DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
    • Grimrose Academy
    • Until I'm Over You
    • Catching Fox
  • Bookmarks
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

chapter 10: Unfortunate Kier

☆

5/11/2025

0 Comments

 

Until I'm over You

Kier

“WHAT?! Paanong naliligaw? Akala ko ba alam mo `yong shortcut?”  inis na sabi ko kay Valerie.

“Ang kulit mo kasi, eh. Ikaw ang may gustong mag-shortcut tayo! Kaya `ayan, naliligaw na tayo!” inis din niyang katwiran.

“You could have said na hindi mo alam `yong shortcut! Eh, di sana naghintay na lang tayo sa traffic!” paninisi ko.

Walang naisagot si Valerie kaya ginaya na lang niya ang sinabi ko na parang bata. “You could have said blah-blah-blah… Oo na, Your Honor, kasalanan ko na!” sabi pa niya.

God! Parang bata naman `tong babaeng `to.

Muli niyang pinaandar ang taxi para maghanap ng mapagtatanungan. Nang makakita kami ng isang tindahan, huminto siya para bumaba. “Wait here, your honor. Magtatanong-tanong ako!” At pabagsak niyang isinara ang pinto ng taxi.

Tumawid si Valerie at pumunta sa isang sari-sari store. Napansin kong may mga nag-iinuman sa tabi ng tindahan kaya bumaba ako ng taxi just in case may mangyaring hindi maganda.

Lumapit siya sa tindera at nagtanong. “Excuse me po. Puwede pong magtanong?”

“Puwede naman pero bili ka muna,” sagot ng tindera.  “Everything is business, ineng,” dagdag pa niya.

Hindi umangal si Valerie at bumili na lang. “Sige, pabili po ng bubble gum.” Ibinigay niya ang pera niya at iniabot naman sa kanya ng tindera ang bubble gum.

“Sige, ano `yong itatanong mo?”

Nagtanong si Valerie ng direksiyon papunta sa school na pinapasukan ko. Nagbigay naman ng parang hindi maintindihang direksiyon ang tindera. Sana lang na-gets ni Valerie kasi ako hindi.

Nagpasalamat si Valerie sa tindera pero bago kami makaalis nang tuluyan, hinarang kami—particular na si Valerie—ng isa sa mga manginginom na nakatambay roon. Kalbo at walang suot na damit pang-itaas ang lalaki. May mga tattoo rin siya na hindi maintindihan kung ano. Looney Tunes yata or Adventure Time.

“Hi, Miss! Ang ganda mo naman. Upo ka muna dito sa amin, wala kaming ka-table, eh,” sabi ng lasenggo habang tintingnan si Valerie mula ulo hanggang paa.

“Excuse lang po, Kuya,” sabi ni Valerie.

“Huwag ka namang magmadali, saglit lang naman itong inuman natin, eh!” pamimilit pa ng lasenggo.
Ngumiti lang si Valerie. Pero mukhang fake smile iyon.

Hindi pa rin pinadaan ng lasenggo si Valerie at tinawag pa niya ang mga kasama.“Mga pare, may ka-table na tayo! Tara lapit kayo! Ang ganda nito, o!”

Sumipol ang isa sa mga kasamahan ng lasenggo. “Bery nays. Ang puti niyan, ah!”

Pinalibutan nilang apat si Valerie. Bigla siyang hinawakan sa balikat ng isa sa mga tambay. Agad akong lumapit para pigilan ang mga lasenggo. Pero bago pa man ako tuluyang makalapit…

“Aah!” sigaw ng isa sa mga lasenggo.

Pinilipit kasi ni Valerie ang kamay ng lalaki papunta sa likod nito. Agad din niyang itinulak ang lalaki papunta sa mga kasamahan nito. Natumba ang mga lasenggo. Mga lasing na kasi kaya madaling napatumba. 

Gulat na gulat naman ako sa nakita ko. Hindi ko akalaing kaya palang ipagtanggol ni Valerie ang sarili niya.
Agad ko na siyang pinuntahan. Hinawakan ko ang kamay niya para hatakin siya. Nagmamadali na kaming bumalik sa taxi.

“Huwag mo ngang hawakan ang kamay ko!” sabi ni Valerie.

Agad kong binitawan ang kamay niya. Nakakatakot siya… parang dragon.“Sorry, nasaktan ka ba?” tanong ko.

Hindi siya sumagot at tinaasan lang ako ng kilay.

“Mukhang sila ang dapat kong tanungin kung nasaktan,” biro ko pa.

Nakita kong lumabas naman ang tindera at pinagpapalo ng walis tingting ang mga lasenggo na nakahiga na sa sahig. “Perhuwisyo talaga kayo dito sa tindahan ko! Magsialis nga kayo dito!” 

Umaaray naman ang apat na lalaki dahil sa hagupit ng walis tingting kaya agad silang tumayo at umalis na.
“Huwag na kayong mag-iinom dito, ah! Mga bastos!” sigaw ng tindera.

Grabe si Manang parang Godzilla. Pero mas grabe si Valerie. Mukhang hindi ko dapat galitin itong babaeng ito. Parang dragon, eh.

Sumakay na uli kami sa taxi. Hindi ko napansin na napaupo pala ako sa tabi ng driver seat imbes na sa passenger seat.
“Alam mo na ba kung saan ang daan?” tanong ko.

Pinaandar na uli ni Valerie ang taxi at nagmaneho na. “Hindi pa rin. Ang gulo ni Manang, eh,” sagot niya.
“What?! After all the trouble, wala pala tayong napala?”

Tiningnan niya ako nang masama. Napaurong ako sa kinauupuan ko. Mahirap na, baka ako naman ang ma-karate ng babaeng ito.

“Sabi ko nga po okay lang, eh. Meron nga po pala tayong phone at Google maps.”

“Good, hurry up. Baka ma-late ka na,” sagot niya.

Napangiti ako sa sinabi ni Valerie. Despite kasi ng kasungitan at pang-aasar niya, she was still looking forward to dropping me at my destination on time.

Naghanap ako ng pinakamabilis na route sa Google maps para makalabas na kami sa lugar na ito. Ilang saglit pa, nakahanap din ako ng best route.

“Itabi mo muna `yong taxi,” sabi ko.  

Agad niyang itinabi ang taxi at tiningnan ang nakita kong route sa Google. “Okay, sige alam ko na. This time, manahimik ka, ah, para makapag-focus ako.”

“Yes, Ma’am!”

Sinunod ko ang utos ng dragon, este ni Valerie. Nanahimik ako at nakatingin lang sa bintana. Naalala ko na naman si Jana. Kumusta kaya siya? Sana ayos lang siya. Sana nasa tabi niya ako ngayon, lalo na sa mga ganitong oras na alam kong pagod siya sa trabaho.

Nag-daydream na naman ako. Naalala ko ang mga date namin ni Jana… at `yong mga kiss namin.

Nawala ako sa pag-e-emote nang mapansing nagpipigil ng tawa si Valerie. Tumutugtog sa car stereo ang isa sa mga kanta sa playlist ni Kuya Gilbert na “Lumayo Ka Man Sa Akin” ni Rodel Naval.

`Pagkat saan ka man naroroon.
Pintig ng puso ko’y para sa iyo.
Naghihirap man ang aking damdamin.
Nagmamahal pa rin sa iyo, giliw.
Limutin man kita’y `di ko magawa.
Hindi pa rin ako nagbabago.
Ang pag-ibig ko sa iyo’y lagi mong kasama.

“What the—? Not again!” sabi ko.

Tumawa nang tumawa si Valerie na halos maiyak na.  “Nag-e-emote ka kasi, eh. Nilagyan ko lang ng background music.”

`Kaasar! Akala ko, seryoso na siya. Bakit ba gustong-gusto akong inaasar ng babaeng ito?

Sinaway ko na lang siya. “Patayin mo na `yong kanta ni Kuya Gilbert at mag-focus ka na lang sa pagmamaneho! Mamaya maligaw na naman tayo niyan, eh.”

Medyo nasigawan ko si Valerie pero naalala ko na marunong nga pala itong mag-karate. Baka kapag napikon ito, bigla na lang akong iuntog sa bintana.

“Ang KJ mo talaga, Your Honor,” sabi niya. Tumawa uli siya, saka pinatay ang music at muling nag-focus sa pagmamaneho.

We took a very long route but I still had a couple of minutes left para hindi ma-late. Napadaan kami sa mahabang daan na ang paligid ay puro matataas na damo.

“Hindi ko alam na may ganito pa lang lugar dito,” sabi ko habang tumitingin sa paligid.

“Tingin ko, nakadaan na `ko dito. Sabi nila, marami raw nangho-hold up dito, eh. `Tapos tapunan din daw ng mga bangkay ang lugar na ito kaya `pag gabi, may nagpaparamdam daw,”  sabi ni Valerie.

Tinatakot pa yata ako ng babaeng ito, eh.

“Parang hindi naman. Saka kampante akong walang mangyayaring masama. Dragon kaya ang kasama ko,” biro ko pa.

Tiningnan niya ako nang masama. “Dragon pala, ah? Baka gusto mong maglakad mula dito hanggang sa school mo?”

“Joke lang po, Ma’am!” bawi ko at tinikom na lang ang bibig ko.

Nanahimik kaming dalawa at patuloy na bumiyahe sa daang puro damuhan. Pero ilang saglit pa, biglang huminto ang taxi.

“Patay! Bakit ngayon pa?” nainis na sabi ni Valerie, sabay palo sa manibela.

“Anong patay? Ano’ng nangyari, Valeng?” tanong ko.

“Nasiraan tayo,” sagot niya at binigyan ako ng pilit na ngiti.

“Teka, nang-aasar ka na naman, eh. Hindi magandang biro `to, ah,” sabi ko.

“Tsk!” Bumaba siya ng taxi at binuksan ang hood ng sasakyan. Pagbukas niya, umusok ang makina. 

Bumaba ako para tingnan kung ano ang nangyari. “Ano’ng nangyari? Kaya mo bang ayusin `yan agad?” tanong ko.

Kung minamalas ka naman talaga, o. Double whammy sa isang araw. Late na talaga ako nito.

“Susubukan ko. Medyo luma na kasi `tong taxi kaya may ganitong sakit na. Pero napaayos na namin ito, eh, hindi ko alam kung bakit sira na naman. Baka napangitan sa `yo,” paliwanag ni Valerie.

“Ewan ko sa `yo. Basta pakibilisan dahil fifteen minutes na lang, start na ng klase ko.”

Kumuha si Valerie ng container na may lamang tubig mula sa trunk ng taxi at binuhusan ang makina. Muli siyang sumakay at sinubukang paandarin ang sasakyan pero ayaw niyong mag-start. 

Pinalo niya nang pinalo ang manibela dahil frustrated na siya. “Damn it! Kainis! Kasintanda mo na talaga si Papa!” Bigla niya akong tinawag. “Panget! Isara mo nga `yong hood, `tapos itulak mo itong taxi!”

“What?! Magtutulak ako?”

“Sino ba’ng malapit nang ma-late sa atin?” tanong niya.

“Sabi ko nga po magtutulak na ko, eh.”

“Good boy!” Ngumiti siya at parang masaya talagang nakikita na nahihirapan ako.

Isinara ko ang hood ng sasakyan at pumunta ako sa likuran. “Sige, ready na!” sigaw ko at sinimulan nang itulak ang taxi.

Umandar nang kaunti ang taxi dahil sa pagtulak ko. Ang lakas ko talaga. Sinubukan naman ni Valerie na paganahin ang makina.

“Ayaw talaga. Itulak mo na lang hanggang school!” sabi niya, sabay tawa.

“No way!” Tinigilan ko ang pagtulak sa taxi at napaupo na lang sa sahig.

Bumaba si Valerie ng taxi at pinuntahan ako. “Your Honor, sorry, ah? Mabuti pa, lakarin mo na lang ito `tapos kapag may nakita kang sasakyan, makisakay ka na lang. Maghihintay na lang din ako ng dadaang sasakyan para may tumulong sa akin,” sabi niya.

This time, sobrang bad trip na talaga ako. Hindi ko siya inimik, tumayo ako at kinuha ang gamit ko sa loob ng taxi. Agad akong naglakad nang mabilis at iniwan ko si Valerie. Malayo na ko nang matanaw ko siya na naghihintay na may dumaang sasakyan habang nakatingin sa phone niya.

Mukha namang okay siya. Saka kaya naman niya ang sarili niya, eh. Kailangan ko nang magmadali at male-late na talaga ako.
Matapos ang mahabang paglalakad, natunton ko rin ang dulo ng daan. Nakarating ako sa isang maliit na barangay. Maraming tao at may mga sasakyan din. Tumingin ako sa paligid at nakakita ako ng taxi.

Sakto! Kaya pa! Hindi pa masisira `yong record ko `pag sumakay na ako ngayon.

Agad kong nilapitan ang taxi. Habang papalapit, nakakita ako ng talyer sa tabi. May tow truck doon at ang mga mekaniko na parang bored na bored habang naghihintay ng customer.

Tumingin ako sa relo ko at napansin kong three minutes na lang, late na ako. Pero mukhang malapit na ako sa school kaya kapag sumakay ako ng taxi, aabot naman ako.

Hawak ko na ang pinto ng taxi at bubuksan ko na sana iyon nang bigla akong matigilan. Parang may hindi tama. Naisip ko si Valerie at hindi ko alam kung bakit.

Damn it! Kailangan ko siyang balikan!

Imbes na sumakay sa taxi, pumunta ako sa talyer. Lumapit ako sa mekaniko at kinausap iyon.  Sinabi kong nasiraan kami ng sasakyan sa may malapit at naghihintay roon ang kaibigan ko.

Agad na kumilos ang mekaniko at sumakay kami sa tow truck. Mayamaya pa, natunton namin agad si Valerie. 

Gulat na gulat naman siya sa pagbalik ko. “O, bakit ka bumalik? Late ka na, ah?”

“Hayaan mo na. Kaya ko pang humabol sa klase pagkatapos nito. Hindi kita maiwan dito baka kung ano’ng mangyari sa `yo.” 
 
Nagulat si Valerie at hindi nakapagsalita. Mukhang hindi niya in-expect na babalik ako. Ang weird pero parang natuwa ako sa ginawa ko. Nakita ko siyang nakangiti at hindi makatingin.

Agad na ikinabit ng mekaniko ang taxi sa tow truck. Sumakay kami ni Valerie sa passenger seat ng tow truck at umalis na.

Pagdating sa bayan, agad na inasikaso ng mga mekaniko ang taxi.

“Salamat sa pagbalik, ah? Baka ginabi na ako do’n kung hindi ka bumalik. Ano nga uli ang pangalan mo?” nahihiyang tanong ni Valerie.

“Wala `yon. It’s Kier but you said you don’t care,”  sagot ko at nginitian siya.

“Kanina lang `yon.” Inabot niya ang kamay niya sa akin. “Valerie or Valeng, bahala ka na.” Ngumiti siya.
  
Nakipagkamay naman ako sa kanya.

“Sige na. Humabol ka na sa klase mo. Ako na lang ang magbabantay sa taxi hanggang sa maayos,” sabi niya.

“Sige, salamat. Bye, Valerie.”

“Bye, Kier.”

Nagmadali akong sumakay ng isa pang taxi para makahabol sa klase. Pagdating ko sa school, thirty minutes late na ako. `Buti na lang, walang pakialam iyong professor ko kung late ka o hindi. Kaso hindi ko na mauulit kung ano man ang itinuro niya at sira na rin ang personal record ko. 

Natapos ang mahabang araw. Seven PM na ako nakalabas ng school dahil nagtanong-tanong pa ako sa mga kaklase ko kung ano ang na-miss ko kanina.
​
Paglabas ko, nagulat ako sa nakita ko. Napatanong ako sa sarili ko kung bakit nandito ang taong ito. Hinihintay ba niya ako?
next chapter
back to chapters
0 Comments



Leave a Reply.

HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS
Proudly powered by Weebly