DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 6

☆

6/29/2025

Comments

 

Grims do fall in love: till death do us part

SAYDIE

INIWAN ko muna si Van Kyle Chua sa kanyang condo matapos kong sabihin ang lahat ng dapat niyang malaman tungkol sa akin at sa napipinto niyang kamatayan. Hindi ko maalis sa aking isipan ang nakita kong vengeful spirit sa sasakyang muntik nang makabangga sa kanya kagabi. Si Van Kyle Chua kaya ang target nito? Kung oo, puwede akong mabigo sa challenge ng Death Lord dahil gagawin ng vengeful spirit ang lahat para patayin ang binabantayan kong kaluluwa. I had to ask Master Reeve. 

Sinubukan kong mag-warp papunta sa Death Collector Society pero imbes na mapunta doon, napunta ako sa  rooftop ng condo. Nakalimutan kong tao nga pala ako ngayon at hindi ako pwede sa kampo namin. 

Pumikit ako at tinawag si Master Reeve sa pamamagitan ng pagbigkas ng pangalan niya nang paulit-ulit sa aking isipan. 

“Saydie. I can’t talk and come right now. I’m—”

Biglang naputol ang boses ni Master Reeve sa isipan ko. Maybe he was on his mission right now. Pero parang nahihirapan siya. Kailangan ko siyang tulungan.

Sinubukan ko siyang pakiramdaman. My abilities can’t pinpoint where exactly he is but I can feel that he’s somewhere near.

Nilibot ko ang buong siyudad sa pamamagitan ng paulit-ulit na pag-warp, baka sakaling nasa paligid si Master Reeve. Ilang minuto din ang lumipas nang bigla akong makarinig ng mga kalabog sa malapit na lumang warehouse. Agad akong nag-warp sa loob niyon at nakita si Master Reeve na nakikipaglaban sa tatlong vengeful spirits. Pinapalibutan siya ng tatlo kaya inilabas ko ang aking Death Scythe at nag-warp sa tabi niya. 

“Need some help?” 

“You are not allowed. But I’ll let it slip this time,” sagot ni Master Reeve habang nakaporma ng kanyang sword fighting stance.
 
This was the first time I was going to use my weapon in battle. Fortunately, all senior Grim Reapers had been trained for this. It seemed this was the reason why.

Inobserbahan ko ang mga kalaban. Ang kanang kamay nila ay kasinlaki ng upper body ng isang tao at may matulis na mga kuko. Habang ang dalawang vengeful spirit ay bungo ang mukha na puro dugo. Ang isa ay parang isang babaeng may mahabang buhok at lumuluha ng dugo. Mas malaki siya nang bahagya kumpara sa dalawa niyang kasama. 

“Careful, Saydie. They can’t kill us but they can knock us down long enough to fulfill their vengeance,” sabi ni Master Reeve bago inatake ang kalaban na nasa harap niya.
  
Inatake naman ako ng vengeful spirit gamit ang mga claws niya pero paatras akong nakailag. The spirit  followed me with consecutive attacks. Hindi ko magamit ang weapon ko para mag-counterattack dahil sa distansiya. Napakalapit niya at masyadong mahaba ang sandata ko. 

So I dodged and dodged until I was able to  jump up high away from it. 

Sinundan ako ng vengeful spirit sa ere. Dahil may sapat na akong distansiya mula sa kanya, nagawa kong mabilis na ipaikot ang sandata ko sa harap kaya nabale-wala ang atake ng kalaban ko. Nang tumama ang claws niya sa pinaiikot kong Death Scythe—tumalsik siya pababa. Bumagsak siya sa sahig kaya bumaba na rin ako. Ibinuwelo ko ang talim ng aking sandata at sinugod ang kalaban. Nang matantiya na abot na siya ng sandata ko, mabilis ko itong inihampas sa kanya.  

Nagliyab ang vengeful spirit nang tamaan ko siya, saka naglaho. Bumaling ako kay Master Reeve at nakita kong pinagtutulungan siya ng dalawang vengeful spirits. Ibinuwelo ko sa likod ang patalim ng Death Scythe at sinugod ang kalaban na babaeng vengeful spirit. 

Nakailag siya sa atake ko at lumipad sa ere.  Naramdaman ko ang nagbabadyang pagtakas ng vengeful spirit dahil tumalikod ito. 

“Master Reeve, tumatakas ang isang `yon.” Nag-warp ako sa puwesto ng babaeng kalaban at ibinuwelo ang aking sandata. 

“Saydie, don’t!” 

Inihampas ko ang aking Death Scythe sa kalaban pero bigla itong nawala. Sa isang iglap, nakaramdam ako ng  matutulis na bagay na humiwa sa likod ko. Tumalsik ako at bumagsak sa sahig. 

“Saydie!” 

Bumigat ang mga mata ko at  nanghina ang katawan ko hanggang sa bigla na lang nagdilim ang lahat. 




BIGLA na lang bumalik ang diwa ko. Pagmulat ko ng mga mata, nakita ko ang asul na kalangitan. Bumangon ako mula sa matigas na sahig at nakita si Master Reeve na pinagmamasdan lang ang paligid mula dito sa rooftop ng isang building. 

“Master Reeve. What happened?” 

“You were knocked down, Saydie. Since you’re in human form, you had wounds and I had to treat them.” 

“I’m sorry, Master Reeve. I moved without thinking,” sabi ko, saka tuluyang tumayo.

Humarap sa akin si Master Reeve at ngumiti nang bahagya. “All is well, my apprentice.” 

“Nakatakas ba ang mga kalaban?” 

Naglakad siya palapit sa akin at inangat ang hintuturo. “Just one. The one that looks like a female. The one I  was after. I managed to kill the other one.” 

“Where are we?” Luminga ako sa paligid na pamilyar sa akin. “Nasa rooftop ba tayo ng condo kung saan naroon si Van Kyle Chua?” 

Tumango si Master Reeve. Naglakad siya at nilampasan ako. 

“Sa tingin ko, ang vengeful spirit na hinahabol ko ay target ang binabantayan mong soul.” 

“I thought so, too, Master Reeve. Kaya hinanap kita para sabihin sana iyon. Nakita ko ito noon na gumamit ng taong nagmamaneho ng sasakyan para sagasaan si Van Kyle Chua. But I was able to save him.” 

“Is that why you used the crystal cube I gave you and why you're in human form now?”

Tumango ako. “Gaano nga pala katagal ang epekto nito?”
 
Muling humarap sa akin si Master Reeve. “I'm not entirely sure. But the previous owner of that cube managed to hide from me for a month—until I used my weapon to strike him down. As I said, you can choose to deactivate its power whenever you want. Why? Ayaw mo na bang maging half Grim Reaper-half human?” 

“Hindi sa gano’n. Pero mukhang magagamit ko pala ang kapangyarihan nito hanggang sa matupad ko ang challenge sa akin. Lumabas na kasi ang challenge sa akin ng Death Lord at itong pagiging tao ko ngayon ang sa tingin kong makakatulong sa akin. Pero inaalala ko ang vengeful spirit na gustong umatake sa kanya.” 

“Worried, huh? Hmm... Ako na ang bahala sa vengeful spirit. Magbabantay ako sa inyo dahil alam kong lalabas siya kapag may pagkakataon na siyang maghiganti sa soul na binabantayan mo. Focus on your challenge.” 

“Yes, Master Reeve.” 

Tumalikod siya sa akin at naglakad ng tatlong hakbang bago lumingon. “Another thing, Saydie. Siguro napapansin mo na... pero habang tao ka, unti-unti ka nang magkakaroon ng emosyon at pakiramdam. The longer you remain in human form, the more you'll start to feel like one. Be careful not to pity the soul you're about to take.”

Kaya pala. Iyon ang dahilan kung bakit may mga kakaiba na akong nararamdaman.

“Understood. Babalik na ako. Thanks for healing me. May the power of death be with you.” 

“As it was and ever shall be,” sagot ni Master Reeve.

I warped inside Van Kyle Chua's condo unit only to find out that he wasn’t home.

Naramdaman kong tila umakyat ang dugo sa aking ulo at parang uminit ito. 

That loser, he did not listen to me. He may be thinking that he could escape, but no. As his Grim Reaper, I could find wherever he was. 

Sa pamamagitan ng pangalan niya sa Death Book, lumabas ang larawan sa isip ko kung nasaan siya. Muli akong nag-warp at napunta sa isang tuyong ilog. May kulay-itim na bahay doon na gawa sa yero. Bumukas ang pinto ng bahay at lumabas mula doon si Van Kyle Chua.  

Dapat ko siyang parusahan para madala. 

“Ikaw pala...” sabi niya at biglang lumapit sa akin nang walang bahid ng takot sa mukha. Then he wrapped his arms around me and pulled me to his body. “...na-miss kita.” 

Naramdaman ko ang bahagyang pag-iinit ng mga pisngi ko. Tila bahagyang gumaan ang pakiramdam ko.  

Anong klaseng pakiramdam ito? And why is this guy touching me? 

“Sorry umalis ako. Hinanap kasi kita, eh,” sabi pa niya. 

That warmth again. Was this… embarrassment? No. Impossible. Grims don’t feel. But why is my chest... lighter?

Biglang pumasok sa isipan ko ang mga sinabi ni Master Reeve.
Pero bakit naman niya ako hahanapin? This guy needs to remember his place. I think he’s forgotten who I really am. 

Kinuha ko ang pagkakataong nakayakap siya sa akin at nag-warp kami pabalik sa condo unit. Umatras ako palayo at itinapat sa kanya ang palad ko. Pinalitaw ko mula sa kawalan ang Shackles of Death—a pitch black rope. Grims used this to restrain souls. Gamit ang isip, nagawa ko iyong ipulupot sa katawan niya na para bang ito ay may sariling buhay.  

“What the—” Naputol niyang sabi.

Pinalutang ko siya sa ere para mahirapan siyang magpumiglas sa lubid. 

“Pakawalan mo ako!” 

Tuluyang napulupot sa buo niyang katawan hanggang sa bibig ang lubid. Nagpupumiglas siya at tila may sinasabi pero ang naririnig ko lang ay ang mahinang tunog ng kanyang pag-ungol. 
Itinutok ko sa kisame ang aking palad kaya napunta siya doon na parang nakadikit. 

Suddenly, it felt good na para bang kusang gumalaw ang mga labi ko at… napangiti ako. “I should have done this earlier. I think I’m going to put you there until the day of your death comes.” 






HOURS passed and afternoon came. Gumagawa ng ingay si Van Kyle Chua dahil nagpupumiglas siya nang nagpupumiglas. Itinapat ko sa kanya ang kanang palad ko para luwagan ang gapos sa kanyang bibig at malaman ko kung ano ang gusto niyang sabihin. 

“Oh damn it, you gothic girl Grim Reaper! Sira-ulo ka ba?! Tao pa rin ako at kailangan kong uminom ng tubig, kumain, at magbanyo! Hindi ka ba nakakaramdam ng gutom, uhaw, at call of nature?! Muntik na akong mamatay nang maaga sa ginawa mo!”

Tama siya. Hindi ko naisip na puwede nga pala niyang ikamatay ang ginagawa ko sa kanya. Pinaglaho ko ang lubid ni Kamatayan kaya’t bumagsak siya sa sahig. 

“Aray! Anak ng—!” 

Anong problema ng isang ito? Bumagsak lang naman siya sa sahig. 

Umupo ako habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nang makatayo, nagmamadali siyang pumasok sa banyo. 

“Don’t try to escape, Van Kyle Chua. Or I will  give you the worst punishment.” 

“Oo na, oo na! Masyado ka namang clingy. Nandito lang naman ako kasama mo,” sagot niya.

Clingy? What is this loser even talking about?
 
Ilang saglit pa, lumabas siya ng banyo at nag-unat ng katawan.
 
“Go drink and eat. Ibabalik na kita sa pagkakagapos mo,” sabi ko. 

He sat to my right and rested his chin on both of his hands. He smiled at me and suddenly touched my chin. 

What was he doing? 

“Wait lang naman, my gothic baby. Hindi ba mas maganda `yong ganito na hindi tayo nagtatalo? Hindi naman  ako aalis dito sa tabi mo, eh. Tanggap ko na kasi na mamamatay na ako. Wala na rin naman ako magagawa, di ba? Saka base sa ginagawa mong pagbabantay sa akin, mukhang importante na makuha mo talaga ang soul ko kaya… makikipagtulungan na ako sa `yo.” 

Tiningnan ko ang mukha niya. Hindi na siya tulad ng dati na natatakot at natataranta. Nakangiti na siya na para bang handa na talaga. Siguro nga tanggap na niya. 

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at parang may kaunting kuryente akong naramdaman.
 
“Pero may hiling sana ako. Gusto ko kasing lubos-lubusin na ang mga natitira kong oras dito sa mundo. Gusto  ko sanang samahan mo akong lumabas at sumubok ng mga bagay-bagay. Promise, masaya ito, lalo na dahil kasama mo ko.”
 
Tiningnan ko ang kanang kamay niyang nakapatong sa kaliwang kamay ko, saka tiningnan ang mukha niya. Bigla niyang iniatras ang kamay at nanatiling nakangiti sa akin. 

“Sorry napahawak ako sa kamay mo. Kanina ko pa kasi nakikita, eh. It looks very soft and smooth kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. By the way, if I recall it right from the day you saved me, people were staring at us. Does that mean they can see you now, too?”
 
I nodded. What is this guy doing? His presence and way of talking to me suddenly changed. 

“I had to be in human form to save your soul for the meantime,” sagot ko. 

“Oh, I see… So ibig mong sabihin tao ka na?”
 
Tumango ako. 

“Perfect! Have you tasted human food before?”
 
Umiling ako. “We never had to. And we couldn’t.” 

Isa sa mga tanong ko noong bagong Grim Reaper pa lang ako at nanonood sa monitor ng pamumuhay ng tao— ay ang pakiramdam at lasa ng pagkain. 

“Alam mo, kung pagbibigyan mo ako sa hiling ko... ipaparanas ko sa `yo lahat ng magagandang nararanasan ng tao.”
 
I stayed quiet until I realized— if he was willing to cooperate with me, then I could give him a chance as well. Isa pa, gusto ko ring masagot ang mga tanong ko tungkol sa mga tao. Ito na rin siguro ang  puwede kong gawing basehan kung hihiling ba ako na mabuhay ulit bilang tao o ang mag-advance bilang isang Death Reaper. 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly