DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 17: Valerie's Past Part 2

☆

5/11/2025

0 Comments

 

Until i'm over you

Valerie

ANG BILIS ng tibok ng puso ko. Hindi ko akalain na ganito rin kabilis ang mga pangyayari. Maghahalikan ba kami ni Shane? OMG!

Nakapikit pa rin ako at naghihintay sa matamis niyang halik.

Waiting…

Waiting…

Waiting…

“Valerie? Are you okay?” tanong ni Shane. 

Nasa ibaba pa rin pala ako.  Shocks! Nag-daydream ako sa harap niya! Hindi pa pala ako humahawak sa kamay niya at wala pa kami sa stage. Nakakahiya talaga!

“Ay, sorry, Shane.” Humawak ako sa kamay niya para umakyat na sa stage. Akala ko, mangyayari ang daydream ko, pero hindi pala. Maayos pala niya akong naiakyat sa stage. Sayang! Umasa pa naman ako. Akala ko, may glimpse na ako ng future namin.

Tingin ko, nag-blush ako. Nakakakilig na malamang alam pala niya ang pangalan ko.

“Sige, game. Ipakita mo nga uli sa akin `yong dance step mo.” Umatras si Shane para bigyan ako ng space.

Nakakagulat at nakakahiya. “N-ngayon na? I-I mean, nakakahiya, eh.”

“Ano ka ba? Ayos lang `yan. Tayo lang naman ang nandito, eh. Huminga ka nang malalim. Then try to pretend I’m not here,”  nakangiti niyang sabi.

“S-sige. `Wag mo akong tatawanan, ah?” Huminga ako nang malalim. 

Ngumiti lang si Shane.  Nakakuha naman ako ng lakas ng loob sa ngiting iyon. “Sige, game!”

Ipinakita ko sa kanya ang sayaw ko para sa kantang “California Girls” ni Katy Perry.

Nang matapos ay pumalakpak si Shane. “Nice! I don’t think marami pa akong dapat ituro sa `yo. I mean, you’re a natural!”

Nahiya ako at napangiti sa sinabi niya. “Ahm...” Hinawi ko ang buhok ko. “Thanks, Shane.” Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

“Siguro meron ka lang maling stance kanina pagdating do’n sa bandang chorus ng kanta,” sabi uli ni Shane habang nakatingin sa mga paa ko na parang nag-iisip. “Siguro mas bagay kung ganito.” Sumayaw siya na parang tubig sa lambot ng kanyang katawan. Ang galing niya. Mukhang siya iyong mas natural. “Ikaw naman. Try mo.”

Sinubukan kong gayahin iyong dance step na ipinakita niya. At siya naman ang nagbilang para sa akin.

“One, two, three, four, five, six… seven, eight. Then turn around. Eight, seven, six, five, four, three, two…”

Bigla akong napasigaw. Nagkamali ako ng pag-ikot at kamuntik nang matumba. `Buti na lang, sinalo ako ni Shane.

Nagkatitigan na naman kami dahil magkalapit na magkalapit ang aming mga mukha. This time totoo na talaga hindi katulad kanina. Bumibilis ang paghinga ko. Kinakabahan ako.

“Ayos ka lang ba, Valerie?” tanong niya.

Hindi ako nagsalita pero tumango ako. Agad niya naman akong inalalayan sa pagtayo.

“Sige ulitin natin `yong last part. This time, aalalayan na talaga kita,” nakangiting sabi ni Shane.

Hinawakan niya ang baywang ko. Nagulat ako sa parang kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan.

“Okay lang ba?” tanong niya.

Hindi na naman ako nakapagsalita. Natatameme talaga ako pagdating sa kanya. Tumango na lang ako.

“Game! Magbibilang uli ako, ah?”

Sinubukan ko uling sayawin ang itinuro niyang steps habang nakaalalay pa rin siya sa baywang ko.

“Eight, seven… six... five... four... three... two... one! O, `di ba? Ang bilis mong matuto.” Umatras si Shane ng dalawang hakbang palayo sa akin at pumalakpak ng apat na beses.

Nginitian ko naman siya habang humihinga nang medyo mabigat. “Thank you. Magaling ang teacher ko, eh.”

We spent the rest of the night practicing and inventing new steps. Then we got exhausted and decided to call it a night.

“Thank you, Shane. Nag-enjoy ako. Salamat sa mga turo mo.” Nakipagkamay ako sa kanya at tinanggap naman niya iyon.

“Wala `yon. Madali ka kayang turuan, saka mas nakaka-improve ng skills kapag ibinabahagi mo ang mga alam mo sa iba,” sagot niya.

“Sige, tatandaan ko `yan. Para `pag kasinggaling mo na ako, magtuturo din ako sa iba,” sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Ngumiti siya at nagpaalam na. “Sige, Valerie, kailangan na siguro nating umuwi.”

Tumalikod na si Shane pero nilingon niya ako nang tawagin ko siya. “Sige, Shane, Salamat uli. Ingats!”

Bigla siyang bumalik. “Actually, would you like to grab a midnight snack? Tara, may malapit na twenty-four-hour convenience store do’n.”

Puwede. Pumayag naman ako agad. “Sure! Gutom na nga rin ako, eh.”

Sumakay kami sa kotse niya at pumunta sa isang twenty-four-hour convenience store. Twelve midnight na kasi kaya no choice kami kung hindi dito na lang kumain.

Kumain kami ng sandwich at nagkuwentuhan tungkol sa mga katrabaho namin sa bar. Tuloy-tuloy lang ang kuwentuhan nang biglang tumunog ang phone ko. Siyempre K-pop ang ringtone; “Whistle” by BLACKPINK.

Bago ko pa man masagot ang tawag, tumigil na iyon. Nang tingnan ko, missed call lang pala galing kay Papa. Siguro, nag-aalala na siya dahil hindi pa ako umuuwi. 

“Sorry si Papa, nag-miss call.”

Ngumiti lang si Shane, pagkatapos ay uminom ng orange juice na nasa bote. “Ah... Akala ko BF mo. K-pop `yong ringtone mo, ah? Nakikinig ka rin pala ng K-pop?”

Natuwa ako sa tanong niya. Mukhang magkakaroon ako ng fellow K-pop listener. “Oo naman! Ikaw rin?”

“Yeah! `Ganda kaya. I listen to BTS, SNSD, EXO, BLACKPINK, TWICE. Kahit ano pa basta K-pop!” sagot niya.

“Apir!” sabi ko at nag-high-five kami. “Ang saya naman. Same tayo ng pinapakinggan. Hindi halata sa `yo na nakikinig ka ng K-pop, ah.”

“Silent fan lang kasi ako. May mga bashers kasi ang K-pop, eh. Hindi naman daw natin naiintindihan ang lyrics at mga feeling Koreano lang daw tayo,” sagot ni Shane.

“Naku mali `yan. Una sa lahat, dapat hindi mo iniisip ang sasabihin ng iba. Malaya tayong pakinggan kung anong kanta or music ang para sa atin ay maganda. Mapa K-pop, OPM, English, or Japanese pa `yan. Oo importante ang lyrics para malaman mo kung anong mensahe ang gustong sabihin ng composer or ng singer, pero may lyrics man o wala, basta maganda para sa `yo, pakinggan mo. You don’t have to please others but yourself,” sabi ko.

Natulala si Shane para bang namangha sa sinabi ko. Ngumiti siya nang napakaluwang habang nakatingin sa akin.

“Tama ka. Salamat, Valerie. Now I think I’m free. Napagaan mo ang loob ko. Glad I asked you out tonight.”

Hindi ko alam kung bakit at hindi naman niya tinatanong pero bigla kong nasabi, “Wala nga pala akong boyfriend. Ikaw may girlfriend ka na?”

Natawa lang siya nang mahina.

Nakakahiya talaga!

“Wala akong girlfriend. Ayokong magka-girlfriend, eh. Tingin ko, makakagulo lang `yon sa pag-abot ko sa mga pangarap ko,” sagot niya habang nakatingin sa malayo. 

Ouch! Wala na agad akong pag-asa. Bakit ba kasi biglang lumabas sa bibig ko `yon, eh.

“Ahm.. Puwede ko bang malaman kung ano `yong pangarap mo?” nahihiya kong tanong.

“Gusto kong sumikat. Mapanood sa TV. Gusto kong marinig ng lahat ang mga kanta ko at gusto kong mag-concert para sa milyon-milyong tao.” 

The way he said it, mukhang determinado talaga siya.

“Someday, makakaalis din ako sa bar. Someday, alam kong madi-discover ako,” dagdag pa ni Shane.

“I know you can do it!” bigla kong sabi at hinawakan ang kamay niya. 

This time, kitang-kita sa mga mata ni Shane kung gaano siya kadeterminadong abutin ang mga pangarap niya. Kaso nasira ang moment namin nang makita kong napatingin siya sa kanang kamay kong nakapatong sa kaliwang kamay niya. Nahiya naman ako at agad na tinago sa ilalim ng mesa ang kamay ko.

Napayuko lang ako habang nakangiti. Hindi ko alam kung nakangiti rin siya pero mukhang hindi naman siya nagalit. 

“Oo nga pala, Valerie, puwede ba akong humingi ng favor sa `yo?”
Anything, baby, anything! sabi ko sa isip ko.

“Oo naman. Ano `yon?”  tanong ko, sabay ipit ng buhok sa tainga. Napansin kong parang nahihiya si Shane.

“Kasi… medyo hirap ako sa pagkanta. `Tapos nang marinig kita, sobrang easy lang sa `yo i-hit `yong mga notes. Kuhang-kuha mo talaga `yong mga kinakanta mo. Gusto ko sanang magpaturo sa `yo. Okay lang ba?”

OMG! Did he just compliment me? Kinikilig ako! Pero kailangang magpigil, nakakahiya, eh. Gusto kong tumili but it was going to be awkward. Kaya dapat kalmado lang at humble.

“Ahm… Hindi naman ako magaling. Pero dahil tinuruan mo ako ng sayaw, I’ll tell you everything that I know about singing.”

“Yes! Thank you, Valerie!” tuwang-tuwang sabi ni Shane. At siya naman ang biglang humawak sa kaliwang kamay ko gamit ang dalawa niyang mga kamay. 

Hindi ko pinansin ang hawak niya. Ayokong tanggalin niya kaya kunwar, dedma.  “Maganda nga `yon, eh. Ikaw, tuturuan mo akong sumayaw, `tapos tuturuan naman kitang kumanta.”

`Tapos turuan nating magmahalan ang isa’t isa. Char! 



​
GANOON na nga ang nangyari. Every night pagkatapos ng show at pagsarado na ang bar, naiiwan kami ni Shane para mag-practice. Tinuturuan niya akong sumayaw at tinutulungan ko naman siyang kumanta.

Habang tumatagal, lalo kaming nagiging close sa isa’t isa. He even invited me sa bahay nila one time para mag-practice. May sarili kasi siyang mini studio.

Maaga akong pumunta sa bahay nina Shane para mag-practice. May kaya pala sila. May kalakihan ang bahay nila at medyo eleganteng tingnan.

Pinindot ko ang doorbell sa gate. Naghihintay akong lumabas siya nang bigla siyang mag-message sa akin.

Shane: Valerie, ikaw ba `yong nag-doorbell? May ginagawa pa ako sa loob. Bukas ang pinto, pasok ka na lang.

Me: O, sige. Pasok na ako.

Pumasok ako sa loob ng bahay nina Shane. Tahimik ang buong bahay at medyo madilim. Medyo kinikilabutan na ako kaya sinubukan kong tawagin si Shane.

“Shane? Shane? Ahm... Nandito na `ko! Shane?”

Tahimik pa rin at hindi sumasagot si Shane kaya nag-send ako ng message sa kanya.

Me: Shane? Dito na `ko sa loob, nasaan ka? Ang dilim kasi ng bahay n’yo. Natatakot ako.

Shane: Sige, bubuksan ko na ang ilaw.

Ilang saglit pa, nagulat ako at namangha sa nakita ko. Unti-unting bumukas ang mga fairy lights sa paligid. Nagmistulang mga bituin ang mga iyon dahilan para magliwanag ang buong bahay.

Tumutugtog din ang kantang “Sway” by Bic Runga. Iyong acoustic version.

Speechless ako. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

Parang may direksiyon ang mga fairy lights, mukhang papunta ang mga iyon sa kung saan. Sinundan ko ang daan na iniilawan ng mga fairy lights. Nakita ko kung saan iyon papunta na mukhang sa dining room.

Pagdating sa dining room, nandoon si Shane, naghihintay sa akin. Nakasuot siya ng black blazer na may white T-shirt sa loob, blue jeans, at white sneakers. Lalo siyang gumuwapo dahil parang nakaayos siya na akala mo makikipag-date. 

May naka-set up ding isang table na may cover na white at may mga kandila pa sa gitna. Napapalibutan ng mga fairy lights ang buong kuwarto.

“Surprise!”

“Shane, ano `to?” Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyayari. Sasabog na yata talaga ang puso ko. Hindi ko akalaing gagawin ito ni Shane.

Pulang-pula ako. Oo alam kong pulang-pula na ako. Alam ko rin na ang ngiti ko, lagpas pa sa tainga ko.

“Have a seat, my lady.” Napaka-gentleman ni Shane. Inalalayan pa niya akong umupo.

Nakakahiya! Naka-T-shirt lang ako at jeans. Hindi man lang ako na-orient na may ganito pala siyang balak. Gosh!

“Ahm.. Shane, ano’ng ibig sabihin nito?” tanong ko. Mabuti na ang klaro baka kasi nag-a-assume lang ako.

“This is just my way of thanking you. For always being there for me, for helping me sing and for the chance to be your friend,” sagot ni Shane at umupo na sa tapat ko.

Mahihimatay na yata ako. Iyon pa lang ang sinasabi niya at wala pang “I like you” or “I love you” pero kilig na kilig na ako. Pero huwag dapat magpahalata. Pigil lang, Valeng. Pigil!

“T-thank you. Nag-abala ka pa. Pero salamat talaga. First time kong naranasan ito.”

“You deserve to be treated like this. Always,” sabi niya at ngumiti.

Kumain kami at nagkuwentuhan. Napaka-romantic pala ni Shane. Feeling ko, ako ang pinakamasuwerteng babae sa araw na ito.

Naghanda siya ng special na pasta na hindi ko alam ang pangalan. Parang French yata. Icebukoforsale yata ang pronunciation doon. Basta, ang sarap ng food at sobrang nabusog ako.

“Nagustuhan mo ba?” tanong ni Shane, mayamaya.

Hinawi ko ang buhok ko at mahinhing sumagot. “Yes. Thank you.”

“May gusto nga pala akong sabihin sa `yo,” sabi niya at tinitigan ako sa mga mata.

“Ah , ano `yon, Shane?” tanong ko at tumitig din sa kanya.

“Valerie...”

Oh, my gosh! Ito na ba `yon? Ito na ba? Sa puntong ito, mahihimatay na talaga ako.
next chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly