DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 9

☆

6/29/2025

Comments

 

Grims do fall in love: till death do us part

VAN

SEEING my first love and my first girlfriend tonight made me remember the pain and the things I had to do just to get over her. I could even see images again in my mind when I caught her cheating on me. Kissing and flirting  with two guys. Naalala ko rin ang sinabi niyang rason na lasing lang daw siya. Pathetic! 

Jeez! Bigla ko rin tuloy naalala na doon nagsimula ang pagpapalit ko ng girlfriend kada buwan. It was just a  way for me to get over the pain she gave me. But after that, nasanay na ako na ganoon lang. Hindi masakit at hindi nakakasawa. Ngayong nagpakita siya... bakit parang bumabalik `yong sakit? 

“What now?” Saydie asked after a long silence between us. 

Napatingin ako sa kanya at bigla kong naalala `yong ginawa niya kanina. Hindi ko alam kung sira-ulo itong si Saydie o sadyang iba lang talaga ang pananaw sa buhay ng mga Grim Reapers. Suntukin ba naman niya si Clarice? At bakit daw hindi ko pinatay noon? Jeez! But I liked what she did earlier. Medyo sumobra nga lang siya, pero  parang gumaan `yong loob ko.
 
“What are you looking at?” She asked.

Parang nagising ako sa panaginip nang magsalita siya. Hindi ko namalayang nakatitig pala ako sa kanya at parang nakangiti pa yata. 

“N-nothing,” nauutal kong sagot at napaatras. 

Natatakot talaga ako kapag seryoso siya. Baka ako naman ang sakalin niya o kaya ay dalhin niya ako uli sa mataas na lugar. 

Pero kapag natitigan pala si Saydie, doon makikita `yong ganda niya. Ang unique ng mga mata niyang itim na itim, at ang tangos ng ilong niya. Not to mention ang kutis niyang malaporselana at makinis. Pangit lang talaga ang makeup niyang gothic at ang getup niyang all-black. 

I wondered... Did Grim Reapers look like her? And come to think of it, bakit nga kaya may mga Grim Reapers at saan kaya sila galing? I guessed I’d ask her someday. Baka lalo ko siyang maintindihan at lalo kong maunawaan kung paano ko mapipigilan ang pagkamatay ko. 

“Van, wake up!” 

Naramdaman ko ang bigla niyang pagsampal sa akin; malakas at malutong. Napalingon ako sa kanya kasabay ng pagngiwi. Agad kong hinimas-himas ang kaliwang pisngi ko dahil sa hapdi.

“Aray! Putres naman! Bakit mo  `ko sinampal?!” 

“Akala ko wala ka sa sarili mo. I just woke you up,” katwiran niya. 

“Jeez!” Ano ba’ng problema ng babaeng ito? Ang bigat-bigat ng kamay. Parang puro karahasan lang ang alam.

“Are we just gonna sit here and wait for your death?” she asked.
 
“What? No! Jeez!” 

Tumayo ako at kinuha ang mga paper bag sa paanan ko. Bigla akong nakaramdam ng pagod. 

This day was indeed long. “Let’s go home and have dinner there. I’m tired.” 

Mabuti na lang at hindi umangal si Saydie. We got home and right after eating a bit, I rushed myself to bed, leaving her eating. Jeez! Puro pagkain na lang gusto niyang gawin. 





NAGISING ako dahil sa liwanag ng araw. Nakalimutan ko palang isara ang blinds kagabi. Namimigat pa ang mga mata ko at ang sarap pang humiga  kaya tumalikod ako sa bintana. Pero parang biglang saglit na tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makita kung sino ang katabi ko. Tuluyan na akong napamulat. 

“S-Saydie?” 

Naisip kong takpan agad ng kamay ko ang bibig ko dahil baka magising siya at magalit kapag  nakitang katabi niya ako. 

What the? Bakit katabi ko siyang matulog? May nangyari ba kagabi? 

Bahagya akong bumangon at  umiling-iling. 

No! For sure, wala. Hindi naman ako lasing, eh. Pero... natutulog pala ang mga Grim Reaper? O baka naman... 

Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Aling Hora na unti-unting magiging tao si Saydie. Hindi  kaya ang ibig sabihin niyon ay mas nagiging tao na siya kaya natutulog siya ngayon? 

Napatingin ako kay Saydie na mukhang mahimbing ang tulog. 

Posibleng gano’n na ang nangyayari. Ayos, `to! It will be easy to make this girl fall in love with me. Mabuti pang simulan ko nang gumawa ng move ngayon. 

Humiga uli ako paharap sa kanya nang nakatagilid. Siguradong kikiligin siya kapag nagising na malapit ang mukha ko sa mukha niya. Pinakiramdaman ko muna kung magigising siya, pero hindi. Ni hindi man lang gumalaw. Then I moved my face closer to hers to the point that I could feel the warm air that was coming from her nostrils on my lips. Paniguradong  magigising din siya kapag naramdaman ang paghinga ko. I shall close my eyes. 

Dahil di siya nagigising, naisip ko, kunwari ay tulog din ako at hindi alam na nakayakap na ako sa kanya. 

Dahan-dahan kong iniangat ang braso ko…ipapatong ko lang ito sa bewang niya. Hindi ko siya hahawakan, promise.

Teka bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Kinakabahan ba ako? On second thought, imbes na kiligin siya, baka parusahan niya ako. Napalunok ako at  dahan-dahang iniatras ang braso ko. 

Pero hindi ito ang oras para kabahan ako at magdalawang-isip. Tatlong araw na ang nawala sa natitira kong oras. Dapat magawan ko na agad ng paraan ang nalalapit kong kamatayan.
 
Agad kong ipinatong uli ang braso ko sa tagiliran niya. Natigilan ako nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa braso ko. Mukhang gising na siya. I should play it cool and make an eye contact. 

Dahan-dahan akong nagmulat. At kahit tumambad sa akin ang nanlalaki niyang kulay-itim na mga mata, nagawa ko siyang ngitian. 

“Good morning,” mahina kong sabi. 

Agad nawala ang ngiti ko nang maramdamang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Halos mabali iyon nang hatakin niya pataas at ihagis ako. Sa bilis ng pangyayari, naramdaman ko na lang na tumama ang likod ko sa matigas na bagay bago bumagsak uli sa kama. 

“Aargh! The frack?!” I said in pain as I bent my back and held it. 

“What happened? Why did I black out last night? Why are you touching me?” dinig kong tanong niya.  

Mukhang wala siyang kaalam-alam sa nangyari. Pagsulyap ko sa kanya, wala na siya sa kama at nakatayo na  sa tabi.

“Ow, ow, ow, oww... Aargh... Jeez! What’s your problem?” sabi ko habang sinusuntok nang mahina ang likod ko. Baka sakaling mawala ang sakit. Then I pushed up to try to get up from the bed. 

“Answer me, Van!” pautos niyang sabi. 

“I, uh... I don’t know,” kamot-ulo kong sagot. “Ako `yong unang natulog kagabi, hindi ba? `Tapos, pinabayaan  lang kitang kumain doon sa kusina. I don’t know how you ended up beside me.” 

“Yes, I do remember that. A couple of hours after I finished eating, my eyes felt heavy, as well as my body.  Wait... nakatulog ba ako? Iyon ba ang nangyari?” 

The way she said it sounded like it was the first time she slept. Mukhang hindi nga natutulog ang mga Grims  

“Yes. Nakatulog ka nga at iyon ang nangyari. Anong pakiramdam?” 

Nag-unat siya ng mga braso at bahagyang ngumiti. 

“Masarap. So that’s what it feels like,” dagdag pa niya  habang nakapikit. 

Gusto kong sabihin na masarap pala ang matulog para sa kanya, pero bakit niya ako kailangang ihagis sa kisame? Kaso baka maalala niyang niyakap ko siya at baka ihagis ako uli. 

Mukhang dapat tigil-tigilan ko muna  ang hawakan siya at idaan ko na lang muna sa mga linyahan ko. 

“But why were your arms in my hips and why was your face too close to mine earlier? What were you trying to do?” 

Jinx!

Napalunok ako at napakunot-noo. Seryoso ang tingin niya na parang isang cold-blooded killer. Kailangan kong magmaang-maangan. “W-what? What are you saying? I uh... Hindi ko rin alam k-kung bakit magkatabi tayo at napayakap ako sa `yo. P-pero minsan talaga gano’n ang mga tao. K-kapag tulog kami, hindi namin alam ang kilos ng katawan namin.” 

Lumapit ako sa kanya at hindi ko siya binigyan ng pagkakataong magsalita pa. “Ang mabuti pa, kumain na  tayo. Alam kong gusto mo uli ng pagkain,” sabi ko. Hinawakan ko siya sa balikat at dinala sa labas ng kuwarto  papunta sa dining area ng condo unit ko. “Gusto mo ba uli ng pizza for breakfast?” 

“Ayoko. Hindi ko gusto `yong kinain kong `yon kagabi. Let’s go for an ice cream.” 

“No! It’s too early for an ice cream. Masama sa kalusugan `yon kapag kumain ka sa umaga,” katwiran ko.

“I don’t care. I don’t need to take care of my health,” sagot niya at hinawi ang kamay ko sa balikat niya. “And  you don’t have to take care of your health. You’ll die in a few days.”
 
Jeez! She doesn’t have to remind me. Nakakatakot kaya. `Tapos galing pa sa kanya. 

Pagdating namin ng dining room, nakatiwangwang ang isang box ng pizza at wala nang laman. 

“Inubos mo  pala `yong pizza, eh. Sabi mo hindi mo nagustuhan?” 

Deretso lang ang tingin ni Saydie at hindi nagsalita. Bigla namang tumunog ang doorbell ng unit ko.

 “Sandali, may tao. Dito ka muna.” Pumunta ako sa pinto at sinilip sa peephole kung sino ang tao sa labas. Isang lalaking nakasumbrerong brown at brown din na polo shirt. Uniform ng mga staff dito sa condo. “Ano’ng kailangan  mo?” 

“Mr. Chua, mails po galing sa mailbox ng condo,” dinig kong sagot ng lalaki. 

Nawala sa isip ko na ngayong araw nga pala inaakyat ng staff ang mga sulat. Binuksan ko ang pinto at kinuha ang limang sobre. Isa-isa ko itong tiningnan habang naglalakad pabalik sa kusina. Para sa kuryente, tubig, invitation party mula sa life insurance company, invitation para sa Halloween party, at isang puting sobre na may pangalan ko pero walang nakalagay kung kanino galing. Inilapag ko sa mesa ang iba at maingat kong binuksan ang misteryosong sobre. 
 
“Ano `yan?” tanong ni Saydie. 

“Hindi ko nga alam, eh.” 

Pagbukas ko ng sobre, isang nakatuping papel ang laman nito na may mga kulay-pulang mantsa. Binuklat ko  ang papel. Kinuha sa ginupit-gupit na magazine ang mga letra at may mga pulang mantsa rin. Napakunot-noo ako at binasa ang nakasulat. 

VAN KYLE CHUA. YOU’LL PAY FOR WHAT YOU DID TO ME. I WILL SEE YOU SUFFER AND  GIVE YOU THE CRUELEST DEATH OF ALL. AND THEN YOU’LL SUFFER IN HELL. 

Naihagis ko ang papel sa takot. Nanlambot ang mga tuhod ko hanggang sa napaupo ako sa sahig. Nanginig ang mga labi ko at bumilis ang paghinga ko. “W-what t-the hell? K-kanino g-galing `yan?” 

Pinulot ni Saydie ang papel at tiningnan ito. “Vengeful spirit. Kumikilos na siya.”

“V-vengeful what? Ano’ng ibig mong sabihin? Sino’ng may gawa niyan?” natatakot kong tanong.

First time kong makatanggap ng death threat. Nakakapangilabot at naglabo-labo ang isip ko. 

“I gotta tell my master about this.” 

“M-master? S-sinong master? Ano’ng nangyayari, Saydie? Bakit ako may sulat na ganyan?”

Natataranta na ako. Iba ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong sabihin sa akin ni Saydie na mamamatay na ako. This one felt  more real than her Grim Reaper stuff. Hindi niya ako pinansin kaya inulit ko ang tanong. “Saydie! Anong vengeful spirit?”

Wait, maybe I’m jumping to conclusions on this one.  “Is this how I’m going to die? Someone will kill me?”

Umiling si Saydie. “You will die in your sleep.”

As soon as she shook her head— the terrifying feeling became heavier. Parang may pumatong sa katawan ko na sobrang bigat. Hindi ko tanggap na mamamatay na ko kaya nga gumagawa ako ng paraan ngayon. Pero itong death threat? Ibang usapan ‘to.

I stared at her while she was looking downward at me with her fierce dark eyes. What did she mean about vengeful spirits? And who the hell sent this letter to me? And were those dirt... blood? 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly