kami. Nakita ko na ito noon sa Internet. They called this the “Manila Bay Cruise” sa Esplanade Seaside Terminal.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong sasabog sa sobrang kilig. Alam kong namumula ako! Ramdam ko iyon dahil sa init ng mga pisngi ko. Natulala na lang ako sa sobrang saya.

 “Nagustuhan mo ba?” tanong ni Kier. “Sorry kung hindi ko kayang ipa-reserve ang buong yacht.”

Muli kong tiningnan ang buong paligid. Marami ring kumakain. Nasa table sila na kulay-blue. While ours was white and it was in the middle part of the restaurant. Na parang special ang sa amin.

Ano ba `tong boyfriend ko? Sasabog na talaga ako sa sobrang kilig at saya.
Napayakap ako kay Kier. “Oh, my love! This is more than enough. Thank you.” I gave him a kiss kahit maraming tao.

At this point, PDA na kung PDA but nothing could stop me to show how much I loved my man.

Naupo na kami at nag-order ng pagkain. Nang dumating ang pagkain, nagsimula na kami. Grabe ang sarap ng seafoods nila.

Then we reminisced the day we met. Iyong mga away namin na dati ay sobrang away talaga pero ngayon, tinatawanan na lang namin.

“My love, kumusta ang studies mo?” tanong ko kay Kier.

“Heto, pahirap na nang pahirap. Masakit na nga sa ulo minsan.”

“Ahm…” Napayuko ako. “B-baka dahil sa akin, kaya nahihirapan ka na?”
“Jana, naman. Why are you saying that?”

“Kasi hati na `yong oras mo. Dati kasi noong wala pa ako sa buhay mo, buong oras mo, nasa pag-aaral.” Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa. “Kier, please tell me kapag kailangan mo ng time. Ayaw ko sanang ma-compromise ang pag-aaral mo dahil sa akin. I can give you time kapag kailangan mo.”

Tinanggal niya ang kamay ko at siya na ang humawak doon. “Jana, my love. Alam mo kaya ko ginustong maging lawyer noon was just to fulfill my grandpa’s dying wish. But now I’ve found you. I’ve found my goal in life. Sa `yo ako kumukuha ng lakas para malagpasan ang lahat. You gave me a reason, my love. A reason for everything. Please don’t ever, ever say, that you are becoming a hindrance because you are my destination in this road.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Deep inside, ang saya-saya ko. I really didn’t regret meeting him by chance.

Ilang saglit pa, hindi namin namalayang gabi na pala. Kapag kasama talaga namin ang isa’t isa, parang humihinto ang oras.

Bigla namang tumugtog ang theme song namin sa buong yacht.  Tumayo si Kier at inialok ang kamay sa akin. “Puwede ba kitang maisayaw, my queen? Like a dancing queen?”

“Ikaw talaga may halo pang biro.” Natatawa ko siyang hinampas sa braso. Humawak ako sa kamay niya at tumayo rin. Kahit maraming nakakakita, kahit hindi namin solo ang buong lugar, at kahit nakakahiya, marahan akong isinayaw ni Kier.

Nakayakap kami sa isa’t isa habang sumasayaw.

The loneliness of nights alone
The search for strength to carry on
My every hope had seemed to die
My eyes had no more tears to cry
You are my everything
Nothing your love won’t bring
My life is yours alone
The only love I’ve ever known
Your spirit pulls me through
When nothing else will do
Every night I pray on bended knee
That you will always be my everything
The song goes on and on as we dance through it.
It feels like seeing a thousand butterflies and warm December nights.

Pakiramdam ko, lumulutang kami habang sumasayaw. Pakiramdam ko, walang ibang tao kung hindi kami lang. Madilim ang paligid at siya lang ang ilaw. 
Sana, hindi na ito matapos.

Bumulong sa akin si Kier. “Huwag mo akong iiwan, ha? Hindi ko kakayanin.”

“Not until my last breath, my love. While this heart beats, with its every beat, it will only be for you.”

Pagkatapos sumayaw, muli kaming naupo ni Kier.

“Are you okay, my love?” tanong niya at hinawakan uli ang kamay ko.

“Yup!” sagot ko at ngumiti.

“Masaya ka ba ngayon?” tanong uli niya.

“Oo naman, Kier. Sobrang saya. Salamat, my love.”

“May gusto nga pala akong sabihin at… ibigay sa `yo.” Humigpit ang hawak niya sa kamay ko but not to the point that it hurt. “Jana...” 

Tinitigan niya ako nang may sincerity sa mga mata. “I promise to love you and do everything for you. I promise to work on our relationship so that one day we could get married. I promise to protect you and take care of you. I promise to understand you and everything that you do. I promise that not a day would go by that I won’t love you. I will love you every day and night. I promise to be your man. I promise that you will be the whole reason for everything I do.”


“Jana, my love...” He went through his pocket and brought out a white gold ring with our birthstones on it. A violet amethyst and a pink tourmaline. “Please accept this ring as a symbol of the promises I made for you. As a symbol of my love for you. As a symbol and remembrance that you are my destined goal.”

Hindi ko napigilang lumuha dahil sa sobrang saya. I didn’t expect na mararanasan ko ang lahat ng ito. Dati napapanood ko lang sa TV or nababasa sa libro, but here it was. 

Kier was really the most amazing man.

Ngumiti ako at hindi nakapagsalita. Tumango lang ako nang tumango para ipaalam kay Kier na tinatanggap ko ang mga pangako niya. Inabot ko sa kanya ang kaliwang kamay ko para maisuot niya sa akin ang singsing. He gently put it on my ring finger. It really felt like I had the world with him. Saktong-sakto sa daliri ko. This night was really perfect.

“Kier...” Tumayo ako. Tumayo rin siya. “Mahal na mahal kita. Thank you.” Naiyak ako nang sobra. Tears of joy. Nag-uumapaw na kasiyahan. 

Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa mga labi. Halos buhatin na niya ako nang lumalim ang halik. Nagpalakpakan ang mga tao kaya agad kaming bumitiw sa isa’t isa. Nginitian na lang namin sila.

Bumulong sa akin si Kier habang tumatawa. “Akala siguro nila, nag-propose na ako. Well, mas matindi kaya dito magiging proposal ko.”

“Ikaw talaga,” bulong ko rin.

“I love you, Jana.”

“I love you more, Kier.”

Natapos ang araw. Pero para sa akin, hindi. Habang-buhay kong maaalala ang pinaka-special na araw na iyon. Habang-buhay kong maaalala ang mga pangako ni Kier. Habang-buhay ko siyang mamahalin.


My love,

Thank you for making me feel like a queen. Not just that day, but every day since you came. I’m sorry but I can’t help it, all the memories are fading away. The only thing that makes me remember you are our pictures together and this journal. Please forgive me for what I’ve done. I may be too far away from you but every time you close your eyes you will see me, deep inside you I will always be there. Whenever you’re lonely or sad you can read this over and over again. I want you to know that my heart will always remember you. My love will always find its way to you. I love you.

—Jana

Next Chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly