DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 24

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

SAYDIE

HINDI ko akalain na ganito pala ang pakiramdam ng pag-a-ice skating. Masaya at may halong kakaibang pakiramdam kapag tinitingnan ko si Van at lalo na kapag pinagtatawanan ko siya tuwing bumabagsak siya. 

Pero ang tungkol sa nararamdaman ko... Tama nga kaya si Van na ang tawag dito ay love? Pero bakit? Ganito ba ang pakiramdam na ito? Hindi mo mamamalayan na nararamdaman mo na pala. Hindi mo rin alam kung saan nagsimula. 

“Hey, Saydie! Tingin ka naman,” tawag ni Van sa akin. Pagbaling ko sa kanya, hawak niya ang tinatawag nilang mobile phone. Nakatapat iyon sa kanya at makikita doon ang aming reflection. Nakangiti siya habang nakatingin sa bagay na `yon. Mukha siyang tanga. 

Napakunot-noo ako at lumapit sa kanya. Nakita ko rin ang reflection ko sa cell phone. Pinindot niya ito at pagkatapos ay inilapit niya sa mukha. 

“Ano ba `yan? Hindi ka naman nag-smile. You have to smile when taking selfies,” reklamo niya. “Isa pa.” Muli niyang inilayo sa kanya ang cell phone at itinapat sa mga mukha namin. Nakita ko siyang ngumiti mula sa cell phone. 

What is he doing? 

“Saydie, tingin ka.” 

Tumingin naman ako sa kanya pero bigla siyang natawa ng kaunti. “Hindi sa ‘kin...” Iwinagayway niya ng bahagya ang cellphone sa harap ko. “Dito, o.” 

“What are we doing?” tanong ko. 

“We’re taking pictures. Ganito kapag may memorable na nangyayari sa buhay ko. I take pictures so if I stumble on it again... I’ll remember the feeling. And...” Bumuntong-hininga siya at nawala ang ngiti sa mga labi. “I’m doing this for my little sister. Gusto ko na makita niya akong masaya sa mga huling pictures ko. Alam ko kasing malulungkot at iiyak `yon kapag nawala na ako.” 

Bigla ay tila may naramdaman akong kung anong mabigat sa aking dibdib. Parang nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya. 

This guy... he had changed a lot. He is now better than he was. But his time in this world is almost over.

“But it’s okay. Magiging masaya ang mga huli kong araw,” bigla niyang sabi, saka ngumiti. Pero parang ang mga ngiti na `yon ay hindi totoo at tila ba nalulungkot siya pero itinatago lang niya. I can feel it... somehow. 

“Okay, Saydie. Tingin ka na dito, `tapos ngiti, ah.” Muli niyang inilayo ang cell phone at iniharap sa kanya. Pinagbigyan ko siya. Tumingin na rin ako doon at ngumiti. May pinindot siya at pagkatapos ay nag-angat ng dalawang daliri. “Peace sign naman.” 

Ginaya ko naman siya at muli kaming ngumiti sa harap ng cell phone. Matapos iyong pindutin uli, tiningan niya ang mga kuha namin. “Naks! Photogenic ka pala talaga kahit wala ka ng gothic makeup,” sabi niya.

“P-photoge...” pag-ulit ko. Pero nakalimutan ko ang eksaktong sinabi niya.

“Photogenic. Means maganda ka sa picture. But don’t get me wrong. Mas maganda ka sa personal,” mabilis niyang sabi. 

Tila saglit na lumaktaw naman sa pagtibok ang puso ko at kusa na lang pumorma ang mga labi ko para ngumiti. Nag-init din ang mga pisngi ko. “Thank you,” sagot ko na nakasanayan ko na tuwing may nagbibigay saya sa akin at kakaibang pakiramdam. 

Napakurap-kurap si Van at bahagyang napanganga. “I-I mean... I, uh...” Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling ang atensiyon sa paligid.  

Bakit kaya? Van suddenly grunted and ducked to massage his legs. “Oh, crap! Saydie, masakit na ang mga hita ko. Mabuti pa, tama na ang ice skating at kumain na tayo.” 

Bigla akong nakaramdam ng gutom nang marinig ang salitang pagkain kaya sumang-ayon ako. Pero bakit nga kaya gano’n ang reaksiyon niya kanina? 






UMALIS kami ng ice skating rink at nagpunta sa isang restaurant. Matapos kumain ay nag-stay kami sa lugar na iyon. Busog na busog kasi ako at parang ayaw ko pa talagang tumayo. 

“Saydie, smile ka naman,” sabi ni Van at itinapat sa akin ang likod ng kanyang phone. Nasa tapat ko siya sa pagitan ng isang babasaging mesa. 

Napakunot-noo naman ako. Ano na nama’ng ginagawa niya? “Van, are you going crazy?” 

“What?! No!” sagot niya habang nakakunot-noo at umiling pa. `Tapos ay nagkamot siya sa ulo at tumawa ng kaunti. “I told you, I was just taking pictures. Nakalimutan mo na ba `to? Pinicture-an na kaya kita dati.” 

“Okay.” I think I got it. That thing could take images from its back and front. 

“Thanks. Basta tingin ka lang dito sa phone ko, `tapos mag-smile ka.” 

Ginawa ko naman ang sinabi niya. “Ganito ba?” 

“Yes... P-perfect,” bulong niya. Then he cleared his throat and blinked three times. `Tapos ay ipinakita niya ang litrato sa akin.  

My eyes widened, amazed at how a small thing could capture a moment. Pangalawang beses na niyang ginawa ito pero parang mas ramdam ko ang pagkamangha ngayon dahil mas nagiging tao na ako. 

“Gusto mong subukan? Isa ito sa mga bagay na ginagamit naming mga tao na nagbibigay rin ng saya.”

Tumango ako sa alok niya.

Lumipat si Van sa tabi ko. “Here.” Iniabot niya sa akin ang cellphone at ginabayan ang kamay ko kung paano ito hahawakan. Pero hindi doon nabaling ang atensiyon ko kundi sa mabilis na namang pagtibok ng puso ko habang nasa tabi ko siya.

“Just point it towards your target subject. Then kapag sa tingin mo okay na, tap mo itong bilog to capture the image. Easy, right?” 

Madali lang pala `to.

Binitawan ni Van ang mga kamay ko at sinubukan kong itutok sa paligid ang cell phone. Napagdesisyunan kong itutok ito sa isang lalaking kumakain. Natawa ako nang kaunti kasi ang laki ng bunganga niya kapag lumalamon kaya isinakto ko sa pagnganga niya ang pagpindot sa button. 

“Holy crap!” mabilis na sabi ni Van at bigla niyang hinablot ang phone mula sa kamay ko. “What are you doing?” bulong niya. “You can’t take someone’s picture without their permission.”

I chuckled and looked at the guy again. “But he’s funny.” 

Pero biglang ipinaling ni Van ang mukha ko sa kanya. “Huwag mo siyang tingnan, Saydie. Baka mahalata niya tayo at magkagulo.” 

Nanlaki ang mga mata ko at lalong nagwala ang puso ko dahil mukha lang niya ang nakikita ko.

“Don’t do that again, please. Ako na lang ang picture-an mo.”

Tumango ako at binitawan niya ang mga pisngi ko. Umatras siya ng bahagya sa akin at pumindot ng ilang beses sa cellphone, saka niya binigay uli sa akin. 

“Here. Itutok mo sa ‘kin. `Tapos, kapag nakikita mo na ako, saka mo pindutin.” 

“Okay, got it,” sagot ko, saka itinutok sa kanya ang cellphone. Nakita ko ang imahe niya mula doon. Nakangiti siya at hindi gumagalaw. 

Pinindot ko ang buton pero parang walang nangyari. “Done. But nothing happened,” sabi ko. 

“Let me see.” Tumabi uli si Van sa akin at kinuha ang phone. Pinindot niya ito at nakita ko ang imahe niya kanina. “Nagawa mo naman. Uhm... wait let me just turn the shutter sound on, para may marinig kang tunog. Sign na nakuha mo na ang picture.” He made some few taps on his device  again and then gave it back to me. “Here. Kuhaan mo `ko uli.” 

Umatras uli siya ng bahagya. This time, his face was serious and his arms were crossed while looking at me. Para siyang si Master Reeve kapag nakatingin sa bintana, parang... parang... hindi ko maipaliwanag. Parang mas malakas siya. Parang gano’n. 

“Count to three and then shoot, okay?” sabi niya uli. 

Tumango ako at nagbilang sa isip. One, two, three. Then I tapped on the circle icon again and it made a sound.

“Nice! Isa pa, Saydie,” sabi niya. Biglang naduling ang mga mata niya at inilabas niya ang dila.

Hindi ko naman napigilan ang matawa kaya nanginig nang bahagya ang mga kamay ko. “Again! Again!” sabi ko habang tumatawa at pinindot ko nang sunod-sunod ang buton. 

“You’re so funny, Van.” 

“Oy, Saydie! T-teka, masyado nang marami,” saway niya at lumapit siya sa akin para kunin ang phone. 

“Why? What’s wrong?” kunot-noo kong tanong. 

“Tinadtad mo `ko ng pictures, eh. Mga isa or dalawang shots lang. `Tapos, ibang pose,” protesta ni Van. Umusod pa siya sa tabi ko hanggang sa magdikit na ang mga binti at balikat namin. “Tingnan natin ang mga kuha mo,” sabi niya at bahagyang inilapit sa akin ang cellphone. 

Tuwing pinapadaan niya ang daliri sa harap ng phone, lumilitaw ang mga imahe niyang kinuha ko kanina. “Not bad,” nakangiti niyang sabi. Napangiti rin ako. Patuloy naming tiningnan ang iba’t ibang imahe niya na kuha kanina hanggang sa napunta doon sa imahe ng lalaking kumakain na malaki ang bunganga. Kaya... 

Bigla akong natawa habang lumobo naman ang mga pisngi niya. Ilang saglit pa, isang malakas na halakhak ang kumawala sa kanya. Sabay kaming tumawa. Sa puntong ito, sobrang gaan at saya ng pakiramdam ko. Kaso biglang huminto si Van at bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

“We’re so sorry. Please, kain na kayo uli,” sabi niya sa mga tao sa paligid. Nakatingin pala sila sa amin. Bakit kaya?  

Inalis niya ang kamay sa bibig ko at muling ginamit ang phone. “This is bad, Saydie. Burahin na natin `to,” nakangiti niyang sabi. 

Maybe it was bad. But we, laughing at it, gave a feeling that there was some kind of connection between us. An extraordinary feeling that I can’t really explain.

“Heto... This time, try to take selfies.” Muling ibinigay sa akin ni Van ang kanyang phone.  

Inabot ko iyon at pagtingin doon, nakita ko agad ang sarili ko na parang sa isang salamin. 

“Selfies?”

“Oo. Katulad n’ong ginawa ko kanina bago tayo umalis ng ice skating rink. Ganito, o.” Ginabayan ni Van ang kanang kamay ko na may hawak na cellphone. Inilayo niya sa mukha ko ang cellphone habang nakatutok iyon sa akin. Kita ko na ang imahe ko doon. Pero parang ang lahat ng pandama ko sa katawan ay lumipat sa kamay ko. Ramdam na ramdam ko kasi ang lambot at kinis ng kamay niya. Medyo mainit pa ito at parang nagbibigay ng mabilis na kuryenteng dumaloy papunta sa dibdib ko. 

“`Ayan. Then use your thumb to tap the shoot button to take a picture of yourself,” sabi niya. Nang bitawan niya ang kamay ko, bigla kong naramdaman na parang gusto kong nakahawak lang siya sa kamay ko. 

This feeling... It's weird and illogical but... it feels so good. Is this really what it feels like to be a human? 

“`Tapos, tingin ka sa phone and... smile,” dagdag pa niya. 

Ngumiti nga ako sa harap ng phone kung saan kita ko ang sarili ko. Pinindot ko ang buton. 

“Nice. Ang bilis mo talagang matuto,” sabi uli niya. “Sige pa. Mag-selfie ka lang. Bale kada pindot, dapat iibahin mo `yong ekspresyon at anggulo ng mukha mo. You can go pa-cute, funny, sad, or whatever you want to see yourself as. Masaya din `yang gawin, lalo na kapag wala kang magawa and it builds confidence.” 

“Pa-cute? Funny? Sad? What do you mean, Van? That doesn’t make any sense.” 

“Well, it doesn’t. But like I’ve said, it’s fun,” sagot niya at muling kinuha ang phone. “Never mind. Siguro kapag nasa condo na tayo, saka ko ito ituturo. Nakakahiya kapag sa public place, eh.” 

“Then let’s go back. Gusto kong masubukan,” sabi ko. 

“Okay, okay. Magsi-CR lang ako. Stay here and I’ll be right back.” 

Tumango ako at tumayo naman siya. 

Inilibot ko ang tingin sa paligid. May nakita akong isang lalaki at isang babaeng magkatabi. Mukhang patapos na silang kumain base sa mga tirang pagkain. Nakaakbay ang lalaki at parang isinisiksik naman ng babae ang sarili niya sa kasama. Masaya sila at parang may pinag-uusapan. 

Pinagmasdan ko lang sila at ilang saglit pa, biglang sinubuan ng babae ang lalaki ng isang kutsarang ice cream. `Tapos ay bigla inilang nilapat ang mga labi nila sa isa’t isa na nagdulot naman ng malalakas na pagkabog ng dibdib ko at pag-iinit ng mga pisngi ko. 

Heto na naman. Bakit kaya ganito na naman?

“Saydie, let’s go,” mabilis na sabi ni Van na hindi ko namalayang nakabalik na pala. 

Tila ba nagmamadali siya dahil hinawakan niya ako sa balikat para itayo kahit kaya ko naman. I could even feel a slight force coming from him that was pushing me to start walking. “We have to go,” seryosong sabi niya. 

“What’s wrong?” tanong ko pero hindi niya ako pinansin. Nagmamadali lang kaming lumabas ng restaurant hanggang sa makarating sa sasakyan niya. 

“Sorry. Kinailangan nating umuwi agad. M-may kailangan lang akong gawin na... importante. Tama! But don’t worry may gagawin pa tayo tonight na ikakatuwa mo,” sabi niya pagsakay namin sa kotse. Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa. But he better keep his word that we’d do something fun tonight. 






SA PAGSAPIT ng gabi, pumunta kami ni Van sa rooftop ng condo. Nagdala siya ng dalawang bagay na may bakal at tela, isang box ng ice cream, at dalawang de-boteng inumin.

“Dito ba tayo kakain ng ice cream? Bakit naman?” tanong ko.

Inilatag niya ang bitbit na bakal na may tela at naging upuan ang mga ito. “Basta. Isa `to sa mga paborito kong gawin kapag nag-iisa ako at kapag malungkot.” 

“Bakit malungkot ka ba?” 

Van chuckled and sat on the chair he made. “No. I’m happy. Pero gusto kong maranasan mo rin ito.” 

Sa sinabi niyang `yon, tila ba nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at isang iglap ay tumigil sa pagtibok ang puso ko. Itong pakiramdam na ito... nasasanay na ako... at nagugustuhan ko. 

“Don’t just stand there. Umupo ka na rin dito,” paanyaya niya. “Sige ka, kakainin ko ice cream mo.” 

“Hey, that’s mine!” Umupo ako sa isa pang upuan na nasa tabi niya at agad na inagaw ang isang box ng ice cream. Gamit ang kutsara, agad ko itong tinikman. 

Bukod sa kakaibang pakiramdam na palagi kong nararamdaman kapag kasama ko si Van, ang ice cream ang isa pang pinakamagandang karanasan bilang tao.

“Sit back. I’ll tell them to start the show.” 

“Show?” ulit ko matapos dilaan ang ice cream.

Kinuha ni Van ang phone niya at itinapat iyon sa kanang tainga. “Hello. Si Mr. Chua ito. We’re all set. Please start.” Pagkatapos, itinago na niya ang phone, saka tumingin sa kalangitan. “Saydie, watch the sky.” 

Tumingin naman ako sa kalangitan. Nakita ko ang kayraming mga bituin na para bang mga maliliit na dyamante. Ilang saglit pa... 

May kung anong ilaw ang nanggaling sa ibaba at lumipad paitaas. Kulay-dilaw ito na nagbabaga at nang makarating sa kalangitan... bigla itong pumutok at nagsaboy ng iba’t ibang kulay ng liwanag. Sinundan pa ito ng sunod-sunod pang mga sumasabog na ilaw at nagdulot ito ng malulutong na tunog na parang putok ng baril o kanyon. Pero kay gandang pagmasdan nito dahil sa ibinibigay na liwanag na binabago ang kulay ng kalangitan. 

“Fireworks?” sabi ko. I knew about it. Nakikita ko ito every year kapag sinasalubong ng mga tao ang Bagong Taon. Pero noon, hindi ko alam kung para saan ito, ngayon alam ko na... ang ganda nito sa mga mata at nakakapagbigay ng saya. Napatayo ako sa kinauupuan at hindi ko na napansin ang ice cream. Natuon ang pansin ko sa mga kumakalat, nagsasayaw, at pumuputok-putok na liwanag sa kalangitan. 

“Nice, right?” tanong ni Van.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa panonood. Ang sarap sa pakiramdam at ang saya palang panoorin ng mga ito. Kaya pala gustong-gusto ng mga tao. Tumagal ng ilang minuto ang fireworks display na nag-iwan talaga ng magaan na pakiramdam sa akin. Pero parang nabitin ako nang matapos na. Umupo ako at naghintay. “Wala na?” 

Tumawa nang bahagya si Van. “Sorry gano’n katagal lang ang puwede, eh. Pero nag-enjoy ka naman, hindi ba?” 

Tumango ako at nginitian siya. “Thanks, Van.” 

Ngumiti siya habang nakatitig sa akin. “Walang anuman. Alam mo ba, that was my first time. I mean first time kong gawin ito nang may kasama. Kahit kapatid ko, hindi ko isinasama kapag ginagawa ko ito.”

“Bakit naman?” tanong ko. 

“Kasi... kapag ginagawa ko ito, may problema ako o malungkot ako. But this time... I’m happy kahit konti na lang ang oras ko sa mundo. At gusto kong maranasan mo rin kung gaano kasaya ang manood ng fireworks. Gusto kong masaya ka at sana maging ganito ka rin kasaya kapag naging tao ka na.” 

This guy... ang laki talaga ng ipinagbago niya sa sandaling panahon. Higit sa lahat... siya lang... siya nga lang talaga ang nakakapagdulot ng kakaiba kong nararamdaman sa puso ko. Ang pakiramdam na parang sobrang gaan, pero natataranta. May kakaibang init sa tiyan at sa mukha. At parang gusto ko na laging ganito. 

He said this is love. Is he right? Or is this an effect of the crystal? Hindi ko na maipaliwanag, pero baka kaya niya. Baka kailangan kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. If this is really love, then does it mean that I love him? I think... I really have to tell him. 

Naghikab siya at nag-inat ng mga braso. “The best talaga ang fireworks.” `Tapos ay kinuha niya mula sa sahig ang isang bote. Binuksan ang takip at uminom doon. 

“Van... Please explain. I think this is the only feeling I don't understand. But I know I like it.” 

“Explain what?” tanong niya bago muling uminom. 

“Why do I love you?” 

Bigla niyang naibuga ang iniinom. Nakita kong may likido ring lumabas mula sa butas ng ilong niya. Pagkatapos ay umubo-ubo pa siya habang nagpupunas ng bibig. 

Napakunot-noo ako. Ano kaya’ng nangyari sa kanya?

 “Are you okay?” tanong ko pero bigla na lang akong nakaramdam ng biglaang pag-ihip ng hangin. Paglingon ko sa gawing kanan, nakita ko si Haleina. 

“Senior Grim Saydie.” 

Napatayo ako at humarap sa kanya. “Haleina. Ano’ng ginagawa mo dito?” 

“I’m here to warn you. Isang Death Reaper ang nakadiskubre ng paggamit mo ng crystal para maging tao.” 

What she said sent shivers to my body. “W-who?” 

”I don’t know his name. But he’s coming for you and that guy’s soul.” 
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly