DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 25: Jana'S Journal Part 1

☆

5/11/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier

NAGUGULUHAN ako at kinakabahan. Parang bumagal sa pagtibok ang puso ko.

Ano ang sulat na ito… at bakit nandito si Tita Jizelle? 

“Kier, I’m sorry. Tungkol ito kay Jana,” marahang sabi ni Tita Jizelle. Hindi na niya napigilang umiyak.

“T-Tita, bakit po? A-ano po’ng tungkol kay Jana?”

Sa puntong iyon, hindi ko na alam ang iisipin ko. Ano nga ba talaga ang laman ng kahon at ano ang sulat na ito?

“Kier, wala akong tapang na sabihin sa `yo ang lahat ng nangyari. Mabuti pa... m-mabuti pa, buksan mo na ang kahon.” 

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Tita Jizelle. Habang ako, parang hindi makahinga.

Binuksan ko ang kahon. Naglalaman iyon ng isang notebook na kulay-puti, ang paboritong kulay ni Jana.

“Hiling ni Jana na basahin mo ang nilalaman ng notebook. Pagkatapos ay ang sulat na ginawa niya para sa `yo,” paliwanag ni Tita Jizelle habang nagpupunas ng luhang parang hindi tumitigil sa pagtulo.


Hindi ko nagawang magsalita dahil gulong-gulo na ang isip ko. Minabuti ko na lang na buksan ang notebook at basahin na iyon…

My love,

Kung mayroon mang pinaka-unforgettable moment sa buhay ko, `yon ay `yong araw na nakilala kita. Pero may araw na gusto kong tawagin na hinding-hindi ko makakalimutan kahit mukhang unti-unti ko nang nakakalimutan ang lahat. Naaalala mo pa ba ang first anniversary natin? Unang beses sa buhay ko na naramdaman ko ang maging isang prinsesa at dahil  iyon sa `yo…




One year ago…



Jana



NAIINIS na ako! Nasaan ba ang lalaking iyon? Alam naman niyang magkikita kami dito sa park. Tama bang isang oras na niya akong pinaghihintay?

Agad kong tinext ang soon to be abogado kong boyfriend.

Me: Kier, nasaan ka na? Kanina pa ako nandito sa park. Hindi ba, may usapan tayo? Galit na ako.

Kier: Huh? Anong usapan? Wala naman, my loves. Bukas pa `yon, `di ba? Kagigising ko lang.

Me: Anong bukas? Ngayon `yon! Come here at once!

Kier: Yes, Ma’am!

Me: Bilisan mo!

Kier: Hahaha. Kakatapos lang nating magkita kahapon, miss mo na ako agad.

Me: Luh, hindi kaya. Bilisan mo na.

Kier: Pabebe pa, o. Sige na lalabas na ako ng apartment. Miss na rin kita. Hehe.


Naiinis na naman ako. Kanina pa pala ako naghihintay sa isang tulog na tao? `Kainis talaga! Lagot talaga si Kier sa akin pagdating niya.

Ilang saglit pa, dumating na si Kier.

“My love, sorry natagalan. Bukas pa kasi talaga `yong lakad natin, eh. Bakit mo nakalimutan?” 

Hindi ko siya pinapansin. Galit talaga ako. Ayoko rin siyang tingnan… baka bumigay kasi ako agad sa maamo niyang mukha. 

Kainis! Bakit ba ang guwapo ng boyfriend ko?

Tumabi sa akin si Kier, sa kaliwa ko at inakbayan ako. Hinawakan niya ang braso ako. Nakaharap siya sa akin at nakatingin naman ako sa kabilang direksiyon.

“My love, naman. Sorry na, o. Bukas pa talaga `yong lakad natin. Tingnan mo `tong phone ko.” 

Humarap ako kay Kier tiningnan ang phone niya. Nagulat ako. How could I forget na bukas pa nga talaga iyong lakad namin para pagplanuhan ang aming first anniversary?

“Edited! Palusot ka pa, eh.” Napahiya ako pero ayaw kong umamin. Wala lang. Gusto ko lang na lambingin niya ako. Alam ko na kasi na ako ang mali. 

Pabebe mode on!

Natawa siya at pabiro akong kinurot sa pisingi. “Edited ka diyan? Ang ganda-gandang babae makakalimutin. Halika nga, kiss kita. Maraming-marami.”

“Ayoko nga!”

Tumanggi na nga ako pero bigla niya akong hinalikan sa braso, pataas hanggang leeg. Nakakakiliti na masarap sa pakiramdam ang bawat pagdampi ng mga labi niya sa balat ko. `Kainis malapit na akong bumigay!

Bago makarating ang mga labi ni Kier sa mukha ko, agad kong tinakpan ang mukha niya. “Ayaw! Ayaw! Ayaw! Ayaw!”

Marahan niyang inalis ang kamay ko at binigyan ako ng puppy look. “My love, sorry na, o. Akala ko ba, na-miss mo `ko?”

Sa ka-cute-an talaga niya ako madaling bibigay, eh. Pero hindi. Dapat matuto siya at dapat hindi agad ako bibigay. Umiwas ako at muling tumingin sa kabilang direksiyon. “Huh? Wala akong sinabi. Bakit ang tagal mo?”

“Kagigising ko nga lang kasi. Excited ka talaga, `no?” sabi niya at bigla akong kiniliti sa tagiliran.

Napatili naman ako sa gulat. “Kier!”

“Nakakainis ka!” Humarap ako sa kanya at pinalo ko siya sa braso. Pagharap ko, nakita ko na ang mukha niya at ang… ngiti niya. Wala na. Game over na. 

Wala na, Jana, inlababo ka talaga sa kanya.

“Hey, my loves” tawag ni Kier. Biglang naging seryoso ang mukha niya.

“O?”

He touched my chin and moved his face closer to mine. Then he gently kissed my lips. I closed my eyes and felt every touch of his lips to mine. His soft lips and warm breath made the rest my senses shut down. I could only feel his lips and his loving touch.

Inilayo ni Kier ang kanyang mukha sa akin at tumingin sa akin nang deretso habang hinahaplos ang kaliwang pisngi ko. “I love you. I’m sorry for making you wait.”

Saglit akong napakagat-labi ko at tumingin din sa kanya nang deretso. “I love you, too.”

Bigla siyang tumawa, pagkatapos ay, “Hindi mo talaga ako matitiis, `no?”
Pinunasan ko ang mukha ni Kier na para bang gusto ko iyong burahin. Paborito ko iyong biro, lalo na kapag natutulala ako kaguwapuhan niya. “Oo na! Pasalamat ka. Mahal na mahal kita.” 

“Lagi kaya akong nagpapasalamat kay God dahil ibinigay ka niya sa akin.” Hinawakan niya ang kanang kamay ko at inilapit sa mga labi niya. Pagkatapos ay hinalikan niya iyon nang mariin.

Kinilig naman ako. `Galing talaga ng lalaking `to. Parang huling-huli talaga niya ang kiliti ko. Alam niya talaga kung paano ako makukuha agad.
“So, saan tayo nito kung bukas pa pala `yong lakad natin?” tanong ko.

“See! Finally you admit it! Na bukas pa ang lakad natin,” natutuwa niyang sagot.

“Oo na! You won.” I gave her a quick kiss on his lips. This time, talo talaga ako.

Muli akong inakbayan ni Kier. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya.
“Hindi pa nga pala ako naliligo. Nagmadali akong pumunta dito, eh.” 

Inamoy ko siya sa may bandang dibdib. Napaatras ako dahil kaamoy niya ang aso namin. “Ano ba yan?! Kaya pala amoy-pogi ka.”

“Ayaw mo n’on? Pogi na, amoy-pogi pa. Saan ka pa?” biro niya, sabay kindat.

Natawa naman ako. “Punta na lang tayo sa inyo then take a bath.”

“Paliliguan mo ba ako?” pilyong tanong ni Kier habang itinataas-baba ang mga kilay niya.

 “Huh? Kay Pogi ka magpapaligo.”

“`Tapos after kong maligo, ano’ng gagawin natin sa bahay?” nakangiting tanong niya.

“Depende,” nang-aakit na sagot ko.

“Depende saan?” 

Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at bumulong. “Depende kung mabango ka pagkatapos mong maligo.” 

Napalunok si Kier at parang nagningning mga mata sa sinabi ko. Kabisado na niya kasi kung ano ang ang ibig kong sabihin. “Ah, talaga? Gusto ko `yan. Halika na!”

Tumayo siya at hinawakan ako sa kamay. Para siyang bata na sasakay sa isang rides sa sobrang excited. Umalis kami ng park at dumeretso sa apartment niya. Then the rest was history.






FIRST anniversary na namin ni Kier. Sobra akong excited. Feeling ko magiging masaya ang araw na ito.

Hindi kami nakapagplano last time para sa anniversary. Kaya sabi ni Kier, surprise na lang daw. He got it covered naman so all I had to do was to be with him.

Ang dami kong damit at mga sapatos pero parang hindi ko alam kung ano ang susuotin ko. Very special day ito para sa amin. I had to be the prettiest woman in his eyes.

“`Ma, help me!” Tinawag ko si Mama para pumunta sa kuwarto ko.

Nagmadali naman siyang umakyat. Dinig na dinig ko pa ang mabilis niyang mga hakbang paakyat ng hagdan.

“O, anak, ano’ng nangyari?!” nagtatakang tanong ni Mama.

“I can’t choose a dress. Help me, please?” paglalambing ko.

“Ikaw talaga, akala ko kung ano na ang nangyari sa `yo. Kinabahan ako.” Lumapit si Mama sa akin at sinuklay ang buhok ko gamit ang kanyang kamay. 

“Kinakabahan ka, `no?”

Tumango ako at nag-pout. “Opo. May surprise kasi sa akin si Kier ngayong anniversary namin. I’m just thinking that I have to look prettier for him para makabawi naman sa lahat ng efforts niya.”

Hinawakan ako ni Mama sa magkabilang-balikat at nginitian. “Jana, anak. Kilala ko si Kier. Kahit ano pa’ng isuot mo, ikaw lang ang pinakamagandang babae para sa kanya. Just wear your favorite dress and I’m sure he’ll like it.” 

“Talaga, `Ma? Ayoko lang namang magsawa siya sa akin. Kaya this time, he should see something new from me.”

“Ay, subukan lang niyang magsawa at matitikman niya si Hector,” biro ni Mama at nagtawanan kami.

Then I decided to go with my favorite pinkish long-sleeved white dress. My mother helped me curl my hair and change my hairstyle into something like a doll.

“`Ma, how do I look? Can you take me a picture?”

Kinunan ako ni Mama ng litrato. “Ang ganda mo talaga, anak. Manang-mana ka sa akin.”

“Oo naman. Thank you, `Ma.” Nagtawanan kami at yumakap ako sa kanya.

Ilang saglit pa, tumunog ang doorbell ng bahay. Mukhang nasa labas na si Kier.

“O, nandiyan na yata si Kier. Maghanda ka na, anak.”

“Opo. Favor, `Ma. Papasukin mo muna siya, please. Ililigpit ko lang mga gamit ko.”

Bumaba si Mama. Inayos ko naman ang mga gamit ko. Pagkatapos, muli kong sinuri ang sarili ko kung maganda na ba ang ayos ko at maayos na ang damit ko.

Ilang saglit pa, tinawag ako ni Mama para sabihing nandoon na si Kier kaya bumaba na rin ako.

Habang bumababa sa hagdan, nakita ko si Kier na nakatulala sa akin. Nakasuot siya ng paborito niyang getup—blazers on top of his v-neck white T-shirt plus black chinos pants and white sneakers. 

Ang guwapo talaga kahit ang simple lang!

“Wow! You look gorgeous, my love! Speechless ako. Ang ganda mo!”

Umikot ako sa harap niya para maipagmalaki ang hitsura ko. “You like my new look?”

“Kahit ano pa ang hitsura mo, Jana, you are perfect for me. But, yeah, I love it!” sagot niya. 

“So saan tayo pupunta, my love?”

Hinawi ni Kier ang buhok ko at hinawakan ako sa pisngi. “Will you go anywhere with me, my love?” He gently moved his hands from my cheek down to touch my right hand.  He lifted my hand close to his lips and gently kissed it.

“Kahit saan, basta kasama ka.”

Humawak ako sa braso niya at nagpaalam na kami kay Mama. Paglabas, may kotse nang naghihintay sa amin. It was a white hatchback car that was shiny enough to make you think it was brand new.

“Nag-rent ka ng car? Kier, naman, alam mo naman na okay lang sa akin kung mag-taxi tayo or mag-jeep, `di ba? And...” May sasabihin pa sana ako nang bigla niyang tinakpan ng isang daliri ang bibig ko.

“Sshh... My love, please let me do this for you kahit ngayon lang.” He gave me a sincere look and touched my cheeks with both of his hands. “Today I wanna make you feel like a queen. I know hindi mo gusto `yong mga ganito, but I have prepared for this a long time ago. Please let me make you feel that with me you are the luckiest girl.”

Napangiti niya ako. One year na kami pero kilig na kilig pa rin ako sa kanya. “I am always the luckiest girl ever since the day I met you.”

He smiled at me and offered his arm for me. “Shall we go, my queen?”

Nakangiting tumango ako at sumakay na kami sa kotse. Buong biyahe, nakasandal lang ako sa balikat ni Kier at nakakapit sa braso niya. Tahimik lang ako. May nararamdaman kasi ako sa ulo ko. Para akong… nahihilo.

Napansin naman ni Kier ang pananahimik ko. “What’s wrong, my love?”

“Nothing, my love. Parang masakit lang `yong ulo ko.” Hindi ko alam kung bakit sumasakit ang ulo ko. Siguro sa biyahe or sa pabango ng kotse. I was not sure.

He touched my head and gave me a massage on my temple. “Baka kulang ka sa tulog kagabi. Gusto mo ba sa ibang araw na lang natin ituloy ito?”

Umiling ako. Ayokong hindi kami matuloy ngayon. Titiisin ko ang kahit na ano para sa kanya.

“Jana, it’s okay. Mauulit pa naman `to, eh. Mas importante ang kalagayan mo.”

“I’m okay, my love. Mawawala rin ito. Ikaw talaga, simpleng sakit ng ulo lang `to,” giit ko. “I’m just gonna take a nap while we’re traveling.”

“S-sige. I’ll wake you up `pag malapit na tayo,” sabi niya pero bakas sa mukha ang pag-aalala.

He kissed me on my forehead, then I closed my eyes. Ilang saglit pa, nakatulog ako.
next chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly