DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 8

☆

6/29/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

SAYDIE

ANG GAAN sa pakiramdam at para bang kusa na lang pumoporma sa isang ngiti ang mga labi ko dahil sa suot  ko. Hindi ko alam kung bakit parang di gusto ni Van ang ibinigay na damit sa ‘kin ng babaeng makulay ang buhok. I thought I looked like a Death Reaper with these clothes. I looked stronger and at my best. Stupid human, Van Kyle Chua, he didn’t know which was better. Black was really the best color. 

Speaking of that loser. He is taking too long. Lumubog na ang araw at medyo dumidilim na ang kalangitan. Gusto ko na ulit kumain ng ice cream. Ganito pala kapag tao ka, maraming bagay na masarap. 

Ilang saglit pa, lumabas si Van mula sa gusaling maraming damit. May bitbit siyang tatlong bag na makintab. Kulay-white iyon na tila gawa sa karton. 

“O, heto `yong mga damit mo. Dalhin mo ‘to,” sabi niya habang ibinibigay sa akin ang  tatlong bag.

Tiningnan ko lang siya at hindi kinuha ang tatlong bag. Who does he think he is? He can’t command me to do something for him. 

“Pumunta na tayo sa masarap na ice cream,” sabi ko at nagsimula nang maglakad ng mabilis. 

“Wait! Jeez! Kainis naman, o. Mukha tuloy akong chaperone,” dinig kong sabi niya nang makasabay sa akin sa paglalakad. “Can you walk slowly? May bitbit kaya ako.” 

Hindi ko alam kung ano ang tawag pero ayoko talaga ang mga reklamo niya. Pasalamat siya, maraming tao dito at hindi ko siya puwedeng basta bastang i-warp para turuan ng leksyon.

Hindi ko na lang siya papansinin hanggang sa makarating kami sa gusaling may ice cream. 

Habang naglalakad kami, napapatingin ako sa mga taong kumakain. Tila para sa kanila, ang pagkain ang pinakamasarap gawin. Ang iba naman, nakaupo lang at pinagmamasdan ang dagat. Bakit sila nagsasayang ng oras? Hindi nila alam baka mamaya o bukas patay na sila.

“Wow,” dinig kong bulong ni Van. Sinulyapan ko siya at nakitang diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. 

I looked at where he was staring at. Then I found two girls walking towards us. Their heads were up, shoulders were back, and with their chest in lead. Arms were swinging loosely back and forth while their hips swayed from side to side. My brow furrowed as I wondered why they walked like that. 
Nang makalapit sila, napansin kong makulay at kasing-iksi ng suot ko ang mga damit nila. Nakita ko rin ang ibang kalalakihan sa paligid na napatingin sa dalawang babae. Paglagpas nila, todo-lingon si Van sa kanila at napahinto pa. 

“Damn! Ang hot ng mga `yon, ah. Tsk! Sayang naman.”

The way he looked at those girls was completely different from how he had looked at me earlier when I was wearing my new clothes. The way his eyes lingered on them reminded me of how I look at ice cream. I glanced down at my outfit and compared myself to them. Honestly, I thought I looked better.

Wala dapat akong pakialam pero parang hindi ko matanggap na iba ang paraan ng pagtingin niya sa akin kumpara sa dalawang babaeng iyon. 

Pinabayaan ko si Van at naglakad muli ng mabilis. He could look at those girls and waste his limited time in this world. Stupid human. 

“Hey, my gothic baby, wait up!” 

Nakahabol siya sa akin at narinig ko siyang huminga nang malalim.

“Bagalan mo lang kasi malapit na tayo.  Iyon na `yon, o,” sabi niya habang itinuturo ang isang gusali na may nakasabit na bilog na simbolo ng tila isang babae na may korona at may nakapalibot na mga salitang SB Coffee. Pumasok kami sa loob ng gusali kung saan may mga taong umiinom at kumakain. Dinala ako ni Van sa isang malambot na upuan na may table sa harapan. 

“Sit down and wait here, my gothic baby. Kukuha ako ng frappe at cake. Sigurado akong magugustuhan mo  `yon,” nakangiti niyang sabi, saka pumunta sa mga taong nakapila. 

What does this loser mean about gothic baby? Kanina pa niya ako tinatawag na gano’n. Is he treating me like an infant? Mamaya pagbalik namin sa condo unit niya, ipapakita ko uli sa kanya kung sino ako at kung paano niya ako dapat tratuhin. 

I decided to look at the people around when suddenly... a circular motion of space appeared in a seat in front of me, and in three seconds... Master Reeve appeared. 

“Evening, Saydie.” 

“Master Reeve!” Naisip ko na baka nakita ng mga tao ang nangyari. Nilinga ko ang paligid at mukhang hindi naman nila napansin ang pagdating ni Master. 

“What are you doing here, Master? The people might see you.” 

“You're worried, but you don't sound like it. With that cold tone of yours, I'd say your emotionless nature is still intact. But you're starting to act more human than a Grim. You forgot—people can't see me unless I choose to use a forbidden artifact, like you did,” he replied with crossed arms while sitting in front of me. 

Napatingin ako kay Van na abala sa phone niya habang nakapila. “What about him, Master?”

“He’s a different story. I’m not sure if he can see me but I’ll disappear before he turns here.” 

Tumango ako at tumingin lang sa kanya habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

“Anyway, I came here to let you know that I can no longer see the vengeful spirit I've been chasing.”

“Anong ibig sabihin n’on, Master? Wala na bang nagtatangka sa kaluluwa ni Van?” 

"That only means one of two things—either the vengeful spirit has forgiven him, or it may have possessed a body to hide from Death Reapers like me, so it can carry out its revenge," he replied. "But I’ll still be around, just in case the enemy shows up."


“Thank you. Pero paano kita tutulungan, Master?”

“Just keep an eye on Van Kyle Chua. Stay by his side at all times. And if you suspect someone might be possessed by a vengeful spirit, one punch from you should be enough to drive it out.”

Tumango ako. “Understood, Master.” 

“And one more thing, Saydie. Ano ang pakiramdam na maging isang tao?”
 
Napakunot-noo ako. “It’s too early to answer that, Master.” Pero agad nawala iyon at nagkaroon ng bahagyang ngiti ang mga labi ko. “But the thing they call ice cream is really good. Masarap!” 

His lips formed a smug smile. “You’re making me curious, too. That’s all I have to say. Stay alert and don’t let your guard down. I’ll take my leave, Saydie. May the power of death be with you.” 

“As it was and ever shall be.”
 
Sa isang iglap, nag-warp paalis si Master Reeve. Makalipas ang isang minuto, bumalik si Van sa mesa namin. Inilapag niya ang isang basong may kulay-brown na likido, mayroon mga butil na itim doon at sa ibabaw ay may kulay-puti na parang ice cream. Nakatusok din sa baso ang tinatawag nilang straw na kulay-berde. Pagkatapos ay inilapag niya ang isang platito na may lamang kulay-dilaw at tila malambot na pagkain na hugis-tatsulok. Umupo siya sa tabi ko habang may hawak na kaparehong baso na inilapag niya sa harap ko. 

“Dito ako sa tabi mo kasi may darating akong kaibigan at gusto kong makilala ka niya. Okay lang ba?” 

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil nakatitig lang ako sa dalawang pagkain sa harap ko. 

“Curious ka na ba kung ano’ng lasa niyan? By the way, ang tawag diyan sa inumin ay java chip, isang uri ng frappe at ang kulay-yellow naman na `yon ay cheesecake,” sabi niya. “But before you can taste those, my gothic baby. You gotta learn how to eat properly.”

Napatingin ako sa kanya. “Why? Because people will judge me?” Agad ko ring ibinalik ang tingin sa pagkain. Para bang hinahatak nito ang dila ko para matikman na ang mga iyon. “Wala akong pakialam.” 

Hahawakan ko na sana ang inumin pero bigla niya akong hinawakan sa kamay.
 
“Bukod sa huhusgahan ka nila. They might find you weird for eating like someone who doesn’t know how to.  Malay natin baka malaman pa nilang Grim Reaper ka. Hindi natin alam baka may tao sa paligid na may alam sa mga Grim Reapers. I bet that’s something you don’t want everybody to know, right?” 

Tama siya. How could he know about that? Did he just deduce that? Do humans really know about Grim Reapers? 

Iniatras ko ang mga kamay ko at ipinatong sa mga hita. Hinintay ko na lamang ang kanyang sasabihin. “Good choice, my gothic baby.” 

Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya at parang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin.

“Call me gothic baby again and I’ll hang you on the edge of a cliff,” banta ko. 

Umatras ang mukha niya habang nanlalaki ang mga mata kasabay ng pag-awang ng bibig. 

“O-okay,” sabi niya  at huminga nang malalim. “Grabe ka naman. Mali ba kung mabighani ako agad sa ganda mo at tawagin kitang akin?”

What on dead’s foot is this loser talking about? Is he calling me his property? Tila umakyat ang dugo ko papunta sa ulo. Napakunot-noo ako. Kasabay niyon ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Sinubukan ko siyang sakalin  pero mabilis niya akong nahawakan sa pulso.
 
“Easy now! Akala ko ba gusto mo nang kumain? Tuturuan na kita.” 

Agad na gumaan ang pakiramdam ko nang banggitin niya ang pagkain. Kanina pa ako curious sa lasa ng mga iyon. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at muling bumaling sa pagkain. 

Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago hinawakan ang tinatawag na teaspoon na nasa platito. “To eat a cheesecake, you must use this and then do this,” sabi niya habang ginagamit ang teaspoon katulad ng paggamit ng mga sepulturero sa pala kapag naghuhukay ng lupa. 

Patagilid ang ginawa niyang paghukay at maliit na piraso lang ang kinuha. Pagkatapos, sinalok niya ito at inilapit sa kanyang bibig, saka kinain ang lahat ng pirasong kinuha niya.
 
Pinagmasdan ko ang nakatikom at gumagalaw niyang bibig. Sa tingin ko, kinakagat niya nang paulit-ulit `yong mga piraso sa loob ng bibig niya. Katulad iyon ng mga napapanood ko noon sa mga monitor ng Death Collectors Society. Now I think I get why the Death Lord put those monitors in the whole building— to motivate us to collect souls. He wanted us to see why it’s good to be alive. Para hindi kami magbura ng pangalan sa Death Book at para makahiling kami na mabuhay muli. 

Ibinalik ni Van ang teaspoon sa platito at kinuha naman ang inumin. 

“Then this is how to drink frappe.” `Tapos  ay bahagya niyang ipinasok ang dulo ng straw sa kanyang bibig, saka sinipsip ang inumin. “Hihigupin mo lang  `yong laman sa loob mula sa straw na parang humihigop ng hangin. Then paunti-unti lang kasi malamig ang drink na ito at puwede kang ma-brain freeze,” dagdag pa niya. “Got it?” 

I didn’t know what he meant about brain freeze, but this time I’d do what he said. Tumango ako at ginaya ang ginawa niyang pagkuha sa maliit na piraso ng cheesecake. Madali lang naman pala. Pero nang ipasok ko na sa loob ng bibig ko ang pagkain at malasahan na iyon ng aking dila, nanlaki ang mga mata ko at napapikit habang ninanamnam ang lasa. 

“I guess you don’t know what the different tastes are. Ang natitikman mo ngayon ay matamis. Katulad ng ice cream at nitong frappe. Matatamis na pagkain ang tawag sa mga `yon,” dinig kong sabi ni Van.

“Ang sarap ng pagkain na ito,” bulong ko matapos malunok ang piraso ng cheesecake. At dahil hinahanap hanap ko agad ang lasa, binitawan ko ang teaspoon at dinakma ang cheesecake. Agad ko itong kinagatan nang malaki. 

“Oy, Saydie! That’s not how— Jeez!” 

Hindi ko siya pinansin at kinuha ko ang inumin. Salit-salitan kong nilantakan ang pagkain at ininom ang masarap ding frappe. 

I heard him chuckle. “Nakakatuwa ka. Ang cute mo at wala kang pakialam sa iba. Masarap sigurong mamuhay nang ganyan.” 

Uminom ako ng frappe at sumagot. “Why don’t you try to be careless? You’ll die anyway.” 

Hindi siya sumagot kaya sinulyapan ko siya at nakitang natigilan siya. Bahagyang nakaawang pa ang bibig niya at nanlalaki uli ang mga mata. 

Ano kayang nangyari sa kanya? Bahala siya basta ako sarap na sarap sa cheesecake at frappe. 

Mabilis kong naubos ang cheesecake pero gusto ko pa. “Van, get me another cheesecake.”

“Grabe naman `to! Nalingat lang ako, `tapos ubos mo na agad `yong cheesecake?! At gusto mo pa ng  isa, ha?” sabi niya.

I furrowed my brows and stared at him. “May reklamo ka ba?”
 
“Wala! Jeez!” 

Tumayo siya at pupunta na sana kung saan niya kinuha ang pagkain kanina nang biglang... 

“Van! My man!” 

Dumating ang isang lalaking walang buhok sa ulo. Kasama niya ito noon sa bowling center.

“Hey, Kobe the monkey,” bati ni Van sa kanya. 

Monkey? Why is he calling that guy a monkey? 

“O, nasaan na `yong gothic girl mo?” kibit-balikat na tanong ng monkey. 

Tumingin sa akin si Van at napatingin din sa akin ang monkey. 

“Saydie, meet Kobe.”
 
Kobe pala ang pangalan niya. Bakit monkey ang tawag sa kanya? Humans are really weird and stupid. Tiningnan ko si Kobe. Nanlalaki ang mga mata niya at bahagyang napaawang ang bibig nang makita ako.  

“G-gothic girl nga. N-nice to meet you, Saydie. I’m Kobe.” 

Iniabot niya sa akin ang kamay niya pero hindi ko ito pinansin. Hindi ako naparito para makipagkilala. I want my cheesecake. 

“Van, hurry up and get my cheesecake,” utos ko. 

“Oo na! Heto na!” Umalis si Van sa tabi ko. 

“Wow! I can’t believe you just did that! Inutusan mo ang legendary Van Kyle Chua?” nakangiting sabi ni Kobe at umupo sa tapat ko. Ako naman, uminom ng frappe. “Saan kayo unang nagkita ni Van? I mean, paano ka niya  nakilala?” 

I can’t tell this guy why I’m with Van but I guess I have to answer some of his questions. 

“Sa kuwarto niya.” 

“S-sa kuwarto? Agad-agad?” gulat niyang tanong, saka sumandal sa upuan. “Siguro may kakaibang nakita at naranasan sa `yo si Van kaya parang tuta ang kaibigan ko sa `yo. Saka noong isang araw, nababaliw siya at nakikita ka raw niya sa paligid.” Umiling-iling siya habang nakangiti. “Tsk, tsk, tsk! Mukhang ikaw na yata ang magpapatino kay Van, ah. Tinamaan nang matindi si Chua boy.” 

Ano kaya’ng pinagsasasabi ng lalaking `to? Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaling ang tingin kay Van.  Atat na akong kumain uli. 

“Mukhang hindi ka pala talkative. Do you smoke?”
 
Napalingon ako sa kanya at may ipinakita siyang sigarilyo. Madalas kong nakikita `yon sa mga taong sinundo ko ang kaluluwa. It seemed that thing was killing them but they didn’t mind. Humans were really stupid. What do they get from that thing anyway? 

“No. But what do you get from using that?” 

“Well, uhm... you feel relaxed. And, uhm... some say they feel stronger and handsome. For me, it’s like a stress reliever. Saka natutulungan ako nito kapag tense ako. Masarap din ito pagkatapos mong kumain. You haven’t tried one? Nakapagtataka naman sa porma mo. Kadalasan ng kilala kong goth o metal head people malakas mag yosi,  eh,” sabi niya at iniabot sa akin ang sigarilyo. “Here, try it. Tuturuan kita. Sa labas nga lang tayo kasi bawal dito.” 

Kinuha ko iyon at tinitigan. Ano nga kaya’ng feeling ng gumagamit nito? 

Bigla nalang may humablot ng sigarilyo sa kamay ko at nang tingnan ko kung sino, si Van pala.

“This is not something you should try. This thing is dangerous and it’ll just ruin everything in your body, including your tastebuds.” Ipinatong niya sa mesa ang cheesecake. “Ito na lang. Mas masarap pa `to.” 

Then he turned to Kobe and threw the cigarette at him. “`Wag mo ngang idamay si Saydie sa mga kabahuan mo.”

“Chill the eff out, my man. Malay ko bang hindi siya nagyoyosi,” nakangiting sagot ni Kobe. “Hindi ka lang nauutusan, protective ka rin sa kanya. Mukhang iba itong si Saydie sa mga ipinakilala mo sa akin, ah.” 

Dinig ko ang pag-uusap nila pero hindi ko sila pinansin dahil nakatuon lang ako sa cheesecake. I was about to grab it when I heard a woman’s voice calling Van’s name. 

“Van Kyle Chua!” 

Lumapit sa amin ang isang babae na nakahalukipkip at nakataas ang kaliwang kilay. 

Nagulat si Van nang makita niya ang babae. “C-Clarice?”  

Napatayo pa siya.

“Kita mo nga naman. Dito ko pala makikita ang sinasabi nilang legendary playboy. Pero ang hindi nila alam...  isa pa lang basura,” mataray na sabi ng babae. 

“Y-You’re back?” sabi ni Van gulat pa rin ang itsura niya. Umiling siya at tila naging seryoso ang mukha niya. “I don’t know why you’re here but you better get lost.”

“Oh, wow... hindi ko pa nakita `tong babaeng ito, ah,” dinig kong bulong ni Kobe.
 
“Get lost? I haven’t gotten back at you simula no’ng ipinahiya mo ako sa bar. I’ll have my revenge now, Van Kyle.” 

“Don’t call me by that name!” nanduduro na sagot ni Van. “Bagay lang sa `yo `yong ginawa ko. Don’t you remember? You cheated on me. You did things on me. Napaka-pangit ng ugali mo.”

“Ako, pangit?” Tumingin sa akin ang babae at pinagtaasan ako ng kaliwang kilay. “Siya ba ang bago mo? Ano siya rockers? Emo? Emong-goloid? Satanista? Sino kaya ang ugly? Obvious naman na siya.” 

“Clarice! Shut up! You’re getting out of line. Mahilig man sa black si Saydie, kitang-kita naman na mas maganda siya sa `yo. Umalis ka nga dito! Gumagawa ka ng iskandalo,” sagot ni Van. 

Ano ba’ng pinag-aawayan ng dalawang `to? At teka... sinabi ba niyang maganda ako? Bakit niya sinabi iyon?  At bakit parang gustong ngumiti ng mga labi ko at nag-iinit ang mga pisngi ko? 

Napatingin ako sa babae. Iyong tingin niya kay Van, parang nagliliyab sa galit. Nanginginig pa ang kamay niya.

Biglang sinampal ng babae si Van. Malakas iyon dahil napalingon si Van at malutong ang tunog.

Bakit niya ginawa iyon? Hindi kaya nasa loob niya ang vengeful spirit? 

Agad akong tumayo at humarap sa babae. Kung vengeful spirit siya, lalabas siya sa katawan ng taong iyon kapag sinuntok ko. Hindi ako nagdalawang-isip at binigyan ko siya ng isang deretsong suntok sa mukha. Sapul siya at ilang saglit pa, dahan-dahang bumagsak ang tila naninigas niyang katawan. 

“Holy sh— Saydie! What have you done?!” sigaw ni Van. Napahawak siya sa kanyang ulo habang nanlalaki ang mga mata. 

“Whoa, whoa, whoa! What a nice straight!” dinig kong sabi ni Kobe. “Knockout agad!” Napalinga ako sa paligid at nakatingin na pala ang mga tao sa amin. Muli akong tumingin sa babae.

Walang lumabas na vengeful spirit. Mukhang nagkamali ako. 

“I thought she was an enemy,” sagot ko. Ang hina naman ng  babaeng iyon. It was just a flick.
 
“Oh, my... God!” sabi ni Van habang nakatingin sa babae at nakahawak pa rin sa ulo. “You shouldn’t have done that.” 

“Oy, Van. Nawalan yata `to ng malay,” sabi ni Kobe habang ginigising ang babae sa pamamagitan ng pagtapik-tapik ng mahina sa mukha nito. 

Biglang may humawak ng mahigpit sa kanang braso ko. Hatak-hatak na pala ako ni Van paalis doon. 

“Kobe, ikaw na ang bahala,” nagmamadaling sabi ni Van. 

“Hoy, Van! Teka saglit!” pagpigil ni Kobe sa ‘min.

Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko si Van na hawakan ako habang tumatakbo kami paalis. His hands were warm and I didn't hate it.

Hanggang sa tila isang kalahating kilometro na ang layo namin, saka lang niya ako binitawan. Napauklo siya at napahawak sa mga tuhod habang hingal na hingal. 

“Saan tayo pupunta?” I asked.

“Wala... kinailangan lang nating... makalayo doon dahil yari tayo,” hinihingal niyang sabi. Nang makabawi, tumayo siya nang tuwid. “Bakit mo ba kasi ginawa`yon?” 

“I thought she was an enemy.” 

“Enemy? Ano ba’ng pinagsasasabi mo? Tao iyon. Tao ba ang kalaban ninyo?” kunot-noo niyang tanong. I don’t think he’ll understand what I’m saying. Hindi ko na lang siya papansinin. 

“Jeez.” Umiling siya at pumunta sa isang mahabang upuan na nasa tapat ng dalampasigan.

Sumunod ako at tumabi sa kanya. “Sino ba`yon?”  

Bumuntong-hininga si Van habang deretso lang ang tingin. “That was Clarice. My first girlfriend.”

Para bang naramdaman ko ang bigat ng saloobin niya. Pero di ko naman alam ang dapat sabihin kaya’t hinayaan ko nalang siya.

After a while, he let out a long sigh. 

“Three years ago, nahuli ko siyang may kalandian na dalawang lalaki. Sa sobrang galit ko, ipinahiya ko siya sa bar na palagi naming pinupuntahan. Pinakita ko sa mga tao doon ang mga picture niya habang tulog—nakanganga, labas ang dila. I was furious. I wanted her to feel what I felt. But… believe it or not, I regret it. She flew to New York right after—and left me with nothing but a broken heart.”

“What does a broken heart feel like?” I asked.

“Masakit... masakit dito,” sagot niya at humawak sa dibdib. “Parang pinupunit at parang mahirap huminga.” 

“Gano’n ba? Bakit hindi mo siya pinatay kung sinaktan ka niya?”
 
“What?!” Napatingin siya sa akin, sabay atras. “Sira-ulo ka ba?! Siyempre, hindi! Masama kaya ang pumatay! Never pumasok sa isip ko ang pumatay kahit gaano ako kagalit sa isang tao.”
 
The way he said it seemed to be someone who was telling the truth—with conviction and without a single stutter. It seemed that he didn’t kill someone intentionally. But it could be an indirect murder that made him a  killer’s soul. However, it doesn’t matter…

He would still die soon.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly