DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

Chapter 15: Evil Phone

☆

5/11/2025

0 Comments

 

until i'm over you

Kier

“GIVE me my phone back!” utos sa akin ni Valerie habang umiiyak. 

Ibinigay ko ang phone niya at sinubukan ko siyang patahanin. Marahan kong hinaplos ang likod niya para pagaanin ang kanyang loob.

Bigla niyang ibinalik sa akin ang phone niya. Ipinakita niya ang mga picture nila ni Shane na magkasama. Totoy pa ang hitsura ni Shane, pero siya nga ang nasa picture. Mukha silang masaya at mukha ngang close base sa mga picture.

“Baka Photoshop lang `to, ah,” biro ko para subukan siyang patawanin. Tiningnan ako nang masama ng dragon kaya binawi ko agad ang sinabi ko. “Joke lang. Sorry na, Valeng. Wait here.” Tumayo ako at naglakad papunta kay Shane.

“Kier?”  

Tinawag ako ni Valerie pero hindi ko siya pinansin. Mainit na talaga ang ulo ko sa lalaking ito. 

“Kier? Ano’ng gagawin mo? Please don’t!” pakiusap ni Valerie.

Pero hindi ako nagpatinag. Wala akong pakialam kung sikat ka, boy. No one can hurt a friend of mine in front of me and this is the second time.

Lumapit ako kay Shane kahit may nagpapa-picture pa sa kanya. “Hoy, tisoy! Naaalala mo pa ba `to?” At ipinakita ko ang phone ni Valerie.

Tumingin doon si Shane. “T-toothless? Ano’ng meron kay Toothless?”

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tiningnan ko ang phone. Si Toothless na dragon pala iyong naipakita kong picture; wallpaper ni Valerie.

“Ay, wait!” Inilipat ko ang picture sa picture nila ni Valerie at ipinakita ko uli iyon kay Shane. “Ito! Naaalala mo pa ba?”

Hindi nakapagsalita si Shane.

“Kier, please tama na!” pakiusap ni Valerie na nasa likuran ko na.

“Pare, sumikat ka lang pero tao ka pa rin. Kung makapagsabi ka na hindi mo na kilala si Valerie,  parang wala kayong pinagsamahan, ah! Ganyan ba sikat na? Nakakalimot na sa pinanggalingan?” sermon ko. “Valeng, kung ako sa `yo, hindi ka dapat nag-aaksaya ng panahon sa mayabang na `to!” dagdag ko pa.

Hindi pa rin nakapagsalita si Shane, nakatingin lang siya kay Valerie na parang gulat na gulat. Hindi naman tumitingin si Valerie sa kanya.

Mayamaya pa, sa akin na tumingin si Shane. “Teka? Ikaw `yong nanggulo sa date ko sa Seoul Garden noong nakaraan, ah. Pati dito guguluhin mo ako? Guard! Paalisin mo nga `tong lalaking `to!”

Lumapit sa amin ang bodyguard ni Shane at hinawakan ako. “Bitawan n’yo ako, Sir. I know my rights. I’m not harming anyone here and I know my way out,” sabi ko. Agad naman akong binitawan ng lalaki.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. May mga nagbubulungan at ang iba naman, naiinis na at pinapaalis na kami.

“Shane?” tawag ni Valerie. Pero hindi siya pinansin ni Shane. 

Hinawakan ko ang kamay ni Valerie at hinila na palabas sa likuran ng bar.

“Ano ba, Kier? Bitawan mo nga ako!” sabi ni Valerie at hindi napigilang maiyak.

Binitawan ko ang kamay niya. “I’m sorry.”

“Ano’ng ginawa mo?! Do you think he’ll even talk to me pagkatapos ng nangyari?!” galit na tanong niya.

“I know it was a wrong move. Nag-init lang `yong ulo ko do’n sa crush mo. Hindi ko lang din kaya na makita kang umiiyak,” paliwanag ko.

Nagulat si Valerie sa sinabi ko. Bahagyang siyang natigilan pero bumalik uli ang galit. “So... what now? May nangyari ba sa ginawa mo?!” 

Hindi ako nakapagsalita. I shouldn’t have let my anger drive me earlier. Tama siya, mukhang napasama pa yata iyong ginawa ko. Bakit ba kasi ang init ng dugo ko kay Shane? Damn it! Bad move, Kier.

“Ipinahiya mo ako, Kier!”

Nabigla ako sa sinabi niya. I was trying to fight for her but it turned out na mas nasaktan ko siya. “I-I’m so sorry...” nautal kong sabi. “I think I should go...” dagdag ko pa.

Hindi na nagsalita si Valerie at mas nauna siyang umalis sa akin.

Minabuti kong umuwi na lang din. Hindi ko maipaliwanag pero parang ang bigat sa pakiramdam na galit sa akin si Valerie.
Pagdating ko sa apartment, matutulog na sana agad ako nang biglang tumawag si Jana.

“Hello, my love. Kumusta ang concert?” bati niya sa kabilang linya. Mukhang masigla siya ngayon.

“Hello, my love. Ayos naman, kakauwi ko lang. `Buti, nakatawag ka,” sagot ko.

Ikinuwento ko kay Jana ang lahat ng nangyari sa concert. Mula sa muli naming pagkikita nina Rex at Karlo hanggang sa nangyari with Shane Moreno de Mestiso. Tawa naman nang tawa si Jana. Mabenta talaga sa kanya ang mga joke ko. Pero nag-alala rin siya kay Valerie. 

“Hala, sana okay lang si Valerie. Have you tried to call her?”

“Hindi pa. Bukas na lang siguro, papahupain ko muna ang galit niya,” sagot ko.

“Sige, promise me you’ll talk to her. Don’t lose a friend. Okay?” paalala ni Jana.

“Yes, Ma’am!”

Mahinang natawa si Jana.

“Na-miss ko ang tawa at boses mo,” sabi ko.

“Talaga? Boses at tawa ko lang ba ang na-miss mo?” tanong ni Jana. Nag-iba ang boses niya, parang nang-aakit at may gustong ipahiwatig.

Napalunok naman ako. “P-puwede namang pati ikaw mismo, m-miss k-ko na.”

Nagpatuloy pa rin si Jana sa mapang-akit niyang boses. “Talaga ba? What are you doing right now?”

“I-I’m talking to my girl and just lying on my b-bed.” Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa ginagawa niya.

“Oh, really, my love? You know I wish I am there with you now. You wanna know what I’m doing?” tanong niya.

“Yes, yes, yes, yes, yes, yes!”

“Oh, Kier, I miss you so much, I’m actually—” 

Bigla nang naputol ang tawag.

What the horse biscuit! Bitin na naman! Agad akong nag-message kay Jana para tumawag uli siya.

Me: My love, ano’ng nangyari? Bakit naputol? Tawag ka uli please.

Jana: Nagloloko yata `yong network pati Wi-Fi namin mabagal. Sorry, my love, hindi na ako makatawag.

Me: Haha. Okay lang pero sayang. Next time na lang.

Jana: Thanks for understanding. Sleep na tayo.

Me: Sige. Good night, Jana. I love you.

Jana: Good night. I love you, too.

Sayang nabitin na naman. Pero at least, nakausap ko si Jana. Kompleto na ang araw ko.

Matutulog na sana ako nang biglang may K-pop song na tumunog sa loob ng kuwarto ko.

Nakakapagtaka, saan kaya nanggagaling iyon?

Sinundan ko ang pinanggagalingan ng hindi maintindihang kanta. Mukhang nasa bulsa iyon ng jacket na suot ko kanina.

“Ano kaya ito?” Pagkadukot ko, smartphone pala ni Valerie. Patay, hindi ko pala naisauli. Mukhang tumatawag ang tatay niya.
Okay lang kaya siya?

Naputol ang tawag bago ko pa man iyon masagot. Minabuti kong hintayin kung tatawag uli si Kuya Gilbert. Napansin kong parang iba na yata ang wallpaper ni Valeng. Kanina si Shane ang nandito pero ngayon si Toothless na ng How To Train Your Dragon. Bagay naman sa kanya dahil dragon siya. Pero bakit kaya niya binago?

Muling tumawag si Kuya Gilbert at agad ko iyong sinagot, “Hello, Kuya Gilbert? Si Kier po ito. Nasa akin po `yong phone ni Valeng. Naiwan po niya, eh.”

“Hoy, panget! Si Valerie `to! Bakit hindi mo isinauli `yong phone ko? Hanap ako nang hanap kung nasaan! Nasa’n ka na?” sigaw niya sa kabilang linya. 

Agad ko namang inilayo ang tainga ko para hindi mabingi sa malakas niyang boses. “Sorry, Valeng, hindi ko alam na nasa akin pa pala `yong phone mo. Nandito na ako sa bahay. Isasauli ko na lang sa `yo bukas, magkita tayo.”

“Okay, sige, huwag na huwag mong bubuksan yan, ah!” paalala niya.

“Sorry na. Dragon mode ka na naman. Hindi ko kaya alam ang PIN nito, paano ko naman bubuksan? Saka hindi ako interesado sa laman nito. Baka puro K-pop lang ang laman, saka mga vain mong selfies,” katwiran ko.

“Hindi PIN. Naka-pattern lock lang yan kaya `wag na `wag mong susubukang buksan yan, ah! Kundi patay ka talaga sa akin!” banta pa niya.

“Oo na, sige na. Bukas na lang, matutulog na ako,” sagot ko.

“Okay. Bye, panget!”

“Bye, dragon!”

At pinutol na namin ang tawag.

Bakit ko naman bubuksan itong phone niya? Saka bawal iyon, alam kong personal property ito. 

Itinabi ko ang phone ni Valerie sa desk na malapit sa kama ko kung saan nakalagay rin ang phone ko. Humiga ako at matutulog na sana nang biglang tumunog na naman ang K-pop ringtone ni Valerie.

“O, hello, bakit?” tanong ko sa phone. Si Valerie na naman ang tumatawag.

“Ano’ng ginagawa mo? Baka tinitingnan mo na `yong phone ko, ah? Yari ka talaga sa akin!” sabi niya. 

Tamang hinala naman `tong dragon na `to. “Hindi nga! Ang kulit mo naman! Matutulog na kaya ako.”

“Okay, sige. Bye!” sabi niya at agad nang ibinaba ang tawag.

“Bakit ko naman kasi pakikialaman ang phone niya? Weird talaga,” sabi ko. “Makatulog na nga lang.”

Sa hindi malamang dahilan, hindi ako dalawin ng antok. Nakailang bago na ako ng puwesto sa paghiga pero hindi pa rin ako makatulog. Puro iyong phone ni Valerie ang nasa utak ko. Parang may boses iyon na tinatawag ako. Alam kong imagination ko lang iyon, pero ang tindi, eh. Parang iyong sa Lord Of The Rings...

Open me….
Kier... Open me...
Kier... I know you want to…
Open me...
My precious....

Hahawakan ko na sana ang phone ni Valerie para subukang i-unlock iyo nang bigla kong makontrol ang sarili ko. Hindi ko na itinuloy na kunin iyon.

Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang matulog. Pero ayaw maalis sa isip ko ang K-pop ringtone ni Valerie. Kainis! Bakit ba kasi hindi ko naisauli ang phone na ito! May-sa-demonyo ito, eh.

Dahil doon, tuluyan akong naakit na buksan ang phone ni Valerie. Sana lang hindi ko mahulaan ang pattern key para mapigilan ko ang sarili ko. Kinuha ko ang phone niya sa desk at nanghula ako ng pattern key.

What the?! Unang hula ko pa lang, nabuksan ko na. Pero hindi ko natandaan kung anong pattern ang ginawa ko.
Teka, teka masama ito. Hindi sa akin ang phone, kaya hindi ko dapat pakialaman.

Pero may kung anong puwersa ang nagtutulak sa akin. Parang tinatawag ako ng phone at gusto niyang buksan ko siya. Parang sira lang, `di ba? O, hindi kaya ako ang may sira?

Out of curiosity, pinakialaman ko na talaga ang phone ni Valerie. Sabi ko sa sarili ko, sisilipin ko lang, `tapos papatayin ko na rin agad. Saglit lang talaga.

Una kong tiningnan ang mga pictures niya. Puro K-pop, si Shane, at mga selfie lang ang nandito. Hindi ko na tiningnan lahat baka kung ano ang makita ko.

Hindi ko binuksan ang mga messages ni Valerie dahil iyon ang pinakamali. I knew what I was doing was wrong pero silip lang naman, eh.

Biglang tumahol si Pogi. Sinasabi niya siguro na tigilan ko na ang gingawa ko. “Oo alam kong masama ito. Saglit lang talaga!” giit ko pa.

Wala naman palang dapat makita dito. Bakit kaya takot na takot ang dragon? Ang OA lang yata niya, eh.
Tiningnan ko ang mga applications ng phone. Nagbabasa pala ng Wattpad itong si Valerie. Reader kaya siya ni Mama? Pero matindi wala siyang photo editing app. Naks! Confident sa natural beauty.

Bigla kong nakita ang isang application sa phone niya; Mobile Diary. May ganito pa lang app. Akalain mo iyon, ang astig-astig pero gumagamit pala ng diary.

Dahil pakialamero ako, binuksan ko na ang diary app. Ipapahamak talaga ako one day ng curiosity ko. Nakita ko ang pinaka-recent niyang update sa diary at binuksan iyon.
​
Aba, mukhang tungkol pa yata sa akin `to ah. Let’s see. Ano kaya’ng itinatago ng dragon?
next chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly