DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 26

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

SAYDIE

BUTI na lang at naramdaman ko ang pagdating ng Death Reaper na ito at nabigyan ko ng oras si Van para makapagtago. Pero ang agwat ng lakas namin ay sadyang malaki. Mas malakas siya kumpara sa akin. 

I should be more careful and wise in this fight. I have to knock him down and escape with Van or else it would be our defeat. Or maybe he’s someone I could reason out just like what I did with Haleina. 

“Sandali. Hindi ako kalaban. Makinig ka muna sa akin,” pakiusap ko at patalon akong umatras palayo sa kanya para huminto ang pagtatagisan namin ng mga sandata. 

“Ako si Death Reaper Rogos ay inaaresto ka sa salang paglabag sa isa sa mga mabigat na batas ng Death Collectors Society. Ikaw ay nagkasala dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na crystal upang maging tao. Bukod doon, kayo ng taong si Van Kyle Chua ay nahuli sa aktong may damdamin para sa isa’t isa. Kaya’t kayong dalawa ay parurusahan sa impiyerno.” 

Mahirap ito. Mukhang wala siyang balak makinig sa akin. Kailangan ko talaga si Master Reeve pero hindi pa rin siya sumasagot.

“Makinig kang mabuti! Hindi lang ako basta Grim Reaper, isa akong Senior Grim Reaper! Hinaharap ko ang challenge ng Death Lord sa akin para sa ikasampung libong killer’s soul ko ngayon. At nagawa ko lang na maging tao para bantayan ang kaluluwa ni Van dahil target siya noon ng isang vengeful spirit,” katwiran ko. “Pakiusap... Ilang araw na lang ang hinihintay namin para sa araw ng pagkamatay niya. Let us pass. I just want to be reincarnated. And I want Van’s soul to receive a fair trial.”

“Huli na ang lahat para sa misyon at mga katwiran mo,” sagot niya. “Sa oras na nahuli kita, bumagsak ka na at wala ka ng ibang magagawa kundi ang sumuko.” 

Natigilan ako at pakiramdam ko ay tila binagsakan ako ng mabigat na bagay na nakapagpalumo sa katawan ko. 

“Isa pa... hindi sapat na dahilan ang mga sinabi mo para hayaan mo ang sarili mo na mahulog sa isang nilalang. Alam mong isa iyong mabigat na kasalanan, bukod doon...” Pumikit siya at nanahimik saglit. `Tapos ay pinandilatan niya ako ng mga mata. “Isa kang hangal! Akala mo ba masarap at maganda ang mabuhay bilang isang tao? Wala kang kaalam-alam, Senior Grim Saydie. Ang daan sa kaligayahan ay ang mapunta ka sa paraiso at hindi ang maging tao uli na puro paghihirap at pighati.” 

Hindi ko lubos na maintindihan ang mga sinabi niya. Pero parang ako rin siya noon. Wala siyang pakialam sa iba at ang misyon lang ang importante sa kanya. Pero bakit kaya niya sinasabi na hindi maganda ang maging isang tao? Mali siya! Hindi niya alam ang nararamdaman ko kaya hindi niya maiintindihan. 

“Hindi mo alam ang sinasabi mo. Paniwalaan mo ako dahil alam ko ang pakiramdam bilang isang tao,” sabi ko. 

“Ikaw ang walang kaalam-alam. Kung ako sa `yo, piliin mong maging Death Reaper para malaman mo kung paano ka namatay. Para malaman mo kung gaano ka nagdusa noong tao ka. Pero bago `yon, kailangan mong magsimula uli dahil kailangan mo munang maparusahan.” 

Naguluhan ang isipan ko sa mga sinabi niya pero bigla kong naisip si Van. 

“Pero paano ang kaluluwa ni Van? Hindi patas na pati siya ay kasama sa kasalanang ako lang ang may gawa,” katwiran ko. Nanginginig ang mga binti ko at tila bumibigat ang sandata ko.

Umiling-iling siya at pumormang itatarak sa akin ng sibat. “Kahit anong gawin mo, sa impiyerno ang bagsak ng kaluluwa niya. Kung hindi ka susuko, mapipilitan akong saktan ka hanggang sa ayawan mo ang katawang-tao mo. Maging ang taong pinoprotektahan mo ay sasaktan ko para dito pa lang ay pagbayaran na niya agad ang mga kasalanan niya!” 

Sa isang kisap-mata, naglaho si Rogos at biglang sumulpot sa harap ko. Sinubukan kong umilag at gamitin ang sandata ko para sanggain ang atake niya pero dahil sa bilis niya... naramdaman ko na lang ang mabilis na pagguhit ng isang matulis na bagay sa braso ko. Agad iyong nagdulot ng nakakapasong hapdi. Agad akong napahawak doon at umatras ng umatras. Nang magkaroon ako ng sapat na distansya mula sa kanya, sinuri ko ang braso ko at nakitang mabilis na umaagos ang dugo mula sa isang pahalang na sugat. Muli kong tinakpan ng kamay ko ang sugat dahil mukhang malalim ito. 

“Maraming nagsasabi na masakit `yan,” sabi ni Rogos. 

Muli niyang itinutok ang sibat sa akin. May kutob akong uulitin niya ang ginawa kanina kaya inihanda ko ang sandata ko para salubungin siya. 

“Walang silbi ang lumaban ka pa. Tinamaan ka na ng sibat ko kaya ilang saglit lang, tutumba ka na. Pero habang gising ka pa... ipapadama ko pa sa `yo ang sakit ng pagiging isang tao!” 

Akala ko muli siyang magwa-warp sa harap ko, pero patakbo siyang sumugod sa akin. Sunod-sunod niya akong inatake gamit ang sibat pero nagawa ko iyong salagin ng aking Death Scythe. 

Matapos ang ilang mga atake, huminto si Rogos at umatras naman ako palayo. Bigla na lang lumambot ang mga binti ko at tila lumabo ang paningin ko. Sinundan pa iyon ng muling paghapdi ng sugat ko kaya napahawak ako sa braso at napaluhod sa sahig. 

Nabitawan ko na ang sandata ko dahil tila sumobra na talaga ang bigat nito. Pagtingin ko kay Rogos, nakangiti siya at pasalit-salit na pinapaikot ang kanyang sibat sa magkabila niyang gilid. 

Bakit ganito siya? Parang nagugustuhan niya kapag may pinahihirapan siya. Mukhang hindi siya makikinig sa ‘kin kahit anong gawin ko. Kailangan namin makatakas.

“Saydie!” Bigla akong napalingon nang marinig ang boses ni Van. Nakita ko siyang tumatakbo palapit sa akin. 

“Van, don’t!” pagpigil ko. 

Pero bigla na lang siyang naglaho sa pwesto niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang nakatayo na sa tabi ni Rogos. At ang kalaban… nakadapa na sa sahig. Para bang kakatapos lang niya itong suntukin. 

Iwinasiwas niya ang kanang kamay. “Aray! Ang tigas ng mukha ng lalaking `to, ah.” Bumaling siya sa akin ng nakangiti. “Hey, Saydie. Is this guy bothering you?” 

Naramdaman kong nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at tila ba nanigas na lang ang bibig ko na bahagyang nakanganga. How? How did he do that? He took him down? At hindi ko man lang nakita kung paano?

“I-Impossible,” hirap na sabi ni Rogos habang pinipilit tumayo. 

“Oh, believe me, dude. Maski ako hindi makapaniwala,” sagot ni Van. 

Nakita ko namang hinawakan ni Rogos ang sibat niya kaya agad kong binalaan si Van. “Van, look out!”

Rogos swung his spear to Van and the only thing I did was to close my eyes. But as soon as I looked again... Van was behind him with not even a scratch. 

“Too slow, dude. I’m over here,” sabi ni Van. Umamba siya na susuntukin si Rogos pero bigla itong naglaho at sa isang iglap ay lumitaw sa likuran niya. 

“Van, behind you!” mabilis kong sabi. 

Napansin ko ang kaliwang kamay ni Van na may hawak na isang gintong bagay. Pinindot niya ito at sa isang iglap, nagkapalit sila ng pwesto ni Rogos. Siya na ang nasa likuran nito at suot pa ang sombrero nito.

“Sa akin na lang `to, ah? Mukhang mas bagay sa akin, eh,” nakangising sabi ni Van.

Saglit! Paano nagagawa ni Van `yon? Bakit parang may kapangyarihan na rin siya? Isa pa, paanong nasuntok niya si Rogos gayong hindi puwedeng mahawakan ng isang tao ang isang Grim Reaper? Dahil ba sa hawak niyang gintong bagay? 

Haharap sana ang kalaban kay Van pero mabilis niya itong binigyan ng isang suntok sa mukha na nakapagpabagsak uli rito sa sahig.

And he’s even equally strong. Van Kyle Chua... you better tell me later what’s going on. 

“Stay down! Final warning!” banta ni Van. 

Tinalikuran niya si Rogos at tumakbo papunta sa akin. “Saydie!” Agad niyang sinuri ang sugat ko at inalalayan akong makatayo. “Malalim itong sugat mo. We have to patch it up.”

“N-no need... I will... heal.” Gusto kong itanong kung paano niya nagawa ang mga bagay na iyon kanina pero parang wala akong lakas at lalo pa akong nanghihina. Muling lumambot ang mga binti ko pero nasalo niya ako kaya sumubsob ako sa katawan niya. 

Van held my body and my head as he whispered, “Don’t worry. Everything is okay now. I’m here for you.”

“We’re not done yet,” dinig kong sabi ni Rogos. Nakita kong nakatayo siyang muli at nakaambang ihahagis sa amin ang kanyang sibat. I wanted to move and push Van out of the way but as my vision got more blurry, my body wasn’t also responding. 

Pero alerto si Van. Nakita ko ang hawak niyang bagay na isa palang orasan. Pinindot niya ito at sa isang iglap, nakahiga na uli sa sahig si Rogos. Nakatarak pa sa balikat nito ang sariling sibat.

“I don’t want to kill you. But if you will hurt her again... I won’t hesitate,” seryosong sabi ni Van.

Naisip ko naman na palitawin ang shackles of death gamit ang natitira ko pang lakas para igapos si Rogos. Pero bago ko pa magawa iyon, binalikan ako ni Van at binuhat ako sa aking hita at likod.

“Saydie, don’t die please. Hahanap ako agad ng ligtas na lugar para gamutin ka.” 

Bahagya akong napangiti pero bumigat na ang mga mata ko kaya ipinikit ko na ang mga iyon.

“Stupid human. Grims don’t die.” Matapos kong ibulong iyon, tila ba lahat ng pakiramdam ko ay bigla na lang nawala. 




BIGLA na lang nanumbalik ang diwa at pakiramdam ko. Ang una kong napansin ay ang malambot na aking hinihigaan. Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko si Van na natutulog habang nakaupo sa isang silya na nasa tabi ng kama. Nasa isang maliit na silid pala kami. 

Umupo ako sa kama at hinawakan ang kamay ni Van na nakapagpagising naman sa kanya kaagad. 

“Hey...” nakangiti niyang sabi. Naghikab siya at saglit na tumingin sa kanyang relo sa braso. “Good morning. How are you feeling?” 

Naalala ko ang nangyari kagabi kaya sinuri ko agad ang braso ko. Inalis ko ang benda niyon at nakitang magaling na ang sugat na parang walang nangyari. Mabuti na lang at may kakayahan pa akong maghilom. “I’m fine, Van. Nasaan tayo? Nasaan si Rogos?” 

“Sa isang drive-in motel. Teka, bakit siya ang hinahanap mo? Nandito naman ako, ah,” nakasimangot niyang sabi na nagpakunot sa noo ko. Bumungisngis siya at nag-inat ng mga braso. “Sorry dito kita dinala at hindi sa ospital. Itatanong kasi nila kung bakit may sugat ka at lalong gagawa ng iskandalo kapag madiskubre nila kinabukasan na magaling ka na. Nagugutom ka ba?” 

Umiling ako. Ang tanging nasa isip ko ay ang panganib na paparating sa amin kaya agad akong tumayo. “We have to go. Baka masundan niya tayo dito.” 

Tumayo si Van at hinawakan ako sa magkabilang braso. “Teka lang, Saydie. Baka hindi mo pa kaya!”

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinawakan ko siya sa balikat para mag-warp pero... nanatili kami sa aming kinatatayuan. Tatlong beses ko pang sinubukan pero mukhang ang abilidad kong mag-warp ay hindi na gumagana. 

“Bakit, Saydie? Hindi na gumagana `yong teleportation mo?” 

Umiling ako. Sunod ay sinubukan kong tawagin sa aking isipan si Master Reeve. Pero makalipas ang ilang segundo, hindi siya dumating at hindi rin sumagot. 

“Saydie?” Hindi ko muna pinansin si Van. Tiningnan ko muna kung ano pang mga abilidad ko ang nawala na. Sa kasamaang-palad, hindi ko na mailabas ang aking Death Scythe, pati ang Death Shackles at higit sa lahat ang Death Book.

Bumuntong-hininga ako at yumuko. Tama si Rogos, mukhang bigo na nga talaga ako sa mission ko. Paano na? Ano’ng gagawin ko? Dapat na ba akong sumuko? Pero paano ang kaluluwa ni Van? Ayokong dumeretso siya sa impiyerno nang hindi man lang sumasailalim sa paglilitis ng kabilang buhay. 

“Hey...” Sandaling nawala ang mga iniisip ko nang maramdaman ang kamay ni Van sa balikat ko. Pagkatapos, bigla niya akong niyakap na may kasama pang paghaplos sa aking likod. “I think you’re worrying too much. Hindi mo kailangang sarilinin lahat ng problema at pagsubok. Nandito ako. Humihinga pa. Gagawin ko ang lahat para matulungan kita.” 

Ang yakap niya ay nagbigay ng kakaibang init sa buo kong katawan at nakapagpagaan sa pakiramdam ko. “Wala na, Van. Bigo na ako sa mission at tuluyan na talaga akong naging tao. Hindi ko na magawa ang mga abilidad ko bilang isang Grim Reaper.” 

Parang piniga ang puso ko at unti-unting nagkaroon ng luha sa aking mga mata na mabilis tumulo sa aking mga pisngi. Agad ko itong pinunasan pero napasinghot ako. 

Bumitiw si Van sa pagkakayakap sa akin at iniangat ang mukha ko. “Saydie... are you crying?” Pinadaanan niya ng daliri ang ilalim ng mga mata ko, parang inaalis ang luha doon. 

Marahan kong hinawi ang kanyang mga kamay at nag-iwas ng tingin. “Hindi na kita kayang protektahan sa oras na mahanap uli tayo ni Rogos. Patawad.” 

“You don’t have to... this time, ako naman ang po-protekta sa `yo.” 

Bigla kong naalala ang kakaibang ginawa niya para patumbahin si Rogos. Bahagya akong napaatras at tumingala nang bahagya para tingnan siya. “Teka! Paano mo nagawa `yong kagabi? Paano mo nalabanan si Rogos?” 

“Ah `yon ba? May ginamit akong pocket watch na may magic kagabi. Kaya n’ong pahintuin ang oras at paandarin uli ito depende kung kailan ko gusto. Kaso...” Napangiwi siya, sabay kamot sa likod ng kanyang ulo. “Bigla na lang nawala `yong bagay na `yon pagdating natin dito kagabi, eh.” 

“Pero saan galing`yon?” 

“Sa isang matandang kakilala ko. Ang pangalan niya ay Aling Hora. Bigla siyang dumating kagabi at ipinahiram sa akin ang orasan na iyon. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko rin alam kung anong klase siyang nilalang. Basta kaya niyang pahintuin ang oras. May time pa nga noon na pinabalik niya ang oras, eh. Weird pero at least tinulungan niya tayo.” 

“Kaya niyang pahintuin ang oras? At ibalik din ito?” pag-ulit ko.

“Yeah. Some sort of a time freak maybe,” sabi ni Van. “Or baka Grim Reaper din siya at tinulungan niya tayo.”

Tinalikuran ko si Van at pinilit na inalala ang tungkol sa isang nilalalang na may kakayahang pakialaman ang oras. 

“Do you think she can help us? Alam ko kung saan siya nakatira. Kaso parang medyo baliw ang matandang `yon, eh,” sabi uli ni Van. 

Bigla kong naalala kung sino ang matandang tinutukoy niya. Humarap ako sa kanya nang may pananabik. “Van! She can definitely help us. She’s the Time Lord!”
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly