DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 25

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

VAN

I WAS caught off guard. But I couldn’t say if it was good or bad. Mixed emotions. Ang sakit kasi sa ilong nang umakyat doon ang ininom kong juice. Parang gumuhit sa nostrils ko at parang dumikit ang amoy ng lemon. `Tapos parang nasundot ng kung ano ang lalamunan ko kaya naubo ako. Pero ang matindi dito... `yong dibdib ko, dinig na dinig ko ang malalakas na kabog na parang tinatambol. 

Tama ba ang narinig ko? She asked why she loves me. Mahal niya ako? How is that possible? 

Humupa na ang nararamdaman kong bahagyang sakit sa ilong at pangangati ng lalamunan, pero hindi huminto ang malalakas na kabog ng dibdib ko. Nadagdagan pa ng pag-iinit ng mukha ko. Para bang hindi ko alam ang gagawin pero napapangiti pa ako. Her words echoed in my head and it was giving me a feeling of floating on air. 

I turned to Saydie to see if her face was telling the truth but instead— I saw her talking with the Grim Reaper lady who suddenly appeared. Siya `yong Grim na nakita namin sa ampunan noong isang araw. 

I couldn’t recall what the Grim lady exactly said after telling Saydie she was here to warn her. Pero mukhang hindi `yon maganda dahil napansin kong nanginig ang mga labi ni Saydie at napahawak siya sa dibdib.  

“H-how? Paano niya kami nadiskubre?” nangangambang tanong ni Saydie sa babae. 

“Hindi ko alam. Iyon lang ang maibibigay kong impormasyon,” sagot naman nito. 

Nawala ang magaan kong pakiramdam at napalitan iyon ng pangamba. Sumingit na ako sa usapan. “Saydie... what’s going on?” 

Hindi ako sinagot ni Saydie pero napansin ko na tila bumibigat ang bawat paghinga niya dahil sa marahang paggalaw ng kanyang dibdib. 

“Kailangan ko nang umalis, Senior Grim Saydie. Iyan lang ang maitutulong ko sa `yo ngayon,” sabi ng babae. The space on her body formed a whirlpool-like motion and in seconds... she disappeared. 

Naglakad palayo sa akin si Saydie kaya agad ko siyang sinundan. “Saydie, ano’ng nangyayari? Ano’ng sinabi niya sa `yo?” 

Hindi niya ako pinansin. Huminto siya kaya pumunta ako sa harap niya. Nakapikit siya at hindi gumagalaw. 

“Saydie? O-okay ka lang ba? Ano’ng ginagawa mo?” 

Another moment of silence. 

“Saydie?” 

Kumunot ang noo niya. “Shut up, Van! I’m trying to call Master Reeve.” 

Napaatras naman ako dahil naramdaman ko kung gaano siya kaseryoso. “O-okay.” 

If she was calling an ally, maybe it was something really serious or... dangerous. She was silent and still for a couple of minutes but my heart skipped a beat when she suddenly screamed. 

“MASTER REEVE!”

Bigla siyang napaluhod na tila ba hinahabol niya ang hininga. Nilapitan ko siya agad at hinawakan sa likod. 

“Saydie! Okay ka lang? Ano’ng nangyari?” 

“I can’t summon him, Van! Hindi siya sumasagot kahit kanina ko pa siya tinatawag. What should I do?!” 

She was panicking and looking restless. Yumuko ako sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. 

“Calm down, Saydie. J-just tell me what’s going on. And... we’ll figure it out together. Kung hindi siya darating, nandito ako para sa `yo.” 

A moment ago she couldn’t even look at me, but as soon as I gave her my words... she showed me her face but she looked so scared. I had never seen her like this before.

“Nanganganib tayo, Van. Isang Death Reaper daw ang nakatuklas ng pagiging tao ko at tinutugis na niya ako. Kapag nahuli niya ako, parurusahan ako sa impiyerno ng ilang taon. Hindi ko alam ang mangyayari sa `yo pero ang sabi ni Haleina ay tayong dalawa ang target niya,” she said in a panic. “At ayaw kong may mangyaring masama sa `yo.” 

Napasinghap ako ng mahina. She just said she didn’t want anything to happen to me. Gusto kong ngumiti pero may panganib sa sinabi niya. Dapat nangangamba rin ako pero hindi ko gets kung bakit kami tinutugis ng isa pang Grim Reaper. 

“Teka, Saydie. That doesn’t make any sense. Bakit ka tinutugis ng mga kakampi mo?” kunot noong tanong ko. 

She paused and looked away. “Kung ang mga tao ay may batas, gano’n din kaming mga Grims. Kung dito may mga pulis, ang sa amin naman ay may mga Death Reapers na nagpapatupad at nagpapanatiling nasusunod ang mga batas ng kabilang buhay.” 

“Okay... so ibig sabihin may ginawa kang kasalanan? Ano ba `yon? Baka puwede naman natin siyang kausapin,” tanong ko. 

Tumayo siya at tumayo rin ako. Inilahad niya ang palad. Sa isang iglap, may lumabas doon na isang hugis cube na crystal. Kasing Laki ng maliit na ice cube. “Gumamit ako nito, Van. Isa itong illegal artifact ng mga Grim Reaper. Nagagawa nitong unti-unting gawing isang tao ang mga Grims. At ang paggamit nito ay isa sa mga ipinagbabawal sa amin. Grims are not allowed to interact with humans or even become humans.” 

“At... kaya mo ba ginamit `yan kahit bawal ay para iligtas ako noon sa vengeful spirits?” tanong ko.

Tumango siya. 

“At gusto ko rin talaga maranasan ang maging tao para makasiguro ako na iyon nga ang gusto kong hilingin. But now...” Tumalikod si Saydie at naglakad ng limang hakbang palayo sa akin. “Hindi ko na alam kung papasa ako dahil may nakadiskubreng Death Reaper sa ‘kin. Hindi ko alam kung paano. Maliban kina Haleina at Master Reeve, wala nang ibang nakakaalam at nakakita na isa akong tao ngayon.” 

Hindi ako nakapagsalita at bigla kong naalala `yong sa restaurant kanina. Noong pumunta kasi ako sa CR, may nakita akong lalaking nakaitim na nasa harap ng pintuan. I thought he was waiting for whoever was inside. Pero hindi ko alam na Grim Reaper pala siya kaya noong tanungin ko siya kung may tao sa loob, ang sagot niya ay bakit ko raw siya nakikita at sino raw ako. Jeez! Mukhang ako pa pala ang may kasalanan kung bakit nadiskubre si Saydie. I had to make this right. 

“S-Saydie, uhm... `Wag kang panghinaan ng loob. Mag-isip tayo ng paraan. Pero ang una nating dapat gawin ay tumakas. Magpakalayo tayo. Hindi naman kailangang mamamatay ako sa loob ng condo unit ko, hindi ba?” 

Muli siyang humarap sa akin. “I think you’re right, Van.” 

Lumapit si Saydie sa akin at hinawakan ako sa balikat. Napapikit ako nang biglang maramdaman ang pag-usod sa katawan ko. Pagmulat ko ng mga mata, bagaman madalim ay nakita ko ang maliliit na puno at halaman dahil sa mga outdoor post lights. Tahimik ang lugar at tanging huni ng mga kulisap ang maririnig. Iginala ko ang tingin at nakitang ang isang kalsada na tulad sa isang park. Pero hindi pa ako nakakapunta rito.

“What is this place, Saydie? Nasa park ba tayo? Saang park ito?”

“Focus, Van. I need your help. I can’t think straight and I want you to do it for me. What should we do?”  

Titig na titig siya sa ‘kin at hindi kumukurap. I could feel she was really afraid of what was coming to us. I think... I should tell her what I had done. Nag-iwas ako ng tingin at ngumiti nang pilit. Napakamot ako sa likod ng ulo. 

“Actually, Saydie, may sasabihin sana ako sa `yo.” Sinulyapan ko siya at nakitang naghihintay lang siya sa sasabihin ko. “Um... Ah... Eh... Kasi...” I cleared my throat and continued to look away. “I think ako ang may kasalanan kung bakit ka nahuli.” 

Huminga ako nang malalim at mabilis na sinabing, “Kasi kanina hindi ko alam na Grim Reaper pala `yong nasa CR ng restaurant kaya kinausap ko siya. Then he asked why I could see him and who I was. Hindi ko na siya pinansin pero may kutob ako na baka sinundan niya tayo at isinumbong ka niya.” Pumikit ako agad dahil baka suntukin niya ako o kung ano ang gawin niya sa akin. 

Jeez! Bakit ba takot ako sa kanya? 

Narinig ko siyang bumuntong-hininga at pagmulat ko... wala na siya sa harap ko. Lumingon ako at nakitang lumayo pala siya sa akin at nakatalikod pa.

“S-sorry, Saydie,” nahihiya kong sabi habang lumalapit sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo? Tinatawag mo na naman ba si Reeve?”

Hindi niya ako pinansin kaya tinapik ko siya sa balikat. “Uy, Saydie.”

Pero agad niyang ipiniksi ang balikat na parang ipinapahiwatig na ayaw niyang hawakan ko siya. “Manahimik ka! Naiinis ako sa `yo.”

Napaatras ako nang isang hakbang at napalunok. Hindi nga niya ako sinuntok or sinaktan pero heto naman siya, parang babaeng nagtatampo. Well... babae nga naman talaga siya. Pero ang magtampo? Jeez! Never in my last days had I thought na gagawin niya `yon. 

Hindi na ako nangulit pa. This was what I usually did before with girls. Huhupa rin ang inis niya katulad ng iba. O kaya ay nag-iisip na siya ng paraan. Mabuti pa, mag-isip na lang din ako.

Sinubukan kong mag-isip ng paraan pero tuwing titingnan ko si Saydie... naalala ko `yong tanong niya kung bakit niya ako mahal. Jeez! Paano nangyari `yon? Dahil ba lagi kaming magkasama? O dahil napapasaya ko siya? Pero napapasaya rin niya ako, eh. Does it mean na... 

I suddenly stopped thinking about it when I heard her grunt and she looked at me with disappointment. Oh no! Ang laki yata ng kasalanan ko. Paano ko ba itatama ang mali ko this time? I have to man up. 

“S-Saydie... I’m so sorry. Hindi ko talaga alam na Grim Reaper pala `yong lalaki kanina. Huwag ka nang mainis, o. We will think of a way to fix this. Or a way to call your mentor Reeve.”

“Paano kung hindi ko siya matawag at dumating `yong Death Reaper?! Ano’ng gagawin natin?!” 

Ang taas ng tono niya. This was the first time na makita ko siyang galit na parang isang tao. Nagpa-panic na talaga siya. I have to calm her down. 

Lumapit ako sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. `Tapos ay hinawakan ko ang magkabilang braso niya. “Then you and I will fight him together or we will run away. Basta tutulungan kita hanggang sa araw ng kamatayan ko. Hanggang humihinga ako, nandito ako para sa `yo.” 

Nanlaki ang mga mata ni Saydie. Agad siyang yumuko at napabuntong-hininga. Then it was a long silence between us. I suddenly couldn’t find the right words to say. 

She sighed again and quickly bit her lower lip. “I don’t understand...” 

“W-what do you mean?” tanong ko. 

Humawak siya sa gitna ng kanyang dibdib. “Paano mo napapagaan ang loob ko? Bakit ang sarap sa pakiramdam lahat ng ginagawa mo sa ‘kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa `yo? Bakit kahit naiinis ako gusto pa rin kitang kausapin? Van... bakit?” 

Sucker punch? Hit by a car? Parang gano’n ang tumama sa akin dahil sa mga binitawan niyang salita. But not in a way that I was hurt. Instead, she made my heart skip a beat and continue to pound like a marching band on the street. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at katulad ng pakiramdam ko kanina, nagdulot din iyon ng kakaibang init. I didn’t know how... and I didn’t know why but if she had fallen in love with me... then I believed... gano’n din ako sa kanya. 

“Answer me, Van! Why? Tell me why?!”

“Because I feel the same way!” 

Okay... that came out without thinking. Pero `yon talaga ang nararamdaman ko. 

Natigilan si Saydie at natulala. Ni kumurap ay hindi niya ginawa. Ako naman, hindi mapakali. Iniisip ko kung ano ang iniisip niya. Should I clear what I just said and tell her that... I love her, too? 

Bigla siyang suminghap kaya nagising din ang diwa ko. “Van!” 

Mabilis niya akong hinawi papunta sa isang tabi. Napaupo ako sa lupa sa lakas ng puwersa niya. Pagkatapos, nakarinig ako ng matining na banggaan ng mga bakal. Pagtingin ko kay Saydie, nakalabas na ang Death Scythe niya at may isang lalaking may mahabang spear ang nakikipagtagisan ng lakas sa kanya gamit ang sandata nito. 

“Van, hide!” hirap na sabi ni Saydie. 

Napatingin ako sa lalaki bago sundin si Saydie. He was a middle-aged guy with a white beard, wearing a black suit and a black gentleman’s hat. Paupo akong umatras at nang makadistansiya, tumayo ako at tumakbo palayo.

Kung kanina parang tinatambol sa galak ang puso ko, ngayon parang pumuputok-putok ito nang sobrang bilis sa takot. Maging ang paghinga ko ay tila nagpapahabol pa sa akin. I should run as fast as I could to get away pero hindi pwedeng pababayaan ko lang si Saydie sa lalaking iyon. Pumunta ako sa likod ng isang monument at doon muna nagtago.  

If only I had a weapon to help her. I looked around pero kahit tubo or kahoy wala sa paligid. Ang linis kasi ng paligid. Pero mabuti na lang at walang tao. 

Sinilip ko si Saydie at ang lalaki. Patuloy pa rin ang tagisan nila ng galing sa sandata. Pero ang walang emosyong lalaki ay mas malakas talaga dahil siya ang sugod ng sugod habang umaatras lang si Saydie. At teka... ano `yong nasa balikat ni Saydie? S-sugat ba `yon? Naloko na. Mukhang hirap na hirap talaga siya.

Jeez! Bahala na! Kahit kamao lang ang gamit ko, tutulungan ko pa rin siya. 

Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko para puntahan si Saydie, nang biglang... 

What the... 

Hindi ako makagalaw at parang wala akong kontrol sa katawan ko. Ang nagagawa ko lang ay ilibot ang tingin sa paligid. Ano’ng nangyayari? Si Saydie at ang lalaki ay hindi rin gumagalaw. At bakit ang mga halaman at puno sa paligid ay parang hindi na rin hinahangin? Maging ang tunog ng mga kulisap at ng mga nagbabanggaang mga sandata nina Saydie at ng kalaban ay hindi ko na naririnig. 

“Isa ka talagang hangal, Van Kyle Chua.” 

Parang pamilyar ang boses ng matanda na `yon. Nakarinig ako ng tick tock ng orasan at sa isang iglap, lumabas ang isang pamilyar na mukha sa aking harap.

Aling Hora?

Umiiling-iling siya habang nakatingin sa akin. “Tsk, tsk, tsk... Ikaw talagang lalaki ka, ipapahamak mo pa talaga ang sarili mo. Alam mo bang sa oras na lumapit ka sa kanya, kaya niyang kunin agad ang kaluluwa mo?” 

Bakit siya nandito at bakit parang huminto ang oras sa paligid? Gusto kong magsalita pero hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. Kahit anong ingay, walang lumalabas.  

“Hay, hay, hay. Sige na hindi na ako magtatagal at baka malaman niyang nakialam ako. Gamitin mo ito para tulungan si Saydie,” sabi ni Aling Hora at inilagay niya sa kamay ko ang isang gintong orasan o isang pocket watch.  “Bibigyan ka nito ng lakas na kapantay sa mga Grim Reaper. Maging abilidad sa pakikipaglaban.”

Pagkatapos, bigla ko na lang naramdaman na nakakagalaw na ako. “Aling Hora? Ano `to? Para saan ito? Bakit ka nandito? Paano mo nagawa `yon?” mabilis kong tanong. 

“Huwag ka nang masyadong maraming tanong. Ang sabi ko, gamitin mo `yan para matalo ang kalaban n’yo. Istorbo `yan sa panonood ko, eh,” sagot niya. “Basta pindutin mo lang `yang buton sa gilid para pahintuin at ipagpatuloy ang oras. Nakuha mo?” 

Basically, I can freeze time with this. And I’m strong now. Got it! Sana totoo.

I had so many things to ask. Pero kung tama ang sinasabi ni Aling Hora na may magic ang orasan na `to... magagamit ko nga ito para matulungan si Saydie. 

Tumango ako at ngingitian ko dapat siya pero bigla na lang siyang nawala.

Jeez! Kung ano anong kababalaghan na ang nangyayari sa mga huling sandali ko. Pero hindi na `yon importante. Ang mahalaga, ako naman ang magliligtas at tutulong sa `yo ngayon... Saydie. 

As for you Mr. Grim Reaper… You hurt my girl, now you’re dead.


NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly