DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 21

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

VAN


NAHALIKAN ko si Saydie. May tumulak sa akin kaya lumapat ang mga labi ko sa kanya. Ako na isang tao lang at takot na takot sa kanya ay nahalikan siya ngayon. But even if I was scared of her, I couldn’t seem to stop having my lips touch hers. I could have stopped right at the moment I landed, but her lips were so soft and warm. That even a slight move of pressing my lips to hers made my mind blank and time seemed to stop. 

Hindi ko alam kung gaano katagal na nakalapat ang mga labi ko sa kanya pero hindi rin naman siya gumalaw. Biglang pumasok sa isip ko na baka suntukin niya ako kaya bumitaw ako at nagmaang-maangan.  

“S-s-sorry, Saydie. I-I-I didn’t mean to. It was an accident,” natataranta kong katwiran, saka umatras ng tatlong hakbang. 

Pero ang totoo, hindi ko maipaliwanag kung bakit nagustuhan ko ang halik na iyon. Siya naman… Akala ko magagalit siya at titingnan ako nang masama pero hindi. Nanatili lang siyang nakatayo at tulala. She was stunned and it’s making me wonder why. 

Anong nangyari sa kanya? Susugurin ba niya ako sa oras na gumalaw siya? O hindi kaya... nagustuhan din niya ‘yon? 

Iniling ko ang ulo, saka lumapit sa kanya. “Saydie!” 

Nagulat siya sa pagtawag ko at napakurap nang tatlong beses bago tumingin sa akin. “What happened? What was that, Van? Bakit kakaiba ang nararamdaman ko?” 

Mukhang takang-taka siya habang ako naman ay natataranta. 

Ano kaya ang naramdaman niya at bakit gano’n ang naging reaksiyon niya? 

I couldn’t answer her question nor explain what happened. I should sway her. Iginala ko ang tingin sa paligid at nakitang malayo na sa amin si Bruno. Nakita ko ang mga taong nagsasayaw sa gitna. 

“T-that’s nothing,” sagot ko at itinuro ang mga nagsasayaw. “There! Let’s dance!” 

“Dance?” pag-ulit ni Saydie. 

Hinawakan ko siya sa kamay at dinala sa dance floor. Dapat aliwin ko siya para hindi siya magtanong sa nangyari kanina. 

“Saydie, isa ito sa mga ginagawa ng mga tao na lubos na nakakapagpasaya sa amin. Ang tawag dito ay dancing.” Umindak ako sa tugtuging pang-club. I slightly bent my knees and my arms as I swayed left and right to the beat of the music. Sinamahan ko pa ng pagtaas-baba ng mga braso ko na may pagtango. Dapat kasabay sa beat ng kanta at mukhang nag-e-enjoy. “What I’m doing right now is dancing.” 

Napangiti siya habang pinapanood ako. Lalo naman akong ginanahan kaya sinamahan ko ng mga dance move na floss, orange justice, the shoot, at dab. Halos buong pagkabinata ko, nasa club ako at sumasayaw kaya sanay na sanay talaga ang katawan ko sa paghataw kahit pa medyo mabigat ang ice cream costume ko. 

Natawa siya sa ginawa ko. Gumagalaw na nang bahagya ang balikat niya na kasabay sa tugtugin. “What should I do?” nakangiti niyang tanong. 

“Just bust a move and follow the beat,” sabi ko habang sumasayaw. 

“Bust?” pag-ulit niya. “Like busting?” 

Napakunot-noo ako saglit pero tuloy pa rin ang pag-indak sa beat. “Yeah.” 

“Okay... I know what to do,” sabi niya at biglang naging seryoso ang mukha. 

Napangiti ako at na-e-excite makita kung paano sasayaw si Saydie. Pero bigla akong napahinto nang pumormang uupo siya at sa isang iglap... Nakaramdam ako ng matigas na bagay na tumama sa sikmura ko na nakapagpahinto sa akin. Napanganga ako. Pagyuko ko, sinuntok pala ako ni Saydie. Mabuti na lang at puno ng foam ang costume ko kaya hindi masyadong masakit pero pagtingala ko…

“This is busting, Van.” 

Nang makita ko ang nakaamba niyang kamao, agad kong hinarang ang dalawa kong kamay sa mukha. 

“Saydie, no!” mabilis kong sabi, saka pumikit. Inasahan kong susuntukin niya ako pero pagdilat ko, nakasimangot siya at hindi na nakaambang manununtok. 

“Mali ba?”

Jeez! She’s so innocent. Dapat talaga ipinapaliwanag ko nang maigi ang lahat sa kanya. 

“Uhm... yeah,” sagot ko at ngumiti nang pilit. 

“Nasaktan ba kita?”

Her question made my heart skip a beat. Nagsitayuan pa ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ko akalain na tatanungin niya kung nasaktan niya ako. I guess... nagkakaroon na nga talaga siya ng emosyon. 

Umiling ako at ngumiti. Pumunta ako sa likod niya at lakas-loob na hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Saydie, fighting and dancing are different. What you have to do is this...” Kinontrol ko ang mga balikat niya at isinabay sa beat ng tugtugin. Akala ko aangal siya pero hinayaan lang niya ako. Pero bakit dinig ko ang bawat tibok ng puso ko? Kinakabahan ba ako sa takot? Lumunok ako at ibinaling ang atensiyon sa ginagawa ko. “Then look around and tell me what you see.” 

“I see... humans... they are all happy and moving freely,” sagot niya. 

“That’s right. Dancing is about moving freely to the beat but without hurting others, okay?” Tumango siya at bumalik ako sa harap niya. “Pwede mo ring gayahin ang galaw ko at ang galaw nila. Gano’n lang kasimple,” sabi ko at muling sumayaw. 

Luminga si Saydie sa paligid habang may ngiti sa mga labi. Mukhang nage-gets na niya ang mga sinasabi ko. 

Siguro nararamdaman din niya ang saya ng mga tao sa paligid. 

Dahan-dahang humina ang tugtugin kaya napatingin ako sa stage. Hawak ng DJ ang mikropono. “The next one will make you groove into pop! It’s K-Pop! ‘As If It’s Your Last’ by BLACKPINK remix is next on track! DJ Frankenstein! Awwoo!” 

Naghiyawan ang mga tao at muling lumakas ang tugtugin. Pero ang nakapagpapukaw ng aking pansin ay ang pag gaya ni Saydie sa paghiyaw nila na may kasama pang pagtaas ng kamay. 

“Yeah!” 

Nakangiti niyang iginalaw ang balikat at ulo kasabay sa beat ng music. Natulala naman ako sa kanya habang may ngiti rin sa mga labi. Para bang nawala lahat ng tao sa paligid at mukha lang niya ang nakikita ko.  

Ang sarap sa pakiramdam na may napapasaya ako. I thought I knew what I had to do on my last days to come. But for tonight... mag-e-enjoy ako kasama si Saydie. 







TWO DAYS later. Napagdesisyunan ko na i-donate sa mga orphanage ang 80% ng perang minana ko kay Mom. The remaining 15% ay para sa kapatid kong si Kylie if ever na kailanganin niya. At 5% ang iniwan ko sa akin dahil kailangan ko pa rin ng pera hanggang sa huli kong sandali. It was to help Saydie— para maranasan niya ang sarap ng pagiging tao at para may pansuporta ako sa katakawan niya.

Today, isinama ko si Saydie sa isa mga orphanage kung saan ako nag-donate. Narito kami ngayon para mag feeding program. Isinama ko pa sina Kobe at Bea. Si Bea para turuan ang mga bata. Si Kobe naman ay para magbago. The world had enough of bad people like me. Kaya bago ako lumisan, kailangang magbawas ng kahit isang loko-loko. 

“What the hell? Akala ko ba magbabakasyon tayo? Bakit nasa bahay-ampunan tayo?” reklamo ni Kobe pagbaba namin ng sasakyan. “Ano ba’ng gagawin natin dito?”

Natawa ako nang konti dahil umpisa pa lang ng biyahe namin, naka-beach shorts na siya at beach polo na bukas. Kitang-kita ang tiyan niyang mukhang nine months pregnant. I should have told him earlier na hindi kami magbi-beach pero naisip ko na baka mag-back out siya. 

“Feeding program. Isa ito sa mga orphanage na sinusuportahan ko. Believe me. This is better than going to the beach,” nakangiti kong sabi . 

“What?! Kailan ka pa naging benefactor ng orphanage? May sakit ka ba?” kunot-noong tanong niya.

Tinawanan ko lang siya. 

“Tumigil ka nga, Kobe. Van is on the right tracking buhay niya. Mas maganda kung gagaya ka na lang din kaysa nanloloko ka rin ng mga babae,” singit ni Bea na lumapit sa akin. “Van... mukhang good influence itong new girlfriend mo sa `yo, ah. Tahimik siya pero mukhang nabago ka niya. Medyo naiinggit ako,” bulong niya. “But I’m happy for the both of you.” 

Gusto kong sabihin na hindi ko girlfriend si Saydie pero hindi ko rin mae-explain kung bakit kami magkasama sa iisang unit kaya hinayaan ko na lang. Ngumiti ako at napatingin kay Saydie. Tahimik lang siya at nagmamasid sa paligid. Pero bakit parang kusa ko siyang tinitingnan-tingnan? Kahit sa biyahe kanina, napansin ko na panay ang lingon ko sa kanya. Am I starting to like her? Umiling ako. I should not. She’s a Grim Reaper and I about to die. Hindi pwede. 

Naglakad ako palapit sa dalawang babae na nag-aabang sa amin sa harap ng malaking gate ng orphanage. Sinalubong nila kami at sinabing handa na raw ang programa para sa mga bata. 

Pagpasok namin sa isang malawak na kwarto, sinalubong kami ng pagbati ng mga nakangiting bata. Sa tulong ng mga namamalakad sa orphanage, nagsimula ang feeding program. Kami ni Saydie ang nag-abot ng pagkain sa kanila. Sina Bea at Kobe naman ay nagpa-games. 

“Van, parang masarap ang pagkain na `to. Bakit hindi ko puwedeng kainin?” tanong ni Saydie. Sinabihan ko kasi siyang bawal kainin ang ibinibigay namin. Siya kasi ang tagabigay ng pagkain sa mga nakapila at ako naman ang tagasandok. 

“Jeez! Gutom ka na naman ba? Ang dami mo nang nakain kanina, ah,” sagot ko. “Don’t worry kakain uli tayo mamaya pagkatapos nito. For now, mabusog muna tayo sa mga ngiti at pasasalamat nila. Tingnan mo mga ngiti nila, at `yong mga kumakain na. Sarap na sarap sila dahil hindi naman sila araw-araw nakakakain nito. Pero dahil sa atin, may natitikman silang masarap,” dagdag ko pa. “Ngayon ko lang din na-realize, mas masarap pala sa pakiramdam `yong ganito na nakakapagpasaya ka ng iba kaysa sa pansariling kasiyahan. And it’s all thanks to you, Saydie. Isa ka sa mga nagmulat ng mata ko para gawin ito.” 

“I did?” tanong niya habang nakatingin sa mga bata. 

Ngumiti ako at hinawakan siya sa balikat. “Yes, you did. Now serve the food to that young lady,” sabi ko na tinutukoy ang batang babaeng nasa unahan ng pila. 

Napangiti si Saydie at napansin kong namula ang kanyang mga pisngi. Iniabot niya ang platong may pagkain sa bata.

“Thank you po, ate. Ang ganda-ganda niyo po. Bagay kayo ni kuyang pogi,” sabi ng bata. Bigla akong napahinto at nakaramdam ng kaunting pag-iinit ng mga pisngi. Pagtingin ko kay Saydie, maging siya ay nakangiti at namumula. But does she know what that kid means? 

Matapos nilang kumain, ipinagpatuloy namin ang paglalaro sa malawak na bakuran ng orphanage. Sina Bea at Kobe ay nakikipagtaguan sa kanila. Kami naman ni Saydie ay nakikipaglaro ng bola.  

Thank God. This time, Saydie got how the game of catch works at mukhang masaya siya. I wonder what she’s thinking right now. Saka ang sarap sa pakiramdam na makita silang masaya, lalo na si Saydie. Ang laki ng ipinagbago niya mula noong una kaming magkita. Siguro gustong-gusto niya na ang maging tao ngayon. 

What was I thinking? Bakit puro siya ang naiisip ko? This should not be happening. Kung tutuusin, isa siya sa mga naloko kong babae noon dahil naisip ko na paibigin siya kunwari para lang mabuhay. Ano man ang totoong dahilan kung bakit pursigido siya na ihatid ako sa kabilang buhay, dapat kong isaalang-alang `yon para hindi ako tuluyang magkagusto sa kanya at higit sa lahat, hindi rin siya mahulog sa akin. Para hindi siya pumalya sa tungkulin niya. 

“Guys, I need a break! I’m not built for this,” sabi ko nang mapasandal sa isang puno habang naghahabol ng hininga. Napagod ako sa laro pero si Saydie at ang mga bata, game na game pa. 

“You’re so weak, Van,” sabi ni Saydie at nagtawanan naman ang mga bata. 

“Oo na, oo na. Sige na maglaro na kayo. Magre-recharge lang ako,” sagot ko at napaupo na. 
Bigla namang sumulpot si Kobe sa tabi ko paglayo nina Saydie. Sinenyasan niya akong huwag mag-ingay. “Nagtatago ako, Chua boy. Huwag kang maingay, ah.” 

Natawa naman ako nang konte. “Wow. Mukhang nag-e-enjoy ka, ah.” 

Natawa siya nang malakas pero agad ding tinakpan ang bibig. “Hindi ko nga akalain, eh. Masaya rin pala `yong ganito bukod sa pagpa-party. Parang balik sa pagkabata.” 

Muli akong tumawa nang kaunti. “Sabi sa `yo, eh.” 

“Tell me, Van... kaya mo ba ginagawa `to para magpapogi kay Saydie? Magpapakasal ka na ba soon?” 

Nakangiti pero kunot-noong humarap sa kanya. 

“Jeez! Hindi, `no.” Tumingin ako sa mga bata at kay Saydie na naglalaro. “Let’s just say, na-realize ko lang na ang buhay natin ay walang katiyakan. Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundo. Kaya habang may oras, dapat gumawa tayo ng mabuti at hindi kasamaan. Higit sa lahat, dapat hindi sa pansarili at para dapat sa iba. Gets mo?”

“Wow! Parang hindi ang legendary Van Kyle Chua ang kausap ko, ah,” sagot ni Kobe at umiling-iling. “Bigla ka talagang nagbago pero mukhang ayos din `to. I think konting push pa, susunod ako sa yapak mo.”

Natawa uli ako. “Konting push, ha?” Itinulak ko siya paalis sa likod ng puno at itinuro siya. “Kids! Nandito si Kuya Kobe!” 

“Bang, Kuya Kobe!” sabi ng isang batang lalaking nakalapit sa amin. “Ikaw na taya.” 

“What the— Ang daya naman! Ulit, wala iyon. Itinulak ako, eh!” protesta ni Kobe at natawa ako.

Lumayo si Kobe kasama ang mga bata at nagpatuloy sila sa paglalaro. Ako naman, nagpatuloy na magpahinga. Iginala ko ang tingin sa paligid hanggang sa bigla akong may nakitang kakaiba. Isang babaeng nakaitim ang kasuotan ang nakita ko. Katulad ng makeup ni Saydie dati ang itsura ng mukha niya. Papalapit siya sa isang batang babae na nag-iisa. 

Kinutuban ako agad nang masama.

Teka, Grim Reaper ba `yon? Ano’ng gagawin niya? 

Whether she’s a Grim Reaper or not, I have to check on that kid.

Tumakbo ako at iniharang ang aking sarili sa pagitan ng babaeng nakaitim at ng batang babae.

“What do you think you’re doing? Leave her alone!” saway ko.

Tumingin sa akin ang babaeng malamig ang ekspresyon ng mukha. “Sino ka? Bakit mo `ko nakikita?” 

Hindi ako nakasagot. I was terrified by the way she sounded. It reminded me of the first time I saw Saydie. She really is a Grim Reaper.

Kukunin ba niya `yong bata? Hindi pwede. She’s too young to die. 

“Van!”

Agad akong napalingon nang marinig ang boses ni Saydie. Lumapit siya sa tabi ko at hinarap din ang babae. “I’m Saydie, Senior Grim Reaper. State your purpose.”

“I’m Grim Reaper Haleina. I’m here to collect the kid’s soul,” sagot naman nito.

Napalingon ako sa batang babae at agad akong nakaramdam ng awa. Hindi puwedeng kukunin na siya ng Grim Reaper na ito. Masyado pa siyang bata at wala pang pamilyang tumatanggap sa kanya. Hindi pa niya nararanasan ang talagang mabuhay. I have to do something.
NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly