DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 21: Love Ones

☆

5/11/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier


GANITO pala kapag malayo kayo sa isa’t isa. Kung anong hirap kapag gusto mo siyang makita pero wala siya, mas masakit pa pala kapag nag-aaway na kayo. 

Galit pa rin ako. Kaya mas mabuti na lang na itulog na lang namin ito at palipasin ang inis.

Me:  Alam mo, Jana, mabuti pa, matulog na lang tayo.

Jana: Mabuti pa nga! Gumagawa naman ako ng paraan para magka-free time pero hindi mo yata na-appreciate. Bye!

Hindi na ako nag-reply matapos kong mabasa iyon.

Nakakainis! She was not getting my point. Simple lang naman iyong gusto ko, eh. Ako iyong nagtatampo pero siya pa ang biglang magagalit. Makatulog na nga lang.

Sinubukan kong matulog kahit hapon pa lang. Pero hindi ako makatulog sa inis. Then na-realize ko na parang hindi nga tama iyong ginawa ko.

Bumangon ako at ginulo ang buhok ko. “Makalabas nga muna!”

Lumabas ako ng apartment para magpahangin. Iniwan ko muna si Pogi. Naglakad-lakad ako hanggang makita ko ang flower shop ni Aling Evang. 

Paglapit ko, agad naman niya akong binati. “Kier! Kumusta? Napadalaw ka? Na-miss mo ang kagandahan ko, `no?”

“Ang ganda nga!” sagot ko with exaggeration. “Ang ganda ng mga bulaklak! Mukhang wala ka pa ring dilig, Aling Evang, ah?”

“Luko-luko ka talagang lalaki ka!” Inambahan niya akong papaluin ng sunflower pero hindi naman niya tinuloy. “`Pag ako talaga, nadiligan, mamumulaklak talaga ako. Makita mo lang!” 

Napakunot-noo na lang ako sa pantasya ni Aling Evang. “Ewan ko sa `yo, Aling Evang.” 

Nang makita ko ang mga bulaklak, naisip ko si Jana. Miss ko na siya kaya dapat kahit saglit na pagkakataon lang na makausap siya, hindi ko dapat pinapalagpas. Hindi ko dapat siya inaaway. Kaya siguro ako dinala ng mga paa ko rito sa flower shop para bumili ng peace offering. 

“Pabili nga pala ako ng roses, Aling Evang. Uhm... fourteen pieces.”

Pagkabili ko, bumalik ako sa apartment at chinat uli si Jana.

Me: My love, still awake?

Jana:  O?

Me: I’m sorry. What I did earlier wasn’t okay. I miss you kaya dapat hindi ko pinapalampas kapag may chance tayo na magkausap. 

Pagkatapos kong i-send ang reply, pinicturan ko ang sarili ko na may hawak na roses at isinend iyon sa kanya. 

Me: Sorry na po please.

Jana: Ang pogi! Kaso... Ayaw ko nga!

Me: Hala! My loves, naman.

Jana: Pilitin mo muna ako.


Napapangiti na ako habang kausap si Jana. Nagpa-pabebe na naman kasi siya. At talagang ang cute niya kahit hindi ko naman nakikita ang mukha niya. Kabisado ko naman kasi kapag ganoon siya.

Me: I’m so sorry, my love. I’m just missing you so much. God knows how much I want to be with you. Please. I’m sorry.

Jana: Talaga? Love mo ba `ko?

Me: Love na love.

Jana: Kilig!

Jana: Sige na nga. Sorry din, my love. Don’t worry, I’ll do my best to grant your request. Sorry talaga, busy lang ako and I am so tired kapag nakakauwi na ng bahay.

Me: Well, I guess I’ll just wait for you to come back here.

Jana: Thank you, my love. I love you.

Me: I love you, too. Rest ka na.

Saglit lang kaming nakapag-usap. Pero okay lang, ang mabasang mahal niya ako ay sapat na para maibsan kahit papaano ang kalungkutan ko.

MULI akong bumalik sa pag-aaral. Bahay at school lang ang inatupag ko sa nakalipas na mga araw. Hindi pa rin nagbago si Jana. Sobrang dalang pa rin naming mag-usap… pero inintindi ko na lang. 

Hanggang sa dumating na ang araw before ng Bar exam.  Kinakabahan ako pero alam ko sa sarili ko na ready na ako.

Habang nag-aaral, biglang tumawag sa akin si Papa na sinagot ko naman agad. “Hello, `Pa?”

“Anak? Kumusta? Bukas na, ah. Ready ka na ba?” tanong niya sa kabilang linya.

Napangiti naman ako at pumunta sa harap ng bintana. “Oo naman, `Pa! Handang-handa na po. Okay lang po ako dito. Kayo po diyan?”

“Ayos naman kami, anak. Minsan may tampuhan kami ng mama mo. Pero alam mo naman `yon kahit madalas parang global warming ang mood swing, eh, love na love ko pa rin,” sagot niya. Nagtawanan kami.

Habang kausap ko si Papa, napatingin ako sa picture naming tatlo na nakasabit sa pader sa tabi ng bintana. “Nasaan po si Mama ngayon?”

“Nasa labas, anak. Nakikipagkuwentuhan kay Ninang Aileen mo. May collaboration yata sila para sa isang book.” Goals talaga sina Mama at Ninang Aileen. Hanggang ngayong friends pa rin.

“Talaga po? `Galing talaga ni Mama at ni Ninang Ai. Sana makapunta po kayo dito kapag announcement na ng exam results,” hiling ko.

“Balak talaga namin `yan, anak. Naniniwala kami sa `yo ng mama mo. Kayang-kaya mo `yan!” Masigla ang tono ni Papa kaya pati ako, nahahawaan.
Pero bigla kong naisip na… paano kung hindi ko kayanin. “Paano po kung hindi ako pumasa? Sorry,  `Pa, kinakabahan talaga ako.”

“Eh, di umuwi ka na lang dito at magtanim ng mangga,” sabi ni Papa, sabay tawa nang malakas. “Biro lang, anak. Okay lang kapag bumagsak ka, basta huwag kang susuko. The only time we’ll be disappointed is when you stop trying, or when you give up,” seryosong sabi niya. 

Gets ko naman ang ibig niyang sabihin. Kaya nawala rin ang kaba ko. “Salamat po, Papa. Tatandaan ko po `yan.” Habang kausap ko si Papa, feeling ko nasa harap ko lang siya at nakaakbay sa akin.

“Kaya mo `yan, anak! Tandaan mo, wala sa ating mga de Leon ang sumusuko.” 

Tumawa uli si Papa, pagkatapos bigla kong narinig si Mama sa kabilang linya. “Sino `yang kausap mo? Si Kier ba `yan?”

“O, nandito na pala ang mama mo! Kayo naman ang mag-usap,” sabi ni Papa. Narinig kong ibinigay niya kay Mama ang phone.

“Kier anak! Kumusta ka diyan? Hindi ka ba nagpapabaya? Kumakain ka ba sa tamang oras?” 

Si Mama talaga parang baby pa rin ako kung itrato.

Napangiti naman ako at na-imagine ko rin ang mukha ni Mama na may pagkatsinita. “Mama, naman. Okay lang po ako. Hindi po ako nagpapabaya. Kumusta po kayo diyan?”

“Ang mama mo, maganda pa rin!” narinig kong pagsingit ni Papa sa usapan.

Sinaway siya ni Mama. “Tumigil ka nga diyan!”

Muli akong kinausap ni Mama. Nahalata ko ang pag-aalala sa boses niya. “Kumain ka nang marami bukas bago pumasok, ah? Tapos ka na bang mag-aral? Baka inistorbo ka nitong papa mo?”

Ngumiti ako. “Hindi naman po, `Ma. Tapos na rin po akong mag-aral. `Buti nga napatawag kayo ni Papa, eh. Kinakabahan kasi ako kanina.”

“Kaya mo `yan, anak. Basta nandito lang kami para sa `yo. Kahit ano’ng mangyari.” 

Dumagdag pa si Mama sa pampalakas ko ng loob. Kaya naman pakiramdam ko, kakayanin ko talaga bukas.

“Salamat po, Mama. Salamat sa inyo ni Papa.” Tears of joy.

“Sige na, anak, magsisimba pa kami ng papa mo. Ingat ka palagi.” 

Sunday nga pala ngayon. Palasimba kasi si Mama at naimpluwensiyahan niya si Papa.

“Opo, `Ma. Kayo din po diyan, ah. Salamat po. Bye-bye.”

Sabay pa silang sumagot ni Papa. “Bye, anak. Good luck!”

Natapos ang pag-uusap namin. Nawala na rin ang kaba ko. Salamat talaga sa parents ko. Nakakagaan ng pakiramdam. Ready na talaga ako bukas. Bring it on, Bar exam!

Magre-review na sana uli ako nang biglang nag-chat si Valerie.

Valerie: Hoy, Your Honor. Bukas na, ah? Ready ka na?

Me: Naman! Ako pa!

Valerie: Nice. Pagkatapos ng Bar exam bukas, bartender ka na. LOL

Me: Sira ka talaga. Hahaha.

Valerie: Aba! Hindi ka gumanti sa asar ko, ah. May sakit ka ba?

Me: Wala. Naka-focus lang ako para bukas. Nagpapahinga lang ako ngayon.

Valerie: I see. Good luck, Kier. Bukas na lang kita aasarin pagkatapos ng exam mo. Bwahaha!

Me: Haha. Ewan ko sa `yo. Thank you.

Muli akong nag-aral hanggang sa maga-alas-nuwebe. Pagkatapos, humiga na ako sa kama. 
Lahat ng mga kaibigan ko, mahal sa buhay, at malalapit na kilala ay nagpakita ng suporta sa akin para through text, chat, at call. Isa na lang ang hinihintay ko. Siya na lang talaga, at handang-handa na talaga ako para bukas.

Ano kaya ang ginagawa ni Jana? Sana hindi siya busy? 

Me: My love. Free time ko. Just resting my mind for tomorrow’s battle. How `ya doin’?

I waited but there was no response from her. Baka busy pa. Inaantok na ako baka hindi ko masagot chat ni Jana kapag free time na niya. 

Bakit nga ba kasi sobrang busy niya? Hindi naman siya ganoon noong dito pa siya nagtatrabaho. Hindi ko alam kung paano basta bigla na lang akong nakatulog.




NANDITO na ako sa school. Kaunting oras na lang, magsisimula na ang exam. Wala pa ring message or tawag si Jana. Nakakalungkot pero hindi ito iyong oras para makaramdam ako ng ganoon. Kailangan mag-focus. Focus, focus, focus!

Tahimik ang lahat. Lahat ng kasama ko mukhang alam ang lahat ng sagot. Tunog lang ng orasan ang maririnig mo sa sobrang katahimikan ng lugar. Mayamaya, pumasok na ang mga Bar Examination Committee. 

Bakit kaya nakasuot sila na parang mga bartender? Naka-vest sila with long-sleeved white shirt at may bowtie pa. May dala-dala pa silang mga alak.

Ang weird.

Isa-isa nang ibinigay sa amin ang mga examination folder. Tahimik pa rin ang buong room. Tuwing tumatapat ang committee na parang bartender sa examinee, ibinabagsak niya sa desk ang examination folder at nagbibigay ng wine na nasa glass.

Kakaiba iyong technique nila. Parang ayaw yata nilang makapasa kami. 
Ilang saglit pa, turn ko na para bigyan ng examination folder. Gaya ng ginawa ng committee sa mga ibang nag-e-exam, ibinagsak din nang pabaliktad ang folder sa harap ko pero hindi ako binigyan ng wine. Tubig lang ang ibinigay sa akin. Nakakapagtaka.

Binaliktad ko ang folder. Laking gulat ko sa sa mga questions ng exam nang buksan ko iyon.

1.     Ano ang paboritong pagkain ng dragon at bakit?
2.     Ano ang gagawin mo kapag may pabebe?
3.     Bakit pabebe ang girlfriend mo?
4.     Paano kung may gusto sa `yo ang isang dragon?
5.     Sino ang pipiliin mo? Pabebe or Dragon?
6.    Sino ang gusto mong unang bugbugin? Si Andrew o si Shane?
7.      Tama o mali? Ang Bar exam ay para sa mga bartender.
8.    Babagsak ka ba sa exam o babagsak ka?
9.    Bakit hindi ka na lang magtanim ng mangga?
10.  Kailan ang anniversary ng nanay at tatay mo?


What the—?! Bakit ganito ang mga questions?

Nakatitig lang ako sa mga tanong at hindi pa rin makapaniwala sa mga nakikita ko. Ilang saglit pa, biglang sumigaw ang isa sa mga nag-e-exam.

“Dragon! Dragon! Dragon!”

Parang lasing na lasing siya. Pulang-pula ang mukha niya at parang nababaliw. Pagkatapos, bigla na niya akong binato ng bote ng wine sa ulo.

Napaatras ako at… nagising. 

Nagising ako mula sa isang nakakatawang panaginip. Sabi ko na, panaginip iyon, eh. Parang totoo naman iyong feeling. Pero bakit kaya ganoon iyong mga tanong sa exam?

Pagtingin ko sa orasan, maaga pa at may oras pa para makapag-prepare. Tiningnan ko ang phone ko bago bumangon. Wala pa ring message si Jana. Sana bago ako pumasok, makausap ko siya.

Naligo ako at kumain. Nagbihis na rin ako kahit masyado pang maaga. Hindi ako puwedeng ma-late. Tatawagan ko na sana si Kuya Gilbert para magpasundo nang biglang tumawag si Jana.

Parang umangat ang pakiramdam ko sa saya at agad ko namang sinagot ang tawag. “Hello, my love. Kahapon ko pa hinihintay `yong tawag mo. Exam ko na mamaya, kumusta ka?” 

“Hello, Kier, sorry sobrang busy lang talaga. Sana hindi ka nagtatampo. Galingan mo mamaya, ah?” Mahina ang boses ni Jana. Bakit kaya?

“Don’t worry, my love, hindi ako nagtatampo. I completely understand now. Kumusta ka? Bakit parang mahina ang boses mo?”

“Kakagising ko lang kasi. Ready ka na ba?” 

“Yep. Handang-handa na. Matagal kong pinaghandaan `to, eh.” Masigla ako para hindi siya mag-alala na baka bumagsak ako.

“I believe in you, Kier. Abot-kamay mo na ang pangarap mo. Alam kong kaya mong abutin `yan.” Para talagang bumubulong sa hangin ang boses ni Jana pero ayos lang basta marinig ko ang boses niya.

“Hindi ko nga maabot ang pangarap ko, eh. Nasa Saudi kasi siya.”

Bahagya siyang natawa. “Ikaw talaga, my love. Sorry kung wala ako diyan para suportahan ka. Sorry kung wala ako diyan kapag nahihirapan ka. Sorry kung wala ako diyan sa mga panahon na kailangan mo ako. At sorry kung umalis ako sa tabi mo.”

“Ano ka ba? Naiintindihan ko naman kung bakit ka nandiyan. Handa akong tiisin lahat para sa `yo. Handa akong maghintay kahit gaano katagal para sa `yo,” sagot ko.

“Salamat, Kier. Mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan yan. Lagi ka ring mag-iingat. Lagi mo rin—”

“My loves, naman. Huwag kang mag-alala. I will always be extra careful. Para sa `yo, hindi ako magpapabaya. Para sa `yo lahat, kaya kong gawin. After ng exam, aasikasuhin ko na `yong passport ko para mapuntahan kita diyan kung hindi kayo makakauwi dito.”

“Gusto na kitang makita, gusto na kitang mahawakan, gusto ko nang makasama ka uli araw-araw.” 

Naantig ang puso ko sa bawat salitang binibitawan ni Jana. Kaya naiyak ako nang bahagya sa sinabi niya. I was touched by her words and her sweet voice. It really silenced all the noise.

“Kier?”

“Jana?”

“I love you more than everything,” sagot niya. Narinig ko na parang naiiyak na rin siya.

“I love you more, my Jana. Sana magkita na tayo agad. Kaunti na lang talaga. Hintayin mo ako, ha?” She was making me miss her so much.

“Yes, my love. Good luck, Kier. Kaya mo yan. Fight!” sabi ni Jana. 

Kahit parang mahina ang boses niya, nakuha pa niyang mag-cheer.

“Yep. Para sa `yo `to my love. Makakapasa ako!”

Nagpaalam na ako kay Jana at tinawagan ko na rin si Kuya Gilbert para magpasundo. `Buti hindi iyong dragon ang sumundo sa akin, kundi male-late na naman ako. 

Nakarating ako sa school at pumasok na.

Okay, exam na! Bring it on!
next chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly