DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 5

☆

6/29/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

VAN

HINDI ko alam kung paano pero paggising ko, nasa condo na ako at umaga na. Naalala ko ang mga nangyari kagabi. Muntik na akong masagasaan pero iniligtas ako ng gothic-looking girl na akala ko multo. Pumunta ako sa dining room at naabutan kong nakaupo siya doon. Hindi ko pa rin maintindihan kung sino siya  pero naalala kong sinabi niya na isa siyang Grim Reaper at sinusundo niya ang kaluluwa ko. Isa iyong malaking kalokohan pero aalamin ko ang katotohanan.

Umupo ako sa tapat niya at tinitigan ang mukha niya na blangko ang ekspresyon. Her face looked like a doll. But what was up with the gothic getup?

“Van Kyle Chua, stay here and don’t do anything.” 

Tatayo dapat siya pero pinigilan ko. “Wait a second, gothic girl! First of all, don’t call me by my whole name. It’s weird. Second... who the hell are you again and why are you here?”
 
“It’s either you are deaf, or too stupid to understand. Once again I am Saydie and I am a Grim or a Grim Reaper. You’re going to die soon and I am here to collect your soul.” 

Ano’ng pinagsasasabi ng wirdong `to? 

“Miss, naka-drugs ka ba? Cut the crap and tell me the truth.”  

Hinintay ko siyang magsalita pero tumitig lang siya sa akin. Hindi ko mabasa ang mukha niyang walang ekspresyon— nakakasindak. 

Ilang saglit pa, halos mapatalon ako sa  gulat nang bigla siyang naglaho. Sinabayan pa ng biglang pagkabog ng dibdib ko. Saglit akong nahirapang huminga.  

Tumayo ako at hinanap siya sa paligid. Mayamaya, bigla siyang lumitaw sa tapat ng pinto ng banyo, `tapos  bigla uling nawala. Nanginginig na napaatras ako sa takot habang nanlalaki ang mga mata. Naisip kong lumabas pero bago pa man ako makarating sa pinto, bigla siyang lumitaw doon. She stood there with her arms crossed, leaning against the door. Talagang gulat na gulat ako sa nangyari. Bigla siyang nawala uli. Paglingon ko, nakaupo na uli siya sa mesa. 

“W-what the— Paano mo nagawa `yon? Is t-that street magic like D-David Blaine? Or C-Criss Angel?” natataranta kong tanong habang nilalapitan siya. Mayamaya, na-realize kong tama ako kaya dinuro ko siya. “Tama!  That explains it! The gothic look and the tricks. You idolized Criss Angel.” 

Tumayo siya habang nananatiling blangko ang ekspresyon ng mukha. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang daliri ko, saka niya pinihit.. 

“Aray! Aray! Aray!” Hindi ko pa tapos maramdaman ang sakit ng ginawa niya na umabot sa siko ko, hinawakan naman niya ang likod ng kuwelyo ng T-shirt ko. Sa isang iglap, napunta kami sa isang lugar na maraming  puno at bundok. Naramdaman kong wala akong tinatapakan kaya tumingin ako sa ibaba... Ang taas ng  paglalaglagan ko kaya agad akong humawak sa braso niya. 

“What the hell! Oh sh*t! Oh sh*t!” sigaw ko dahil sa sobrang lula. Napapikit ako at biglang  nakaramdam ng tila pagpuwersa sa katawan ko. Pagmulat ko, nasa condo unit ko na uli kami. Binitawan niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Pagtingala ko sa kanya, she was looking down at me but I saw a slight smirk on her  lips. 

“Do you believe me now?” 

Tumango-tango ako nang mabilis, saka dahan-dahang tumayo. Nakakatakot siya. I had never been scared of a girl like this before. Pero tiyak ko na ngayon na hindi siya tao. 

Umupo uli siya sa upuan.  

Napalunok naman ako at umupo rin sa tapat niya. Medyo nanginginig pa rin ako.

 “S-so you mean... you really are a G-Grim Reaper?” 

Tumango siya. 

What on earth? I can’t believe this is real. Is it really real? Jeez! 

“I, uh... read about Grim Reapers from comic books or children’s books when I was a kid. Aren’t you supposed to look like a skeletal figure in a hooded black cloak?” 

“That’s the Death Lord. Kaming mga Grim Reapers ay alagad niya.” 

“D-Death Lord? A Lord actually exist? That doesn’t make any sense. And what about what you said—you're here to collect my soul because I’m about to die? Am I really dying?”

“Yes,” sagot niya. 

Napalunok ako at bahagyang nahirapang huminga. Ayoko pang mamatay. Twenty-five years old pa lang ako at marami pa akong dapat maranasan. 

“But why? Don’t you think I’m too young to die? Healthy naman ako. Saka ganito ba lahat ng mamamatay? Nakakakita ng Grim Reaper?” 

Sumandal siya at ipinatong ang mga braso sa mesa habang nakapatong ang kanang kamay niya sa kaliwa.  

“Kapag oras mo nang mamatay, oras mo na. Hindi mahalaga kung ilang taon ka nang nabubuhay.” 

Napalunok na naman ako. Lalo akong natatakot sa tuwing nagsasalita siya sa malamig na tono na parang nagpapahiwatig na wala siyang pakialam. 

“W-what will happen if I die and you take my soul? Saan mo dadalhin ang kaluluwa ko?”

“Dadalhin ko ang kaluluwa mo sa Death Collector Society kung saan lilitisin ka kung sa paradise o sa hell ka mapupunta. That’s all you need to know `cause you’re gonna die anyway,” sagot niya. 

Nasindak ako nang mapatitig sa mukha. 

“But I want you to stay here and be safe. Until the day you’ll die which is this coming October 30. Kapag namatay ka nang hindi sa tamang petsa, susunugin ka sa impiyerno nang limampung taon.”

“O-October t-thirty... I-impyerno?” Napayuko ako at nanlumo. Parang nawalan ako ng ganang gumalaw. 

That was less than a month from now. Ibig sabihin, kaunti na lang ang oras ko sa mundo? Hindi puwede. Hindi dapat.  Pilit kong sinasabi sa sarili ko na kalokohan lang ang lahat. But after everything she showed me, there was no way she was making this up. Mamamatay na talaga ako. Pero... hindi pwede. I don’t  want to. 

“Stay here and don’t go anywhere. I have to go somewhere for your own sake,” sabi niya. Bigla akong nabuhayan ng loob. 

“My own sake? Do you mean pwede pa ba akong makaligtas sa kamatayan?” 

“No. But we don’t want souls to get punished right away. Every soul must be evaluated first. Again… stay here. If I catch you outside, I’ll tie you up and lock you in,” sagot niya, saka biglang naglaho. 

“What the hell?! Talagang what the hell? Holy cow!” Napahawak ako sa ulo at pilit iniintindi ang lahat. 

I don’t want to die and there must be another way. Kung taguan ko kaya siya till October 31? Damn it! Sana panaginip lang `to. 

Naisip kong tawagan si Kobe at agad niya naman itong sinagot. 

“My man! Kumusta? Wala ka na bang tama?” 

Huminga ako nang malalim. Mahinahon ko siyang sinagot sa phone. 

“Hey, bro. I’m okay. May itatanong sana ako.” 

“Mukhang seryoso `yan, ah. Tungkol saan?” 

“Kobe...” Bumuntong-hininga ako para maramdaman niyang seryoso ako. “May alam ka ba sa mga Grim Reapers?” 

Hindi siya sumagot agad pero ilang segundo ang lumipas, narinig kong tumawa siya nang malakas sa kabilang linya. 

“What the hell, dude? Pahingi naman ako ng tinitira mo. Mukhang matindi `yan, eh.” 

Tinapos ko ang tawag at initsa ang phone sa mesa. Damn it! Kahit kailan talaga, hindi ko makausap nang  matino `tong si Kobe. 

Ano’ng gagawin ko? Ayoko pa talagang mamatay. Bakit pa kasi ako ang napili ni Kamatayan na mamatay nang maaga? Sana iba na lang. 

Nang masabi ko sa isip ang salitang kamatayan, bigla kong naalala `yong matanda sa car park. Sinabi niyang bibisitahin ako ni Kamatayan at nangyari nga. Hindi kaya may alam siya? Baka alam din niya kung paano ako makakaligtas. Or maybe she was some kind of a witch and she was the one behind this. I gotta find that crazy old hag. 





SUDDENLY, everything I believed that wasn’t true became real to me. If Grim Reapers were real, maybe witches like that old hag were real, too. That gothic-looking girl said I needed to stay here but I won’t just wait for my death, I had to do something. 

Pumunta ako sa nightclub at nagtanong-tanong sa mga guard kung kilala nila `yong matandang babae na nakapasok sa car park noong isang gabi. Ang sabi nila, nandoon daw sa paligid ang matandang iyon tuwing gabi  at namamalimos. Pero hindi nila alam kung saan ito nakatira. I thought about driving around the vicinity. If that old hag begged for alms every night, she must be just around. I had to find her before that Grim Reaper Gothic Girl came back. 

Isang oras akong paikot-ikot sa pagmamaneho sa paligid ng nightclub at sa mga katabing gusali, pero wala  akong makitang matandang pulubi. Hanggang sa nag-park ako sa harap ng isang fast-food restaurant para magpahinga at mag-research na lang muna sa Internet ng tungkol sa mga Grim Reapers gamit ang phone ko. I even searched for things like: how to escape death from grim reapers, how to hide from grim reapers, and many more. But every time I thought the stuff I saw from the Internet would work, something would come up in my mind on how it wouldn't work. 

Jeez! I think I have to know everything from her. Pero sa hitsura niya, mukhang hindi siya magbibigay ng iba pang detalye.

I was busy scrolling on my phone when I heard three knocks on my car window. It was a beggar, a boy asking for money. Akala ko `yong matanda na, sayang. Sinenyasan ko siyang umalis.

Umalis naman ang bata pero bigla kong naalala na pulubi nga pala `yong matanda at baka kilala siya ng bata. Binuksan ko ang bintana ng kotse at tinawag ang bata, “Psst! Bata! Bumalik ka dito bibigyan kita ng limos!” 

Bumalik ang bata at pinakitaan ko siya ng isandaang pisong buo. Kukunin niya na dapat pero agad kong iniwas.  “Not so fast, kid. Ibibigay ko lang sa `yo ito kapag tinulungan mo `ko.” 

“Ano ba’ng gagawin, Kuya?” 

“May hinahanap akong matandang babae na pulubi,” sagot ko. “Baka kilala mo?”

“Ano po ba’ng hitsura?” 

Inalala kong mabuti ang hitsura ng matanda. Medyo hindi ako sigurado dahil lasing ako noon pero idinescribe ko na nakakatakot ang matanda at bulag na `yong isa niyang mata.

“Ay, si Aling Hora po `yon,” sabi ng bata. “Kilala ko po `yon.” 

“Good! Saan siya nakatira? Kailangan ko siyang makita.” 

“Ituturo ko po, pero gawin ninyo nang two hundred `yong bayad.” 

Walanghiyang bata ito. Mautak, ah. “Okay, sige. Kapag siya talaga `yong hinahanap ko five hundred pa  ibibigay ko sa `yo.” 

“Ay, sigurado po ako na siya talaga `yon! Tara po sundan ninyo ako, malapit lang po siya dito.” 

Bumaba ako ng sasakyan at sinundan ang bata. Dinala niya ako sa likod ng fast-food restaurant at kaunting lakad pa, nakarating kami sa isang tulay. May hagdang-kahoy doon pababa sa tuyong ilog. Bumaba siya doon at  sumunod ako. Maraming bata ang naglalaro sa lupang mabuhangin. Lahat sila, napatingin sa akin nang dumaan  ako. 

Medyo nakakakilabot. First time ba nilang makakita ng tao? 

Paglagpas namin sa mga bata, lumiko kami pakanan at nakita ko ang isang bahay na gawa sa kulay-itim na trailer ng truck. Paglapit namin doon, naglahad ng palad ang batang kasama ko. 

“Sir, akin na five hundred ko.  Doon muna ako sa malayo. Takot ako kay Aling Hora, eh. Kasi…”

Bumulong sa ‘kin ‘yong bata. “...mangkukulam po siya.”

Tumindig ang mga balahibo ko. I’ve seen a Grim Reaper kaya hindi malayong totoo rin nga ang witch. I shook my head. Bahala na. My life is on the line.

Ibinigay ko ang five hundred pesos na buo sa bata. Kumatok siya nang malakas sa pinto ng bahay, saka  kumaripas ng takbo palayo. Hinintay kong bumukas ang pinto at nang makarinig ako ng kalabog sa likod nito,  napalunok ako sa kaba. Dahan-dahang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang matandang namalimos sa akin noong isang gabi. 

“Mr. Van Kyle Chua, hinihintay talaga kita,” nakangiti niyang sabi. 

Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko. “P-paano mo nalaman ang pangalan ko?” 

And wait! She said she’s waiting for me? Creepy. 

“Pumasok ka at ipapaliwanag ko sa `yo ang lahat.” 

Kahit nakakatakot ang garalgal na boses at hitsura ni Aling Hora, pumasok ako sa bahay niya. Umupo siya sa  rocking chair habang nanatili lang akong nakatayo at tinitingnan ang paligid. Hindi gaya ng naiisip ko na nakakatakot ang bahay niya, maayos naman ang loob nito. Fully carpeted ang sahig at may mga dekorasyon sa paligid na parang mga anito na galing ng Baguio. Kaso walang kuryente at mga lamparang de-langis lang ang ilaw sa paligid. 

“Kumusta, pogi? Nakita mo na ba si Kamatayan kaya ka nandito?” 

Parang agad na umakyat ang dugo ko at nagpanting ang mga tainga ko. Sinunggaban ko siya at hinawakan sa  kuwelyo. “Sabi ko na ikaw ang may kagagawan n’on! Isinumpa mo ko, `no? Bawiin mo `yon! Walanghiya kang matanda ka!” 

Bigla niya akong hinipan at sa isang iglap... Napunta ako sa labas at nakalahad sa harap ko ang palad ng batang lalaking kasama ko kanina. 

“Sir, akin na five hundred ko.  Doon muna ako sa malayo. Takot ako kay Aling Hora, eh. Kasi…”

Bumulong sa ‘kin ‘yong bata. “...mangkukulam po siya.”

What the... he said that earlier. Nanaginip lang ba ako nang gising o parang bumalik ang oras? 

Ibinigay ko ang five hundred pesos. Kumatok ang bata sa pinto ng bahay ni Aling Hora, saka kumaripas ng  takbo. Parehong-pareho sa nangyari kanina.  

Pagbukas ng pinto, bumungad si Aling Hora na nakangiti. “Ano, pogi? Kaya mo bang huminahon para papasukin kita uli?” 

I didn’t know what exactly she did and how she did it, but it seemed that she made me go back in time for a bit.  Parang sa comics at fantasy films. Who the hell is this old hag?  

Napalunok ako at huminga nang malalim. “S-sige. Sabihin mo sa akin lahat. Pakiusap.” Pinili kong  magpakabait. Hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin. Baka mapahamak pa ako kapag kinalaban ko  siya.  At baka totoo ngang witch siya.

Pumasok uli ako sa bahay ni Aling Hora. This time, umupo na ako sa bangkito habang siya’y nakaupo naman sa rocking chair. “P-paano mo nagawa `yong kanina? Sino ka?” 

Tumawa siya nang matining, parang mangkukulam. “Hindi `yon importante, Mr. Chua. Ang importante ay ang nalalapit mong pagkamatay. Tama ba?” 

“P-paano mo nalaman? Bakit parang alam mo ang lahat ng tungkol sa akin?” 

Tumawa na naman siya nang matining at sinimulang iugoy ang rocking chair. “Una sa lahat, hindi ako ang may kagagawan kung bakit ka binisita ni Kamatayan. Sadyang nakatakda ka lang talagang mamatay. Nakita ko lang ang hinaharap mo nang hawakan kita kaya’t binalaan kita.”

Nakaka-curious talaga ang matandang ito. Hindi ako maniniwala sa sinasabi niya kung hindi niya napatunayan `yon kanina. Kung ano man siya, hindi `yon ang ipinunta ko dito. Hindi na ako dapat magpaligoy-ligoy pa. Hindi na importante kung paano niya nalaman ang lahat-lahat tungkol sa ‘kin. Ang mahalaga ay malaman ko kung paano makakaligtas sa kamatayan. 

“Sabihin mo, paano ko matatakasan ang kamatayan? May paraan ba?” 

“Alam kong itatanong mo `yan. Oo... may paraan.” 

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Nilapitan ko siya, saka lumuhod sa tabi niya. “Paano? Please. Gagawin ko ang lahat para makaligtas at mabuhay pa.” 

Tumawa uli siya nang matining at suminga sa panyo. “Makinig kang mabuti... Ang mga Grim Reapers ay  sinanay na huwag magkaroon ng emosyon para mawalan sila ng awa. Dahil kapag nagkaroon sila ng emosyon at awa, maaari nilang burahin ang pangalan ng mamamatay sa tinatawag nilang Libro ng Kamatayan. Kapag nabura ang pangalan, makakaligtas sa kamatayan. Gano’n lang kasimple.” 

Tumayo ako at pinag-isipan ang mga sinabi niya. “Ibig sabihin kailangan kong magmakaawa sa babaeng `yon  para burahin niya ang pangalan ko sa libro. Tama ba?” 

Tumango si Aling Hora. “Iyan ay kung magkakaroon siya ng emosyon at kung maaawa siya sa `yo. Nakakaawa ka ba? Buong buhay mo, hindi maganda ang ugali mo. Kaya siguradong mamamatay ka.” At muli siyang tumawa nang matining. 

Nakakainis! Ako, kailangang magmakaawa? Never in my life would I have to beg for something. But this is life and death... what should I do? 

Napaluhod ako at nakaramdam ng bigat sa kalooban. Naalala ko ang mukha ng babaeng Grim Reaper na iyon. She was cold and cruel. There was no way I could beg for my life. 

“Pero may iba pang paraan...” 

Napatingin ako kay Aling Hora. 

Nakaramdam ako ng pagkasabik at pag-asa. “Anong paraan, Aling Hora?  Sabihin mo sa akin, please. Lahat gagawin ko!” 

“Nag-anyong-tao ang Grim Reaper mo para protektahan ka hanggang sa nakatakdang araw ng kamatayan mo. Gumamit siya ng ipinagbabawal na crystal para magawa iyon. Ang kapalit niyon ay unti-unti siyang magiging tao hanggang sa panahong ibalik niya ang sarili sa pagiging Grim Reaper. Kaya posibleng magkaroon siya ng emosyon dahil mas nakakaramdam na siya. At ang kailangan mo lang gawin ay bigyan siya ng... wagas na pag-ibig.” 

“P-pag-ibig? What the hell? Ano `yon, fairy tale? Seryoso ba `yan? How’d that become—” Bigla kong naisip na may point siya. I remembered the girls who were head over heels with me. They would do anything and everything for me. So come to think of it... it did make sense. 

“If she will love me and become obsessed with me,  she’ll let me live. Tama! At kung pagpapa-ibig lang ang usapan, expert ako diyan. All I had to do was to make her fall in love with me. I don’t have to love her. Kayang-kaya! Mabubuhay ako!” 

“Tama, pag-ibig! Pag-ibig ang sagot sa lahat ng problema,” tumatawang sabi ni Aling Hora. “Ayayay, pag ibig. Nakakakilig. Ay, sobra.” 

Nakuha pang kumanta ng matandang `to. But she gave me good news. 

Hinawakan ko ang kamay ni Aling  Hora at inalog-alog. “Maraming salamat, Aling Hora. Ano’ng puwede kong gawin para makabawi sa `yo?” 

“Wala. Gusto ko lang mapanood kung saan hahantong ang gagawin mo. Siya nga pala… parating na ang Grim  Reaper mo at ilang saglit lang ay nasa labas na siya ng pinto.” 

Naku, lagot na! 

Mabilis na kumabog ang loob ng dibdib ko. Nagmamadali at kinakabahan akong lumabas ng bahay ni Aling  Hora, pero... tumambad agad sa akin ang Gothic Girl Grim Reaper sa harap ko. 
​
Blangko ang ekspresyon ng mukha niya pero alam kong lagot ako dahil naabutan niya ako sa labas. 

If I remember it right, she said she’ll tie me and lock me up. Ngunit hindi ito ang oras para matakot. Kailangan ko nang simulan na paibigin siya. Here goes nothing…

“Ikaw pala...” Nilapitan ko siya at hindi nagdalawang-isip na… yakapin siya. “Na-miss kita.”

She didn’t move. Her arms stayed at her side. But in my head? Victory music. 

And this is my first step towards escaping death. 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly