DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 23

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

VAN

NGAYON alam ko na. Mas naiintindihan ko na rin. Kaya pala halos itaya ni Saydie ang sarili sa pagliligtas sa akin ay dahil may misyon siya at may pabuya. At `yon ay ang muli siyang maging tao. Pero... ano kaya’ng hitsura niya kapag naging baby na uli siya at kapag lumaki na siya? I guessed I’d never know. My death was the key to it after all.

Pero sa nalalabi kong sandali, ipapakita ko na lang sa kanya na tama ang desisyon niya. At least, ang pagkamatay ko ay magbubunga pala ng bagong buhay. And I guessed... I finally found my reason in this world.

Paggising ko, naligo at nagbihis agad ako ng pang-alis; black V-neck shirt at blue denim pants, `tapos ay pinaresan ko pa ng white polar fleece hooded jacket, at white sneakers. Pagkagaling kasi namin ni Saydie kahapon sa ampunan, napag-usapan namin na pupunta kami sa ice skating rink ngayon at susubukang mag-skate. Isa kasi `yon sa mga gusto kong subukan noon pa, pero takot akong maging katawa-tawa kapag natumba kaya never kong ginawa. Ngayon wala na akong pakialam. I just want to be happy. 

Paglabas ko ng kuwarto, akala ko nandoon na si Saydie at naghihintay, pero wala siya. 

Jeez! Don’t tell me tulog pa siya? 

Pumasok ako sa kwarto niya at hindi nga ako nagkamali. Tulog pa siya at bahagyang nakanganga pa— pero ibang klase! She still looked so adorable. And she was so... 

What the... Bakit ba parang kusa na lang sa ‘kin ang purihin ang ganda niya? Kailan ba nagsimula ito? Nagkakagusto na nga ba talaga ako sa kanya? Siguro hindi naman at nagagandahan lang talaga ako sa kanya. Pero kung oo, nakakatawa ito. Ako `yong may balak na paibigin siya nang kunwari dati para lang mabuhay pero heto ako. Parang nabaliktad pa yata.  

Kaso hindi pwede. Kahit anong mangyari, dapat hanggang ganito lang kami. Ayokong burahin ni Saydie ang pangalan ko sa libro at pumalya siya sa mission kapag na-in love siya sa ‘kin. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ay kung paano lulubos-lubusin ang natitira kong oras

Lumapit ako kay Saydie at tinapik-tapik siya sa braso. “Saydie, gising na! Aalis na tayo.”

Narinig ko siyang umungol na para bang inis sa paggising ko sa kanya. Tinalikuran niya ako at humarap sa kabilang side ng kama. 

Jeez! Mukhang mas lumalala ang pagiging tao niya. Parang mas gusto pa niyang matulog kaysa magpakasaya. 

“`Oy, Saydie, wake up. Kailangan maaga tayo do’n para konti pa lang mga tao. Magiging laugh trip pa naman tayo mamaya dahil for sure pareho tayong palaging babagsak.” 

Pumunta ako sa kabilang side ng kama kung saan siya nakaharap at niyugyog siya sa braso. “Saydie... Saydie... Wakey, wakey.”

She tsked and then covers her head with a white blanket.  

Jeez! Bakit ba parang antok na antok ang babaeng ito? 

“`Oy, Saydie. Huwag kang madaya. Napag-usapan na natin `to kagabi.” 

“Go away, Van!” 

Bahagya akong napaatras sa gulat. Napakunot-noo ako. I think becoming more human is making her lazy today. Pero hindi `yan puwede sa ‘kin. 

“Anong go away? Who are you? Elsa?” Hinablot ko ang kumot niya pero nakipaghatakan siya. “We’re not gonna... build a snowman. We’re going to... skate!” 

“I want to sleep... more,” hirap niya ring sabi. 

Nagpatuloy ang tug of war namin ng kumot hanggang sa nadaig ng lakas niya ang lakas ko kaya nasama ako sa kumot nang hatakin niya... Napapikit na lang ako nang maramdaman na napaibabaw ako sa kanya. Pinili kong huwag magmulat dahil alam kong ihahagis niya ako o itutulak. Pero makalipas ang ilang saglit, naramdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib. Akala ko galing iyon sa puso ko pero kay Saydie pala galing. 

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita siyang nakapikit. Agad naman akong tumayo at umalis ng kama. “S-sorry, Saydie. H-hindi ko sinasadya.” 

Bumangon naman siya at umupo sa kama habang nakahawak ang isa niyang kamay sa dibdib. Tumingin siya sa akin ng diretso. 

What is she thinking now? 

Napalunok ako. Sa puntong ito, may kutob akong magagalit siya sa ‘kin. It was getting a bit hard to breathe with her stare. I even felt a slight drop of my sweat from the temple of my head. But then she looked away and lay on the bed again. 

“Get out, Van,” mahina niyang sabi.

I didn’t know what got into her but I might need to give her some space. Lumabas ako ng kwarto at naupo na lang sa sofa. 

Ang mga babae talaga mahirap intindihin minsan. Kahit Grim Reaper, gano’n din pala. 

I decided to turn the TV on and let a show run. `Tapos, pumunta ako sa kusina para magluto ng breakfast. Baka kasi gutom lang siya kaya parang wala sa mood. Ano kayang masarap lutuin para sa kanya? 

I ended up making waffles, sunny side-up eggs, and bacons matched with orange juice. Pagkatapos kong magluto, sakto naman na kalalabas lang niya ng kuwarto. Naghihikab pa at nag-iinat. 

I decided to give her a smile at subukan siyang hawaan ng masayang aura. “Good morning! Breakfast is ready. Come and sit para makakain ka na.” 

Tagumpay naman ako. Sa pamamagitan ng mabango kong luto at killer smile, she made a gesture of smelling the food while wearing a wide tight-lipped smile. Umupo siya sa harap ng dining table kung saan ko inilagay ang mga pagkain. Agad niyang hinawakan ang mga kubyertos. 

“Smells delicious,” sabi pa niya. 

“Siyempre naman. Ako ang nagluto, eh,” pagmamayabang ko at umupo na rin. Kumain kami at nagkasundong muli na magpupunta sa ice skating rink. Yes! 





PAGDATING namin sa ice skating rink, may mga sampung tao na roon na nag-i-skate. Mga bata at teenagers. Kami lang ni Saydie ang hindi bata. At ang masama pa doon, lahat sila marunong, kami hindi. Oh no!

Ready na kami ni Saydie. Suot na namin ang mga inarkilang ice skate shoes. Naka-jacket ako habang naka-black long sleeve shirt naman siya. Papunta pa lang sa mismong rink ay ang hirap nang maglakad dahil parang nakatapak ako sa isang manipis na bakal. Nakakanginig pa ng mga tuhod dahil baka bumagsak ako agad kahit wala pa nga sa rink. `Kakahiya ‘yon. 

“Let’s go, Van. Mukhang masaya `to.” 

My heart skipped a beat. Hindi ko namalayan na nasa loob na ng rink si Saydie at nakatayo na sa nagyeyelong sahig. Huminga ako nang malalim at naglakad ng mabilis papunta sa kanya. Hindi ako dapat magpatalo. 

“Sandali.” 

Tagumpay. Hindi ako natumba at isang hakbang na lang nakatapak na rin ako sa nagyeyelong sahig. 

“Do you know how to do this?” tanong ni Saydie. 

“I-I do. Madali lang naman `to, eh,” sagot ko, saka lumunok. Paano nga ba kasi ito? Bahala na. Mukhang madali lang naman ang mag-skate para sa mga bata sa paligid, eh. 

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang itinapak ang isa kong paa sa yelo. Naramdaman ko agad ang dulas kaya naglagay ako ng puwersa sa binti para diinan ang tapak at para tumarak ang blade sa yelo. At tama nga ang theory ko. Isinunod ko ang isa ko pang paa at nagawa kong makatapak sa yelo. Pero agad kong ginamit ang mga kamay ko para magbalanse dahil ramdam ko na malapit na akong madulas o matumba. 

Jeez! This doesn’t look so easy. 

Naisipan kong panoorin ang mga nag-i-skate at pinag-aralan ang mga paa’t binti nila. Ang galaw ng mga binti nila ay parang `yong sa pagpadyak kapag nakasakay sa isang scooter pero salitan nilang ginagawa sa magkabilang paa. `Tapos, kapag nakuha na nila ang pace, saka sila hihinto para magpadulas. Mukhang madali nga lang. 

Tumingin ako kay Saydie. Nakatingin lang siya sa sapatos niya at parang hindi alam ang gagawin. 

“Saydie, panoorin mo sila para malaman mo kung paano.”

Sinunod naman ako ni Saydie. Tiningnan niya ang mga nag-i-skate sa paligid. Tumatango-tango siya na parang naiintindihan na kung paano. As for myself, I should wait for Saydie kung magagawa agad niya para masigurong hindi ako madudulas. Ilang saglit pa, ngumiti si Saydie. “Alam ko na kung paano.”

“T-talaga?”

Hindi na ako pinansin ni Saydie at nagsimula siyang gumalaw. Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang napanganga nang makita siyang mag-skate na akala mo ay isang professional. Sobrang easy lang para sa kanya ng pagpapadulas sa yelo. 

Okay... hindi ako puwedeng magpatalo. Dapat kaya ko rin. 

Tiningnan ko ang mga paa ni Saydie at pinagmasdan kung paano iyon gumalaw hanggang sa bigla siyang umikot-ikot. Pagtingin ko sa mukha niya, nakangiti siya. Sa hindi malamang dahilan, para bang bumagal ang paligid nang mapatitig ako sa mukha niya. She looks so alive and happy. Marahang gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ko kasabay ng pag-iinit ng aking mga pisngi. Ang galing ni Saydie... at ang... ang... ang ganda niya. 

“Yipee! What are you waiting for, Van?” 

Bigla akong natauhan. What just happened? 

“This is really easy,” sabi pa niya habang nagpapadulas gamit ang isang paa lang at nakaangat nang tuwid ang kabilang binti. 

Tuwang-tuwa siya. I was glad it was making her happy. I shook my head and tried to focus. I should start skating, too. After all, this was going to be my first and last. 

Sinubukan kong gayahin kung paano mag-skate si Saydie. At naisip kong bilisan agad. Kumbaga, to learn to swim, I must jump into the water without thinking. Baka ganoon din kapag ice skating. Pero makalipas ang tatlong hakbang, parang lalong naging madulas ang yelo. Sinubukan ng katawan ko na magbalanse kaso... 

“Crap!” 

Imbes na umusad, nadulas ako at napaupo sa nagyeyelong sahig. Mabuti na lang at naka-denim pants ako kaya hindi masyadong masakit. Pero nakita pala ako ni Saydie at pinagtawanan niya ako. 

“You’re so funny, Van.” 

Kainis! Bakit siya ang dali lang niyang natutunan? `Tapos ako, heto bagsak agad. Jeez!

Teka paano nga ba tatayo kung may manipis na bakal sa ilalim ang sapatos mo?  Naaninag kong lumapit sa akin si Saydie. Pagtingala ko... nakangiti niyang iniabot ang kamay sa ‘kin. Nag-init ang mga pisngi ko at naramdaman ko pang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. 

“Take my hand. I’ll teach you,” sabi pa niya.

Humawak naman ako sa kanya at tinulungan niya akong makatayo uli. 

Jeez! Parang ako `yong babae sa nangyari, ah. Ako dapat `yong magtuturo sa kanya. Why is this thing so difficult?

Tumawa ako nang pilit at nagpakumbaba na lang. “Mahirap pala `to. Paano ba?” But at least I can stand now without losing my balance. 

“Just...” Nag-skate si Saydie sa harap ko para ipakita kung paano. “...do this. And then this. Then skate.” 

Napakunot-noo ako. Ang galing nga niyang mag-ice skate pero hindi naman siya marunong magturo. 

“That’s it. Easy, right?” 

Easy daw. Wala nga akong natutunan, eh. Pambihirang Grim Reaper `to. 

Muli akong tumawa nang pilit at napakamot sa sentido. “Oo nga sobra... sobrang hirap.”

Natawa siya. “Nakakatawa ka talaga, Van. Para kang si Kobe.”

“Hey stop! Mas guwapo ako doon, `no.” 

Lumapit uli si Saydie sa ‘kin. Natigilan na lang ako nang muli niyang iabot ang kamay niya. “Let’s skate together. I’ll assist you.” 

Sa puntong iyon, hindi ko na pinansin kung ako `yong parang naging babae at siya `yong machong lalaki na handang umalalay. Ang naisip ko lang... Bakit kaya parang bumait siya sa ‘kin?

Humawak ako sa kamay niya at pinagtiyagaan niya akong turuan. Pero kahit anong turo, bumabagsak pa rin ako kapag binibitawan na niya. 

Kaya nag-skate na lang kami ng magkawahak-kamay at ang saya no’n sa pakiramdam. Pero nang magtagal, nakakangatog din pala ng mga tuhod at umuusok na ang hininga ko sa lamig. Kaya nadulas pa rin ako kahit nakahawak na sa kamay niya pero bago ako sumubsob sa sahig... nagawa kong yumakap sa baywang niya. Napasinghap siya at tila hindi nakagalaw. Hanggang sa... 

“Hi, Miss! I saw you skate earlier and I just want to say na ang galing mo,” sabi ng isang lalaking lumapit sa amin. 

Ngumiti naman si Saydie sa kanya. “Thanks.” 

“Tell me... isa ka bang professional ice skater? Oh, by the way, my name is Jeff,” sabi uli ng lalaki at inalok niyang makipagkamay kay Saydie. 

Nakaramdaman ko ang tila pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Para sa akin, bastos ang lalaking ito para makipagkilala kay Saydie habang kasama niya ako. “Hey, dude! We don’t care who the hell you are. And we’re busy skating. Get lost.” 

Bahagyang tumawa ang lalaki. “Oh? You call your moves skating? Hindi ko alam na bagong style pala ang pagpapadulas gamit ang puwet.” 

“Anong sabi mo?!” Sinubukan kong tumayo ng tuwid at lapitan ang lalaki. Pero agad akong nawalan ng balanse kaya bigla kong tinantiya ang kilos ko. 

Tinawanan lang ako ng lalaki at nag-skate palayo sa amin. 

Pasalamat siya nasa yelo kami kundi... yari siya sa akin. “`Sus! Takot pala `yong gago na ‘yon. Run to your mommy, kid,” bulong ko. 

Samantala nahuli ko namang tila hindi makatingin sa akin si Saydie. Nakangiti siya at napansin kong bahagyang mapula ang mga pisngi niya.

“Van... I want to ask you something.”

“What is it?” 

“Anong tawag o bakit `yong puso ng tao tumitibok nang malakas at mabilis? At nag-iinit pa ang pisngi mo. Tapos parang natataranta pero parang gusto mo. At nangyayari lang ito kapag masaya ka. Saka parang gusto mo na lagi mong nararanasan ito?” 

Huh? Teka… Does she mean may gusto siya o in love siya? At sa lalaking `yon? No way! Ajg bilis naman. But I have to answer her no matter what. 

“Uhm... I think you have a crush on someone or you may have fallen in love.” 

“Love?” ulit niya. 

“Yes. Love. Pero masasabi mo lang na love mo na ang isang tao kapag ayaw mo siyang mawala sa `yo kasi masaya ka kapag kasama mo siya. Magaan ang pakiramdam mo kapag nariyan siya. Malungkot ka kapag malungkot siya. Kapag handa kang gawin ang lahat para sa kanya,” paliwanag ko. “At lahat ng bagay gusto mo sa kanya—even all imperfections.”

Hindi na siya nagsalita at tila iniisip ang mga sinabi ko. Nagulat din ako sa sarili ko. I can’t believe I was able to explain what love is. Pero napansin kong napahawak siya sa dibdib. The thought of maybe she liked that guy or maybe even in love at first sight with that guy made me want to squash his head and I didn’t know why. Kaya hinawakan ko siya sa kamay at inayang mag-skate uli. “C’mon, Saydie, mag-skate na tayo. Now is not the time to think about that.” 

I should sway her from that feeling. Hindi sila bagay ng lalaking ‘yon. Hindi ko siya ka-level pagdating sa kaguwapuhan. Walang-wala iyon sa akin. What am I saying? I’m comparing myself to him for Saydie. Nagseselos ba ko? Am I really… seeing Saydie in a different way?
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly