DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 19: Valerie's Past Part 4

☆

5/11/2025

0 Comments

 

Until I'm over you

​Valerie



READY na si Shane. Ready na ako at pati na ang mga kabanda namin. Naunang lumabas ng backstage ang mga kabanda namin. Nag-set up sila ng mga music instruments at nag-sound check. Sila na rin ang nag-check ng mga microphones na gagamitin. Nang sumenyas sila na okay na, agad kaming umakyat ni Shane sa stage.

Agad na hinawakan ni Shane ang mic. “Good evening, everyone! My name is Shane...” Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. 

Na-gets ko agad na dapat ako naman ang magpakilala. “And I’m Valerie!”

Ngumiti si Shane at muling humarap sa audience. “Together with the SZ Diary band, let us give you your best Valentine’s song ever!”

Nagpalakpakan naman ang mga manonood at nagsimula nang tumugtog ang mga kabanda namin.   

Si Shane ang nauna. “Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat. Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat. Naaalala ko pa noon nag-aagawan ng Nintendo. Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento.”

Ako na ang sumunod. “Lagi-lagi ka sa amin dumederetso pag-uwi. Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili. Umaawit ng theme song na sabay kinabisa. Kay sarap namang mabalikan ang alaala.”

Pagdating sa chorus ay sabay na kami. “`Di ba’t ikaw nga `yong reyna at ako ang `yong hari? Ako `yong prinsesang sagip mo palagi. Pero ngayo’y marami na ang nabago’t nangyari. Pero `di ang pagtingin, na gaya pa rin ng… da-ra-ra-rat-da dati…. da-ra-ra-rat-da dati… da-ra-ra-rat-da dati…. Na gaya pa rin ng dati…”

Pagkatapos ng song-and-dance number, binigyan kami ng mga tao ng masigabong palakpakan at hiyawan. Mukhang sobrang nagustuhan nila ang performance namin.

Agad kaming pumunta ni Shane kasama ang mga kabanda namin sa backstage.

“We nailed it! Ang galing mo, Valerie!” bati ni Rex sa akin at nag-high-five kami.

“Val na lang or Valeng. Ang galing n’yo, guys. `Buti na lang, kayo ang naging kabanda namin,” sagot ko.

Bumaling naman ako kay Shane at nginitian ko siya “Shane, ang galing mo kanina! For sure, mapapansin ka ng mga managers.”

“Talaga? Thanks, Val! It’s all because of your teachings,” sagot ni Shane.
Pabiro ko naman siyang sinuntok sa balikat. “Huwag nga ako. Ikaw kaya diyan ang mentor ko.”

Ngumiti naman si Shane at bigla akong niyakap. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata pero niyakap ko rin siya.

“Ehem! Ehem!” singit ni Karlo na parang inaasar kami kaya agad na bumitaw si Shane sa pagkakayakap sa akin.

Nagkahiyaan kami ni Shane at hindi makatingin sa isa’t isa. Tinawanan naman kami nina Rex.

Lumapit si Karlo sa amin ni Shane at sabay kaming inakbayan. “Guys, mabuti pa, i-celebrate natin ito.”

Nakangiting tumango naman si Shane. “Good idea.”

Umalis si Karlo at kumuha ng inumin. Pagbalik niya, nag-celebrate kami sa pamamagitan ng pag-inom ng alak.

“Cheers, guys!”

“Cheers!”

“Oo nga pala, Shane, kausap ni Miss CJ `yong manager na naghahanap ng talent. Baka kukunin ka na,” sabi ni Karlo, sabay inom uli ng kaunting alak.

Bigla namang na-excite si Shane. Nanlaki ang mga mata niya. “Talaga?!”

Tumango naman si Karlo. Mayamaya, agad na lumabas si Shane at nagmamadaling pumunta kay Miss CJ. 

Sana nga ito na ang big break niya. “Go, Shane!” pahabol na sabi ko.

Sumunod ako pero hindi ko sinamahan si Shane. Tinanaw ko lang siya mula sa malayo. Nakatayo sila Shane, Miss CJ, at ang lalaking parang manager sa isang sulok. Mukhang sobrang seryoso ng pinag-uusapan nila. Ilang saglit pa habang nag-uusap sila, napansin kong lumayo sina Shane at Miss CJ sa manager. Para silang nagtatalo. Nakaakbay si Shane kay Miss CJ at may ipinapaliwanag.

Mayamaya, tumingin sa akin iyong lalaking manager at ngumisi. Ang creepy niya. Para siyang nangunguha ng bata. Para makaiwas, ibinaling ko ang atensiyon ko kay Karlo na isa-isa nang pinupuntahan ang mga magkakasintahan na nagde-date sa bar.

“Hi, guys, happy Valentine’s Day sa inyo. Sana magtagal pa tayong tatlo,” narinig kong sabi ni Karlo sa mag-jowa na nagde-date.

Nagtinginan ang dalawa at takang-taka. Agad na lumipat si Karlo sa kabilang table at inulit ang sinabi. Paulit-ulit niya iyong ginawa sa mga table na may mga nagde-date na mag-jowa.

“Sira-ulo talaga `tong si Karlo.” Tawa nang tawa si Rex na pinapanood si Karlo.

Nasa likuran ko pala siya, hindi ko napansin. “Ano’ng ginagawa ni Karlo?” tanong ko kay Rex.

“Third wheeling,” sagot niya.

Napakunot-noo ako. “Huh? Ano’ng third wheeling?” 

“Sabi kasi niya, mas masarap maging single pero nakaka-miss din ang may binabati. Kaya `ayun, universal third wheel na lang daw siya,” paliwanag ni Rex habang nakangiti at pinapanood si Karlo.

Hinayaan ko na lang sina Rex at Karlo sa trip nila at ibinalik ko ang atensiyon kay Shane. Nag-uusap pa rin sila ni Miss CJ. Mayamaya, biglang umalis si Miss CJ at bumalik si Shane sa lalaking manager. Inakbayan niya ito at niyaya niyang maupo para makapag-usap uli. Parang may ipinapaliwanag si Shane. 

Kung ano man iyon sana ay para iyon sa ikabubuti niya. 

Parang kinakabahan kasi ako.

Pero sana, kontrata na ang pinag-uusapan nila. Sana ito na ang pinakahihintay ni Shane.

Pagkatapos ng mahabang pag-uusap ni Shane at ng lalaking manager, nagkamayan sila nang parang may napagkasunduan na.

Yes! Mukhang success na!

Tumayo sila at magkasamang lumabas ng bar. Saan kaya sila pupunta?
Gusto ko sana silang sundan pero ayokong makigulo. Baka maging dahilan pa ako kung bakit hindi makuha si Shane as talent. Nag-send na lang ako ng text message sa kanya.

Me:  Shane, saan kayo pupunta? Ingat ka, ah. Good luck. Sana `yan na ang pinakahihintay mo. Wait na lang kita dito.

Naghintay ako pero hindi nag-reply si Shane. Siguro marami talagang mga terms na dapat pag-usapan. I guess we could celebrate Valentine’s Day tomorrow. Ngayon kasi, hindi ko mae-enjoy ang Valentine’s event. Hanggang tingin at inggit na lang ako sa mga nagde-date.

Natapos na ang Valentine’s event pero wala pa rin si Shane. Hanggang sa nagsiuwian na ang lahat ng mga tao, nakapaglinis na ang mga staff ni Miss CJ, at as in ako na lang ang natira. Wala pa rin siya. He didn’t tell me to wait pero baka kasi... baka kasi bumalik siya at wala na ako. Naniniwala naman ako na ako ang una niyang sasabihan ng good news.

“Miss Valerie, magsasara na po ang bar,” sabi ng guard.

Hindi puwede, wala pa si Shane. Kailangan ko siyang hintayin. “Kuya, puwede po bang ako na lang magsara ng bar? Hinihintay ko pa po kasi si Shane.”

Napakamot-ulo si Manong Guard, “Sorry po, Miss Valerie, pagagalitan po kasi ako, eh. Baka masuspinde pa ako.”

Tama naman ang guard. Kawawa naman siya kapag nagkataon. I guessed I had to wait for Shane outside or bukas na lang kami magkita. “Sige po, Kuya, aalis na lang po ako.”

Umalis ako ng bar at umuwi na lang. Nag-text na lang ako kay Shane na uuwi na ako para hindi kami magkasalisi kung babalik siya sa bar.

Nakauwi na ako at lahat-lahat pero kahit isang text or tawag kay Shane wala akong natanggap. Nakakatampo. Puwede naman siyang mag-text or tumawag sa akin. Pero bakit kahit isa wala?

Tiningnan ko na lang ang pictures namin sa phone ko. Alam kong kanina lang kami nagkita pero na miss ko na siya agad. Napaulit-ulit ko na ang lahat ng pictures namin hanggang sa nakatulog na lang ako.



​
HINDI na nagparamdam sa akin si Shane pagkatapos ng Valentine’s. Nag-alala ako na baka may nangyari sa kanya kaya sinubukan ko siyang tawagan at i-text pero hindi niya sinasagot ang mga iyon. Lalo akong nag-alala kaya minabuti kong puntahan na siya sa bahay nila.

Naabutan ko ang isang truck sa labas. May mga tao rin na kinukuha ang mga gamit mula sa loob.

Nilapitan ko ang isa sa kanila para magtanong. “Kuya, nasaan po si Shane? `Yong nakatira po diyan?” Itinuro ko ang bahay ni Shane.  “Ano pong ginagawa n’yo sa mga gamit niya?”

“Ah, si Sir Shane po? Ipinapakuha po sa amin ng manager niya `tong mga gamit niya. Lilipat na po kasi si Sir Shane sa mas malaking bahay,” sagot ng lalaki.

“Talaga? Saan daw? Bakit daw po?” Nakaramdam ako ng kaba nang marinig iyon. Bakit hindi niya sinabi sa akin?

Napakamot siya sa ulo. “Hindi raw po puwedeng sabihin, eh. Bilin po ni Sir Shane.”

“Best friend niya ako! Puwede mong sabihin sa akin!” Tumaas ang boses ko habang hawak ko siya nang mahigpit sa braso.

“Sorry po, Miss, trabaho lang.” Inalis ng lalaki ang kamay ko sa braso niya. 

Hindi ko na siya pinilit. Umalis ako nang malungkot at may kirot sa dibdib.

Naglakad-lakad muna ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko maiwasang isipin si Shane. Bakit hindi niya ako kino-contact… at bakit umalis siya?

Patuloy akong naglakad, hanggang sa nakapunta ako sa isang park. Umupo ako sa bench malapit sa garden. Hindi ako sumuko. Inilabas ko ang phone ko at sinubukan pa ring tawagan si Shane. But this time, out of coverage area na siya.

Tinawagan ko si Miss CJ. “Hello, Miss CJ?” 

Agad naman siyang sumagot. “Hello, Valerie, napatawag ka?”

“Itatanong ko lang po sana kung ano’ng napag-usapan n’yo ni Shane at ng manager kagabi? Hindi ko na po kasi siya ma-contact. Wala na rin po si Shane sa bahay nila. Ang sabi po ng naghahakot ng gamit niya, lumipat na raw po sa mas malaking bahay at hindi raw po puwedeng sabihin kung saan.”

Napabuntong-hininga si Miss CJ. “Talaga? Hindi man lang pala niya sinabi sa `yo? Napaka-selfish talaga ng taong `yon!” Sa tono niya, mukhang nainis siya sa ginawa ni Shane.

“Ang totoo, Valerie, ikaw `yong pinili ng manager na maging talent niya. Pero kinausap ako ni Shane na siya ang ilakad ko do’n sa manager at huwag ko raw sabihin sa `yo. Nagtalo kami ni Shane dahil unfair sa `yo. Kaya umalis na lang ako at iniwan ko sila ng manager. Nag-text siya sa akin kagabi na hindi na siya magpe-perform sa bar ko. Nagpasalamat naman siya at sinabi niya na siya ang nakuha ng manager para maging talent. Magkakaroon na rin daw siya ng kontrata at malaking break daw ito para sa kanya.”

Nagulat ako at hindi nakasagot. Okay lang naman sa akin kung hindi ako iyong nakuha na talent ng manager. Handa naman talaga akong magparaya. Pero ang nakakalungkot doon ay iyong hindi pagpansin sa akin ni Shane. Iyong lahat ng tawag at text ko dedma, iyong parang wala kaming pinagsamahan. 

Ang sakit… sobra.

“Hello, Valerie? Nandiyan ka pa ba?” tanong ni Miss CJ sa kabilang linya.

“G-gano’n po ba?” sabi ko, tumulo na ang luha mula sa mga mata ko. “Wala po ba siyang sinabi para sa akin?”

“Sorry, Valerie, hindi na rin siya nagre-reply sa akin, eh. Kinain na siya ng kasikatan. Mabuti pa, kalimutan mo na siya. Saka ang sabi ng mga staff ko dito, narinig daw nila si Shane na siniraan ka sa manager. Kaya si Shane daw ang kinuhang talent at hindi ikaw.”

“Gano’n po ba? Sige po, Miss CJ, salamat na lang po sa balita.” Magsasalita pa sana siya pero dahil sa sakit na nararamdaman ko, ibinaba ko na ang tawag.

Bakit ganoon? Bakit hindi ako sinabihan ni Shane? Bakit kahit isang paramdam wala? Bakit bigla na lang ganito? Wala akong pakialam kung siniraan niya ako sa manager, kaya kong isantabi iyon basta magkausap pa rin kami at maging magkaibigan.

Maiintindihan ko naman, eh. Pangarap niya iyon. Pero bakit kailangan niya akong iwan nang walang paalam? Bakit biglaan?

Lahat na lang ba ng taong mahal ko, bigla na lang ako kakalimutan?

Ang sakit kapag iniwan ka, pero mas masakit iyong hindi man lang sila nagpapaalam sa iyo.

Una si Mama, ngayon naman si Shane. Hindi ko na kaya. Ayoko na.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak. Walang akong pakialam kung may mga taong dumadaan na tumitingin sa akin. Hindi ko na kayang magpigil. Humagulhol ako. Hanggang sa may biglang lumapit sa akin.

Isang babaeng may cute na boses ang biglang nagtanong. “Miss, are you okay?”
next chapter
back to chapers
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly