DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 4

☆

6/29/2025

Comments

 

Grims Do Fall In Love: Till Death Do US Part

SAYDIE


ITO ANG unang beses na kailangan kong magbantay ng kaluluwa. I didn’t know what exactly I had to do, but I couldn’t fail this time. 

Bumalik ako sa condo unit ni Van Kyle Chua. Gising na siya at nasa harap ng refrigerator. Umupo ako sa  upuan na nasa harap ng mesa para bantayan siya. Pero pagharap niya, nagulat siya at nabitawan ang hawak na bote. 

“Oh sh*t!” 

What a loser. But it seems he can really see me now. I think I’ll watch over him from afar. 

Nag-warp ako papunta sa katapat na building unit kung saan kita ko siya mula sa bintana niya. 

Saglit kong tiningnan ang aking Death Book. Walang pagbabago sa mga impormasyon tungkol sa target ko. 

Nang ibalik ko ang tingin sa bintana... hindi ko na makita si Van Kyle Chua. Nag-warp uli ako sa loob ng unit  niya at sa likod ng isang pinto, maririnig ang pag-agos ng tubig. Mukhang iyon ang banyo at naliligo siya. 

Nang tumahimik sa loob ng banyo, naisip ko na baka patay na siya kaya nag-warp ako sa loob. Pero hindi pala. Takot na takot siya nang makita ako. 

Napakalampa niya. Paano kaya naging killer ang kaluluwa niya? 

Muli akong nag-warp palabas. I guessed I had to watch his name on the Death Book instead whenever I couldn’t  see him. 

I stood on top of an electric post and stared at my target’s name on the Death Book. I saw him leaving his place and went to a restaurant. One more thing I am curious about. What does food taste like? 

Muli kong sinilip si Van Kyle Chua. Siniguro ko na may sapat na distansiya sa pagitan namin. Masaya siya sa kinakain. Bakit kaya? Ano ba ang pakiramdam ng kumakain? 

I guessed I was too close. He saw me again and spat whatever he was trying to eat. I warped out again to the top of a building and decided to watch him from there. 

Habang nagbabantay, biglang may dumaan na napakabilis sa itaas. May dalawang lumilipad sa ere na tila naghahabulan. Tiningnan ko nang mabuti kung sino ang mga iyon...  

It was Master Reeve and he was chasing something white.  

Nakita kong nakalabas ang sword ni Master Reeve kaya naisip kong sundan sila. Inilibas ko ang aking Death Scythe at paulit-ulit na nag-warp sa ere hanggang sa makalapit sa kanila. I lost count of how many times they passed me whenever I tried to warp through the air to reach them. They were really fast. Parang walang hangin na pumipigil sa kanila. 

Sa huli kong pag-warp, napunta ako sa harap ng hinahabol ni Master Reeve. It was a skeletal entity with a face covered in blood, wearing a white ripped cloak. Ihahampas ko sana ang Death Scythe ko sa entity nang biglang tumagos sa mukha nito ang dulo ng sword. Nagliyab ang entity at naglaho. Pagkatapos ay tumambad sa harap ko si Master Reeve na siya palang pumatay sa kalaban.

“Saydie, what are you doing here?”

I couldn’t stay airborne for long, so I warped onto a nearby rooftop. Sumunod naman si Master Reeve.

“Master Reeve, what was that?” 

“There's no hiding it now. You saw it, so you deserve the truth,” sabi niya.  

Nanatili akong tahimik na naghihintay ng sunod na sasabihin niya. 

“That was a vengeful spirit. Sila `yong mga namatay na nangakong maghihiganti. Hangga’t hindi nila nakakamtan ang hangarin nila, mananatili silang vengeful spirit. May kakayahan silang gumawa ng aksidente na ikakamatay ng taong paghihigantihan nila. When vengeful spirits take a life, the souls are condemned to hell without ever facing the judgment of the Death Lord. That is a grave injustice. All souls have the right to be judged.”

“Iyan ba ang sinasabi mong mission kapag ang isang Grim ay naging Death Reaper, Master Reeve?” tanong ko. 

Tumango siya. “Yes... Vengeful spirits don’t appear in the Death Books, which is why it can roam freely in the realm of the living.”

“Which contradicts the rule of the afterlife that all souls of the dead should be in paradise or hell,” sabad ko. 

“Right... Only Grim Reapers who have been granted weapons can extinguish vengeful spirits. Only then can their names appear in the Death Book, allowing us to finally send their souls to the afterlife,” sabi ni  Master Reeve at humarap siya sa akin. “I’m telling you this because you’re my student. But remember—this duty belongs only to Death Reapers. If you ever encounter a vengeful spirit, walk away.

“Understood, Master Reeve.” 

Tumalikod siya at akala ko ay aalis na pero bigla siyang huminto. 

“By the way, Saydie.”

Humarap siya sa akin at may iniabot na isang crystal cube na kasinlaki ng mata. 

“I recently arrested a Grim Reaper who was using this. From what I’ve learned, it can temporarily turn us into humans.”

“It’s an illegal artifact, why are you giving it to me?” tanong ko. 

“Alam ko kasi na gagamitin mo lang iyan kapag kailangan. Kung dumating man ang oras na iyon, kaya kitang pagtakpan sa mga kasamahan ko para hindi ka maaresto. Siguraduhin mo lang na gagamitin mo iyan para makapasa sa challenge ng Death Lord. To use it, just destroy it. Para magbalik naman sa pagiging Grim, palabasin mo lang ito uli. It’ll be in good shape again then destroy it.” 

Kinuha ko ang crystal cube. Inisip kong mapunta ito sa shadow inventory ko. Naglaho ito. Pwede ko na itong i-summon ano mang oras. “I won’t fail, Master Reeve.” 

“Good luck, and may the power of death be with you,” paalam ni Master Reeve.

“As it was and ever shall be.”

At naglaho na siya. 

Mukhang ang pagiging Death Reaper ay mas maraming mission kumpara sa amin, kaya siguro pinili ‘yon ni Master Reeve. Pero ang pagsisilbi sa Death Lord ay mukhang isang paulit-ulit na gawain lang kahit madagdagan pa. Sa tingin ko, mas gusto kong malaman ang pakiramdam ng mabuhay. 

I warped to Van Kyle Chua’s condo unit. Natutulog lang siya kaya lumabas na lang ako at binantayan ang  pangalan niya sa Death Book. 





MY TARGET saw me again at the bowling center and this time, he totally freaked out. Sinubukan niya akong kausapin at hawakan. Stupid guy! `Tapos ay nagpa-panic siyang lumabas ng gusali. I checked my Death Book but there weren't any changes yet. I thought I would let him go crazy this time. Pero nang  tingnan ko uli ang Death Book, may lumabas na bagong impormasyon sa ilalim ng pangalan niya. 

Van Kyle Chua 
Date of Death: OCTOBER 30, 20XX 
Cause of Death: Death in his sleep. 
     10,000th soul challenge: Soul must die on the exact date and by the exact cause assigned. If the soul dies by accident, murder, or suicide, the challenge is considered failed. The Grim Reaper’s soul collection will be reset to zero, and the target’s soul will be punished in hell for 50 years before any reevaluation. 


Sincerely yours, 
The Handsome Death Lord


October 30... just under a month away. I wasn’t concerned about his soul being condemned to hell, but failure wasn’t an option. I wanted to be reincarnated. That meant I had to keep this pathetic fool alive until the exact day he was meant to die. 

Agad akong nag-warp sa labas at nakita ko si Van Kyle Chua. Patawid siya at may sasakyang mabilis na  papalapit sa kanya. Agad kong naisip na kailangan ko siyang iligtas. But… I couldn’t save him in my current form— I won’t be able to touch him. I have to use the crystal cube. 

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at binasag ko ang crystal cube sa kamay ko. Pagkatapos, mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at inihagis ang aking sarili para iiwas siya sa sasakyan. Nagpagulong-gulong kami sa kalsada hanggang sa mapunta ako sa ibabaw ng katawan niya. 

Tumitig siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. Ilang saglit pa, nanlaki ang mga mata niya at sumigaw. Tumayo ako at napahawak sa mga tainga dahil may naramdaman akong hindi kanais-nais doon nang marinig ang sigaw niya. 

Biglang tumakbo palayo si Van Kyle Chua. Bago ko siya habulin, napatingin ako sa paligid. Nakatingin sa akin ang mga tao. 

For the first time in many years, this is what it feels like to be seen by many eyes.

Napatingin ako sa kotseng muntik nang makabangga sa amin. May nakita akong kulay-puting bagay—parang lumulutang na tela— na mabilis na umalis mula roon. Was that a vengeful spirit? 

Ipinagpaliban ko muna ang pag-iisip tungkol sa nakita ko dahil nakalayo na si Van Kyle Chua. Hinabol ko siya at nakarating kami sa lugar na maraming nakahintong sasakyan. 

“Van Kyle Chua!” 

Huminto siya at dahan-dahang humarap sa akin. 

“N-nagsasalita siya? Totoo ba ito? H-hindi... this must be a dream!” sabi niya.

Umiling-iling ako. I thought he needed something to snap out of it. Nilapitan ko siya at sinapak sa kaliwang pisngi. 

Nakapagtataka... nakaramdam ako ng kung ano sa kamao ko. Is this what it was like to be a  human? Is this what they called “pain”? 

“Oh fu—bakit mo ako sinuntok?” reklamo niya habang nakahawak sa pisngi. Tumingin uli siya sa akin nang nanlalaki ang mga mata. “Pero wait, sinuntok mo ako at naramdaman ko. `Tapos nagsasalita ka at narinig ko? Who the hell are you? Why am I the only one who can see you?” 

“My name is Saydie and I am a Grim.” 

“G-Grim? Ano’ng pinagsasasabi mo?” natatakot niyang tanong. 

“Grim means Grim Reaper.” 

“G-Grim Reaper? Tell me... is that a prank? And you pulled it with my friend Kobe? Idinamay pa ninyo `yong  janitor, ah. Paano mo nagawa `yong kanina na hindi kita mahawakan? Magician ka ba?” 

I felt something inside that made me frown. It seemed that for me, all his questions were stupid. I think I have to tell him everything. 

“Do you remember when I hit you with this?” Inilabas ko ang aking Death Scythe. Bigla siyang napaupo sa lapag. Good thing that I could still use my powers while in this form. “This is a Death Scythe and this is my weapon as a Grim Reaper. I use this to rip the souls of people who are about to die.” 

“Y-you mean, totoo iyon at hindi panaginip?” nanginginig niyang tanong. “A-and... about t-to d-die? Does it mean I’m dead?” 

“Not yet, idiot. But you are going to die and I am here to wait until your soul can be collected,” sagot ko.

“Holy sh—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang natumba at para bang nawalan ng malay.  

What a loser. I wondered who this guy killed that made him a killer’s soul. 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly