DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Special Chapter: The Soul Remembers

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

Van (Grim Reaper Clyve)

IPINATAWAG ako ng Death Lord sa kanyang Throne room para pormal na itaas ang rango ko. Natapos ko na kasi ang misyon bilang isang Grim Reaper.

Madilim ang paligid ng throne room—tanging ang upuan na gawa sa kulay itim na marmol ang nabibigyan ng mapusyaw na liwanag mula sa itaas. Nakaupo sa trono ay isang nilalang na naka-suot ng black ripped hooded cloak, may hawak itong Death Scythe, at ang ulo nito ay isang kalansay—siya ang Death Lord.

Lumuhod ako at nagbigay pugay sa kanya.

“Congratulations, Grim Reaper Clyve. You have delivered one million souls to the afterlife and completed the mission as a Grim Reaper.”

“The power of death was with me, my lord. As it was and ever shall be,” sagot ko.

“For your achievements, I hereby promote you as a Senior Grim Reaper,” sabi ng Death Lord. “Rise and choose a weapon for reaping.”

Tumayo ako. Nagkaroon ng mga sandata sa harap ko. Ang mga ito ay nakalutang sa ere at para bang naghihintay na kunin ko. Mayroong Death Scythe, axe, mace, a variety of swords, spears, fishing rod, staff, at marami pang iba.

Aabutin ko na sana ang Death Scythe dahil para bang pamilyar ito sa akin. Parang tinatawag ako nito. 

I’ll sacrifice everything for you… Till death do us part…

Ano ‘yon? May mga narinig akong bulong?

Hindi ko na pinansin kung ano ‘yon. Ang utos sa akin ay pumili ng sandata. Kahit hindi ko pa alam kung para saan, napagtanto ko na ito ay gagamitin sa pakikipag-laban.

I realized the death scythe wasn’t a practical weapon in close combat. I needed something lighter, quicker, and more versatile at both short and mid-range. So I went for the Jian—a straight, double-edged sword.

“Good choice. Proceed to Crea for your next mission,” sabi ng Death Lord. “May the power of death be with you.”

“My lord… As it was and ever shall be.”

Nag-warp ako papunta sa lobby ng Death Collectors Society. Walang emosyon akong binati ni Crea—ang receptionist pagdating ko.

“Mission briefing for Senior Grim Reaper,” sabi ko.

“Congratulations on your promotion. As a Senior Grim Reaper, your mission is now to collect ten thousand souls of killers or those who have taken the lives of others. Use your weapon to reap their souls and bring them to me. Once you've gathered them all, the Death Lord will grant you a single wish. You can choose from erasing a name from the Death Book without consequence, rising to the rank of Death Reaper, or reincarnation. Do your job well. What comes next is up to you.”

“Understood. If I may ask, why do we need to use a weapon?”

“A killer’s soul is dangerous, some carry their intent to kill so deeply that it’s etched into their very essence. These souls can attack Grim Reapers, corrupt the living into committing murder, and, in rare cases, if they are not reaped immediately they could evolve into something far more powerful—something only Death Reapers are equipped to handle.”

“Very well. I shall reap their souls with my sword. I’ll take my leave.”

“May the power of death be with you.”

“As it was and ever shall be.”

Nag-warp ako papunta sa isang rooftop sa mundo ng mga buhay. Pinalabas ko ang Death Book. Updated na rin ito. Kita ko dito ang misyon bilang isang Senior Grim Reaper at mga guide para maisakatuparan ito.

Ilang saglit pa, lumabas na rin sa Death Book ang pangalan ng una kong target. Simula no’n kaya ko ng maramdaman at makita sa aking isipan kung nasaan siya. Nang maging kulay dugo na ang letra ng mga pangalan niya maliban sa isa, nag-warp ako sa lokasyon niya.

Naabutan ko ang susunduin ko na nakahandusay sa sahig. Duguan ang ulo at wala ng malay. Ilang saglit na lang ay mamamatay na siya.

Tumingin ako sa paligid. Ako ay nasa basement ng isang lumang bahay. May mababang mesa sa gitna na puno ng kung ano-anong gamit: kalawanging posas, manipis na lubid, ilang pares ng maruming guwantes, bote ng kemikal na walang label, gunting, kutsilyo. Lahat ay maayos ang pagkakaayos.

May mga nakakalat din na mga laruan ng bata sa paligid. May mga litrato sa pader, imahe ng mga batang nakagapos at duguan.

Ilang saglit pa, biglang dumating ang isang lalaki. Matangkad siya at may nakapusod na itim na buhok. Umukod siya at sinuri ang leeg ng lalaking walang malay sa sahig. Tapos ay kinuha niya ang sariling phone.

“Hello, this is Detective Rio Ignacio. Natagpuan ko na ang serial killer,” sabi niya. Luminga siya sa paligid. “Mukhang nadulas ang loko nang makatapak ng laruan ng bata at nabagok ang ulo. Patay na siya. Magpadala ka ng SOCO dito.”

Tumayo ang detective. Umiling siya habang nakatingin sa lalaki sa sahig. “Kita mo nga naman. Iyong laruan pa ng mga biktima mo ang tumapos sa ‘yo.”

Tumingin akong muli sa Death Book. Kulay dugo na ang mga letra ng buong pangalan ng target ko. Inilabas ko ang aking espada para kunin ang kaluluwa niya. Pero bago ko pa maitarak ang dulo ng sandata ko… 

“Hindi… Hindi maaari ‘to. Patay na ko? Hindi pwede…”


Nilingon ko ang boses na nasa gawing kanan ko. Nakita ko ang kaluluwa ng target ko. Dahil namatay siya sa isang aksidente, nagkaroon siya ng kamalayan. Susubukan ko siyang kausapin, dahil gano’n ang ginagawa namin sa mga kaluluwang sinusundo namin.

“Roger Dela Cruz, your time in this world is over. Come to me and—”

Di ko natuloy ang sasabihin nang biglang sumigaw ang kaluluwa ng target ko.

“Hindi! Hindi pwede! Kulang pa! Kulang pa ang mga batang napapatay ko! Kulang pa!” Biglang naging kulay itim ang buo niyang katawan na parang gawa ito sa abo. Tapos ay bigla siyang sumulpot sa harap ko. Tinulak niya ako at tumalsik ako hanggang sa labas ng gusali.

Nag-warp ako pabalik sa loob pero wala na ito. Tanging ang detective lang at ang bangkay ng target ang naroon. Inilabas ko ang Death Book. Gamit ang pangalan ng killer’s soul, nakapag-warp ako kung nasaan ito.

Naaabutan ko siya pero nakakapag-warp din siya kaagad. Maraming beses na ganon ang nangyari—iba’t ibang lugar. Hanggang sa nakita ko siya sa isang playground. Nasa likod na siya ng isang lalaki na tila nagpapahinga sa ilalim ng puno.

It was trying to corrupt the person to do what it wanted—to kill someone. Akala ko kanina alam niyang hinahabol ko siya iyon pala ay naghahanap lang siya ng mabibiktima.

Paglinga ko sa paligid, isang batang babae ang nakita kong mag-isa na naglalaro. Napagtanto ko kaagad na iyon ang gustong patayin ng killer’s soul.

Not on my watch.

Nag-warp ako sa bandang likod ng killer’s soul habang abala siya sa pag-corrupt sa lalaki. Mukhang di niya napansin na nasundan ko siya kaya’t mabilis kong itinarak ang sandata ko sa likod niya.

The killer’s soul made a screeching scream until its body vanished into thin air. Ang naiwan na lamang ay ang maitim nitong kaluluwa, na ngayo'y mistulang naglalagablab na bola ng apoy na nakatusok sa dulo ng aking espada.

One killer’s soul down, nine hundred and ninety nine to go.

Matapos iyon napatingin ako sa batang babae. May kakaiba akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag. Bakit parang sa tingin ko ay nakita ko na siya noon?

Ilang saglit pa, dumating ang mga magulang ng bata.

“Sayrene!” Pagtawag ng ina habang kumakaway pa.

“Mama! Papa!” Dali-daling lumapit ang bata sa mga magulang niya.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng hindi maipaliwanag na pakiramdam ko sa bata. Ngunit hindi iyon mahalaga. Ngayon alam ko na kung bakit kailangan ng sandata para sunduin ang mga souls of killers. Ganito kaya ang lahat ng killer’s soul o sadyang dahil serial killer lang ang nauna kong target?
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly