DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 27

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: Till death do us part

VAN


HINDI ako makapaniwala na ang matandang si Aling Hora ay isa pa lang Time Lord. Kung alam ko lang noon, eh, di sana pala tinrato ko siya nang maayos. Pero wala, eh... isa talaga akong masamang tao noon at kinakarma na ngayon. At least sa mga nangyari sa akin, namulat ang isip ko. Hindi ko man na maibabalik ang nakaraan, sa mga natitira kong oras ko na lang itatama ang lahat. Siguro okay na `yon. Pero sa totoo lang, kung may paraan para ibalik ang oras, babaguhin ko ang sarili ko simula’t sapul. Kahit pa saglit lang ang itatagal ng buhay ko. 

Sakay ng isang taxi, bumiyahe kami ni Saydie papunta sa tirahan ni Aling Hora. So far, hindi gaya ng iniisip niya, hindi nagpapakita sa amin ang kalaban. Pero ang hitsura niya ay sobrang alerto at laging inililibot ang tingin sa paligid. I couldn’t help but to worry about her kahit katabi ko lang siya sa backseat. 

“Hey...” Hinawakan ko siya sa kamay kaya tumingin siya sa akin. “Relax... I think what you said is working. Blending in with people would make him hesitate to attack us. Because Grims are not allowed to be seen by humans, right? Kaya relax ka lang. And whatever happens, I’ll protect us.” 

Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko siya po-protektahan kapag lumabas uli ang kalaban dahil mukhang binawi na ni Aling Hora ang orasan. Pero kahit anong mangyari, itataya ko ang buhay ko para sa kanya. 

I heard her take a long breath, then she leaned her head to me as I held her hand. Nasasanay na akong ganito kami. Lalo na ngayong nasabi na naming mahal namin ang isa’t isa. Pero hindi pa namin uli ito napag-uusapan. Saka hindi ko rin naman masabi kung alam ba niya ang mga sinasabi niya dahil ngayon lang niya iyon naramdaman. Ang hirap. Pero siguro ipapadama ko na lang sa kanya na this time, tunay na ako... 

Tunay na akong umiibig sa isang Grim Reaper. 

Biglang kumirot ang puso ko nang maalala na ilang araw na lang ay mamamatay na ako. Kung dati ayaw kong mamamatay dahil ayaw ko lang, ngayon... parang biglang ayaw ko nang mamatay dahil ayokong matapos ang mga oras na kasama ko si Saydie. Nakakatawa, ako `yong dating nagsabi na paiibigin siya pero ako itong nahulog nang hindi sinasadya at hindi alam kung kailan nagsimula. 

“Bakit ka tumatawa?” 

Jeez! Napalakas pala nang kaunti ang pagbungisngis ko. 

“Ah... eh... wala. Naalala ko lang `yong mga araw na masaya tayo.” 

Iniangat ni Saydie ang ulo mula sa pagkakasandal sa akin at tiningnan ako. Nakangiti siya at napansin kong bahagyang namumula ang kanyang mga pisngi. “Now you made me remember, too.” 

Napangiti ako at tila na-stuck na ang mga pisngi ko. “Talaga? Ano’ng naaalala mo?” 

Tumingin siya sa itaas at mukhang nag-iisip. “I remember those funny moments.” 

“Which are?” tanong ko.

Tumawa nang konti si Saydie. “Una `yong sigaw ka nang sigaw sa banyo nang makita mo `ko, `tapos `yong dinala kita sa mataas na lugar para maniwala ka sa akin. `Tapos `yong nag-mascot ka bilang isang ice cream. Basta `yong mga sigaw ka nang sigaw o kapag nakakatawa kang tingnan.” 

“Wow, ha! So ibig sabihin ang mga nagustuhan mo lang ay `yong mga nakakatawa ako?” kunot-noo kong sabi pero may ngiti pa rin sa labi. 

Natawa siya nang mas malakas, saka umiling. “Ang paborito ko ay `yong binilhan mo `ko ng ice cream, saka `yong sa party.” 

“Party?” ulit ko.

Lalo siyang namula at biglang nag-iwas ng tingin. “W-wala. Wag mong alalahanin.” 

I was about to dig in my memory and see why the party was her favorite but the car made a sudden halt. 

“Nandito na po tayo, Sir,” sabi ng taxi driver. 

Agad na lumabas si Saydie ng taxi. Sumunod naman ako matapos magbayad. Gusto kong ipagpatuloy ang kwentuhan namin pero ang ekspresyon ng mukha niya ay nagbalik sa seryoso at mapagmatyag. Dahil na rin siguro walang tao sa paligid. 

“Bilisan mo, Van. Kailangan nating mahanap agad ang Time Lord bago tayo matunton ni Rogos,” sabi niya.

Tumango ako at nagmamadaling pumunta sa gilid ng tulay kung saan may hagdang-kahoy pababa sa tuyong ilog. Sumunod sa akin si Saydie. Hindi gaya ng dati na maraming batang naglalaro, walang tao ngayon dito kahit isa. Tinahak namin ang tuyong ilog pero pagdating namin sa natatandaan kong lugar kung saan nakapuwesto ang bahay ni Aling Hora…

“What the hell?” Inilibot ko ang tingin sa paligid. 

“Van, bakit?” 

“It should have been here. Pero wala. Wala ang bahay ni Aling Hora.” 

“Don’t call her that, Van. She’s a Lord. Pero sigurado ka ba? Baka doon pa at hindi sa lugar na ito?” kunotnoong tanong ni Saydie. 

Sigurado ako na dito ‘yon. Pero bakit kaya wala na dito? Lumipat kaya ang matandang `yon?

Bigla akong nakarinig ng kaluskos— mga yabag na papunta sa amin kaya bigla akong lumingon at umambang susuntok. 

“Uy! Kuya, `wag po!” 

Jeez! Batang lalaki lang pala. Akala ko `yong kalaban na. Pero teka, siya `yong tumulong sa akin na mahanap si Aling Hora noon, ah. 

“`Langya kang bata ka. Tinakot mo kami,” sabi ko. “Tamang-tama at nandito ka.” 

“Van, do you know this kid?” tanong ni Saydie habang nakaporma pa ng fighting stance. 

Hinawakan ko ang kamao ni Saydie at dahan-dahang ibinaba. “Kilala ko siya, Saydie. Don’t worry, he’s harmless.” Huminahon naman siya kaya bumaling uli ako sa bata. “Bata, nasaan ang bahay ni Aling Hora? Bakit wala dito?”

Nagkibit-balikat lang ang bata. “Ewan ko. Isang araw bigla na lang po nawala, eh. Pati nga `yong mga kalaro ko dito bigla na lang nawala.” Napayuko ang bata at sumimangot. “Wala na tuloy akong kasama.” 

Parang nakakahawa ang lungkot ng batang `to. His malnourished body was covered in dirt. Kahit ang suot niya ay gutay-gutay na. He even smelled like a rotten underarm or something. Pero mas naawa ako nang ma-realize na bumabalik-balik dito ang bata sa pagbabaka-sakali na isang araw ay bumalik ang mga kaibigan niya. 

Yumuko si Saydie sa harap ng bata at hinawakan ito sa balikat. “Hindi na sila babalik.” 

Natigilan ako sa sinabi niya. That could be the case but she should have slowed down. Hinatak ko siya at inilayo saglit. 

“Saydie, that was wrong. May mga bagay na hindi dapat natin agad sinasabi,” sermon ko. 

“You don’t understand, Van. Kung nawala ang Time Lord kasama ang mga kalaro ng batang `yon, ibig sabihin lang ay hindi sila totoo. Ginawa lang sila gamit ang magic ng Time Lord. Sinasabi ko lang sa kanya ang totoo para hindi niya sayangin ang oras sa paghihintay.” 

Napatingin ako sa bata. Nagpupunas na siya ng luha. 

“You’re wrong, Saydie. He’s just a kid. What he needs right now are people who will take care of him.” 

Lumapit ako sa bata, yumuko sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Listen, kid. Umm... Si Aling Hora lumipat na ng bahay sa Pampanga. At ang mga kalaro mo, naampon na ng ibang mga pamilya. Ngayon, nandito ako kasi hinahanap talaga kita.” 

“Aampunin ninyo po ako, Kuya?” Masaya niyang sabi. 

“Ah... eh... hindi, eh,” sagot ko. “Pero kung okay lang sa `yo ipadadala kita sa bahay-ampunan na sinusuportahan ko. Mababait sila doon, marami kang magiging bagong kalaro. Makakain ka doon at magkakaroon ng maayos na tulugan.” 

Hindi sumagot ang bata na mukhang nalungkot sa sinabi ko. Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko siyang makumbinsi. Ayoko siyang pabayaan dito. 

“Hindi na po ba talaga babalik ang mga kalaro ko?” 

Umiling ako. “Dito sa lugar na ito, hindi na. Pero malay mo, balang araw magkita-kita kayo. Sa ngayon, ang dapat mong isipin ay kung paano ka lalaki bilang isang mabuting tao at may pinag-aralan. Higit sa lahat nang may laman ang tiyan. Okay ba `yon?” 

Hindi siya kaagad sumagot pero ilang saglit pa, tumango-tango siya at nagpunas ng luha. “Sige po, Kuya, pumapayag na po ako.” 

Napangiti ako. Tumayo ako at pabirong ginulo ang buhok niya. 

Agad kong tinawagan si Bea at sakto naman na hindi siya busy. Pinakiusapan ko siyang dalhin ang bata sa ampunan at pumayag naman siya. Hinintay namin siya sa isang cafeteria kaya pinakain ko muna ang bata at si Saydie. Paglipas ng ilang minuto, dumating si Bea sa labas ng cafeteria at inihatid namin sa sasakyan niya ang bata. 

“Thank you po, Kuya. Hindi ko malilimutan `to,” sabi ng bata. “Paalam po.” 

“Walang anuman. Teka, hindi pa pala namin naitatanong kung anong pangalan mo.” 

“Jeros po.” 

Nginitian ko si Jeros at pabirong ginulo ang buhok niya. “Mag-iingat ka palagi, Jeros. At lagi mong tandaan na hindi natin alam kung gaano tayo magtatagal sa mundo na ito. Kaya dapat siguruhin mong magiging mabuti kang tao kahit anong mangyari.” 

Tumango si Jeros at isinakay siya ni Bea sa kotse. “Sakay ka na, Jeros, para makita mo na mga bago mong kaibigan.” 

Bago sumakay si Bea sa driver’s seat, kinausap ko siya. “Bea, salamat, ha? May importante kasi kaming lalakarin ni Saydie ngayon kaya hindi namin maihahatid si Jeros sa ampunan.” 

“Okay lang. Gusto ko ngang nakakatulong ng ganito, eh. I’m so proud of you, Van. Sana marami ka pang matulungan,” sagot niya habang nakangiti. 

“Salamat uli. Ingat kayo.” 

Pag-alis nila, parang na-stuck ang mga pisngi ko sa pagkakangiti. Ang sarap sa pakiramdam at parang sobrang luwag huminga. Ang sarap talaga kapag nakakatulong ka. Sana nga lang talaga mahaba pa ang oras ko para mas makatulong. 

“Van... that was really good of you,” sabi ni Saydie. Lilingon sana ako sa kanya nang bigla ko na lang maramdaman ang mainit niyang mga labi sa pisngi ko. Isang mabilis na kiss sa cheeks ang nagpahinto sa akin na parang isang estatwa. 

“W-what is… that f-for?” 

“I, uh... I’ve been meaning to do that ever since you saved me. Napanood ko sa mga movies na magandang reward ‘yon. And, I uh... I don’t know. I just want to do it. It always feels like I need to do it,” sagot niya. 

“I... I... uh...” Jeez! I couldn’t find the words to say. Nagulat talaga ako. Hindi ko inakala na gagawin niya iyon. Ang init ng mga pisngi ko at parang nagising ang lahat ng ugat ko sa katawan. Nilingon ko si Saydie na umupo sa isang wooden bench chair. Nakita kong mukhang malungkot siya despite what she did kaya tumabi ako sa kanya. 

“Saydie, are you okay?” 

Umiling siya at yumuko lang. 

Bumuntong-hininga ako at tumingin nang deretso sa kawalan. “I’m sorry, Saydie. I know it’s hard for you to fail on your mission. But I will do anything para pumasa ka at mabuhay muli bilang isang tao.” 

“That’s not why I’m feeling heavy. That’s not why I’m feeling sad.” 

“What do you mean?” Lumingon ako sa kanya pero hindi siya sumagot kaya bumalik ako sa pagtingin sa kawalan. Maybe later she would spill it out. 

After a while…

“I have realized everything. Napagtanto ko na mas ayokong matapos ito kaysa ang magampanan ko pa rin ang mission. I thought I’m happy being alive pero ang totoo pala... masaya ako dahil pinapasaya mo ako. Masaya ako dahil kasama kita at dahil... mahal kita.” 

Agad akong napalingon sa kanya habang nanlalaki ang mga mata at bahagyang nakaawang ang bibig. Naramdaman kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at nag-init ang pakiramdam ko.

“Pero ngayong wala ng makakatulong sa atin... hindi ko na alam ang gagawin,” sabi ni Saydie at mabilis na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. 

Grabe sobrang laki ng pinagbago niya. Mula sa pagsasalita niya, kilos, hanggang sa emosyon. Those movies and experiences really taught her how to become a human.

Huminga ako nang malalim at hinawakan ang magkabila niyang pisngi para iangat ang mukha niya. Pinunasan ko na rin ang mga luha niya. “Saydie, alam mo ba na kapag sinasabihan mo ang isang tao na mahal mo siya...” Nginitian ko siya at tinitigan sa mga mata. “...dapat hindi ka umiiyak. Higit sa lahat, lalo na kapag sinabi rin niya na gano’n din siya. Ang ibig kong sabihin...” Muli akong huminga nang malalim. “Saydie, mahal din kita.” 

“Van...” Niyakap ako ni Saydie at yumakap din ako sa kanya. “I don’t want this feeling to end. I want to be always with you.” 

“Saydie...” Hinigpitan ko ang yakap ko para maramdaman niyang ganoon din ang nararamdaman ko. 

Nakakatawa na nakakatuwa talaga. Parang dati lang takot akong gawin ito dahil may violent reaction siya. I guess dahil totoo na ako ngayon kaysa noon kaya wala nang takot. Pero hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya ang tungkol doon. Karapatan niyang malaman ang ginawa ko. 

Bumitaw ako sa yakapan namin at tiningnan siya nang diretso sa mga mata. “Saydie, may kailangan nga pala akong aminin sa `yo.” 

Nakatingin lang din siya sa akin habang hinihintay ang sasabihin ko.

“Sana makinig ka nang mabuti sa akin.” Huminga ako nang malalim at nagpatuloy. “Saydie... I should have told you about this a long time ago. Pero hindi ko nagawa until now. Ngayon kasi totoong may nararamdaman ako sa `yo.” 

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Saydie... bago ang nangyaring pagpapatawad sa akin ni Paula at noong mga unang araw na binabantayan mo ako, I have found out that you can actually save me from dying. Nalaman ko `yon noong mapadpad ako sa tirahan ni Aling Hora. Ang sabi niya if I can make you fall in love with me, you’ll end up removing my name from your book thing. Kaya sinubukan kong gawin iyon dahil ayaw ko pa talagang mamatay para sa pansarili kong kagustuhan.”

Napayuko ako. Nahiya akong tignan siya. I’m so ashamed of myself.

Nagpatuloy ako. “Pero nang ma-realize ko kung anong klaseng tao ako noon, isinuko ko na ang layuning `yon at nagdesisyon na tanggapin ang kamatayan ko at gumawa ng mabuti sa mga huli kong oras. Pero…”

Nagawa kong matignan ulit siya nang diretso saka nagpatuloy.

 “Pero sa maniwala ka at sa hindi—hindi ko namalayan na ako pala `yong nahulog sa `yo. And this is the truth. Simula nang isakripisyo mo ang lahat para sa akin, I have come to realize that you are more important than myself. Naging selfless ako simula nang mahalin kita at wala na akong paki kung mamamatay ako. Ang importante lang sa akin ngayon ay ang mapasaya ka hanggang sa natitira kong oras dito sa mundo.” 


“Van...” Yumuko si Saydie habang nakaharap sa akin. Para bang nasaktan ko yata ang damdamin niya. Jeez! I shouldn’t have told her. Sana pala pinasaya ko na lang siya nang pinasaya.

“I’m so sorry, Saydie. I was so selfish.” 

Umiling siya at tumingala sa akin. “I knew it, Van. Somehow I know it now—that you weren’t real before. Pero ngayon alam ko nang totoo ka at nagbago ka na. If only I can summon the Death Book, I would really love to remove your name so I can see you live longer as a better person. But I’m sorry...” 

Nakangiti akong umiling at hinawakan siya sa pisngi. “It’s not your fault. Saka tanggap ko naman na talaga. Ang ayoko lang ay `yong parurusahan ka sa impiyerno. Hindi makatarungan iyon. All you did was to save my life and protect me. Okay na ako lang ang maparusahan basta mabuhay ka uli bilang isang tao. And I will do anything for you to be happy.” 

“But that’s not what I want anymore. I want to be with you. Ayoko nang bumalik sa pagiging Grim Reaper. Gusto ko palagi kitang kasama,” sagot niya at kita sa mga mata niya ang kaseryosuhan. 

Seeing her determined and say those words with conviction made me think twice about my death. Gusto ko pa rin siyang makasama nang mas matagal pa at ayaw kong masaktan siya kapag namatay na ako. Kung sana nasa akin pa ang orasan ni Aling Hora, kaya ko siyang protektahan at tatakasan na lang namin ang mga kalaban o kaya tataguan namin. Kaso wala na. 

“Saydie... I want what you want, pero tingin ko, hindi natin kaya kapag mismong si Kamatayan na ang sumundo sa akin. All I can do now is to love you until the day I die.” 

“I don’t care. I’ll sacrifice everything for us. Kung kailangan kong labanan ang mga Grims, gagawin ko. We’ll run and hide and look for the Time Lord. I have a feeling that she can really help us.” 

Wow! She’s really in love with me. Halatang first time niyang ma-in love dahil sa mga sinasabi niyang parang hindi na nag-iisip sa kung anong pwedeng mangyari. She’s willing to fight, run, and hide basta magkasama lang kami. But if she wants to do that willingly, then I’m ready to sacrifice everything for us, too. I’ll fight for her, I’ll run and hide with... wait... hide. We can hide. We can actually hide! 

Napatayo ako sa kinauupuan at iniabot sa kanya ang kamay ko. “Saydie, if you are willing to try anything for us then I am, too. May alam akong paraan para hindi tayo matunton ng mga kalahi mo. Let’s go get it, would you come with me?” 

Humawak siya sa akin at tumayo. “Kahit saan sasama ako sa ‘yo.”




MULI kaming bumiyahe ni Saydie para puntahan si Detective Rio Ignacio. Mabuti na lang at wala siyang ginagawa ngayon kaya pumayag na makipagkita sa amin. Pero sana mapapayag ko siya sa pabor kong hingin ang anting-anting niya na sa pagkakatanda ko—mamanahin niya sa malapit ng yumaong ama. 

Pagdating sa bahay ni Detective, nakita namin siyang nagdidilig ng halaman sa garden. Agad niya kaming pinapasok sa loob ng bahay niya at pinaupo sa living room. 

“Mr. Chua, ano’ng maitutulong ko sa `yo? Tungkol ba ito sa kaso noon?”

Umiling ako. “Hindi, Detective. Pero alam kong ikaw lang ang pwedeng tumulong sa amin. At handa akong gawin ang lahat para lang pagbigyan mo ako.” Tiningnan ko siya ng diretso. Gusto kong malaman niya na desidido talaga ako. 

“O-okay. Pero ano ba itong pabor na gusto mong hingiin?”

Huminga ako nang malalim bago ipinakilala si Saydie. “Detective, napakilala ko na si Saydie sa iyo noon, pero gusto kong makilala mo siya uli. She’s the woman that I love and she’s a Grim Reaper.” 

“Grim Reaper?” pag-ulit niya habang nakakunot-noo. “Tama ba ang pagkakarinig ko, Mr. Chua?”

“I know it sounds crazy and fictitious— but it’s true. She came to me many weeks ago para sunduin ang kaluluwa ko pero nahulog kami sa isa’t isa. Now we are being hunted by other Grim Reapers, and we need to hide from them.” 

“Okay... Mr. Chua. I think what you need is not a detective but a psychiatrist,” sagot ni detective, saka tumawa.

“You don’t understand, Detective. May kapangyarihan talaga ang kwintas mo. At kaya lagi kang nakakaiwas sa kamatayan ay dahil naitatago ka nito sa mga Grim Reapers,” giit ko pa. 

“Please, Mister. Nagsasabi ng totoo si Van. I am a Grim Reaper and we need your talisman. That’s our only hope to be together,” singit ni Saydie. “I just want to live as a human and be with him longer.” 

Kung tingnan kami ni Detective Rio ay parang iniisip niyang may sapak kami sa ulo. Pero ito lang ang pagasa namin ni Saydie kaya gagawin namin ang lahat. 

Biglang may tumunog na bell sa kung saan at tumayo si Detective. “Sandali lang. Tinatawag ako ng ama ko sa kwarto niya,” sabi niya bago umakyat sa second floor ng kanilang bahay. 

“Shall we take it from him, Van?” tanong ni Saydie at biglang tumayo.

“No, Saydie,” mabilis kong sagot at hinatak siya paupo. “We don’t want more trouble. Pakikiusapan natin siya hanggang sa pumayag siya. Hindi tayo titigil.” 


Makalipas ang ilang minuto, bumalik si Detective sa living room. “Mr. Chua and Miss Saydie, gusto kayong makausap ng aking ama.” 

Nagkatinginan kami ni Saydie. Nagtaka ako at parang ganoon din ang nasa isip niya. Gayon pa man, sumunod kami kay Detective papunta sa kuwarto ng tatay niya. Pagpasok namin, nakita namin ang tatay niya na nakahiga sa isang kama. Mahina na ito at meron pa siyang mga nakakabit na medical apparatus for life support. 

“Magandang araw po, Mr. Ignacio,” bati ko.

“Ahh... bago ako... mamatay... magagampanan... ko... ang... tungkulin ko...”

Hirap at tila ba naghihingalo na ang boses ni Mr. Ignacio. Sobrang tanda na rin niyang tingnan. Parang gusot na damit ang kanyang mukha at wala nang buhok. Hindi na rin siya nakakakita. 

“Kanina ko pa siya tinatanong kung anong tungkulin `yon pero ang sabi niya, gusto niya kayong makausap nang mabanggit ko na naparito kayo para hingin ang anting-anting namin,” paliwanag ni Detective. 

“Ang... dahilan... kung bakit... nasa akin ang... mga... anting... anting... ay para sa araw... na ito...”

“S-Sir, ano’ng ibig ninyong sabihin?” tanong ko kay Mr. Ignacio. 

“Ang anting-anting... ko ay... nakatakda... talaga sa inyo... Ito ay binigay... sa akin... ng Time Lord...” 

“Ang Time Lord?” gulat na tanong ni Saydie. 

Marahang tumango naman si Mr. Ignacio habang nakangiti. “Dumating na... ang oras... ko... para lisanin... ang mundo... pero aking... tutuparin ang aking tungkulin. Rio, anak...” 

Agad na lumapit si Detective sa tabi ng kanyang ama at hinawakan niya ang kamay nito. “Nandito ako, Ama.” 

“Pasensiya na, anak... Ang ating anting-anting ay... ibibigay ko na... sa nararapat... niyang destinasyon.”

“Naiintindihan ko po, Ama. Masusunod po ang huling habilin ninyo.” 

Hindi na muling nagsalita si Mr. Ignacio pero mukhang nakatulog lang siya dahil may heartbeat pa siya base sa medical apparatus. `Tapos ay ibinigay sa amin ni Detective ang kwintas na may pendant na isang maliit na hourglass. Kulay-ginto ito at nasa loob ng isang bilog na bakal. 

“Hindi ko alam kung anong tungkulin ang tinutukoy ng aking ama. Pero hindi ko babaliin ang utos niya. Sana lang makatulong nga ito sa inyo.” 

“Salamat, Detective. You’ve just saved our lives.”

Agad kong isinuot ang kuwintas at humarap kay Saydie. Nakangiti siya at may kaunting luha sa mga mata. Niyakap ko siya nang mahigpit at naramdaman ko rin ang mga braso niyang yumakap sa akin. 

“Saydie... this is it. We’re going to be safe. We can now be together.” 

Matapos ang matagal naming yakapan, muli kaming nagpasalamat kay Detective. Umalis na kami at sinimulan na ang pagtatago. Kinausap ko ang mga kakilala ko at sinabing titira na kami ni Saydie sa Amerika, pero ang totoo dito sa isang isla sa Palawan kami maninirahan, sa isang rest house na pag-aari ng mama ko. Ginawa ko `yon para walang makasunod sa amin. Magtatago man kami habang-buhay, ayos lang basta kasama ko ang taong mahal ko.







FOUR days passed, dumating na ang ika-tatlumpu ng Oktubre. Ang araw na sinabi ni Saydie noon na mamamatay raw ako. Even if she said that I won’t die anymore today dahil hindi na ako susunduin ng kung sinong Grim Reaper, natatakot pa rin ako at hindi makatulog.

Marahan kong inalis ang braso ni Saydie na nakayakap sa akin. Mahimbing ang tulog niya pero ako kahit anong pikit ay wala talaga. Tiningnan ko ang maamo niyang mukha. For the past four days, puno ng kilig at pagmamahalan ang pinagsaluhan namin. Masaya ako at masaya rin siya. Kaya dapat maniwala akong hindi talaga ako mamamatay ngayong araw. 

Tumayo ako at bumaba ng kama. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. 

Jeez, Van. Just sleep already. 

Huminga ako nang malalim matapos uminom. Pero pagtalikod ko sa ref, parang tumalon ang puso ko sa nakita ko. Isang pigura ng tao ang nasa tabi ng hagdan. Agad kong binuksan ang ilaw at tumambad sa akin si... 

“Reeve?” 

Agad akong pumormang lalabanan siya kahit tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan. 

“Van Kyle Chua... I’m here to talk.” 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly