DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 7

☆

6/29/2025

Comments

 

Grims do fall in love: till death do us part

VAN

MUKHANG effective ang mga pa-cute, pambobola, at pagpapa-guwapo ko sa kanya. Pumayag na siya sa request  ko. Mukhang madali lang ito. Ngayon mas kampante na akong matatakasan ko ang kamatayan. Kaso... hindi ko  talaga siya type kaya baka hindi maging natural ang mga da-moves ko. I couldn’t say if she was pretty or ugly. She had her own style pero hindi pasok sa panlasa ko. Gothic-looking and all-black. Jeez! Give me a break. 

Naglalakad kaming dalawa sa labas habang naghahanap ako ng makakainan na sa tingin ko, magugustuhan niya. Buti na-gets niya kaagad ang paliwanag ko na di siya pwedeng mag-teleport basta-basta. Sinusulyapan ko siya, pero diretso lang ang tingin niya na akala mo isa siyang robot. Iyong mga taong napapatingin sa amin siguro iniisip na ang weird nitong kasama ko. Kasi may narinig pa akong nagbulungan na malayo pa raw ang Halloween, may naka-costume na. Dyahe! Hindi ko na lang muna iisipin ang ibang tao. Ito lang ang pag-asa ko para mabuhay kaya dapat tuloy-tuloy ang mga galawan ko.

Habang naglalakad, naisip kong hawakan ang kamay niya para holding hands while walking. Hinigpitan ko ang pagkakahawak para siguradong maramdaman niya. Pero pagkatapos ng limang hakbang, bigla siyang huminto kaya huminto rin ako. Bumitiw siya mula sa pagkakahawak ko at bigla akong sinakal. Itinulak niya ako hanggang sa lumapat ang likod ko sa isang matigas na bagay. Unti-unti kong naramdaman na hindi na nakatapak sa lupa ang mga paa ko. Unti-unti akong nauubusan ng hangin kaya sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero sadyang  mas malakas siya. 

“You are not allowed to touch me, Van Kyle Chua,” malamig niyang sabi . 

“Ok— ke— ke— kay.” 

Binitawan niya ako at agad akong napahawak sa leeg ko habang habol ang hininga. Jeez! 

What is her problem? Hinawakan ko lang naman ang kamay niya, eh. Akala ko wala siyang emosyon? Bakit parang nagalit yata siya? Pambihira! 

“Ikaw naman! Wala namang masama sa naghahawak-kamay habang naglalakad, eh. Saka, `wag mo nga akong  tawagin sa full name ko. You can call me Van or Kyle. Basta `wag ‘Van Kyle’ or ‘Van Kyle Chua.’ Ako ang  nahihirapan sa `yo, eh,” sabi ko habang sapo pa rin ang leeg. 

Napansin kong nawala ako sa pagiging sweet kaya muli akong nakaisip na bumanat. “Or puwede rin namang...” Bahagya kong inilapit ang mukha ko sa kanya at ngumiti. “...baby ang itawag mo sa akin.” Kinindatan ko pa siya. 

“Why would I call you baby? You’re not an infant.” 

Anak ng—Basag ako doon, ah! 

“O-okay fine. Just call me Van.” 

Hindi siya sumagot at parang may nakapukaw ng atensyon niya na sinundan pa niya ng tingin. Nang tingnan ko iyon, may dalawang babaeng naglalakad habang kumakain ng ice cream. 

“Ano `yong kinakain nila?” 

“Ah `yon ba? Ice cream ang tawag doon,” sagot ko habang inaayos ang T-shirt ko. 

Sinundan niya `yong dalawang babae. Naisip ko agad na baka agawin niya `yong ice cream kaya agad ko siyang hinabol at hinawakan sa braso para pigilan.

“Wait a second, my gothic baby. That’s not how humans get food,” malambing kong sabi . 

Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya kaya agad akong bumitiw. “S-sorry. K-kung gusto  mo ng ice cream, halika at bibilhan kita.” 

Dinala ko siya sa isang malapit na ice cream shop at binilhan ng ice cream. Pati ang ice cream na napili niya kulay-itim. Ano kayang lasa no’n? 

Tinitigan muna niya ang ice cream at nakita kong bahagyang ngumiti ang kanyang mga labi. Mukhang tama nga si Aling Hora—nagkakaroon na siya ng emosyon. I have to keep this up. 

“Ang cute mo pala kapag ngumingiti,” banat ko. Pero hindi niya ako pinansin at tumitig lang sa ice cream. I  cleared my throat and segued. “Tikman mo na `yang ice cream. Masarap `yan, promise.” 

Dahan-dahan niyang inilapit ang ice cream sa bibig at bahagya siyang ngumanga hanggang sa dumampi ito sa mga labi niya. Nanlaki ang mga mata niya na parang nagulat sa lasa. 

Nasarapan kaya siya? Napansin ko na nabahiran ng ice cream ang gilid ng mga labi niya kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para punasan siya ng  tissue. “Ang cute mo talaga, gothic baby. Kita mo nadumihan ka tuloy.” 

“Ang... ang ganda ng lasa.”
 
What the heck? Hindi ba niya alam ang salitang masarap? Natawa ako at itinama siya. 

“I think what you mean is masarap. Anything that feels good and tastes good is masarap.” 

Ewan ko kung iniintindi niya ang mga sinasabi ko but the next thing she did was to eat the ice cream the same way but faster. “Hey, dahan-dahan lang. Tutulo ‘yan sa damit mo.” 

Hindi nga niya pinapansin ang mga sinasabi  ko dahil mabilis pa rin ang pagkain niya at natapon na ang ibang ice cream sa damit niya. Ano ba ‘to? Para siyang toddler.

Hindi ko na siya pinakialaman at hinintay na lang na maubos niya ang ice cream. Nang maubos iyon, kulay itim na ang paligid ng bibig niya. Hindi man halata ang mantsa sa damit niya dahil itim din iyon, makikitang basa pa rin iyon ng bahagya kung susuriing mabuti.

“Hays! Anong klase kang nilalang? Hindi ka nga nagbibiro nang sabihin mong hindi ka pa nakakatikim ng pagkain. Hindi ka marunong kumain, eh,” sabi ko. 

Nakakainis mukhang hindi ko lang dapat paibigin ang Grim Reaper na `to, kailangan ko rin maging yaya niya. Kung hindi lang buhay ko ang nakataya dito.

“But it’s not your fault. I should have taught you how to eat,” sabi ko pa.
 
Pupunasan ko sana ng tissue ang bibig niya nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Napalunok ako nang tingnan niya ako nang seryoso. 

“Van... bilhan mo pa ako ng ice cream.” 

What the— Gano’n ba kasarap ang ice cream na `yon o sadyang dahil iyon ang una niyang natikman? 

“I will but you have to listen to me first. I mean look at yourself. Ang dumi mo na. Let me clean you up, okay?”  

Jeez! I can’t believe I’m doing this, being caring to someone I don’t like. 

Binitawan niya ang braso ko at hinayaan akong punasan ang bibig niya.
 
“Siguro kayong mga Grims, hindi nadudumihan. Kaming mga tao nadudumihan kaya dapat malinis ka palagi  para hindi ka husgahan ng mga tao.” 

“Well, you shouldn’t judge one another. The Death Lord will be the one to judge your miserable souls,” sabad niya.  

I didn’t know exactly what she meant by that but I didn’t care. Hindi ba siya nakakaramdam ng kilig sa ginagawa ko? Iyong mga ex ko nga, halos himatayin na kapag ginaganito ko. 

Pagkatapos kong linisan ang paligid ng kanyang bibig, napansin kong hindi nawala ang lipstick niya o kung ano mang makeup iyon. Ibang klase, so `pag Grim ka, may permanent makeup ka? 

“Are you done? Go get me an ice cream again,” utos niya. 

Napakamot ako sa ulo. Kapag binilhan ko siya ng ice cream, magkakalat na naman siya. And I’m not her maid for crying out loud. Pero may bigla akong naisip. Since nadumihan ang damit niya, ibibili ko siya ng damit,  `tapos kapag nagpalit siya, kunwari magagandahan ako sa kanya. 

Flattery always worked with women. “I will.  Pero alam mo bang may masarap pa na ice cream bukod diyan sa binili natin? Promise, doble o triple ang sarap.” 

“Good. Take me there,” sabi niya at nagsimula nang lumakad. 

Agad ko siyang hinarang. “W-wait! Hindi muna tayo pupunta do’n. Your clothes are still dirty. We have to change them, then after... ice cream again, deal?” 

She smirked. “Okay. Bilisan mo. Baka magbago ang isip ko at itali uli kita sa condo unit mo.” 

Napalunok ako. Grabe nakakatakot talaga siya. Pero tingnan na lang natin kapag na-in love na siya sa akin. 




DINALA ko siya sa isang mamahaling clothing shop at naghanap agad ako ng magagandang damit. Dapat `yong uso at classy. At higit sa lahat, hindi na itim. Para naman kahit paano, ganahan akong ligawan siya kahit hindi totoo. 

I browsed at a huge selection of women’s dresses and I picked up some tank dresses, slit dresses, and off-shoulder dresses. I chose those slim fit ones with 3-4 inches above the knee length. Colors were light blue, white, and satin red. 

“Heto sakto! Bagay sa `yo ang mga `to,” sabi ko habang inilalapat sa kanya ang mga dress na napili ko. 

Hindi niya ako pinansin at panay lang ang linga niya sa paligid. Naiinis ako! Hindi ako sanay na hindi pinapansin ng babae.  Ano nga ba uli ang pangalan ng babaeng `to? 

“Hey, Saydie!” 

`Buti naalala ko bigla. Nakuha ko naman ang atensiyon niya pero pagtingin sa akin ng mga  mata niyang parang kasing itim ng kadiliman, agad umurong ang tapang ko at napalitan ng takot. Pinilit kong ngumisi at magpakabait. 

“I mean my gothic baby. Heto, o. Mga napili kong damit para sa `yo. I’m pretty sure you’ll be  prettier in these dresses.” 

“Grims always wear black. Give me black clothes instead,” malamig niyang sabi. 

Napakamot ako sa ulo. Kailangan ko siyang pilitin na ibahin ang style ng kasuotan niya kung hindi lagi kaming pagtitinginan. “Well hindi ka naman Grim Reaper ngayon kaya dapat ganito ang isuot mo. Kulay ng buhay hindi ng patay.” 

Magsasalita pa sana ako nang biglang may babaeng lumapit sa amin. 

“How can I help you, my dear customers?” 

Isang babaeng may suot na eleganteng women’s blazer and gray pants. Mukhang siya ang manager at may alam sa fashion— base sa ayos ng buhok niyang parang rainbow ang kulay. Baka matulungan niya akong makumbinsi itong si Saydie. 

“Hello. Can you help me out with her? Gusto ko sanang maging classy siyang tingnan with bright colors para lalo siyang gumanda.”

“Oh... No, no, no, no, no!” sagot ng babae at malambot pang iwinasiwas ang kanang hintuturo. “I think you’re mistaken, Sir. She’s beautiful already in her own style.” 

Bumaling siya kay Saydie at maarteng hinawakan ito sa kanang balikat na para bang stuck na nakaderetso ang ibang mga daliri niya. “Pretty girl. My name is Fascia and I’m gonna help you choose the right clothes using your own style, deal?” 

Tumango si Saydie at bumaling naman sa akin si Ms. Fascia. “Sir, ako na ang bahala sa kanya. You may sit on our couches, sa may waiting area.” 

Hindi na ako nakaangal dahil hinawakan na ni Ms. Fascia sa magkabilang balikat si Saydie at naglakad sila palayo sa akin. 

“What’s your name, pretty girl?”

“Saydie.” 

“Oh, what a beautiful name! Bagay sa style mo. Saka ang ganda ng makeup mo, ah. Ang galing ng pagkakagawa. Don’t worry wala akong babaguhin sa style mo sa pananamit. Ia-upgrade lang kita.” 

Iyon ang huling pag-uusap na narinig ko mula sa kanila bago sila pumasok sa isang kuwarto.

Kainis! This wasn’t my plan. Now what? Waiting game? Ayoko pa naman ng naghihintay. 

Wala akong nagawa kundi umupo sa malambot nilang leather couch at mag-browse sa social media. While browsing, I stumbled upon the news about two women who were missing and found dead. Hindi ko alam kung bakit na-curious ako kaya binuksan ko ang article at binasa. 

Nanlaki ang mga mata ko, sinabayan pa ng pagtindig ng balahibo. Ang sabi sa article ang sinasabi ay ang dalawang ex-girlfriend ko na sina Paula at Marsha. Sa isang lumang bahay sila natagpuang patay. Parehong may laslas sa pulso. Inaalam pa ng mga pulis kung pinatay ba sila o nagpakamatay. 

Nakapagtataka naman. Bakit magkasama sila? Hindi naman magkakilala `yong dalawang iyon. 

Umalis ako sa article pero laman ng news feed  ng social media accounts ko ang nangyari sa kanila dahil artista si Paula. Sino kaya ang gumawa sa kanila no’n?  While scrolling down on my phone, I received a call from Kobe. 

“My man, Van! What’s up, bro?” Agad niyang sabi sa kabilang linya pag-accept ko ng call. 

“Hey,” malamig kong sagot. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya dahil hindi siya naniniwala sa akin. 

“Kumusta, bro? Okay ka na ba? No more gothic ghost hallucination?” Narinig ko siyang tumawa nang marahan matapos magtanong. 

Parang umakyat ang dugo ko sa ulo dahil nayabangan ako sa kanya. Akala niya siguro baliw ako. Pwes, I’ll  show him the truth. “You still don’t believe me, huh? Meet me at SB Café dito sa seaside. I’ll bring her with me.”

“Okay, bro. Magsasama na ako ng doktor mamaya para patingnan ka na rin,” sagot niya, saka humalakhak sa kabilang linya. 

Hinung-up-an ko siya ng call at itinago na ang phone ko. I looked around and saw the different kinds of clothes hanging and displayed. Kaunti lang ang mga taong namimili. Boring kaya kinuha ko uli ang phone ko at muling nag-browse  sa social media. I really hate the waiting game. 

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaharap sa phone ko dahil nalibang din akong manood ng movie trailers. Pero bigla akong tinawag ni Ms. Fascia at nakita siyang palapit sa akin. 

“Sir! Ready na si Miss Saydie. Ready ka na bang makita siya?” 

I formed a smug smile on my lips and stood up. “Yeah, sure.” 

Well sana lang may improvement. 

Tumalikod si Ms. Fascia sa akin at humarap sa dalawang sales lady na nasa malapit. Magarbo siyang pumalakpak nang tatlong beses. 

“Girls! Ilabas ninyo na si Pretty Girl!” 

Binuksan ng isa sa mga saleslady ang pintong pinasukan nila kanina at dahan-dahang lumabas si Saydie mula roon. 

Bahagya akong napanganga nang makita siya. “What... the...”  

Ganoon pa rin ang hitsura ng mukha at ayos ng buhok niya. Pero ang kasuotan niya... all-black pa rin na hindi ko maintindihan. Medyo see-through na long-sleeved, kita ang lace bra sa loob, may parang utility belt, at may silver thin chain na nakakabit sa choker papunta sa belt. But those legs were really an eye catcher. Kitang-kita ang kinis at puti niya dahil sa itim na denim short shorts at itim na ladies boots. Pero hindi ko talaga type ang style  niya. Weird and creepy. 

“O, ‘di ba? Ano, Sir? Mas nagandahan ka ba kay Miss Saydie?” tanong ni Ms. Fascia. 

Napakunot-noo ako sa inis at bumaling sa kanya. “What on earth did you give her? Anong maganda diyan?  Parang a-attend ng metal rock concert `yang kasama ko, eh! O hindi kaya ay sasamba sa satanic cult!”

Ikiniling ni Ms. Fascia ang ulo niya sabay kumpas ng kamay sa hangin na may kasamang pagpitik. “Eeeexxcuse me, Sir! Ang tawag diyan ay fashion. Fashion means wearing what you want, not what others want. Nagustuhan ni Miss Saydie `yan at `yan ang style niya.” 

Napatingin ako kay Saydie. Wala namang expression ang mukha niya. 

Okay, fine. She’s still not my type. But damn, she owned it.

Lumapit si Saydie sa ‘kin. 

“We’re done here.  Let’s go for ice cream.” Naglakad na siya papunta sa pintuan ng shop.
 
“O-okay. Hintayin mo lang ako diyan sa labas. Babayaran ko lang ang damit mo.” 

Jeez. Hindi ko talaga gusto `yong style niya. Mas nararamdaman ko tuloy na mamamatay na ako dahil may kasama akong laging nakaitim. Kumbaga buhay pa nga, may lamay na.

Binayaran ko ang damit na suot niya kasama ang iba pang mga damit na napili raw ni Saydie ayon kay Ms. Fascia.  Well, at least may pamalit siya pero noong silipin ko... lahat kulay-itim. Kaunti na lang purgang-purga na talaga ako sa black. 

Bago ako makalabas ng shop, dalawang babae ang pumasok. I don’t know them but they reminded me of what I just read earlier. Paula and Marsha—my exes—what happened to them? 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly