DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 29

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

VAN


THREATENED and puzzled. Hindi ko alam kung paano kami nahanap nitong si Reeve. Suot ko naman ang anting-anting at subok na naming gumagana ito. Kaya paanong nandito siya ngayon? But he said he was here to talk. Para saan kaya? At dapat ba akong magtiwala sa kanya? I guessed I’d find out but I won’t let my guard down. 

“T-talk about what? Paano mo kami nahanap?” 

“Hindi importante. Ang mahalaga ay malaman mo ang katotohanan,” sagot niya. 

Napakunot-noo ako. “Ano’ng ibig mong sabihin?” 

Sa isang iglap, biglang nawala si Reeve sa kinatatayuan niya. Pagkurap ko, nasa harap ko na siya at bigla niyang dinakma ang ulo ko. `Tapos parang nausod ang katawan ko. Nang bitawan ni Reeve ang ulo ko, biglang nagbago ang paligid. Nababalot iyon ng tila walang hanggang espasyo na kulay-puti.

“Nasaan tayo? Bakit mo ako dinala dito?” 

“Van Kyle Chua... manood kang mabuti,” sagot ni Reeve. Itinapat niya ang palad sa isang espasyo. Lumabas doon ang itim na usok na nagkorteng parihaba. Sa gitna niyon ay nagkaroon ng imahe na parang sa isang TV. Ipinakita doon ang sarili ko noong seventeen years old pa lang ako. Ang araw na walang pag-iingat akong nagmaneho ng bago kong kotse. 

“Ipapakita ko sa `yo ang nangyari noon eight years ago,” sabi ni Reeve. 

Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito pero naagaw no’n ang aking pansin. Ipinapakita nito ang mga hindi ko nakita dahil sa sobrang kalasingan. 

Gabi noon at walang tao sa paligid. Tuwang-tuwa pa ako at walang pakialam kung malakas ang tunog ng makina ng sports car ko. Sobrang bilis pala talaga ng pagmamaneho ko noon. Hindi na ako nagtataka kung bakit ako mababangga sa dulo. Ang alam ko, may mababangga pa akong drum ng basura bago ako mabangga sa puno. 

Tahimik lang akong nanonood hanggang sa... 

Ang inakala ko noong drum ng basura na nabangga ko ay isa palang tao. Pagkatapos no’n, sumalpok ang sports car ko sa isang puno kung saan ako nawalan ng malay.
“W-what the hell was that? T-totoo ba `yan?” natatakot kong tanong. “I swear it was a trash drum!” 

“Sa sobrang kalasingan, iba ang mga nakita mo sa totoong nangyari,” sagot ni Reeve. “Van Kyle Chua... you killed someone that day.” 

Pakiramdam ko ay parang may mabigat na bagay na bumagsak sa akin. Nanghina ang mga tuhod ko at bumigay ito. Nanginig ang mga labi ko, at nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan. “No... T-that’s impossible. B-bakit walang nagsabi sa akin n’on? S-sino ang nabangga ko? B-bakit hindi ako nakulong?” 

“Manood ka pa.” 

The images from the smokes shifted. Napunta ito sa ama ko na may kausap na tatlong hindi kilalang lalaki. Binayaran ng ama ko ang tatlo para itago ang bangkay at ilihim ang nagawa kong kasalanan. Hindi dahil ayaw niyang makulong ang anak niya kundi dahil ayaw niyang mapahiya bilang isang mayamang negosyante. Ayaw niyang maikonekta ang pangalan niya sa isang taong nakapatay at nakakulong kung sakali.

Agad akong napaluha at napahawak sa bibig. Ang sama niya para gawin iyon. Iyon ba ang dahilan kung bakit hindi na maganda ang pakikitungo niya sa akin matapos ang aksidente? Hindi... all my life... I had been living as a criminal. 

“S-sino ang nabangga ko?”

“His name was Mario Dienara... Saydie’s father.” 

Mas bumigat ang pakiramdam ko. Natulala ako at napahawak sa ulo nang mahigpit. Ang buong katawan ko rin ay nanginig at parang bumagal ang pagtibok ng puso ko. 

“No... It can’t be... No...” Umiiling-iling at nanginginig kong sabi.

“Ang dahilan kung bakit ipinapakita at sinasabi ko ang lahat ng ito sa `yo ay para mas maintindihan mo si Saydie. Manood ka pa.” 

Kahit parang ayaw ko nang makita ang mga susunod na mangyayari, napilitan akong tumingin sa usok kung saan nagbago ang mga sumunod na imahe. Napalitan ito ng imahe ng isang nakatatandang babae at isang batang babae. 

Nasa tuktok sila ng isang mataas na building kung saan hawak ng babae ang kamay ng bata at niyayaya niya itong tumalon. Kinukumbinse niya ang bata na lilipad sila at makikita na nito ang kanyang ama.

“Ang nakikita mo ngayon ay ang asawa’t anak ni Mario Dienara.” 

“S-si Saydie?” 

Tumango si Reeve. “Tama. Pero ang ngalan niya noon ay Saya Dienara.”

Tumalon si Saydie at ang kanyang ina sa building pero hindi gaya ng pangako ng ina niya na lilipad sila, silang dalawa ay… namatay. 

“Dahil sa pagkawala ng nag-iisang taong bumubuhay sa kanila, dahil sa kahirapan, at dahil sa isang sakit na walang lunas, nalulong sa masamang bisyo ang ina ni Saydie. Hindi rin sila tinulungan ng ama mo na nanatiling tahimik sa nangyari. Hanggang sa hindi na nito kinayang mabuhay pa. Isinama niya ang anak sa pagpapatiwakal dahil wala silang kamag-anak na pwedeng kumupkop dito. Mas pinili niya na isama ang anak kaysa maghirap ito nang mag-isa.” 

At lahat ng iyon... ay dahil pala sa akin. Dahil sa pagiging makasarili ko, napatay ko ang ama niya. Patawarin mo ako, Saydie. Gusto kong sabihin ang mga salitang `yon pero hindi magawa ng bibig at dila ko. Parang nanigas na lang ako sa mga bagay na ngayon ko lang nalaman. 

“Dahil sa pagpapatiwakal, naging Grim Reaper ang mag-ina. Ito ang batayan ng Death Lord sa pagpili ng mga magiging Grims. Gusto niyang matutunan ng mga nagpakamatay ang kahalagahan ng buhay kaya pinagsisilbi ang mga nagpapatiwakal.” 

The last words that came from Reeve did not made any sense to me. But my head was full of regrets. Parang biglang nawasak ang mundo ko sa lahat ng narinig ko.

“Now... Van Kyle Chua, I will offer you a choice. You can continue to run and hide with Saydie with all that guilt you have in your heart. At balang araw mahahanap din kayo ng mga kauri ko. Or...” Ipinakita sa akin ni Reeve ang isang silver ring. “Isuot mo sa kanya ang singsing na ito at babalik siya sa pagiging Grim Reaper n walang alaala tungkol sa iyo at sa lahat ng nangyari.. Magagawa niya ang mission niya at maisasakatuparan ang hiling niyang reincarnation.” 

Tinitigan ko lang ang singsing at natulala. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga imahe ni Saydie. Ang mga ngiti at tawa niya. Pero imbes na ikaligaya ko ang nakikita ko sa isip ko, nasasaktan ako. Parang pinipiga ang puso ko dahil ako pala ang may kasalanan kung bakit maaga siyang namatay. At kung bakit siya naging Grim Reaper. 

“Think about it... And just in case you’ll choose to put the ring on her, don’t ever tell her about her past. Mas mabuti ng hindi niya alam. Mas mabuti ng iwanan niya ang pagiging Saydie nang masaya.” Inilaglag ni Reeve ang singsing sa sahig. Kasabay ng pagtalbog niyon sa sahig ay siya ring pagbabalik ko sa bahay namin at pagkawala ni Reeve sa paligid.

Bumuhos ang mga luha ko at parang pinupunit ang aking dibdib. Tinakpan ko ng mga kamay ang aking bibig, saka ako sumigaw nang malakas para hindi magising si Saydie. Humagulhol ako habang nakatakip pa rin ang isang kamay sa bibig at pinapalo ng kamao ang sahig. Now I know... I really don’t have a right... to stay alive. 




PARANG naubos na ang mga luha ko at wala na akong mailuluha pa. Pinagmasdan ko ang maamong mukha ni Saydie na tahimik na natutulog. Ngayong alam ko na ang katotohanan, alam ko na rin na ang dapat mabuhay ay si Saydie at hindi ako. Pero bago ang lahat, kailangan kong gawin ang nararapat. 

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at tinawagan si Kylie. “Hello, Kuya. Napatawag ka yata? Madaling araw diyan ngayon, ‘di ba?” 

Nang marinig ang boses ng kapatid ko, muntik ko nang hindi mapigilan ang umiyak. Tumawag kasi ako para marinig ang boses niya sa huling pagkakataon. Umubo ako at suminga, `tapos ay nagpalusot na lang. “Hello, Kylie... Sorry, may sakit ang kuya. Gusto lang kitang kamustahin kaya ako tumawag.” 

“Awe, ang sweet naman ng kuya ko. Pero teka. Bakit parang ma-drama ka lately? Last time na tinawagan mo ako, medyo ma-drama din, ah,” sagot niya sa kabilang linya. 

Tumawa ako nang mahina. “I guess sign of aging na ni Kuya kaya naman makinig kang mabuti sa ‘kin.” 

“Wow mukhang may pangaral ang kuya ko. Sige, I’ll listen.” 

“If ever you’ll fall in love with someone, siguruhin mo na hindi kagaya ni Kuya, ah. Don’t ever fall in love with bad boys, playboys, at higit sa lahat sa may mga masamang bisyo katulad ng alak, at kung ano-ano pa,” sabi ko habang nanginginig ang mga labi. 

I heard Kylie chuckle on the other line. “Oo naman. Si Kuya naman. Hindi naman na ako bata para hindi maging mapili sa lalaki.”

“I know. May tiwala naman ako sa `yo and I also trust you to always be safe. Saka lagi mong tatandaan na kahit anong problema ang dumating sa `yo huwag na huwag kang susuko o magpapakamatay. Just in case na madepress ka, find happiness inside you and in little things. Or seek professional help. Always keep in mind that you’ll never know what will happen tomorrow if you choose to end it. And...” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Akala ko wala na akong luhang mailuluha pero habang namamaalam kay Kylie ay muling tumulo ito.

“Kuya, are you okay? Nandiyan ka pa ba?” 

I had to bite my own arm to keep myself from sobbing. “Yeah. I’m here. I had to wipe my nose.” 

“Okay. Ang kuya ko talaga, sobrang sweet. I’m so lucky to be your little sister,” sagot ni Kylie. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. “I think you have a problem right now and obviously you don’t wanna tell me about it for my own good. Pero, Kuya... don’t worry about me. Kahit anong problema, hindi ako susuko. Kaya dapat ikaw rin. Remember mom’s lullaby to us? The song You’ll Be In My Heart by Phil Collins. We used to sing it when we were young. Nag-research pa nga tayo para malaman ‘yong pinaka-meaning ng song. It’s about unconditional love, protection and comfort, and reassurance against doubt. I think you need it now, Kuya. Kaya, let's sing it.”

Bahagya akong napangiti. “I don’t know, Kylie. I’m too sick to sing right now.” 

“Oh, c’mon, big bro. Let’s go. I’ll start.”

“Come stop your cryin', it will be alright. Just take my hand, hold it tight.I will protect you from all around you. I will be here, don't you cry,” pagkanta ni Kylie. “C’mon, bro. Ituloy mo.”

For one last time, I had to make my little sister happy. Kahit durog ang puso ko, sasabayan ko siya sa pagkanta. “For one so small, you seem so strong. My arms will hold you, keep you safe and warm. This bond between us can't be broken. I will be here, don't you cry.”

Para sa chorus, sabay kami ni Kylie na kumanta. “'Cause you'll be in my heart. Yes, you'll be in my heart. From this day on, now and forevermore. You'll be in my heart. No matter what they say. You'll be here in my heart always.”

“Yey!” As I heard Kylie clap her hands from the other line, I wiped my tears that suddenly fell down. “Feeling better, Kuya?” 

“Yes. Thank you, Kylie,” sagot ko. Kahit papaano nabawasan ang bigat. “By the way, are you with that old man?” 

“Kuya naman. He’s still our father.”

Kung alam mo lang ang ginawa niya, Kylie, for sure you wouldn’t call him Dad anymore. Kahit sabihin nating nagawa niya iyon para sa akin o para sa pangalan niya, mali pa rin ang hindi ipaalam sa pamilya ni Saydie noon ang nangyari at hindi man lang sila tulungan. Higit sa lahat ang hindi pagtapon sa akin sa kulungan para pagbayaran ang kasalanan ko. Kung alam ko lang noon ang nangyari, I would turn myself in. 

“He’s not here. He’s probably at his office. Bakit, Kuya?” 

“Nothing,” sagot ko. “I just don’t want to ruin our moment.” 

“Listen, Kylie... I gotta go,” dagdag ko. 

“Sige, Kuya. Bye-bye.” 

“Good-bye, Kylie... Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng kuya mo. You are... the best... sister...”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tinapos ko na ang tawag. Naiyak na kasi ako at nanginig na nang sobra ang mga labi ko. “I’m sorry, Kylie...” 

Matapos kong alalahanin sa isip ang magandang mukha ng chinita kong kapatid, pinunasan ko ang luha ko at naghilamos sa lababo. `Tapos, muli akong nag-dial sa phone ko. This time, it was my father’s number. 

“Hello, who is this?” dinig kong sagot niya sa kabilang linya. I never gave him my number kaya hindi niya alam na ako ang tumawag. 

“It’s Van.” 

“Oh, so you have finally come to your senses, Van Kyle. Ano, tumawag ka ba dahil wala ka nang pera?” 

Parang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo nang marinig ang madiin na boses ng ama ko. Pero agad kong kinontrol ang sarili ko. “Alam ko na ang katotohanan. Ang totoong nangyari eight years ago.”

Hindi siya sumagot sa kabilang linya. Nagkaroon ng medyo mahabang katahimikan sa pagitan namin. Hanggang sa bumuntong-hininga ako at nagpatuloy. “The day of my accident, I killed someone. Tama ba?”

“Van Kyle...” mahinahon niyang sabi. 

Tumuloy na ang init ng ulo ko dahil parang bigla siyang tumiklop. “Sumagot ka!”

“Oo... pero p-paano mo nalaman?” Nanatiling mahina ang boses niya sa kabilang linya. Parang natatakot siya sa nalaman ko. 

“Doesn’t matter. Pero alam ko na ang katotohanan na nagbayad ka para ilihim ang nangyari. You even hid his body. You are the worst person I’ve ever known. You didn’t even think about the guy’s family. Alam mo ba ang nangyari, ha?!” 

“I did it for you! Walang magulang ang gustong makulong ang anak niya!” 

“Don’t give me that bull crap! Alam kong ginawa mo `yon dahil ayaw mong madungisan ang pangalan mo! You... you are so despicable and the worst! Alam mo bang nagpakamatay ang asawa’t anak ng lalaking `yon dahil wala nang bumubuhay sa kanila?! Of course, you don’t know that!” madiin kong sabi. 

Saglit akong pinangapusan ng hininga. Parang nakapaglabas ako ng isang mabigat na bagay na matagal kong itinago. “But I’m not exempting myself. Itatama ko ang pagkakamali ko. Ikaw, bahala ka na kung anong gagawin mo sa buhay mo. But let this day remind you that like me, you are a killer, you are selfish, and again... the worst person I’ve ever known,” patuloy ko. Hindi ko na siya pinagsalita pa at agad na binabaan ng phone. 

Now that I had said good-bye to my sister, and confronted my father, there was nothing left to do but make Saydie happy one last time. But before that, I need someone to take care of my body when I’m dead. Nag send ako ng message kay Kobe na puntahan niya ako dito bukas. Ang katwiran ko sa kanya ay naghiwalay na kami ni Saydie. 

I’m sorry, dude. I needed you one last time.





HINDI ako natulog. Inihanda ko ang lahat para sa huling araw namin na magkasama at huling araw din ni Saydie bilang tao. There was no other way for me to redeem myself but to help her be reincarnated. So for our last day, we would finish the last novel we read, ipagluluto ko siya, ipaghahanda ng isang masarap na paligo, at bago sumapit ang gabi, dahil lagi ko siyang nakikitang natutulala at napapangiti kapag nakakapanood ng romantic date sa mga movies, I’d  give her the most romantic date ever.

Pagsapit ng umaga, matapos ang almusal, magkatabi naming tinapos ang pagbabasa ng nobela. Then after lunch, I let her bathe in the tub that I prepared. Gusto ko kasing ma-relax ang katawan niya for the last time. At habang naliligo siya, inihanda ko ang table sa tabing-dagat kung saan kami kakain ng paborito niyang ice cream. It was the first food she ever tasted. I guessed it’s best kung iyon din ang huli naming matitikman. And just like in the movies we watched, sinamahan ko ng speaker sa gilid para may background music kami habang kumakain. Who knows? I might dance with her, too.

At the back of my head, I was wishing that Saydie and I were just normal people with no history of unspeakable things. Para sana magagawa namin ito palagi. Makikita at mahahawakan ko siya, at maririnig ko ang boses niya palagi. But reality was sad. There was no way I could live knowing that I was the one who killed her father. 

Pagsapit ng hapon, niyaya ko na si Saydie sa date namin. Nasorpresa naman siya sa inihanda ko. And she even enjoyed the ice cream while watching the sunset. Today, I became the most romantic guy I could be. For her. Handa akong gawin ang lahat. Kahit may parte sa loob ko na hindi handang tanggapin na ito na ang huling beses na makikita ko siya. 

As romantic music played from the speaker, I grabbed the chance to dance with her. The last romantic thing that I would do in my life was with the person I loved the most. 

Tila nilamon ako ng pangyayari, nawala ako sa sarili, at nabihag ng kanyang mapupulang labi. I kissed her on the lips. This time, it wasn’t an accident and it felt like the warmest but greatest touch I had ever tasted. Our kiss told me that our love was strong, strong enough to make a huge sacrifice. 

“Saydie...” 

“Y-yes?” 

Nginitian ko siya. Gusto kong ang huli niyang makikita ay ang masaya kong mukha pero hindi ko napigilang maluha dahil parang pinupunit ang puso ko. 

“Van, what’s wrong?” 

“Saydie...” Kinuha ko ang singsing na ibinigay ni Reeve mula sa bulsa ko at ipinakita iyon sa kanya. “Wear this ring as a symbol of my love...”

“O-okay, I will.” She was smiling. She didn’t even know what would happen if I put this ring on her. But this was for her own good.

I’m sorry, Saydie. 

Kahit nanginginig, marahan kong isinuot ang singsing sa daliri ni Saydie at niyakap siya nang mahigpit para itago ang mukha ko. Kinagat ko pa ang mga labi ko para hindi tuluyang umiyak.

“I love you, Van. I will love you always… Till death do us part.”

“...and my sacrifice,” pagtutuloy ko sa sinabi ko kanina. “Mahal na mahal kita, Saydie. Thank you for everything and...” 

“Van... bakit parang nagpapaalam ka?”

Our love was really real. Real enough for her to feel what I really feel right now. 

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mas lumakas ang pag-iyak ko. Sobrang sakit sa dibdib at parang mawawalan ako ng hininga. 

“Good-bye, Saydie. Whatever happens in your next life, sana maalala mo na may isang taong nakapagpa-ibig sa isang Grim Reaper... at nagmahalan sila nang todo.”

Habang yakap ko siya, unti-unting naging puting usok ang katawan niya hanggang sa mawala nang tuluyan sa aking mga bisig.

“I’m sorry, Saydie! I’m so sorry!” Once again I cried the tears of good-bye. Napaluhod ako sa buhangin. Parang bumagsak ang buong mundo sa akin.

Now that she’s back from being a Grim Reaper... all that was left for me is to sleep and die.

Hinubad ko ang anting-anting sa leeg ko at itinapon sa dagat. With a broken heart and a body that felt tired as hell, I went back to the house and went straight to our room. Sa huling pagkakataon, tiningnan ko sa phone ko ang mga picture ni Saydie at mga picture namin na magkasama. Inaalala ko ang lahat ng masasayang pangyayari habang nakahiga sa kama kung saan ako mamamatay.

Nang bumigat na ang mga mata ko, hinayaan ko na ang sarili ko na lamunin ng antok at sa huling pagkakataon ay matulog.







NANG marinig ko ang isang boses ng lalaki na tumatawag sa pangalan ko, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Balot ng kadiliman ang paligid maliban sa mapusyaw na liwanag sa pwesto ng isang lalaking naka-full black suit na nakaupo sa isang upuang gawa sa bato. Bahagya lang ang ilaw kaya hindi ko nakikita ang mukha niya.

“Van Kyle Chua... Congratulations for being dead and welcome to my office. I am the Death Lord and you are here to be judged whether you’ll be punished or be rewarded. But first...”

Tumayo ang lalaki mula sa kanyang trono and in a snap of his fingers, nagkaroon ng mas marami pang ilaw sa paligid pero dim lang ang mga ito. Ngunit naging sapat para makita ko ang mukha ng Death Lord.

“Reeve? I-ikaw ang Death Lord?”

“Correction... the Handsome Death Lord,” nakangiti niyang sabi habang papalapit sa akin. 

“What?! This doesn’t make any sense. You are the Death Lord but Saydie said you were helping her win the Death Lord’s challenge.”

Natawa siya ng konte at inakbayan ako. “Take it easy. I will tell you everything. Dahil may ginawa kang maganda para sa akin.”

Nakakunot-noo lang ako at naghintay sa sasabihin niya. 

“Una sa lahat, tinulungan ko si Saydie dahil alam kong hindi siya karapat-dapat maging isang Grim Reaper. Technically, pinatay siya ng sarili niyang ina—hindi niya alam kung ano talaga ang mangyayari nang tumalon siya mula sa gusali noong bata pa siya. Ang tanging nagiging Grim Reaper lang ay mga taong nag pakamatay, bilang parusa. Pero ewan ko… siguro naawa ako sa kanya. Pakiramdam ko, karapat-dapat siyang magkaroon ng ikalawang pagkakataon bilang tao. Hindi ko dapat maramdaman ‘yon. Hindi dapat ako naapektuhan ng gano’n. Pero ginawa ko pa rin siyang Grim Reaper, dahil iyon lang ang paraan para muli siyang mabigyan ng buhay.”

“Teka. You mean pinahirapan mo pa siya kung kaya mo naman palang buhayin na lang siya agad?” kunot-noo kong tanong. 

“It’s not that easy, Van Kyle Chua. Even Lords have rules that we must follow. That’s the natural order of things,” sagot niya, saka bumitiw sa pagkakaakbay sa akin. Tumalikod siya at huminto matapos maglakad nang limang hakbang palayo sa akin.

“What?” Hindi ko na-gets ang sinabi niya.

“But to continue... I pretended to be her mentor and helped her collect souls quickly..”

“Eh, nasaan na siya ngayon? Did she get reincarnated?”

Nilingon niya ako, saka tumango. “She’s now a baby to a newly wed couple.”

Napangiti ako. At least may pinatunguhan ang ginawa ko. “Mabuti naman. Handa na ako sa paglilitis mo.”

“Teka lang. I just wanna thank you first for giving a good show,” sabi niya at humarap sa akin.

“A good show?” I furrowed my brows.

“You see... there wasn’t supposed to be a challenge for Saydie, and you should have been dead the first time Saydie came to your home. Pero... may kailangan akong pasayahin kaya pinahaba ko pa ng konti ang buhay mo. Don’t get me wrong. Oras mo na talagang mamatay at walang makakapigil n’on. It’s the natural order of things. I just put a little twist.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”
Naglakad siya papunta sa akin at nilagpasan ako. “You see... even celestials fall in love. I’m in love with another celestial who loves to watch people’s lives like it’s some kind of a movie. I’m talking about the Time Lord.”

“Ano?! Si Aling Hora? In love ka doon? Eh, matanda na at parang bruha na `yon, eh,” sabad ko.

Humarap siya sa akin ng nanlilisik ang mga mata. “Careful how you talk about her. Pwede kitang ipatapon agad sa impiyerno at paliguan ng lava nang paulit-ulit.”

Napalunok ako at agad na napaatras ng kaunti. “O-okay. S-sorry, Sir.”

“What you saw is just her disguise. Kapag nakita mo siya sa totoong anyo niya, siguradong maglalaway ka. Walang sinabi ang mga supermodel at mga artista ng mga tao sa kanya.”

“O-okay,” pagsang-ayon ko.

 “Now... I just wanna tell you na nagustuhan niya ang naging huli mong mga sandali kasama si Saydie. Pinakilig ninyo siya, pinasaya, pinakaba, pinaiyak, at pinatawa. She even told me that it was one of the best shows she had ever watched.” 

“Okay... so ibig mong sabihin, lahat ng nangyari sa amin ay isa lang palabas at para lang matuwa si Aling Hora? You guys are crazy,” protesta ko. 

Pumitik ang Death Lord sa ere at bigla na lang parang hinagupit ng invisible na matigas na bagay ang tainga ko. 

“Ouch! Jeez, what was that?” 

“Stupid. You should have been thanking me. Kung hindi ko ginawa ang ginawa ko, hindi mo mare-realize ang mga pagkakamali mo at hindi mo malalaman ang mga katotohanang ikinubli sa `yo. Mamamatay ka na lang nang walang alam at puno ng kasalanan. Higit sa lahat, hindi mo mararanasan ang totoong pagmamahal kasama si Saydie. Sabihin na nating ako ang naging director ng istorya ninyo pero kayo ni Saydie ang sumulat nito.”

He was right. Maybe what happened was for the Time Lord’s amusement but being with Saydie was the best thing that happened in my life. 

“Very good realization,” sabi niya.  

Nagulat ako dahil nabasa niya ang nasa isip ko pero agad ko namang na-realize na celestial nga pala siya.

“Now... For giving her a good show, babawasan ko ng fifty years ang sentensiya mo sa impiyerno. Bale one hundred years na lang. You may have done good things in your life pero hindi nito mababago ang mga masasama mong nagawa.” 

Hindi ko na iyon ikinagulat pa. Even when I was alive, alam ko nang sa impiyerno ang bagsak ko. 

“Okay, looks like you’re ready. Ipapadala na kita sa impiyerno,” sabi ni Death Lord. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa balikat. 

“Hold it right there!” 

Isang boses ng babae ang umalingawngaw sa paligid. Napalingon ako at naaninag ang pigura ng isang babae. Sobrang liwanag sa kanyang likuran kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Pero nang tingnan ko ang Death Lord, abot-tenga ang ngiti niya. 

“My beloved,” sabi ni Death Lord. 

So ibig sabihin si Aling Hora—este, ang Time Lord itong nasa likod ko? Bakit kaya siya nandito? 

Hindi ako makaharap sa kanya dahil sa liwanag na iyon. Hindi ko tuloy alam kung maganda nga siya gaya ng sabi ng Death Lord. 

“I object,” dinig kong sabi ng Time Lord. 

“My beloved... I’m sorry but we can’t disobey the natural order,” sagot ni Death Lord sa kanya. 

“Believe me I won’t be here if I don’t know what I’m doing. Van Kyle Chua should neither be sent to hell nor to paradise.” 

Okay... saan naman kaya dapat ako? 

“What do you mean, my beloved?” tanong ng Death Lord

“You gave him a choice, remember? Ang sabi mo puwede siyang tumakbo at magtago kasama si Saydie kahit sa huli ay matutunton sila ng mga Death Reapers o kaya naman ay isuot ang singsing kay Saydie at tanggapin ang kanyang kamatayan,” dinig kong sagot ng Time Lord. 

“Yeah. I said that. But what should...” Naputol ang sasabihin ng Death Lord at napatingin ako sa kanya. Tulala lang siya na parang may na-realize. 

“Yes, that’s right,” dinig kong patuloy ng Time Lord. “At dahil pinili niyang isuot ang singsing kay Saydie at ang kamatayan... Technically, Van Kyle Chua committed suicide. Which means... he will become...”

“A Grim Reaper.”

Nagulat ako sa aking narinig. Ako magiging Grim Reaper? Teka sigurado ba `yon? Pero mukhang mas okay na `yon kaysa mapunta sa impiyerno. 

“If that’s the case and if it’s my beloved’s will... then who am I to disobey the natural order?” sabi ni Death Lord habang nakangiti. 

“Good… Thank you for the good show. And, Van Kyle Chua... maybe someday a sequel will be made.”

Naaninag kong nawala ang liwanag sa likuran ko at paglingon ko... wala na ang Time Lord. Ang Death Lord naman ay biglang napunta sa kanyang trono.

“Van Kyle Chua... you have done one of the worst crimes in the land of the living. You have committed suicide. Therefore, I hereby sentence you to serve me without the memory of your living days. Let’s see… what should I name you…”

Nagkaroon ng mga lumulutang na mga letra sa harap ng Death Lord. Tila ang mga ito ay gawa sa apoy. Una, nakasulat ang buo kong pangalan hanggang sa naghalo-halo ang mga ito. Ang ibang mga letra ay nawala pa.

“I got it. From this day on, you will rebirth as... Grim Reaper Clyve.” 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly