DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - CHapter 3

☆

6/29/2025

Comments

 

Grims Do Fall In Love: Till Death Do US Part

VAN

NAGISING akong naghahabol ng hininga. Inisip ko ang nangyari kanina. What the hell was that? Panaginip ba  `yon? Bakit parang totoo? 

Luminga ako sa paligid pero wala namang gothic-looking na babae. Tumingin ako sa dibdib ko at kinapa-kapa ang buong katawan ko. Wala rin namang sugat. Nakahinga ako nang maluwag. 

Akala ko talaga katapusan ko na. `Buti na lang, hindi totoo at mukhang panaginip lang. But I had never seen  that woman before for me to dream of her. She was definitely not my type of girl kaya no way in this world that I could have met her before. 

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa kusina. Naghilamos ako sa lababo at kumuha ng isang bote ng gatas sa refrigerator. Agad ko itong ininom at dadalhin ko sana sa mesa pero pagharap ko... 

“Oh sh*t!”

Nagulat ako nang makita uli ang gothic-looking na babae. Nabitawan ko ang bote ng gatas. Napaatras ako  hanggang sa tumama ang likod ko sa refrigerator. 

Nakaupo siya sa isa sa mga upuan ng dining table at nakatingin sa akin. Her face seemed so very serious and her fierce stare gave me the chills. 

“S-sino ka? A-ano’ng ginagawa mo dito?” Hinintay ko siyang magsalita pero hindi siya sumagot. Kinuskos ko ang mga mata ko at pagmulat ko... wala na ang babae. 

What the hell? Ano iyon? Guniguni ko? 

Tumayo ako at nilinis ang natapong gatas. Mabuti na lang at hindi nabasag iyong bote. Sa tingin ko, may hangover pa ako—hindi lang sa alak kundi pati na rin sa panaginip ko.

I had to take a bath. Kinalimutan ko muna ang breakfast. Agad akong naghubad ng damit at pumasok sa shower. Habang naliligo, tumatayo ang mga balahibo ko dahil pakiramdam ko, may nanonood sa akin. 

Pagkatapos maligo, humarap ako sa salamin para magsepilyo. Nagmumog ako habang nanatiling nakatingin sa sink. Nag-angat ako ng mukha para sana tingnan ang mga ngipin ko sa salamin... 

Napasinghap ako at parang huminto sa pagtibok ang puso ko nang makitang nasa likuran ko ang babae. Humarap ako at naroon nga siya. Kasama ko sa loob ng banyo habang wala akong saplot. 

Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa mga mata niyang parang nakatingin sa kawalan. Nanginginig ang mga labi na napahiyaw ako nang malakas habang natatarantang umaatras palayo. 

Nadulas ako at napaupo sa sahig kasabay ng paghawak ko sa shower curtain na agad namang nasira sa lakas ng paghila ko. Natakluban ako ng shower curtain sa ulo kaya wala akong nakita. Nang alisin ko ito, wala na uli ang babae sa banyo. 

Napahawak ako sa dibdib dahil sunod-sunod ang pagkabog nito na parang tinatambol. Parang kinakapos pa ako ng hininga habang hinahanap ang babae sa paligid. 

Ano’ng nangyayari? Minumulto ba ako?

Tumayo ako at muling naghilamos nang paulit-ulit. Humarap uli ako sa salamin pero wala na ang babae. Nakakapagtaka dahil dalawang beses ko nang guniguni iyon and there was no way in the world that ghosts were real. 

Kahit pa hindi ako naniniwala sa mga multo, nagmamadali akong lumabas ng banyo at nagbihis. Lumabas ako ng unit at agad na pumunta sa kotse. Sa tingin ko, dahil ito sa hangover kagabi kaya kung ano-ano ang nakikita ko. I better get some nice soup. 





I DECIDED to go to a ramen house. The salty, savory, and replenishing taste of a ramen soup will definitely kick the hangover on me. Matapos ibigay sa akin ang order ko, dahan-dahan kong hinigop ang sabaw. Sa pagdaan niyon mula sa bibig ko papunta sa tiyan, damang-dama ko ang ginhawa. Ang sarap! 

Muli akong humigop ng sabaw pero bigla ko itong naibuga nang makita uli ang babae sa labas ng ramen house mula sa glass wall. Nakatingin siya sa akin at nakakatakot talaga.
 
Nakita kong aalis na siya kaya agad kong pinunasan ng tissue ang bibig ko at umalis ng table.

“Hoy sandali!”  pagtawag ko. Pero paglabas ko ng ramen house, wala na siya sa paligid. 

Agad akong bumalik sa loob ng ramen house at nagbayad. Tapos ay sumakay ako sa kotse ko.

Habang nagmamaneho, naalala ko `yong babae. 

Damn! That was the third time I saw her and disappeared like a ghost.  Who was she? And why was this happening to me? 

Naisip kong tawagan si Kobe. Baka kasi nilagyan na naman niya ng bawal na gamot `yong inumin ko kagabi  kaya nakakikita ako ng nakakatakot na babae. That jerk! I remembered the time when he did that to me. I broke up with a girl that I didn’t even know. Nakakahiya talaga at nasampal pa ako no’n. Lagot siya sa akin kapag ganoon na naman ang ginawa niya.

Matapos ang ilang segundo, sinagot din ni Kobe ang tawag ko. “Hey, douche! Where the hell are you?” 

“Hey... uh... Van? My man? I’m at uh...” 

Ibang klase hanggang ngayong lasing pa rin ang gago. 

“... Uh I’m still here at the club.” 

What the heck. Hindi nakauwi ang loko. “Stay right there, dude. Pupunta ako diyan.” 





PAGDATING ko sa nightclub, naabutan ko si Kobe na humihigop ng soup. Umupo ako sa tapat niya. 

“Hey, Van. What’s up? Bakit mo `ko iniwan kagabi dito?” 

“You’re not my responsibility, dude,” sagot ko. “Okay ka na?” 

“Ako pa! Vitamins ko yata ang alak kaya saglit lang ang hangover sa akin,” sabi niya at tinungga ang mangkok hanggang sa puro slurp na lang ang maririnig. 

“Aaah! Anong balita?” 

Nang maipatong na niya sa mesa ang mangkok, kinuwelyuhan ko siya at inambaan ng suntok. 
“Balita?! Sabihin mo sa ‘kin kung ano’ng balita! Did you spike my drinks again last night?!” 

“Whoa! Chill the eff out, my man,” taas-kamay niyang sagot. “I didn’t do anything bad last night. I swear!” 

“Oh, yeah! Then why am I seeing a gothic girl everywhere? Huwag mong sabihing multo kundi ba-black-eye an kita!” 

Inalis ni Kobe ang kamay ko sa kuwelyo niya at inayos ang damit. “Calm down, dude. Anong gothic girl ang pinagsasasabi mo? Wala akong inilagay sa inumin mo kagabi. Saka paanong nakikita mo kahit saan? Do you see  that girl right now?” 

Luminga-linga ako sa paligid. Wala ang babae at mga tagalinis lang ng club ang naroon.

“No.” 

“See? You may be hallucinating, my man. O baka naman minumulto ka ng isa sa mga naging girlfriend mo,”  sabi ni Kobe, sabay tawa. `Tapos ay nagkunwari siyang multo. “Awooo! Van Kyle Chua, mumultuhin kita.” 

Tiningnan ko siya nang masama at tumigil naman siya sa pang-aasar. Uminom siya ng tubig at sumandal sa upuan. 

“Why are you picking me up, Van? May pupuntahan ba tayo? Maghahanap na ba tayo ng bago mong eabab?”

“I don’t really know, dude. Pinuntahan lang talaga kita dito para tanungin kung may inilagay ka nga sa inumin ko kagabi,” sagot ko. “Sigurado kang wala, ha?” 

“Wala nga, dude. Hindi na talaga mauulit `yong dati.” 

“Okay. Maybe I just need some rest. Pupunta ako sa isang sauna. Magkita na lang tayo mamayang gabi sa bowling center,” sabi ko at iniwan ko si Kobe. 





SA SAUNA, nakapag-relax ako dahil wala akong nakitang gothic-looking girl. Though may mga oras na pakiramdam ko, may nakatingin sa akin, pero baka masyado lang akong nag-iisip ng kung ano-ano kaya hindi ko na pinansin. Nagawa ko ring makatulog sa condo at wala ring gothic-looking girl na lumabas. Mukhang hangover nga lang talaga iyon. 

Naglaro kami ni Kobe sa bowling center kinagabihan. May kasama siyang babae na nanonood lang sa amin. 

“Mukhang dadali ka na naman ng pangit, ah,” pang-aasar ko kay Kobe.
 
“Hayaan mo na, dude. Ni-level ko lang naman sa hitsura ko, eh. Sino bang magandang babae ang magkakagusto sa akin, eh, chubby ako, kalbo, at may mga butas-butas pa sa mukha. Kainis kasi `yong mga  taghiyawat ko dati, eh. Ang sarap tirisin,” nakangiting sagot ni Kobe. 

“Ah, dahil ba sa taghiyawat `yan?” tanong ko, sabay tira ng bowling ball papunta sa mga bowling pins. “Akala ko inuntog mo mukha mo sa durian, eh.” Tumawa ako nang malakas at nakipagpalit ng puwesto kay Kobe dahil siya na ang titira. 

“`Langya ka! Pasalamat ka talaga dugong Chinoy ka kaya guwapings ka,”sabi ni Kobe, saka inihagis ang bola sa lane papunta sa mga pins. 

Natawa ako nang kaunti. “Okay lang `yan. At least absorbent ka, parang si Spongebob. Papasok `yong tubig  diyan sa mga butas mo `pag bumaha.” 

“Yes!” Naka-strike si Kobe. Taob lahat ng bowling pins. “Beat that, Chua boy.” 

“Sus! `Yan lang pala, eh. Bibigyan kita ng sunod-sunod na strike,” sabi ko at kumuha ng bowling ball. Handa na sana akong tumira nang makita ko sa peripheral vision ko sa kanan ang gothic-looking girl. Napalingon ako sa  kanya at nabitawan ko ang bowling ball. “W-what the...” 

Tumawa nang malakas si Kobe at inakbayan ako. “Ano’ng ginagawa mo, dude? Napunta na sa canal `yong  bola mo, o. Ano ba’ng tinitingnan mo diyan?” 

This time, hindi ko inalis ang tingin sa gothic girl na nakatingin din sa `kin. “K-Kobe. T-that’s her... Siya `yong  sinasabi ko sa `yo. Iyong g-gothic-looking girl.” 

Itinuro ko ang babae pero bigla akong sinampal ni Kobe sa pisngi. “Wake up, Van! Ano’ng pinagsasasabi mong babae? Wala namang tao sa itinuturo mo.”

Napalingon ako sa lakas ng sampal ni Kobe. Ramdam ko ang sakit kaya napahawak ako sa pisngi. Tumingin  ako uli sa direksiyon kung nasaan ang babae at nandoon pa rin siya. 

Binatukan ko si Kobe at itinapat ang mukha niya sa direksiyon kung nasaan ang babae. “Bulag ka ba?! Ayun, o!” 

Iniwas ni Kobe ang ulo niya kaya nabitawan ko siya. “What the eff, Van? Tulog mo na lang `yan. Tumitira ka ba ng epektos?” 

Parang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo. Hindi ko alam kung pinagtitripan ako ni Kobe o kung nagsasabi siya ng totoo na hindi talaga niya nakikita `yong babae. Hindi ko siya sinagot. Sa halip, naglakad ako palapit sa  babae habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. 

Nang makalapit ako, sinigawan ko ang babae. “Hoy sino ka ba?! Stalker ka ba?! Kanina mo pa ako sinusundan, ah! Ire-report kita sa pulis.” 

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko kaya napalingon ako. 

“Van, ano’ng ginagawa mo? Bakit mo kinakusap ang pader? Malala na `yan, ah.” 

Si Kobe. Hindi ko siya pinansin at muli akong bumaling sa babae. 

“Kung kasabwat mo itong si Kobe para pagtripan ako, puwes, lagot kayong dalawa sa akin.” Hahawakan ko sana sa balikat ang babae pero laking gulat ko nang  tumagos lang ang kamay ko sa kanya. “What the hell?!” 

I tried again, and again—but my hand just kept going through her. This wasn’t a hangover hallucination. This was something else.

Gulat na gulat akong napaatras. Biglang naglabas ang babae ng isang kulay-itim na pocketbook at tumingin doon. Hindi ako namamalikmata lang. I could see her but why couldn’t Kobe see her and why couldn’t I touch her? 

Nakita ko ang isang janitor na naglilinis ng sahig. Nilapitan ko siya at itinuro ang babae. “Hey, nakikita mo ba `yong babae?” 

“Saan po, Sir? `Yong kalbo po? Babae po ba `yan?”

Nakaramdam ako ng pangingilabot. Ano’ng nangyayari? Bakit nakakakita ako ng hindi nila nakikita? 

Hindi ko alam ang gagawin. Nag-panic na ako at napasigaw habang tumatakbo palabas ng bowling center. Hindi ko na napansin ang mga taong nababangga ko. Ang gusto ko lang ay ang makalabas at makalayo. 

I was running blindly when I heard the sound of a car horn. Napahinto ako at napapikit nang makita ang isang mabilis na sasakyan na may nakakasilaw na headlights sa harap ko. The next thing was... nakaramdam na lang ako ng malakas na pwersang tumulak sa ‘kin. Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa kalsada matapos magpagulong-gulong nang dalawang beses. Pagmulat ko, nakita ko sa ibabaw ko iyong gothic-looking girl. Mukhang siya ang nagligtas sa akin. 

Now I can touch her? What the hell is going on? Am I going crazy?
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly