DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Prologue

☆

6/28/2025

Comments

 

Grims Do Fall In Love: Till Death DO US PART

Content Warning:
This story contains themes of death, grief, emotional trauma, suicide ideation, and violence. Reader discretion is advised.

​GRIM Reaper... 

Sabi sa mga kuwento-kuwento, alamat, pop culture: ito ay iyong nilalang na nakasuot ng dark hooded cloak at may dalang Scythe. Often depicted as a skeleton figure. Ang sabi, makikita mo lang daw siya kapag mamamatay ka na. Siya ang susundo sa iyo kung saan ka man niya dadalhin sa kabilang-buhay. Kung sino ang nakaimbento no’n, hindi ko alam. Hindi naman ako naniniwala sa mga ganoon. Multo, engkanto, magic, at kung ano pa na out of this world, mga kuwentong barbero lang. But not until I saw one... 

I saw a Grim Reaper pero iba ang hitsura niya sa mga kuwento. Kaso... ang masama doon, nagpakita siya sa akin dahil malapit na raw akong mamatay. To be exact, in less than a month daw. No! No effin way! Hindi ako papayag na mamatay ako kaagad. Twenty-five years old lang ako at marami pa akong dapat masubukan—especially ladies. Buti na lang, may nakapagsabi sa ‘kin na may paraan daw para takasan si Kamatayan. Kailangan ko lang daw mapa-ibig ang Grim Reaper. Ang hirap paniwalaan pero wala naman akong ibang choice—heck my life is on the line.

Swerte dahil babae ang Grim Reaper na nagpakita sa akin, ang pangalan niya ay Saydie. Imposible raw na mapa-ibig ang mga kagaya nila dahil wala silang emosyon. Pero kung making someone fall in love lang ang pag-uusapan? Ako na si Van Kyle Chua ang expert diyan. She may be cold as ice, but I’m not dying without a fight. I’ll make damn sure that…

Grims Do Fall In Love.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly