DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Special chapter: Borrowed Time

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

Van

Four days before October 30

KINABUKASAN pagkatapos namin matanggap ang talisman ng ama ni Detective at pagkatapos kong ihanda ang mga kailangan namin ni Saydie. Inihatid kami ni Kobe sa airport.

“Pambihira naman, Chua boy. Kung kailan nagbabago na rin ako saka ka naman itatanan nito ni Saydie,” sabi ni Kobe.

“Itatanan?” Pag-ulit ni Saydie. She furrowed her brows.

Natawa naman ako ng konte. “Siraulo. Lalagay na ko sa tahimik, bro. Kaya dapat ikaw rin soon.”

“Heto na nga, my man. Nahihilig na ko mag-church. All thanks to Bea. At mukhang may spark din kami,” sabi ni Kobe. Pabiro niya kong siniko. “Okay lang ba sayo?”

“Oo naman. Bea and I are the past. My future is with Saydie,” sagot ko tapos ay inakbayan ko si Saydie. “Pero parang lugi yata si Bea sa ‘yo, bro.”

“Oh come on, dude,” sabi ni Kobe pabiro niya kong sinuntok sa braso.

I chuckled. “Biro lang. Pero wag naman sana na dahil lang kay Bea kaya ka nagsisimba. Parang ‘di yata maganda ‘yon.”

“Hindi, pare. Totoo ‘to. Nagbabagong buhay na talaga ako. Bonus na lang kapag naging kami ni Bea. Sayang nga di na kita maisasama. Makikita mo rin sana na mas masarap at mas masaya mag praise and worship kaysa mag-club at uminom.”

Mukhang totoo nga ang pagbabagong buhay nitong si Kobe. Sana lang noon pa—kaming dalawa. Pero it’s never too late. And I’m happy he’s on the right path now.

“That’s really nice, Kobe. I’m happy and proud of you,” nakangiti kong sabi. “Continue mo lang ‘yan.”

Natigilan at bahagyang natulala si Kobe sa ‘kin—parang maiiyak pa siya.

“Bro… Van…” 

Bigla niya kong niyakap. Nagulat ako pero tinanggap ko siya at hinimas sa likod.

“I’m gonna miss you, buddy. Thanks for everything,” bulong ko.

“Van!” sigaw ni Kobe na may kasamang pag hagulgol.

May mga taong napatingin sa ‘min pero ayos lang. All the things we’ve been through suddenly came flashing back on my mind. He’s been there since the start for me. Kahit pa puro kalokohan ang mga ginagawa namin. He was a real friend to me.

“Hey! Ako lang pwedeng yumakap kay Van.” Sumingit si Saydie sa gitna namin kaya napabitaw si Kobe at siya na ang nakayakap sa ‘kin.

Nagpunas ng luha si Kobe. “Grabe ka naman, Saydie. Goodbye hug lang. Tandaan mo Saydie… kayo ang tinadhana. Pero ako ang nauna.”

Pabiro kong sinipa si Kobe at umilag naman siya.

“Pinagsasabi mo diyan,” nakangiti kong sabi.

“Joke lang! Pero ito seryoso. Dapat ako ang best man sa kasal niyo, a,” sabi ni Kobe.

“Baka kamo ikaw ang magkasal sa ‘min. Feeling ko magiging pastor ka, e.”

“Well, di natin alam. Baka ‘yon ang calling ko,” kibit balikat na sagot ni Kobe. Tapos ay nagseryoso siya at hinawakan ako sa balikat. “Ingat palagi, bro. Hanggang sa muli.”

“Goodbye, Kobe,” sabi ko.

“Bye, Kobe,” sabi naman ni Saydie.

“Paalam sa inyong dalawa. Sana endgame na kayo. Ipagpe-pray ko ‘yon.”

Nginitian ko si Kobe saka tumalikod paalis. Hanggang sa muli… kaibigan. 





NAKARATING kami ng ligtas ni Saydie sa beachfront resthouse na pagmamay-ari ng pamilya Chua. Ito ay nasa isla ng Palawan sa isang parte kung saan walang tao kundi kami lang dalawa. Pagdating sa loob, dumiretso si Saydie sa kwarto at dumapa agad sa kama. Hindi daw kasi niya nagustuhan ang pagsakay sa eroplano.

Humiga ako sa tabi niya. “Saydie… okay ka lang?”

Yumakap siya sa ‘kin. She also rested her face on my biceps. “No more plane rides please.”

Ngumiti ako. Ang cute niya. Parang bata na natakot at naglalambing. “Don’t worry. Wala na. This is our place. This is where we’ll always be.”

Tumingala siya sakin. “Ang ganda dito. I like it here. And I love it here because I’m with you.”

“At ikaw din ang dahilan kung bakit gumanda lalo ang lugar na ‘to,” sagot ko sabay haplos sa pisngi niya.

Ngumiti siya. Kitang-kita sa bahagyang namumula niyang pisngi na kinilig siya. Para sa ‘kin, nakapalaking achievement.

“Van… Masaya ako sa naging desisyon natin. I don’t have any regrets. Gusto kong malaman mo ‘yon. Kahit ibalik ang oras, ito pa rin. Ikaw pa rin ang pipiliin ko.”

Sobrang nakakalambot ng puso. Ganito pala ang totoong ma-in love—parang lumulutang sa ere.

“Teka, di ba kapag bumalik ‘yong oras hindi mo na ko kilala? Paano mo ko mapipili no’n?” pabiro kong tanong.

Hindi siya kaagad nakasagot. Parang sineryoso niya ang tanong ko. Hanggang sa…

“Ang hirap! Basta! Kung di ka maalala ng isip ko, maaalala ka ng puso ko.”

And just like that, I managed to form the widest smile I could ever make. Hindi ko na napigilan ang kilig ko kaya’t kinurot ko siya sa pisngi—pero mahina at saglit lang.

“Ang cute, cute mo talagang, Grim Reaper ka.”

“Hindi na ko Grim Reaper.”

“Huh? Ano ka na? Like you mean—tao ka na?”

Umiling siya.

Napakunot noo ako. “What are you?”

“I’m yours.”

Muli, napangiti niya ako ng sobrang laki. Natutunan niya kaya ‘yon sa movies o kusang lumabas sa kanya? Teka puro siya na ang nagpapakilig sa ‘min. Kailangan kong bumawi.

“And I’m yours too,” sabi ko. Nagbadya akong babangon pero hinigpitan niya ang yakap sa ‘kin.

“San ka pupunta?”

“I’m going to cook for us. And I have a surprise for you later.”

Marahan niyang inalis ang braso sa pagkakayakap sa ‘kin. Nakangiti pa rin siya na parang excited para mamaya. “Okay. Pahinga muna ako.”

Ang totoo hindi ko pa alam ang gagawin ko para sa unang araw namin dito sa isla. But I’m sure it will come to me. Ganon daw kapag in love ka— may mga bagay kang magagawa na di mo alam na kaya mo pala para sa babaeng mahal mo.






MABUTI na lang at may staff pa rin kami dito sa resthouse, medyo malayo nga lang siya nakatira pero naasahan ko siya para linisin ang buong lugar at mapaghandaan kami ng mga pwedeng lutuin. Anytime, pwede ko rin siyang tawagin kapag kailangan namin ng tulong.

Habang naghihiwa ng gulay, naalala ko ang mga araw na buhay pa si Mom at bata pa kami ni Kylie. We used to help her in this kitchen kaya marunong akong magluto. I miss those days…

Mom… can you see me? Kahit mahirap ang sitwasyon… I’m happy now. I’m with someone I love. 

As soon as I remember my mom, the thought of dying follows. Ligtas na ba talaga ako sa kamatayan? May four days pa bago ang sinasabing araw na ‘yon. Would this really work? Sana oo. Dahil ayokong masaktan si Saydie.

Habang abala sa paghahalo ng sangkap, yumakap si Saydie sa likod ko.

“Oh, kala ko matutulog ka?”

“I can’t sleep. Wala ka kasi sa tabi ko,” sabi niya. Bumitaw siya sa pagkakayakap at kinuha ang kutsilyo. “I want to help.”

“Are you sure? Kaya ko naman. Tsaka di ka pa marunong.”

“Alam ko kung paano maghiwa. Gusto ko din matuto para maipagluto din kita balang araw.”

I have a bad feeling about this. Pero dahil willing siya— payag na ko.

Nginitian ko siya. “Sige gusto ko ‘yan. Ano kayang lasa ng luto ng Grim Reaper?”

“You’ll know someday. Not today. I need to train first.”

Iniabot ko sa kanya ang mga sibuyas. “Here, try to cut the onions into thin pieces.”

I was confident that she sorta knew what she'd be doing until…

“Onion your time in this world is over!”

Tinaga niya ng napakalakas ang sibuyas. Talsik ang nahiwang sibuyas at bumaon sa chopping board ang kutsilyo.

 Jeez! She’s still a Grim Reaper.

“Grabe! Parang imbes na ikaw ang maiyak sa paghihiwa, ‘yong sibuyas mismo ang umiyak.”

“Mali ba? Sorry.” Sumimangot siya. She looks so innocent.

Pumunta ako sa likod niya tapos ay hinawakan ko ang mga kamay niya ng marahan. Ginabayan ko siya kung paano ang tamang paghiwa ng gulay.

“I… I uh… I like your way of teaching, Van,” sabi niya. Lumingon siya sakin halos pulang pula ang mukha. “Turuan mo lang ako.”

Nginitian ko siya. “With pleasure.”








PAGKATAPOS naming magluto, inakyat namin sa rooftop ang pagkain, inumin, at picnic mat. Ito ang naisip kong surprise sa kanya. Mabuti na lang at nakisama ang panahon. Bilog ang buwan, at puno ng mga bituin ang kalangitan. Walang music, tanging tunog ng alon at huni ng mga kuliglig sa paligid.

“Wow! Ang ganda ng mga bituin, Van,” sabi ni Saydie. Hindi maalis ang tingin niya sa langit habang nakahiga kami sa mat.

Ako naman sa kanya nakatingin. Iyong mga ganitong moment, kapag nakita ng iba parang corny, cliche—pero iba pala kapag ikaw mismo ang nandito kasama ‘yong taong mahalaga sa ‘yo. Nakaka-tindig balahibo pero hindi dahil sa takot kundi dahil parang pakiramdam ko naabot ko ang mga bituin sa langit.

“Palagi kong nakikita ito noong Grim Reaper pa ko pero di ko pinapansin. Parang walang epekto sa ‘kin. Ngayon… iba. Ang saya,” sabi pa ni Saydie.

“One of the perks of being alive. Iyong mga ganitong bagay na kahit maliit lang, pwede mong kuhaan ng kasiyahan.”

“Thank you, Van,” sabi ni Saydie at bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

Puntos! Pakiramdam ko mas gumwapo ako.

Sana hindi na matapos ‘to. Sana gumana nga ang anting-anting. Kahit ilang taon lang. Kahit hanggang sa pagtanda lang namin. Ayokong malayo kay Saydie. Gusto ko lagi siyang masaya. Handa akong gawin ang lahat para do’n.

NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly