DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 28

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

SAYDIE

IT HAD been four days since me and Van started to hide in a secluded beachfront house. Epektibo ang talisman na ibinigay sa amin. Itinago kami nito sa mga Grims gaya ng sabi ni Van. Mula noon, ni isang Grim Reaper ay wala kaming nakaengkuwentro at ang pagsasama namin ay puno lang ng saya at higit sa lahat... pagmamahalan. Sana hindi na ito matapos pa. Ito na talaga ang mas gusto ko kaysa ang mabuhay muli. 

“Good morning.” 

Sa pagmulat ko ng mga mata, ang aking unang nakita ay ang nakangiting mukha ni Van. 

“Morning,” nakangiti kong sagot habang nakayakap sa kanya at nakahiga sa kama. 

“Breakfast is ready, my grimy. Rise and shine.” Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri at hinalikan ang ulo ko. 

Umiling ako at isiniksik ang mukha sa dibdib niya. “More cuddles, please. Five more minutes.” 

Tumawa siya nang kaunti. “No way. Nagiging isang oras ang five minutes mo dahil nakakatulog ka uli. Wake up. We have a lot to do.” 

Kainis, sarap pang matulog. Lalo na kapag nakayakap ako sa kanya. Pero mas masarap pa rin ang makasama siya sa buong araw nang gising. 

Naghikab ako at kinusot ang mga mata. “Maaga ka bang nagising?” 

He nodded with pursed lips. “I can’t sleep. Kaya inihanda ko na lang ang lahat para sa araw na ito.” 

Napakunot-noo ako at inalala kung anong meron sa araw na ito at kailangan niyang paghandaan. “What do you mean?” 

“You’ll find out later,” sagot ni Van, saka ako mabilis na hinalikan sa noo. Tumayo siya sa kama at iniabot ang kamay sa akin. “Get up. Inihanda ko ang paborito mo.” 

“Ice cream?” I said in excitement. 

"Syempre hindi. Ang aga pa kaya.” 

“But I want ice cream,” I replied with pouty lips. 

Inilabas lang niya ang dila, saka tumakbo palabas ng kuwarto. 

“Van Kyle Chua!” Binato ko siya ng unan pero hindi siya tinamaan kaya hinabol ko siya. 

Ganito kami palagi, nagkukulitan at nagtatawanan kahit kaming dalawa lang ang magkasama.  






RIGHT after breakfast, we did what we always do every morning: read books while cuddling in a wide hammock under a big tree. Sa pamamagitan kasi nito, mas marami akong natutunan bilang isang tao. Minsan nga, iyong ibang ugali ng characters sa isang story nagagaya ko. Nakakatuwa lang. Right now we were reading a novel titled Until I’m Over You, a love story about sacrifice. Nabasa na namin kahapon ang kalahati ng novel, at ngayon ay tinatapos na namin. It took us a couple of hours to finish the book with smiles on our faces. Kahit naiyak ako nang sobra sa mga sakripisyo at struggles ng mga bida. 

“`Buti na lang lahat ng sacrifice ng mga bida may kinahinatnan, `no?” Tumingala ako para tingnan ang mukha ni Van. Nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. 

Tumango siya at ngumiti. “Yeah. I guess some sacrifices are really meant to happen. Kung para naman sa ikaliligaya ng mahal mo.” 

I heard him take a deep breath and then I felt his lips touch my forehead. “Now let’s have lunch. Then after punta ka sa banyo, I prepared a relaxing bath for you.” 

Nag-inat ako ng mga braso habang nakangiti. “Hmm... sounds nice.”

“Tara...” Bumaba si Van ng hammock at sumunod ako. “Panoorin mo uli akong magluto. Ginaganahan ako kapag nanonood ka, eh.” 

“Why?” nakangiti kong tanong kahit alam ko na kung bakit. For the last four days, nape-predict ko na kung kailan niya ako sasabihan ng mga bagay na masarap pakinggan pero hinahayaan ko lang. Ang sarap kasi sa pakiramdam, lalo na kapag nag-iinit ang mga pisngi ko. 

“Ang ganda mo kasi. Mas sumasarap ang luto ko kapag nakikita kita.”

Pinalo ko si Van sa braso. Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang kamay ko para gawin `yon. Parang sasabog kasi ako dahil sa kakaibang init kapag hindi ko ginawa iyon. 

He held my hand as we walked back to our house until we reached the kitchen. Nagsimula na siyang magluto habang tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Masaya siya habang ginagawa `yon at maaliwalas ang mukha. Kapag tinititigan ko talaga siya, parang nawawala ang lahat ng bagay sa paligid at mukha lang niya ang nakikita ko. Ganito siguro talaga kapag nagmamahal. 







MATAPOS kumain ng lunch, pumunta ako sa bathroom at nagbabad sa bathtub na nilagyan ni Van ng kakaibang aroma na talagang nakapagpa-relax sa katawan ko. Nakapikit lang ako at pinagagana ang aking imahinasyon. Ini-imagine ko na kami ni Van ang bida sa mga movies na napanood namin hanggang sa hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. 

The scene in my mind shifted to a familiar one. Pamilyar dahil nakita ko na ito noon. Isang nakatatandang babae at isang batang babae ang nasa rooftop ng isang mataas na gusali. Nasa gilid sila at magkahawak ng kamay. 

“Halika na, Saydie. Lumipad na tayo,” sabi ng nakatatandang babae. 

Saydie? Bakit Saydie ang tawag niya sa bata?

Tumango ang bata at tumalon sila. I was powerless again to do anything. Then the scene shifted to darkness. Mayamaya, bigla kong nakita ang sarili ko na naging isang batang babae. Ang batang babae na tumalon sa building. Ilang segundo ko siyang nakita hanggang sa nilamon siya ng dilim at nawala. Then I started to hear whispers calling my name.

“Saydie... Saydie... Saydie... There’s no way... To escape... Death!” 

Napasinghap at napabangon ako kasabay ng mga mabibilis na paghinga. Tila ba noon ko lang namalayan na nasa tubig ang katawan ko. At nang mabilis kong iminulat ang mga mata, napagtanto ko na isa pala iyong panaginip. 

Nakarinig ako ng mga katok sa pinto ng banyo kasunod ang boses ni Van. “Saydie? That should be enough. Baka sipunin ka. Come out. I have something for you.” 

My lips formed a wide smile as I forgot about my dream. Van said dreams were most likely just another form of imagination na hindi mo sinasadya. So hindi rin totoo ang nakita ko. Mas na-excite ako na makita ang sinasabi niya. “I’ll be there in a few moments.” 

Nagpunas ako, nagbihis, at nag-ayos ng sarili. Suot ang isang white dress, lumabas ako ng banyo at tumambad sa akin si Van na naghihintay. 

“Ang bango naman,” nakangiti niyang sabi na nagdulot naman ng bahagyang pag-iinit sa mga pisngi ko.

“Saydie, may surprise ako sa `yo, ah. But I have to put this blindfold on you. Okay lang ba?” 

Tiningnan ko ang kulay-puting tela na hawak ni Van, saka ako tumango nang may ngiti sa mga labi. Pumikit ako at inilagay na niya ang blindfold sa mga mata ko. Then he guided my steps hanggang sa naramdaman ko ang buhangin sa aking mga paa. Narinig ko rin ang tunog ng alon ng dagat. Palatandaan na nasa labas na kami ng bahay. 

“Saan tayo pupunta?” tanong ko habang kinakapa ang paligid kahit hawak niya ako sa tagiliran.

“Basta. Malapit na tayo. Mukhang nag-enjoy ka sa bath mo, ah. Inabot ka ng hapon,” sabi niya at tumawa nang mahina. 

“It’s your fault. Everything you did for me were really good,” nakangiti kong sabi at narinig ko naman siyang tumawa ng kaunti. 

Ilang hakbang pa, huminto si Van at ganoon din ako. “We’re here. This is perfect. Sakto lang na inabot ka ng hapon.” 

Naramdaman ko na tinanggal niya ang blindfold ko at nang unti-unti akong magmulat ng mga mata, tumambad sa akin ang sunset sa beach. It was a beautiful mirage of red and orange. Napukaw ang pansin ko ng isang bilog na mesa na may dalawang upuan na magkatapat malapit sa beach. Sa ibabaw ng lamesa ay may tatlong maliliit na kandila na nakalagay sa baso. May dalawang plato rin na may takip, dalawang baso, isang bote, at mga kubyertos. Napansin ko rin ang instrumentong ginagamit ni Van para palakasin ang music sa may gilid. Ang sabi niya, speaker daw ang tawag do’n.

Napangiti ako, at para bang bahagyang uminit ang buo kong katawan. “Ano `to, Van?” 

Lumapit siya sa mesa at binuksan ang mga takip ng plato. Ice cream pala ang laman. Ang isa ay itim at ang isa ay puti. 

“Ice cream date?” nakangiti niyang sagot. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay, saka hinatak palapit sa mesa. 

I didn’t know what happened to me but seeing the sunset, the candles, and how neat the table was set up made me petrified. I had seen this in movies and I didn’t know that it felt like this. Like there was a different kind of inexplicable warmth in my stomach. It felt so good at the same time. 

Hinila niya nang bahagya ang isang upuan at inalalayan akong umupo doon. Kagaya na kagaya sa mga romantic movies na napanood ko. 

“Give me a sec,” he said as he went to the speaker and turned it on. Naglabas ito ng mabagal na music na may tunog ng gitara. Lumapit sa akin si Van at may iniabot na kulay pulang mga rosas. Hinawi niya ang buhok ko sa gilid at ipinatong ang isang piraso ng rosas sa kanang tainga ko. 

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Lalo pa nang titigan niya ako nang nakangiti at namumula ang mukha. 

“B-bakit?” Finally I let a word out. 

Umiling si Van, saka ako hinawakan sa pisngi habang nakatitig sa akin. “Who would have thought that at first I want to get rid of you, now it turns out that you are the best thing that happened to my life.” 

Oh... this is so... I don’t know how to say it... but it feels like I’m going to explode.

Kinurot niya nang mahina ang pisngi ko. 

“Tara. Let’s eat.” Umupo na siya sa upuan na nasa tapat ko. Hindi ako dapat magpahuli. I should tell him what I felt, too. 

“Van...” Bakit parang hindi ako makatingin sa kanya? Bahala na nga. “I, uh... Gusto kong malaman mo na. Ikaw rin ang pinakamagandang nangyari sa akin. I mean this... us... Kahit nagtatago tayo.” 

Naaninag kong gumalaw ang braso niya. Tiningnan ko siya at napansing parang may pinunasan siya sa mga mata. 

“Sorry... napuwing ako. Kainin na natin ang ice cream bago pa tuluyang matunaw,” sabi niya at ngumiti. Pero bakit parang naramdaman ko na bigla siyang nalungkot? “Let me try yours,” bigla niyang sabi at kumuha ng piraso sa ice cream ko gamit ang kutsara niya. 

“Hey, that’s mine!” I looked at him as he munched. He looked so happy. Maybe I was just imagining things. 

“Ganito pala ang lasa ng black ice cream mo. Lasang coconut.” Kumutsara si Van sa ice cream niya at inilapit sa akin. “Here. Try mine.” 

Kinain ko ang ice cream sa kutsara niya. Ang sarap nito pero mas masarap sa pakiramdam `yong sinubuan niya ako. And then as we sat and ate ice cream in front of each other, the sun slowly made its bow for today, leaving us with only the table’s candlelight and faded light from our nearby house. 

“Do you think we can really live like this longer?” tanong niya. 

Tumango ako. “I’m willing to do anything for us.” 

“Me, too. Anything… that is best for you.” 

Nagkatitigan kami at unti-unting nawala ang music sa paligid. Pero mayamaya, muling nagkaroon ng mahina at malumanay na musika mula sa tunog ng strings ng gitara. Nagustuhan ko ang tunog na tila sakto sa ginagawa namin. “Anong tawag sa music na `yan?” 

“It’s a cover song by Boyce Avenue. The title is ‘Heaven’ and it was originally sung by Bryan Adams. One of my favorite song kaya dapat mong malaman ang full details. Nagustuhan mo?” 

Tumango ako at bigla siyang tumayo. 

“Great! I think this is the right music.” Pumunta siya sa tabi ko at inabot sa akin ang kamay niya. “Pwede ba kitang isayaw?” 

Napanood ko rin ito sa mga movies. Nakakakaba pala kapag sa totoo na ginawa. Ano’ng gagawin ko? Parang mas mahirap yata ito kapag mabagal ang music. 

“Hindi ko alam kung paano,” sabi ko habang nagpipigil  

“Don’t worry. I’ll take the lead.” 

Humawak ako sa kamay niya at tumayo. Dinala niya ako sa kung saan bahagyang abot ng alon ng dagat ang mga paa namin. Humarap siya sa akin at inilagay ang mga kamay ko sa balikat niya. `Tapos ay naramdaman ko ang mga kamay niya sa baywang ko. 

“Parang katulad lang ng dati. Just sway through the tune,” nakangiting sabi niya habang nakatitig sa akin. 

And as soon as he moved, swaying from left to right, my body seemed to move on its own and started to follow him. Kasabay nito ay ang kakaibang init sa buo kong katawan at ang puso kong mabilis at malakas ang bawat pagkabog. 

Parang nawala ako sa sarili ko. Parang nawala ang buong paligid at si Van lang ang tangi kong nakikita. Sunod ay tila kusang gumalaw ang katawan ko. Niyakap ko siya at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya habang tuloy pa rin ang aming pagsayaw sa tugtugin. 

“I love you, Saydie,” he whispered.

Tumingala ako para tingnan ang mukha niya. “Oh Van... I love you.”

Then I felt his touch go from my cheek to my chin. “Close your eyes, my grimy.” 

I closed my eyes and in a moment... I felt a soft and warm familiar touch on my lips. Bahagya kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang mukha ni Van na sobrang lapit sa akin. Ang mga labi niya ay nakalapat sa akin. Muli akong pumikit at ninamnam ang kanyang halik na para bang pinalulutang nito ang mga paa ko. 

I thought I was lost to the feeling and the moment. Bumitiw siya sa halik namin at tumitig sa mga mata ko. Then he held my right cheek and moved his face closer to me again. 

Muli ay hinalikan niya ako sa mga labi. This time, I felt his lips slowly moving na parang hinahaplos nito ang mga labi ko ng paulit-ulit. Ang init niyon at parang ginising ang buo kong katawan kahit na parang pakiramdam ko ay lumulutang ako. Sinubukan kong gayahin siya nang marahan, hoping that he would feel the same. 

This feeling... it’s so great and addicting. Niyakap ko siya nang mahigpit. Patuloy pa rin ang paghalik niya sa akin na tila ba ayaw ng mga labi namin na humiwalay sa isa’t isa. Hanggang sa parang nawala na ako sa sarili dahil sa sobrang sarap sa pakiramdam ko at sumabay na lang ako sa nangyayari. I didn’t know how long but as we caught our breath, niyakap niya ako nang sobrang higpit. 

“Saydie...” 

“Y-yes?” 

Bumitiw si Van pagkakayakap sa akin at nakita ko ang mukha niyang nakangiti pero may mga luhang tumutulo sa mga mata niya.

“Van, what’s wrong?” 

“Saydie...” Dumukot siya sa bulsa at may kinuhang isang singsing na kulay-silver. “Wear this ring as a symbol of my love...” 

“O-okay. I will,” nakangiti kong sagot. Isinuot niya sa ika-apat na daliri ng kaliwang kamay ko ang singsing at niyakap niya akong muli nang mahigpit. 

“I love you, Van,” I whispered. But I could hear and feel him crying. “I will love you always… Till death do us part.”

“...and my sacrifice. Mahal na mahal kita, Saydie. Thank you for everything and...” 

“Van... bakit parang nagpapaalam ka?” 

Mas lumakas ang pag-iyak niya. Sinubukan kong tingnan siya pero mahigpit ang yakap niya at para bang ayaw niyang makita ko siya. Tila ba naramdaman ko rin kung ano man ang pinagdadaanan niya kaya lumuha na rin ang mga mata ko. 

“Good-bye, Saydie. Whatever happens in your next life, sana maalala mo na may isang taong nakapagpa-ibig sa isang Grim Reaper... at nagmahalan sila ng todo.” 

Matapos kong marinig `yon, bigla na lang nanghina ang katawan ko at sa isang iglap... nagdilim ang lahat. 




I OPENED my eyes with a weird feeling and saw the mountains outside from the windows of the Death Collectors Society building. Hindi ko alam pero parang sobrang tagal ko nang nakapikit kahit kanina lang ay nakatingin ako sa aking Death Book at hinihintay na tuluyang magkulay-dugo ang pangalan ng 10,000th killer’s soul ko.

“Saydie... I didn’t know you’re here.”

Lumingon ako at nakitang papalapit sa akin si Master Reeve. “How’s your 10,000th killer’s soul? Masusundo mo na ba?” tanong niya.

Pinalitaw ko ang Death Book sa palad ko at nakita na ang mga letra sa pangalan ni Van Kyle Chua ay may tinta na ng dugo maliban sa isa. 

“Malapit na pala. Humayo ka na at kunin ang kaluluwa niya. Para makahiling ka na sa Death Lord.” 

“Yes, Master. I won’t fail.” 

“May the power of death be with you.” 

“As it was and ever shall be.”

Nag-warp ako sa kinaroroonan ng killer’s soul na susunduin ko. He was in his bed. Sleeping peacefully. Gaya ng sabi sa challenge ng Death God, he would die in his sleep. 
Inihanda ko na ang Death Scythe ko at hinintay ang tuluyang pagiging kulay-dugo ng pangalan ni Van Kyle Chua sa Death Book ko. 

Napatingin ako sa mukha niya at may naramdamang kakaiba. Bakit parang pamilyar ang nakita ko na siya noon?

Ilang saglit pa, kulay-dugo na ang buong pangalan ng killer’s soul. Iniangat ko ang aking Death Scythe at inihataw sa dibdib ng target. Marahan kong binunot ang sandata at nabingwit ko ang kanyang kaluluwa. 

Why does it feel like I’ve done this before?

Nakapagtataka... bakit kaya kulay-puti ang kaluluwa niya at hindi itim gaya ng mga naunang killers soul na nasundo ko noon? 

Hindi ko alam ang sagot kaya hinawakan ko na ang kaluluwa niya. Pero natigilan ako nang biglang may maramdamang pagpatak ng tubig sa pisngi ko na parang nanggaling sa mga mata ko. 

What is this? Tears? Why? 

Mayamaya, bigla kong naramamdan ang isang mabilis na pag-ihip ng hangin. Dumating pala si Master Reeve.

“Good job, Saydie. You have accomplished your mission. Go now to the Death Lord’s chamber and ask for a wish to be granted.”

“Master... Lumuha ako nang kunin ko ang kaluluwa niya. Bakit?” tanong ko. 

“I don’t know. Perhaps pity?” He shrugged. “But don’t worry, at least he died peacefully. Now let’s get going.” 

I didn’t ask for more questions. What I wanted to do right now was to surrender this soul and ask the Death Lord for reincarnation. Whether that tear was because of pity or not Master Reeve was right. At least... Van Kyle Chua died peacefully in his sleep. 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly