DASH STORIES
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP
  • HOME
  • STORIES
  • Bookmarks
  • ASK ME
  • ABOUT
  • THE AUTHOR
  • PRIVACY POLICY
  • TERMS & CONDITION
  • CONTACT
  • SITEMAP

GDFIL - Chapter 19

☆

6/30/2025

Comments

 

grims do fall in love: till death do us part

VAN


IT HAD been five days since I chose solitude in my new room. Thinking about every wrong things that I have done while regrets consumed my mind. Sana nga dumating na ang araw na mamamatay na ako para pagbayaran ko na ang mga kasalanan ko. O kaya naman… kung may milagro pa— sana magkaroon ako ng kahit konti pang panahon na mabuhay para makahingi ng tawag sa lahat.

Napatawad nga ako ni Paula pero hindi ko mapatawad ang sarili ko. Lalo pang lumala ang nararamdaman ko nang malaman ang resulta ng imbestigasyon. Pinatay niya si Marsha dahil sa ‘kin at pinatay rin niya ang sarili dahil din sa ‘kin. Honestly, halos gusto ko nang magpakamatay, pero tuwing nakikita ko si Saydie, naiisip ko na maghintay na lang sa tamang oras. Hindi ko alam kung ano ba para sa kanya na maihatid ako sa kabilang buhay, pero base sa sakripisyo niya at pagiging pursigido— mukhang sobrang importante niyon para sa kanya. At least sa huling babaeng kasama ko ngayon, magawa kong gumawa ng mabuti.

Saydie had been enjoying herself. Everytime na pumupunta ako sa sala at kusina para kumuha ng kaunting pagkain, naroon lang siya. Kung hindi kumakain, nanonood ng TV. Parang hindi na nga niya ako napapansin dahil abala siya sa panonood. Minsan naririnig ko siyang tumatawa, minsan naman nagagalit, at minsan sinasabihan niya `yong bida sa palabas na umilag or what. May isang beses rin na nakita kong parang nagpupunas siya ng luha nang may nakita siyang aso na namatay sa movie. Mukhang dalang-dala siya sa pinapanood na mga pelikula. 

Ako? Hindi ko na alam ang gagawin. Wala na akong gana at gusto ko lang talaga na dumating na ang araw na sinasabi ni Saydie na ihahatid na niya ako sa kabilang buhay. 

I had been trying to contact all of my ex-girlfriends on social media. Karamihan sa kanila, naka-block na ako. Pero ang iba na hindi, nakausap ko sa phone. Ang iba na ayaw marinig ang boses ko— pinadalhan ko ng mensahe at nag-sorry ako sa kanila. May mga seen lang pero meron namang mga nag-reply at tinanggap ang sorry ko. I wanted to see them and apologize. But I don’t have much time to see them all. Lalo na si Clarice. Takot na takot siya sa akin nang makausap ko. Nakiusap siya na lumayo ako at huwag ko na siyang kausapin. I think hindi ito ang tamang oras, pero hindi naman na magtatagal ang buhay ko kaya kahit gano’n siya—nagpadala pa rin ako ng apology messages.

Ngayon, si Bea naman. Hindi niya alam ang nangyari noong sinaniban sila ni Kobe pero mas mabuting tawagan ko siya. Sana lang ay sagutin niya. 

Matapos ang ilang segundo, sinagot niya ang tawag ko. 

“Hello, Van?” 

“H-hi, Bea. Sorry, naistorbo ba kita?” sagot ko habang nakaupo sa gilid ng kama. 

“Um... I was doing my artwork pero ayos lang. What is it?” Normal lang ang tono niya. Hindi galit at hindi rin masaya. She’s still the Bea I used to know. 

 “I uh... Tumawag ako para mag-sorry sa `yo,” sabi ko, saka bumuntong hininga. 

“Are you okay, Van? You don’t sound like one..”  

“I’m okay, Bea. May mga nangyari lang sa buhay ko at iminulat n’on ang mga mata ko. Naging selfish ako and through my acts, isa ka sa mga nasaktan ko. Kaya... sorry... sorry for everything.” 

Hindi siya sumagot ng ilang segundo at naisip ko na baka pinatay na niya ang tawag. Pero bigla ko siyang narinig na bumuntong-hininga. 

“Oo... nasaktan mo nga ako noon. Pero wala na ‘yon. Gano’n talaga ang buhay, may mga mali tayong decisions pero nasa sa ‘tin na kung paano itatama `yon. Pero masaya ako na naunawaan mo na ang mga mali mo. Kung hindi sana ako devoted na kay Lord, baka nakipagbalikan ako sa `yo. Ang lakas makalalaking-lalaki `yang ginagawa mo na paghingi ng sorry at pag-amin sa mga mali, eh. But whatever happened to us... it’s a thing of the past now, Van. Let’s live a happy life. I can be a friend if you want. Tawag ka lang,” sagot ni Bea.

“Salamat, Bea. Maraming salamat.” I had to end the call right away dahil hindi ko napigilan ang pag-iyak. After all I’ve done to her, she was still kind and understanding. I really didn’t deserve her and them. Nakaka-konsensya. 

Dahil sa bigat ng pakiramdam ko, hindi ko napigilang humagulhol. Sinapo ko ang aking mukha habang tumutulo ang luha. Mabilis na nabasa ng luha ang aking mga palad. Naninikip ang dibdib ko at nanginginig ang mga labi. 

Pero bigla akong natigilan nang may naramdamang dumikit sa aking likod at may pumatong sa balikat ko. Nang alisin ko ang mga palad ko sa aking mukha at lumingon, nakita ko si Saydie na nakayakap sa akin. 

“S-Saydie?” Gulat na gulat ako. Nagtayuan pa ang balahibo ko at bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakayakap sa akin. 

Ano’ng ginagawa niya? Siya ba talaga `to?

“S-Saydie... B-bakit mo `ko niyayakap?”

“I saw you crying. Nakita ko sa mga movies na mabisa raw ito para hindi na umiyak ang isang tao. Okay ka na ba?” 

Parang lumambot ang mabigat kong pakiramdam. I can’t believe she’s doing this to me. Nagpunas ako ng luha at tumango. Bumitaw siya sa pagkakayakap. Hinarap ko siya. 

“Kung hindi ka pa okay, may isa pa akong alam na paraan na napanood ko rin. Kung saan pinapalo ng nakakatanda ang batang iyak nang iyak para tumigil. Gusto mo bang paluin din kita?” 

Napatayo ako agad at napaatras sa kanya. “No, please,” umiling-iling kong sagot. 

Tumawa siya. “You look like the guy in that funny movie.” 

Napakunot-noo ako. “What movie?”

“The Grudge.” 

“What?!” I exclaimed. “That isn’t a funny movie. That’s a scary movie!” 

“Talaga? Nakakatawa, eh,” sagot niya habang seryoso ang ekspresyon.  

Kamot ulo na lang ako. “Jeez! You’re so weird.” Pero parang nawala ang bigat ng pakiramdam ko.  

“Anyway, I am here to check if you are still alive. Don’t ever kill yourself, Van. Understood?” 

Tumango ako. Tumalikod siya para umalis sa kwarto ko. Pero bigla kong naisip na pigilan siya. “Saydie, wait!” 

Huminto naman siya at lumingon. “What?” 

“I just want to ask kung anong makukuha mo kapag nadala mo ang kaluluwa ko sa kabilang buhay? Bakit parang napaka importante sa `yo n’on?”

Hindi siya agad sumagot at nanatiling nakatingin sa ‘kin. Mukhang nag-iisip siya ng sasabihin. Hanggang sa... “I’m a Grim Reaper, Van. And it’s the only thing we know and we do. But it would really help me if you won’t be a stubborn human.” 

Yumuko ako at muling bumigat ang pakiramdam. “Don’t worry. My days of being a bad guy are behind me now.” 

“Eh, bakit nagkukulong ka dito at hindi gumagawa ng mga mabubuting bagay hanggang may oras ka pa?” 

What she said hit me hard right away. Hindi ako nakasagot dahil bigla kong na-realize na tama siya. Masyadong prangka talaga itong si Saydie pero kung iisipin ko… madalas tama siya. 

“Siya nga pala. Bored na ako. Sawa na ako sa movies at kumain ng kung ano-ano. Can we go out? Gusto kong maranasan ang pagiging tao nang mas maigi.” 

Tumingin ako kay Saydie. Hindi na siya nakakatakot tulad ng dati dahil wala na ang makeup niya. Natural na natural ang ganda niya. At napag-isip-isip ko na mas maganda kung sisimulan ko sa kanya ang paggawa ko ng kabutihan sa natitira kong oras. “Okay sige. Magpapalit lang ako ng damit at iisipin ko kung saan kita dadalhin.” 

Nginitian niya ako. “Sige. Hihintayin kita sa labas.” 

Lumabas na siya ng kwarto ko at pumunta naman ako sa harap ng cabinet para magbihis. Hindi ko alam kung bakit pero tumatak bigla sa isip ko ang ngiti niya kaya napangiti rin ako. Abala ako sa pagkuha ng damit nang biglang mag-ring ang phone ko na nasa kama. Pinulot ko ito at sinagot ang tawag. 

“Hello?” 

“Van! My man!” Si Kobe pala. Masigla siya at mukhang wala pa ring kaalam-alam sa nangyari five days ago.

“Hey, Kobe. What’s up?” 

“Long time, no talk, men, ah. Kumusta? Mukhang busy ka yata sa bago mong girlfriend. Kayo pa ba?” tanong niya mula sa kabilang linya. 

Wala pa talaga siyang alam noong sinaniban siya. At oo nga pala, akala niya girlfriend ko si Saydie. 

“Ah oo. Busy ako sa kanya. Ikaw, bro, kumusta?”

“Wow! Bago `yan, ah. Kinamusta mo `ko,” sagot niya at humalakhak. “May bagyo yata? Anyway, nagkasakit ako, Chua boy. Hindi ko nga alam kung bakit pero ang sakit ng panga ko ng ilang araw. Saka iyong katawan ko, parang nalaglag ako na ewan.” 

Bigla kong naalala ang pagliligtas sa akin ni Saydie. Naalala kong nabigyan pala niya si Kobe ng isang uppercut noon kaya bumagsak ito sa sahig. 

Tumawa na lang ako nang kunwari. “Baka nalalag ka sa kama nang hindi mo alam. By the way, bakit ka napatawag? Aalis kasi kami ni Saydie kaya nagmamadali na akong magbihis.” Inipit ko ang phone sa pagitan ng balikat ko at tainga, saka muling kumuha ng damit sa cabinet. Nauna kong nakuha ang denim pants kaya iyon ang una kong isinuot. 

“Wow may date. May costume ka na ba para sa Halloween party ni Roanne bukas?” 

Napakunot-noo lang ako. “Party?”

Narinig ko siyang tumawa nang marahan. “Sabi ko na, eh. Don’t tell me nakalimutan mo? O hindi ka pupunta?”

Oo nga pala. Naalala ko na. Last month, iyong kababata namin ni Kobe na si Roanne ay nag-invite na siya ang magho-host ng Halloween party this year. Bukas na pala ‘yon. So ibig sabihin, kaunti na lang talaga ang natitirang oras ko sa mundo. But I think Saydie would like to go to that party. Para maranasan din niya. 

“Ah oo. Hindi ko nakalimutan. Kaya nga lalabas kami ni Saydie para maghanap ng costume,” palusot ko. Tuluyan ko nang naisuot ang pantalon ko kaya muli kong hinawakan ang phone ko

“Mag-Shrek ka na lang. Mas bagay sa `yo `yon,” natatawang biro ko pa kay Kobe. 

Narinig ko rin siyang tumawa. “Gago! Pero... I think... bagay nga `yon sa akin.” 

Jeez! Don’t tell me seseryosuhin niya ang biro ko? 

“Seryoso ka?” 

“Oo! Nadale mo, my man! Sige kita-kita na lang bukas in my Shrek costume.” Muli siyang humalakhak bago pinatay ang tawag. 

Nagbibiro lang ako pero siniryoso niya. Pero ano nga kayang costume ang maganda? Siguro tatanungin ko si Saydie. Baka may taste siya sa gano’n since lagi siyang naka-black. Naghubad ako ng T-shirt at naghanap ng pamalit pero bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto. 

“Van! Bakit ang tagal—” 

Napalingon ako agad kay Saydie na parang natulala sa akin kaya hindi niya natuloy ang sasabihin. 

“Sorry, nagbibihis lang ako,” paliwanag ko. Bigla siyang tumalikod. Isinuot ko na ang T-shirt ko. Ano kaya’ng nangyari do’n? 





PAGLABAS namin bi Saydie ng condoe, naglakad lang kami papunta sa seaside. May mga establishment and leisure center din naman kasi doon kaya hindi na kami lumayo at gumamit ng sasakyan. 

“Saan tayo pupunta?” tanong niya. 

“Iniisip ko pa, eh. Siya nga pala may party tayong pupuntahan bukas. Okay ba sa `yo `yon?” 

“Party?” pag-ulit niya. 

"Party... it’s an event where friends or people come together to celebrate something. Kumbaga tipon-tipon para magkasiyahan,” sagot ko. 

“Okay. That sounds good. Gusto kong malaman kung anong pakiramdam niyang party.” 

“Ang party bukas ay Halloween party kung saan may sayawan, pagkain, at pagandahan ng costume. Kaya kailangan nating bumili ng costume kasi hindi puwedeng um-attend kapag wala n’on. At nakakatakot dapat ang costume natin or something unique,” paliwanag ko pa. “Ano ang gusto mong costume? Gusto mo ba maging vampire, ghost, or what?” 

“Those aren’t scary. Only Grim Reapers are the best and scary.” 

Well... she was right. Takot na takot nga ako sa kanya noon. “Fair enough. So anong kailangan natin para maging Grim Reaper?”  

“Black clothes. That’s it.” 

“What?! Seriously?” kunot-noo kong reklamo. “Parang wala namang ka-effort-effort ‘yon. Huwag `yon.”

Hindi siya umimik at pinagmasdan lang ang paligid habang naglalakad kami. Napatingin ako sa mga taong nakakasalubong namin at napansing nililingon si Saydie ng mga lalaki. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang puti kasi niya at lalo pang nag-stand out ang kutis niya dahil sa suot na itim na dress. Maikli iyon kaya kitangkita ang legs niyang makinis. Saka hindi na siya mukhang weird dahil hindi na gothic-look ang mukha niya. Kapag tinitigan mo nga si Saydie, mukha siyang artista o parang isang doll. 

Umiling ako agad at ibinaling ang tingin sa daan. Baka mapansin niyang tinitingnan ko siya at baka magalit na naman. 

“How about mag-fairy costume ka? Pwede naman kahit hindi nakakatakot basta naka-costume nang maganda.” 

“Fairy?” ulit niya. 
​
“Fairy...” Ipapaliwanag ko sana sa kanya pero parang hindi ko alam kung paano. “Magagandang nilalang. Basta gano’n. Bagay sa `yo `yon.” 

“Why do you want me to become a fairy?” 

I was caught off guard. Bakit ko nga ba naisip na mag-fairy siya? “I, uh... `cause I love fairies. Noong bata ako, gusto ko ang fairies,” katwiran ko na lang. 

“So that’s how it works, huh? You chose something that you love and I’ll wear it. Is that right?” 

Tumango na lang ako.

“Very well then. If you want me to become a fairy, then I want you to become an ice cream.” 

“What?! No!” protesta ko. 

Napakunot-noo si Saydie pero naisip kong kailangan ko pang ipaliwanag sa kanya ang lahat kaya hindi na lang ako umangal. “Okay fine. I’ll be an ice cream, you’ll be a fairy. Jeez...” 

Ano ba `tong napasok ko? Dapat pala siguro hindi ko na lang sinabi sa kanya na may party bukas at hindi na lang din ako pupunta. Jeez, ano kaya’ng hitsura ko nito bukas? Pero ayos lang. Mukha namang magiging masaya si Saydie do’n.

NEXT CHAPTER
Comments
HOME | ABOUT | CONTACT | THE AUTHOR | PRIVACY POLICY | TERMS & CONDITION | SITEMAP | BOOKMARKS | ASK ME
Proudly powered by Weebly