DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - SPECIAL CHAPTER: THE EXECUTIVE PRODUCER

☆

6/30/2025

Comments

 

Grims do fall in love: till death do us part

SA ISANG sulok ng multiverse na hindi kayang marating ng kahit sino o kahit pa ng mga Grim Reapers, may isang nilalang na abalang-abala... sa panonood.

Hindi ng teleserye. Hindi rin ng anime. Mas intense pa roon. Ang pinapanood niya ay buhay—totoong buhay ng mga tao. Kaya niya itong gawin dahil siya ang diyosa ng oras, ang tawag sa kanya ay Time Lord.

Nakaupo siya sa isang eleganteng recliner couch. May hawak siyang popcorn at softdrinks. At sa harap niya ay isang 65 inches na screen na gawa sa ginintuang buhangin na binuhay ng mahika.

“Haay salamat. All set na ang mga mangyayari pwera lang sa ending. I’m so excited!” sabik na sabi ng time lord. Nag-snap siya ng daliri at nagsimula ng makita sa screen ang buhay ni Van at ni Saydie.

Bago ang exciting na ending ng buhay na pinapanood ng Time Lord, balikan natin kung paano ito nagsimula…





NAG SETUP ng dinner date ang Death Lord para sa minamahal niyang Time Lord. Ang lokasyon, sa moon. May round table na may red cloth sa pagitan ng dalawang upuan na akala mo ay trono ng hari. May tatlong mahahabang kandila sa gitna na may kasamang flower centerpiece. May mga pagkain at inumin. Palaisipan kung paanong ang mga ito ay hindi naapektuhan ng gravity.

“Oh my beloved. Mas maganda ka sa kahit anong planeta at mga bituin sa paligid,” sabi ng Death Lord. Siya ay anyong tao ngayon—matipuno at mukhang artistahin, pwede nga siyang ikumpara kay Brad Pitt. Gano’n siya ka-pogi at katikas. Suot niya ay black suit and tie.

Marahang iniabot ng Time Lord ang kamay habang nakangiti, at hinalikan naman iyon ng Death Lord. Pati ang Time Lord ay anyong tao. Siya ay may balingkinitan na katawan na parang super model. Kung ang Death Lord ang tatanungin kung gaano siya kaganda—isipin mo si Anne Hathaway. Suot niya ay isang eleganteng red dress.

“Thank you sa dinner date na ‘to. Bored na bored na ko sa mga pinapanood ko. I’ve seen it all. Gusto ko ng something na kakaiba naman, can you help me?”

“Anything for you, my beloved. How can I help?”

“Gusto ko ng story tungkol sa isang Grim Reaper na umibig sa isang tao. Dapat nakakakilig, nakakatawa, nakakatakot— lahat ng emosyon gusto kong maramdaman sa story na ‘yon.”


“But my beloved…How am I supposed to make that happen? Even lords like us have limits.”

“We don’t have to do it all. Kailangan lang natin silang i-guide. Then we’ll let fate bring them somewhere.”

“Sige payag ako. Kahit ano para sayo, my beloved. Pero hindi natin dapat labagin ang natural na batas ng mundo.”

“Alam ko. Kaya nga hahayaan natin sila. Mangingialam lang tayo ng konte.”

That’s when it started… dahil sa pag-ibig ng Death Lord sa Time Lord, nabuo ang kwento ni Van at ni Saydie.

Ngunit hindi ito naging isang diretsong daan…

Ang unang pangyayari ay ang pagpapakita ni Saydie kay Van. Nagawa ng Death Lord na bigyan ng challenge si Saydie para sa ika-10,000th killer soul nito. Nagkaroon ng karagdagang mga araw ang buhay ni Van. Pero dahil hindi alam ni Van ang gagawin kahit pa nakita niya ang Grim Reaper na si Saydie, humantong lang ang kwento sa pagkamatay niya. Walang nangyaring kakaiba— ni-hindi nagkausap ang dalawang bida.

Kaya naman binalik ng Time Lord ang oras, nag-anyo siyang isang matanda babae at pansamantalang nanirahan sa mundo ng mga tao. Dinalaw niya si Van, bago ang unang pagdalaw ni Saydie, binalaan niya itong dadalawin ng isang Grim Reaper. 

Ngunit sa di inaasahang pangyayari, si Van ay nagkaroon ng Vengeful spirit at nagtagumpay iyon na patayin ang bida dahil walang kakayahan si Saydie na magligtas ng tao bilang ito ay isang Grim Reaper. 

Sa inis, pumunta ang Time Lord sa throne room ng Death Lord.

“Welcome to my place, my beloved,” nakangiting bati ng Death Lord. Hahawakan niya sana ang Time Lord pero bigla nitong pinihit ang braso niya. 

“Anong nangyari?! Bakit may Vengeful spirit si Van?”

“I’m sorry, my beloved! I don’t know. I can’t control those creatures,” sagot ng Death Lord. “Please… Please hurt me more!”

“Well? You have to do something. It was getting interesting,” the Time Lord demanded.

“Leave it to me. Step on me. I mean I have an idea. I’ll make it more interesting. Just turn the time back again. And then step on me, my beloved.”

“You simp,” binitawan ng Time Lord ang Death Lord. “Do something. Then I’ll do you one better than stepping.”

Ngumiti ang Death Lord na parang may ningning pa sa mga mata. “Yes, my beloved!”




PAGKATAPOS ibalik ng Time Lord ang oras sa unang pagkikita ni Saydie at Van, patuloy na nagpanggap ang Death Lord bilang si Reeve. Binigyan niya ng illegal artifact—isang crystal cube—si Saydie upang ito ay maging tao. Naging dahilan iyon para makaligtas si Van sa mga pag-atake ng mga Vengeful spirits. At para magpa-pogi sa Time Lord, umeksena din ang Death Lord sa mga labanan.

Sa kabilang banda, dahil tuluyan ng nagkaroon ng engkwentro si Van at Saydie, nagawang sabihin ng Time Lord ang paraan para makaligtas sa kamatayan. Ngunit hindi pa rin naging maayos ang kwento.

Dahil laging magkasama si Saydie at Van, hindi nagtagumpay ang Vengeful Spirit na makaganti. Sa halip, nagawa ni Van na paibigin si Saydie ngunit ito ay hindi wagas na pag-ibig. Kaya’t bago pa man matapos, inihinto niya na muna ang oras.

Naisip ng Time Lord na magreklamo ulit sa Death Lord. Pero nang maalala nito ang mukha ng manliligaw na parang uhaw na uhaw sa kanya, hindi na siya tumuloy. Sa halip ay siya na ang gumawa ng paraan.

Inisip ng mabuti ng Time Lord ang gagawin. Ilang beses siyang nag-rewind at forward ng oras, hanggang sa naisip niyang bigyan ng dalawang time necklace talisman ang isang lalaki. Dinalawa niya para sigurado. Ang bilin niya sa lalaki, gamitin ito para makaligtas sa kamatayan at balang araw ay ibigay ito sa sa isang lalaki na may kasamang Grim Reaper na babae.

Hindi inaasahan ng Time Lord na ibibigay ng lalaki ang isang talisman sa anak nitong lalaki. Gayon pa man, naging daan pa rin ito para mapunta kay Van ang isa sa mga talisman.

Naging exciting ang pangyayari, nagawang makapagtago ni Van kay Saydie. Ngunit inatake siya ng Vengeful spirit. Alam na ng Time Lord na mangyayari iyon kaya’t hinayaan niya lang dahil iyon na rin ang naging daan para magkaroon si Van ng pagbabago at character development.

Tuloy-tuloy na sana ang mga magagandang tagpo sa buhay ni Van at Saydie, pero sa di inaasahang pangyayari, nakakita si Van ng isang Death Reaper. Hinabol sila ng Death Reaper at muntikan pang magtapos ang kwento nila doon kundi dahil sa Time Lord.

Nang makita kasi ng Time Lord ang pag-atake ng Death Reaper kay Van at Saydie, pinahinto niya ang oras at pinuntahan ang mga bida. Pinahiram niya si Van ng isang pocketwatch na may kakayahang pahintuin ang lahat ng bagay at nilalang maliban sa may hawak nito. Tuwang tuwa siya sa nangyari dahil nanalo ang dalawa laban sa Death Reaper. At natuklasan pa ng mga ito ang tunay na nararamdaman sa isa’t-isa.



Balik tayo sa pinapanood ng Time Lord, sinimulan niya sa umpisa ang kwento ni Saydie at Van, hanggang sa humantong siya sa tagpo na ang dalawa ay nagdesisyon na magsama sa isang beach house.

Ngunit habang abala siya sa panonood… siya ay dinalaw ng Death Lord.

“Hello, my beloved. You are as pretty as ever shall be.”


“Get lost. I’m busy.”

Tumikhim ang Death Lord. “I won’t be long. I have news. The other Lords have noticed our little stunt with the humans. We’re being warned not to meddle with them anymore,” sabi ng Death Lord.

“Fine! Last na ‘yong ginawa ko. Just keep your Death Reapers away from them until their story ends.”

“Sure, my beloved. I also need to tell you that they are demanding me to fix it.”

“Whatever! Just give me a good ending or else… hindi na ko magpapakita sa ‘yo.”

Napalunok ang Death Lord. “O-Okay, my beloved. I’ll do my best.”

Balik sa panonood ang Time Lord. Tuwang-tuwa naman siya sa nangyayari hanggang sa makita niya si Reeve sa eksena—ang disguised ng Death Lord. Nasaksihan niya kung paano isiniwalat ni Reeve ang totoo kay Van tungkol sa nakaraan nito pati na ang nakaraan ni Saydie. Noong una ay nainis siya, pero naintindihan naman niya kung saan ito humantong. Kaya naman sa huling sandali ng mga bida na kasama ang isa’t isa, humagulgol sa pag-iyak ang Time Lord.

“Noooo!! Saydie!!! Van!! Hindi! Bakit di kayo endgame? Bakit di kayo nagkatuluyan? Hindi pwede! Hindeee!!”

Dahil doon, nakialam muli ang Time Lord sa paglilitis kay Van. Naisahan niya ang Death Lord kaya’t si Van ay naging isang Grim Reaper. Pagkatapos no’n, pinuntahan siya ng Death Lord sa kanyang teritoryo.

“Greetings, my beloved,” bati ng Death Lord.

“Oh bakit? Ano na naman gusto mo?” masungit na sagot ng Time Lord.

“I’m here for my reward,” sabi ng Death Lord at dahan-dahan nitong hinuhubad ang suot na black suit.

“Tse! Di ako natuwa, di sila nagkatuluyan. If you really love me, give me a sequel.”

“Hmmm… Is that why you demanded for him to become a Grim Reaper?”

Nagkibit-balikat lang ang Time Lord. “Who knows? But no reward today, sequel first.”

Huminto ang Death Lord sa paghuhubad. Tumayo lang siya ng tuwid at ngumiti.


The End… For now…


MORE STORIES
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly